Chapter 1~

Tagu-taguan
Please Subscribe to read the full chapter

Irene's POV

"Kuya Para po!!" sigaw ko at bumaba ng jeep, napatingin naman ako sa building na nasa harap ko,

"Woooooowwww infernes ang laki" sabi ko sa sarili ko habang tumatango na parang ewan,

Hayyyyyyysssss, Bagong school, Bagong buhay, kinakabahan ako for some reason, pero kaya mo yan! Hwaiting!

Nag simula na kong maglakad papalapit sa school gate, ang lawak! tumingin ako sa paligid ko, may ibang estudyante na nag babasketball sa court, yung iba naman nakikipag chikahan muna sa kaibigan nila, at yung iba parang ako, bagong salpak dito kaya tingin tingin lang, nang lumakad ako sa hallway at patuloy na nag eexplore, 

Napadpad ako sa isang walang laman na room, binuksan ko ang pinto at sumilip, napagtanto ko na walang tao kaya pumasok ako ng dahan dahan at doon  ko narinig na may mga bumubulong, hindi sa pagiging chismosa pero hindi ko sinasadyang lumapit at makinig pa sa kanilang usapan, hanggang sa may matapakan akong bagay na agad namang nakuha ang attention nila,

"Oy sino yun?!" sabi ng isa sakanila, narinig ko na nagsitakbuhan na sila at mukang hinahanap ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may mga yapak akong naririnig papalapit saakin, hinigpitan ko nalang ang hawak ko sa bibig ko at pumikit,

"Huli ka!!" sinigaw niya at napatili naman ako, hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa isang upuan,

"Boss, mukang bago lang dito yan, hindi ko pa nakikita yan dito, pakawalan mo muna" narinig kong binulong ng isa sakanila sa isang lalaking naka leather jacket, leader ata nila yun,

"No, We don't do that here remember?" sinabi niya at tumingin ulit saakin, humugot ako ng lakas para tanungin sila,

"Ano bang kailangan niyo?" natawa naman siya sa sinabi ko,

"Miss, We don't need anything from you, pero may ginawa kang dapat hindi mo ginawa" Na curious naman ako,

"Trespassing Mis-" bago pa niya ituloy kung ano man ang sinasabi niya, may narinig kaming kumalampog malapit sa pintuan, masyadong madilim kaya hindi ko gaanong makita,

"Hoy! Kung ano man yang binabalak niyo, itigil niyo na yan" sinabi ng mala anghel na boses, 

"Uy, si ano ata yun lika na pre" nag mamadaling sabi ng lalaking katabi ng nakaleather jacket, at kumaripas sila sa takbo, tsk tsk tsk duwag naman pala eh, kala mo ang tapang tapang, nako

"Miss?" napaharap naman ako, bigla akong natulala nang makita ko ang napakagandang babae sa harap ko, 

Ang ganda niya....

Sh*t, stop drooling! pero ang ganda niya kasi ehhhhhhh, those monolid eyes, pointy nose, snow white skin, and her rosey soft lips, o my gash, am I in heaven na?

"Ummm... Miss, Ok ka lang?" Muka bang kong ok? haha deh jk lang, Ok na ko, nawala na kasi dahil nakita kita, hehe 

"Ah- Oo, T-thank you" O em ji, bakit ba nag nabubulol ako? 

"Ok, Lika na, malalate na tayo" sinabi niya na lumalakad papunta sa pintuan, 

Tayo?

Did I hear that right?

"Miss, Uy naririnig mo ba ko" she said while waving her hand, 

"Ay sorry" dali dali akong naglakad papunta sa kanya, hinintay ko siyang lumabas pero gumilid lang siya habang tinitignan ako,

"Mauna ka na" sinabi niya, agad naman akong lumabas at hinintay siya, sinara niya ang pinto at nag patuloy na sa paglalakad na parang walang nakita, 

"Hala, hintayin mo ko" nagmadali akong nag lakad, tahimik lang kaming naglakad sa hallway, no one dared to talk, it was a bit awkward habang tumatagal, kaya sumilyap ako ng konti sa kanya, napansin ko na naka hair bun pala siya, how can someone be so cute with just a hair bun?  

"Please Stop looking" Ay shocks nahalata ako, look some where else, look somewhere else, wag kang magpahalata, nag patuloy lang akong sundan siya kahit na hindi ko alam kung saan siya pupunta, why would I even care getting lost kung kasama ko naman siya, haha 

Napansin ko na huminto siya sa isang room,

Room 206

Hala room ko rin toh ah,

Wait don't tell me mag kaklase kami,

Waaaahhhhhh!!!

"Sa tingin ko parehas lang tayo ng room, am I right?" sinabi niya at napatingin saakin, agad namang bumilis ang tibok ng puso ko, 

"Uhhh... Oo nga" 

"Let's go then" sabay pasok sa classroom, wow pati ang classroom malawak, napa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet