Chasing

Dumps

First day of school, Senior High School.

Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong kumakanta sa may music room. Maganda ang boses kaya di ko napigilan, napasilip ako at dun kita nakita. Ano kaya pangalan mo? Tumigil ka sa pagkanta, tiningnan mo cellphone mo at tsaka lumabas ng room. 

"Irene Bae!" Sigaw mo.

"Wendy Shon" tugon naman nya.

Ah, yun pala pangalan  mo, Wendy. 

 

Kakatransfer mo lang pala dito sa school namin kaya di familiar yung face mo. Yung kasama mo ngayon familiar na familiar sakin. Classmates na kami since first year, si Joohyun. Bae Joohyun. Masaya kang nagkwekwento sa kanya, sya naman tahimik na nakikinig sayo. Nakatulala na pala ko saya, di ko na napansin itong mga kabarkada ko. Bumalik ako sa ulirat dahil sa pagbatok sakin ni Moonbyul. 

"Hoy Seulgi! Nakatulala ka dyan!" Sabi ni Moonbyul 

"Sino ba yang tinitingnan mo at nakatulala ka. Tutulo na laway mo." Natatawang sabi ni yeri. Habang nakatingin sya kung san ako nakatingin kanina.

"Huh? Wala. Wala." Yun na lang nasabi ko. Tumingin ulit ako sayo tsaka ko naisip bakit Irene ang tawag mo kay Joohyun.. hmm.. 

~ ~ ~

Ilang araw ko ding inisip yun, sa wakas may sagot na din. Bff pala kayo ni Joohyun at yung Irene ang english name nya. Grade school nung magkakilala kayo kaya lang dito na naghighschool si Joohyun pero you keep in touch kaya close pa din kayo hanggang ngayon.  Now, I know. Thank you Solar na friend ni Joohyun, at jowa ni moonbyul.

"Bat mo natanong, Seul? Gusto mo si Wendy?" 

"Huh? Hindi. Curious lang."

"Parang hindi, eh. May iba ka sigurong motibo. Hahaha" natatawang sabi ni byul. Sinamaan ko na lang sya ng tingin.

"Kung gusto mo malaman lahat kay Wendy, si Joohyun kausapin mo." Sabi ni solar. Napaisip ako.

"Hindi naman kailangan." Pero parang gusto ko din. Gusto kitang makilala.

~ ~ ~

May dalawang buwan na kitang classmate pero di pa tayo nakapagusap ng maayos bukod sa "hi" at "hello". Paano ba naman napipipi na ko pag binati mo ko at nakangiti ka pa. Hayy.. Nakatingin na naman ako sa inyo. Ikaw, Joohyun, Solar at Joy. Nagkwekwento ka na naman, tingin mo madaldal ka at masayahin. Nakatulala na naman ako sayo, naalala ko yung angelic voice mo nung first day. Siguro mukhang akong tanga ngayon. 

"Aray!" Binatukan na naman ako ni Byul napahawak ako sa ulo ko. Mukhang magiging bagong hobby na nya yun.

"Kung ako sayo kesa tulaley ka dyan, magpatulong ka na kay joohyun" 

Actually, pinagisipan ko na yun. This is the right time na siguro para magpatulong kay Joohyun. Running for president ng student council si Joohyun sabihin ko na lang na ako na gagawa ng poster nila at tutulong na din sa campaign. Hmm.. bahala na siguro.

~ ~ ~

"Joohyun" tawag ko. Kakalabas lang nya ng room, nagmeeting yata sila

"Hi. Seulgi. Bat andito ka pa?" Kung hindi kita kilala masasabi kong ang sungit mo naman. Haha pero ganyan ka naman talaga.

"Ah, ano.. k-kasi inaantay t-talaga kita.. k-kasi a-ano, eh.." kinabahan kong sabi di ko na matuloy sasabihin ko. Nautal na. Naisip ko baka mali yata tong gagawin ko. Tinaasan mo na ako ng kilay at mukhang inaantay mo na matapos ko yung sasabihin ko.

"A-ano kasi.." damn it!

"If this is about Wendy, I think alam ko na kung bakit." Natatawa mong sabi.

TEKA! ANO DAW?! PAANO?! Nanlaki ang mata ko at nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. 

"Sinabi ni Solar. Pag lumapit ka sakin, tungkol kay wendy ang pakay mo." Nakangiti ka pa rin. 

Damn Solar! Pero thank you na rin. Huminga na ko ng malalim.

"I want to know more about Wendy. But hindi ko kayang lumapit sa kanya. Nauutal na ko marinig ko palang boses nya." Pag amin ko sa kanya. Natatawa ka na naman, siguro kasi dahil ang bilis ko magsalita.

"I'll help you sa poster and campaign nyo, then help me with Wendy."

"Call." Walang pagdadalawang isip mong sagot at naglakad na palayo sakin. Grabe wala man lang "bye."

"Wait! sabay na tayo"

Di ko alam bakit never kitang nakasabay pauwi, eh pareho namang walking distance yung bahay natin sa school at limang bahay lang pagitan ng bahay natin. Malapit na tayo sa inyo ng bigla kang magsalita.

"Bukas 3:30pm room 11A magstart kami magprepare para sa campaign. Let me see the poster." Huh? Bukas na kaagad ang bilis naman, ni wala pa kong idea sa gagawin ko but I nodded. Pumasok ka na sa inyo at ako naman tumakbo na samin. Gutom na gutom ako. Binusog ko ang sarili ko at hinarap ang laptop ko. This is gonna be a long night.

~ ~ ~

"Seul! Anyareh sayo? Di ka na mukhang oso, naging panda ka na. Hahahaha" natatawang sabi ni yeri. Nagtatawanan din sina byul, hwasa at wheein. Asar!

I made 3 posters kagabi and I finished it at 4am so malamang malaki at maitim ang eyebags ko. 

"I asked joohyun to help me with Wendy, and in return I'll help her sa campaign."

"For Wendy, huh?"

"Yeah" napatungo na ko sa sobrang antok.

Nandito na ko sa labas ng room 11A di ko nakuha number ni joohyun para sana tinext ko na lang sya kung andito na ba sya or what.

"Hi. Seul!" Si Solar. Secretary ng partylist ni Joohyun.

"Hi Solar, hi Joohyun" bati ko sa inyo. "Hindi ka yata hinatid ni byul, solar" 

"May practice. You know vball. Mauna na ko pumasok, ha. Bye" 

"Dala mo yung poster?" Tanong kaagad ni Joohyun. Yun kaagad wala man lang kamustahan? Anyway.. inabot ko sa kanya yung design ng 3 poster.

"Pili na lang kayo. Di ko kasi alam kung ano type nyo, eh"

"Wow! You're good! I think gagamitin na lang namin lahat." Nakangiti ka habang tinitingnan yung mga gawa ko. I feel proud. Tatanong ko na sana kung anong cellphone number mo ng may tumawag sayo. Alam ko yung boses na yun at hindi ako nagkamali papalapit na sya satin. Si Wendy.

"Joohyun, kita na lang tayo mamaya mga 5pm antayin mo ko dito. Sabay tayong umuwi." Mabilis kong sabi at kumaripas na ko ng takbo palayo sa inyo. 

"Sino yun?" Narinig kong sabi ni wendy.

"Wala." Sabi mo naman habang tumatawa bago ako magdisappear sa harap nyo. Hayy.

~

Sa  kakatakbo ko, gym ako dinala ng mga paa ko. Nag-aalisan na mga player, malamang tapos na practice nila. Habol ko ang hininga ko ng may sumigaw sakin.

" Hoy! Seulgi! Anong ginagawa mo dyan?!" 

" Ha... ha..." di ako makasagot hingal na hingal pa ko eh. Next thing I know, binuhusan na ko ng tubig ni byul. Tumatawa pa ang walangya. Pinandilatan ko na sya.

"Water therapy. hahahaha. Ano ba kasing nagyari sayo?" 

"Dinala ko yung poster kay Joohyun, eh biglang dumating si Wendy. Yun tumakbo ako, dito ako napunta"

"Grabe! torpe! Paano ka dadamoves nyan? Hahahaha." di ko na pinansin yung tanong nya.

"Sunduin mo si Solar?" 

"Oo. Alam mo naman matampuhin yun."

"Sama ko. Sabay kami ni Joohyun pauwi."

"I see. For wendy." I nodded. Nahiga ako sa bench at nagpahinga. Grabe pagod ko sa pagtakbo.

~ ~

"Babe" Tawag ni Byul kay Solar ng makita nya. They hugged and byul kissed Solar's cheeks. Naloko na. What am I doing here. aisshh!

"Seul! una na kami, ha." Sabi ni solar. Mukhang magde-date sila.

"Bye Seul! Wag ka tumakbo kung saan saan para di ka nababasa." lokong Moonbyul to. Tumawa na lang si Solar, for sure nabanggit na ni Joohyun yung nangyari kanina. I waved them goodbye at inantay si Joohyun.

"Hi" Bati ko kay joohyun paglabas na paglabas nya ng room.

"Hi. Bat ganyan itsura mo?"

"Si byul kasi. Water therapy daw."

"Para san yung water therapy na yan?" 

"Nakita nya kasing hingan na hingal ako kanina. Di na nga ako makausap." Mukhang alam mo na kung bakit. Tinawanan mo na lang ako. hay

"tara?" pagyaya ko sayo at nagsimula na tayong maglakad pauwi.

"Bakit ka umalis kanina, pinakilala sana kita kay wendy." Sabi mo na may kasamang panloloko.

"Magkakilala naman kami, ah. tsaka alam mo naman pagdating sa kanya olats ako."

"Okay. Okay." 

"Ano pala number mo? Para makapag-usapan natin prepation sa campaign mo." Nakangiti kong sabi habang inaabot yung cellphone ko,

"Dinamay mo pa yung campaign, eh alam ko naman kung ano pakay mo." Natatawa mong sabi. Nang biglang tumunog yung cellphone mo.

"Ako yan. Baka ibang number binigay mo, eh. Naninigurado lang." natawa ka na lang.

"Dito na ko. Bye Seulgi!" Nasa tapat na pala tayo ng bahay nyo. Ang bilis naman.

"Bye!"

"Thank you, seulgi! :)" You texted me. Wala pa naman ako ginagawa bukod sa poster, ah?

"No prob. :)" Yun na lang nareply ko.

~ ~

It's been 2 weeks simula nung ginawa ko yung poster pra sa campaign. Hiindi kinukulit about kay Wendy kasi alam kong busy ka.

"Next week. Start na ng campaign"

"Oo nga. Medyo stressed na kami. Dapat maayos yung platform namin." Napansin ko yung worried face mo. 

" Are you nervous?"

"Yes!" I knew it.

"The Great Bae Joohyun. Campus Sweetheart. Nervous? Really?" I'm teasing you para madistract yung mind mo.

"Are you mocking me?" Natatawa na ko. Tumataas naman yang kilay mo. Cute mo.

"Hinda, ha. Pero I'm positive you"ll win" I smiled at you. "Pero kung matalo ka, okay lang. You're still The Bae. Campus Sweetheart." you hit my arm playfully.

"Hindi. Sira. Kain muna tayo." pagyayaya mo. Sino ba naman ako para tumanggi sa pagkain? hahaha

Nakaupo na tayo at nakaserve na din yung mga inorder natin nung magsimula kang magsalita.

"So about kay wendy.." Napatigil ako sa pagkain. Di ko akalain na io-open mo yung topic. Di ako nagsalita.

"Dalawa silang magkapatid, sya bunso. Both girls. Yung ate nya pharmacist both parents nya businessman. hey. Are you listening?" Pag pansin mo sakin. 

"Oo naman."

"She started singing when she was 5, i guess. Maganda boses nya. Nakakadala. Everyone falls for her when she sings." pagpapatuloy mo pa.

"Yeah. i heard her nung first day."

"Kaya pala gustong gusto mo syang makilala." Di na naman ako nagsalit. Natawa ka na lang.

"Sumasayaw din sya but she's not confident. Di nya gusto yung madaming nakatingin sa kanya pagsumasayaw. Pero she's okay naman pagkumakanta sya. I guess mas  confident talaga sya kumanta." tumunog yung cemmphone mo. Baka hinahanap ka na sa inyo.

"Tara na." Pagyayaya ko sayo at tumayo na sa kinauupuan ko. Tahimik lang tayo habang naglalakad. naghuhum ka pero di ko alam kung ano. Ito na yata yung sinasabi nilang comfortable silence. Nakarating na tayo sa tapat ng bahay nyo. Ako naman, nakangiting naglakad pauwi. May nalaman ako tungkol kay Wendy. hehehe

~ ~ ~

Start na ng campaign. Nakikita ko na yung poster na ginawa ko. Nakakatuwa kasi ginamit nyo talaga lahat. Puro mukha mo yung nakikita ko. Nakahanap na naman ako ng bagong ipang-aasar sayo. Busy week ngayon irregular yung classes. Nakita ko byul nagdidikit ng poster ni Solar. Stage girlfriend ang peg.

"Seul! Tulungan mo ko dito." sabi mo nung nakita mo ko. 

"Kaya mo yan! para sa girlfriend mo." Natatawa kong sabi at tinapik na lang sya sa balikat. Paalis na ko nung my sinabi siya.

"Kala ko ba tutulungan mo si Joohyun? Grabe ka!" oh, that. Pero puro si solar lang naman yung poster na meron sya..

Dun ako nagkamali.

"Hayan! Si Joohyun yan." Binigay nya yung poster ni joohyun at yung ibang poster na gawa ko for the whole partylist. I texted her.

"Break a neck :)"

" thanks!"

"Sabay tayo umuwi." Hindi ko na inantay yung reply nya. Sumunod na ko kay Byul.

Grabe! nakakapagod yung ginawa namin. Buti na lang tumulong din yung tropa.

"Bakit ba natin to ginagawa?" Tanong ni yeri habang pinapaypayan ang sarili gamit yung mga poster.

"Syempre. Tumutulong sa kaibigan. That's what friends are for." Sabi ni Hwasa 

"Anong mapapala nyong dalawa dito?" sabi ni Wheein habang nakaturo sa poster.

"Ako, may kiss kay Solar." Nakangiting sabi ni Byul tumataas baba pa ang kilay. Walangyang Moonbyul to, manyakis talaga. Hahahaha. Nakatingin naman sila sakin, nag-aabang kung ano rason ko.

"Info about kay Wendy." I smiled at them.

"Dami ngang info, di naman makalapit." Pangaasar ni yeri

"Tumatakbo pa pag nakikita. Hahaha" Mga loko loko talaga, pinaalala pa. Amf!

"Wag nga kayo! Trust the process." Sabi ko. Pero yung totooo di ko alam yung process na sinasabi ko. Hayyyy. I checked my phone and read Joohyun's reply.

"We'll have a meeting. Baka mga 5pm pa kami matapos."

" Okay lang. I'll wait for you. :)"

"Okay :)"  I think we got closer.

~

"Seulgi!! Sorry. Kanina ka pa?" pagbati mo sakin

"Hindi naman. Sakto lang." Andami mong dala so kinuha ko na yung dala mo sa left hand mo.

"Tara?" you nodded. Nagsimula na tayong maglakad

"Tell me about yourself, Seulgi." Ano daw? Di ako makasagot nakatingin lang ako sa kanya.

"What? Paano kita ilalakad kung wala akong masasabi na maganda tungkol sayo?" Nakataas na naman yung kilay mo. Habit mo ba yan? Pero okay lang. Bagay sayo.

"Ayan na yung bahay nyo. Next time na lang. hahaha." I heard you saying 'daya' pagtapos mong magpaalam.

~ ~ ~

Campaign week's over. 2 weeks din yon at sa 2 weeks na yon lagi tayong magkasama, sabay din tayong umuuwi. So far, madami na kong alam tungkol kay Wendy. Sinabi ko na din kay Joohyun yung mga likes and dislikes ko. Speaking of her, when is she?

Magsstart na yung pagtatally ng votes. Mano mano so for sure matagal to baka nga gabihin na, eh. I texted her.

"Wer e u?"

"Soccer field. Bleachers." I think she's really nervous ang layo ng pinagtatambayan nya. Puntahan ko na nga lang. We got closer and closer each day. 1 month na din simula nung deal namin. Ang bilis! Di ko namalayan masarap kasi syang kasama at kausap. Parang matagal na kaming magkaibigan ni Joohyun, comfortabe na kami sa isa't isa. Bakit di kami naging close nung first year? Napaisip na lang ako.

"Hey! How are you?" Bati ko sayo nung makalapit ako sa bleachers kung san ka naroon. Bumili pala ko nung favorite mong coke at banana chips. Weird ka. Di ko alam kung bagay ba sila. Syempre, alam ko kasi tinanong din kita nung "tell be about yourself."

"Fine." sagot mo pero alam ko naman na kinakabahan ka talaga.

"Don't think too much. Ano ka ba." i playfully bumped your shoulders.

"I can't. I'm nervous." then you shake your hands. Hinawakan ko yung kamay mo to calm you down

"You'll win. 50% positive." binitawan ko yung kamay mo then i gave you a thumbs up.

"What?! So, it's 50/50!" Natatawa na ko sayo. Yung kilay mo tumataas na naman. Sa 1 month natin na magkasama palagi I find it attractive. 

"50 times 2 plus 2. Di pa naman kasi ako tapos." Tumatawa ka na finally. Dun na tayo nagabang ng result. Pinapapanood ko dayo yung vlog ni Yeri na puro kalokohan lang namin ang laman para di ka masyado mag-isip. Nagtext si byul. Pareho natin nakita yung name nya pero di kita yung laman ng message nya. i opened it. 

" May result na." sabi ko sayo. I don't know how to tell you.

"Ano daw?" Di ko maexplain yung tono ng boses mo. I stared at you with a blank expresion.

"I knew it. I lost ano? kaya hindi mo masabi. Alam ko naman... Actually.." May lungkot na sa tono ng boses mo. I can't stand it. so, i interrupted you.

"YOU WON!" sabi ko sayo habang nakangiti sayo at nag-aantay ng reaction mo.

"Yeah.. Talo nga.. what?!" Nagsink in na yata yung sinabi ko. Yung kilay mo naman. Haynako ka Bae Joohyun.

"I said you won! President Bae! Campus Sweetheart!"

"Talaga ba?!" Parang ayaw mo pang maniwala. so, pinakita ko yung text ni byul.

            "Seul! kasama mo si Joohyun? Punta na kayo dito. Siya na President natin. :) Whoohooo!!!"

"I won! yes! yes!" Nagtatalon ka na sa sobrang saya. Kahit ako masaya para sayo. Sobrang saya mo. Napayakap ka na sakin of course I hugged you back. Nagthank ka sakin. Di ko alam bat ka nagthathank you sakin. Pero hayaan na. Masaya ka naman, eh.

~ ~ ~

"Goodmorning! This is your new President, Bae Joohyun! To celebrate our victory, the Student Council will be having a Party on Friday. Please wait for further announcement, we'll post it on the bulletin board. Thank you! Have a good day."

Wow! umagang umaga boses mo na yung naririnig ko. Iba rin.

"Seul!" Tumalikod ko para makita kung sino yung tumawag sakin. Ikaw pala.

"Goodmorning President Bae!" I bowed to her. She playfully hit me.

 "Sira! Wag ka nga! Ready ka na ba sa Friday?"

"Huh?" Anong meron sa friday? Bukod sa party nila?

"Ilalakad na kita kay Wendy. Papakilala kita sa Friday." nagbell na. "Talk to you later. Bye" Nagmamadali kang umalis. Syempre nagbell na, eh. Ako nakatanga pa ring nakatayo sa hallway.

Ano daw? Ipapakilala nya ko kay Wendy? Sa Friday? I'm feeling dizzy. What the heck!

~

Andito ko sa tapat ng Student Council Office inaabangan ko si Jophyun. Di ko pa maabsorb yung sinabi nya sakin kanina.

"Hyun! Anong sinasabi mo? i'm not yet ready!" Yes, i used her nickname.

"Tapos na campaign Seul and you helped me alot. Ngayon, ikaw naman tutulungan ko. Kelan ka pa magiging ready?" Pinagtataasan mo na naman ako ng kilay. hayy.. napahinga na lang ako ng malalim

"Fine! But don't leave me. Baka di ko kayanin mahimatay ako." Natawa ka lang at tinapik ang likod ko.

"Di ko mapapromise. I'll be busy. Alam mo naman Victory party namin yun diba?" Hinawakan ko yung wrist nya at nagmakaawa na samahan nya ko. Syempre nagpacute na din ako baka kako umeffect sa kanya at pumayag sya.

at dun na naman ako nagkamali. Pinitik nya ko sa noo. Aray ko naman. Napahawak ako sa noo ko.

"Para kang bata! Di ko sure okay? You'll be fine. Tara na" Pagyaya mo. Hinawakan mo wrist ko at hinatak na maglakad pauwi.

Oh, God! Sana hindi na mag Friday. Lamunin na lang ako ng lupa. -___-

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet