Painful Regrets

Painful Regrets

 


"He's the one" Were the words that came out from my mouth when I first saw you that day. Naka black cap ka pa nun, black shirt and maong pants tapos nakaearphones ka pa habang pumapasok sa gate ng school natin. Napakasimple mo lang and yet so appealing. 


Hindi ko alam pero nakuha mo talaga yung attention ko. Ang weird nga kasi napangiti pa ako nung dumaan ka sa harapan ko kaya lang hindi ka naman nakatingin. Pero okay lang kasi hindi naman tayo magkakilala. Transferee lang kasi ako nun kaya hindi ako familiar sa mukha mo at alam kong ikaw din hindi pa familiar sa mukha ko. 

 


Simula nung araw na yun, hindi kana maalis alis sa isip ko and that's really strange. Kahit san ako magpunta I always see you. At napapangiti na naman ako pag naiisip kita. Kaya gumawa na ako ng paraan to know you better. Hanggang sa nalaman ko na nga kung ano yung pangalan mo.

 

"Oh Sehun" Simple Two words that made my heart fluttered. Parang gusto kong sumigaw nun kaya lang naisip ko na nasa loob pala ako ng campus natin at saka wala din naman sa personality ko ang ganun. Nalaman ko din na sikat na sikat ka at madami ding nagkakagusto sayo dahil gwapo ka at mabait daw at saka member ka pa ng isang dance group sa school natin. Nakakainis nga eh kasi ang dami ko palang kaagaw sayo,  pero nakakapagtaka pa ba yun? Hindi naman diba?


Kaya sabi ko sa sarili ko "okay lang yan,  wala ka din namang balak umamin sa kanya eh." Pero hindi naman ibig sabihin nun na pipigilan ko na yung sarili ko na magustuhan ka. Kaya binalewala ko lang lahat ng mga nagkakagusto sayo kahit na binibigyan nila ako ng mga nakakamatay na tingin pag pinapanuod kitang nagpapractice sa stage kasama yung group mo.

 

Naalala ko pa nun habang nanunuod ako sa inyo,  bigla nalang akong nilapitan ng isang grupo ng mga babae at tinulak ng ilang beses ng isa sa kanila. Gusto kong lumaban kaya lang madami syang kasama kaya yumuko nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

 

"Ang landi mo! Sino ka para tingnan si Sehun!? Anong karapatan mo para ngitian sya huh!?" Yan ang mga salitang binitawan nung babae


 

"Hindi ako malandi. At saka sino ako? Ako lang naman yung taong matagal ng gusto ang nag iisang Oh Sehun. Yung taong gagawin lahat mapansin lang nya. Kaya lang hindi ko magawa ng tama kasi may mga taong kagaya mo. At may karapatan ako na ngitian sya kasi hindi mo naman sya pag aari. Kaya sino ka para sabihan ako ng ganyan? " Gustong gusto ko tong sabihin pero hindi ko na nagawa dahil sa takot.

 

Aalis na sana ako nun para matigil na yung gulo pero nagulat ako ng bigla kang pumagitna sa aming dalawa nung babae. Pinagtanggol mo ako sa kanya pati sa mga kasamahan nya hanggang sa umalis na nga sila at naiwan naman ako sayo. Hindi kita matingnan kasi alam kong tutulo lang ng sunud sunod ang mga luha ko. Pero nagpapatawa ata talaga ang tadhana, kasi bigla mong inangat ng dahan dahan yung mukha ko at tiningnan ako ng deretsyo sa mga mata ko. And by that bigla nalang akong naiyak. Kaya naman humakbang na ako para makalayo sayo kasi ayokong nakikita mo akong umiiyak. Pero kasing bilis mo pala ang hangin kung kumilos kasi bigla mo na lang akong hinawakan sa wrist ko. Gulat na gulat ako ng gawin mo yun,  pero mas nagulat ako ng bigla mong pahiran ang mga luha ko gamit ang mga kamay mo. Umatras ako ng konti mula sayo pero lumapit ka uli at bigla mo akong niyakap.

 

"Stop crying, I'm already here." Sabi mo sa akin habang pinapatahan ako sa pag iyak ko. At dahil dun gumaan agad yung pakiramdam ko at alam kong mas nahuhulog pa ako sayo. Nung araw na yun gulung gulo na yung utak ko. Ang dami kong tanong. Nakakabaliw na nga eh kasi lagi akong bumabalik sa eksana natin na yun. At pag naiisip ko yun hindi ko maiwasan na hindi kiligin, pero hindi ko din maiwasan na maguluhan. Gustong gusto kitang kausapin tungkol dun pero wala akong lakas ng loob.

 

Hanggang sa isang araw,  lumapit ka sa akin habang nakaupo ako sa bench sa loob ng soccer field ng school natin. Sobrang kinakabahan pa ako nun pero kinalma ko parin yung sarili ko kasi ayoko ding palampasin yung chance na makita uli kita ng ganun kalapit. 


"May I sit beside you?" Tanong mo agad sakin. Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit gusto mong tumabi sa akin? Eh hindi mo naman ako kilala diba? Hindi din naman tayo magkaklase sa lahat ng subjects kasi magkaiba tayo ng course. At saka ang dami pa namang vacant seats bakit sa tabi ko pa? Dapat ba akong maging masaya?

 


"Ahmm sure" Eto na lang yung nasabi ko sa dami ng gusto kong itanong sayo. Tapos bigla kang ngumiti sa akin. I blinked my eyes in surprised then you laughed at me. Kung hindi ako nagkakamali yun yung first time na nginitian mo ako at tumawa ka sa harap ko sa loob ng 3 months na pag aaral ko sa school natin. Nahihiya ako nun kaya naman nagpaalam na ako sayo pero bigla akong napahinto ng sabihin mong.....

 

"Please stay, Even just for 30 minutes" tiningnan kita at kitang kita ko sa mga mata mo yung sincerity kaya naman kahit medyo awkward para sa akin nagstay parin ako sa tabi mo. Tinanong kita kung bakit tapos sabi mo gusto mo lang ng makakausap. Wala naman akong magawa kundi pumayag sa sinabi mo kasi baka may problema ka at ayokong mag alala ng todo sayo kung sakaling meron man. Hanggang sa nagkwento ka na nga sa akin.

 

Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinasabi mo tungkol dun sa babaeng gusto mo sa school natin. 
Pinagsisisihan ko nga kung bakit pa ako pumayag na magstay sa tabi mo nung oras na yun. Bakit kailangan sa akin mo pa sabihin yun? Hindi mo ba alam na gusto kita? Gustong gusto! Pero ano namang laban ko kung may gusto ka namang iba? 

 


"If you really like her then tell her. Baka pagsisihan mo pa pag hindi mo nasabi sa kanya" kahit na hindi ko gustong ipayo to sayo ginawa ko padin. Sino ba naman ako diba? Natahimik ka bigla ng sabihin ko yun kasabay ng pagtingin mo sa mga mata ko.

 

"Yun na nga yung ginagawa ko ngayon" sagot mo sa akin na ipinagtaka ko agad. Magsasalita na sana ako kaya lang naunahan mo ako at sinabing......

 

"I like you Irene" pagkasabi mo nito nabitawan ko bigla yung hawak kong books. Kilala mo ako!? At hindi lang yun gusto mo din ako!? Totoo ba to? Hindi ako makapaniwala ng sobra. Hanggang sa kinwento mo na nga ng buo sa akin kung pano mo ako nagustuhan. Sabi mo una mo kong nakita nung nakatayo ako malapit sa gate ng school natin. Nakasuot ako ng pants and white sweatshirt nun tapos sabi mo sa akin bigla mo nalang nasabi sa sarili mo na "I think she's the one" napangiti ako kasi yun din yung araw na una kitang nakita at sinabing "he's the one". 

 

Kagaya ko, gumawa ka din pala ng mga paraan para mas makilala pa ako. At sa mga akala ko na hindi mo napapansin yung mga pasimpleng tingin at ngiti ko sayo pag pinapanuod kitang sumasayaw sa  practice nyo lahat pala yun nakita mo at sinabi mo na mas gumagaan yung pakiramdam mo pag tinitingnan kita. Sobrang sarap sa feeling na nalaman ko lahat ng yun mula sayo.

 

Pagkatapos ng pag confess mo sa akin, nagpaalam ka kung pwede mo pa ba akong makilala ng mabuti. Pumayag agad ako kasi ayokong pagsisihan pag humindi ako sayo. 

Hanggang sa unti unti na nga tayong naging close at naging komportable sa isat isa. At dahil dun nanligaw kana sakin. Hindi ko nga maexplain yung feeling na yun eh. Basta ang alam ko lang one of the best feelings yun na naramdaman ko. 


Walang oras na hindi ako masaya pag kasama kita. Yung tipong kahit stress na ako sa studies ko nagagawa ko paring ngumiti 'cause you're always beside me. At dahil dun tuluyan na nga talaga akong nahulog sayo kaya sinagot na din kita. At alam kong isa na yun sa pinakatamang desisyon na ginawa ko sa buhay ko.

 

Naalala ko pa,  tuwang tuwa ka nung araw na yun habang nasa amusement park tayo then you hugged me so tight and whispered "I really love you Irene. I really do." hindi ko napigilang maluha ng marinig ko yun sayo kasi finally tayo na. Finally,  I can call you mine... all mine. And I was very greatful kasi ako yung napili mong mahalin out of those people who like and admire you too much. Thankful din ako 'cause you never let someone hurt me. Lagi mo akong pinoprotektahan kaya feeling ko lagi akong safe pagkasama kita. Grabe! Ang saya talaga natin nun, sobrang saya. 

 


Natatandaan ko pa nga nung 100 days natin bumili ka ng couple ring tapos binigay mo sa akin yung isa habang kumakain tayo sa bahay nyo kasama yung family mo. Even them feel so happy for us that time kahit na new couple palang tayo. At sobrang saya ko din nun dahil nalaman ko na gusto nila ako para sayo. Kulang na nga lang ako na yung mag propose sayo eh kaya lang college palang tayo nun at masyado pa tayong bata for that thing. 

 


Pero nakakatuwa lang isipin na kahit college palang tayo nun napaguusapan na din natin minsan yung marriage. Sabi pa nga natin nun pareho tayong magiipon for our future and for our children's future.  Naalala ko din sabi mo pa sakin ang gusto mong kanta sa kasal natin ay yung 'I Do by 98 degrees'. Sabi mo pa nga mag vovoice lesson ka pa just to sing that song to our wedding habang hinihintay mo ako sa altar. Medyo natawa pa ako nun sayo but eventually got teary eyed. Kasi sobrang sarap sa feeling na ako na yung gusto mong pakasalan.

 

Grabe! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya nung araw na yun. Lalo na nung 1st anniversary natin. You were so sweet and also a very romantic man. Walang oras na hindi mo ako napapasaya at napapakilig. And that time , myself already know who I really want to spend my life forever with. And honestly,  I couldn't imagine how's my life without you kaya sabi ko sa sarili ko hinding hindi kita iiwan. At napanindigan ko yun hanggang sa umabot na nga tayo sa 4th anniversary natin and we were so happy to reach that point. 

 

 

At ngayon.........napapangiti nalang ako sa twing maaalala ko yung mga sweet moments and beautiful memories natin way back when everything's all right. Pero hindi ko din maiwasan na hindi na naman maramdaman yung pain sa twing babalikan ko yung mga ala-ala natin na yun. Those memories are still killing me inside kahit na 3 years na ang lumipas. Oo 3 years, ang tagal na diba? Pero hanggang ngayon mahal pa din kita, sobrang mahal. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng ginawa ko dati. 

 


3 yrs ago kung naaalala mo pa,  that was the time that I broke up with you. Hindi ko gustong mangyari yun pero yun yung alam kong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung pano kita kakausapin, ilang gabi din akong hindi nakatulog kasi iniisip ko yung mararamdaman mo. But I had no choice, my father needed me. He got and needed someone to take care of him in Korea. At wala na syang maaasahan kundi ako lang kasi dalawa nalang naman kami sa buhay. Kaya nagtatrabaho sya ng mabuti sa Korea just to give me an education.


It was really too hard for me to decide that time kung ano naba ang gagawin ko,  hanggang sa naglakas loob na nga ako na kausapin ka. Hindi pa ako masyadong makapagsalita kasi alam ko anytime babagsak na yung mga luha ko pero wala eh,  kailangan ko talagang gawin. 

 


"Let's break up" eto agad ang unang lumabas sa bibig ko habang lakas loob akong nakatingin sa mga mata mo. Hindi ka makapaniwala ng sabihin ko to. Kaya inulit ko uli sayo and my heart really sank when I saw you started crying and begging in front of me. Hindi ko kaya na nakikita kitang nasasaktan kasi mas nasasaktan ako. Pero anong gagawin ko? I really needed to do that. 

 


"Why do you need to leave me?" you asked me still weeping so hard. Hindi ako makasagot kasi alam kong iiyak lang din ako kagaya mo but then you begged me to tell you my reason.

 

So I explained to you, and you hugged me tight and said "Don't break up with me please. We can take care of your dad together. I can go with you, just don't leave me please." Then those words really striked my poor heart and the only word that I could say was Sorry. 


"Stop saying sorry just let me go with you" you insisted. Lumayo ako ng konti sayo at hindi ko na din napigilan na hindi umiyak kasi sa totoo lang hindi ko kinakaya yung sakit na nararamdaman ko. 

 


"Ayokong ikulong mo yung sarili mo sakin Sehun. At hindi din ako papayag na lalayo ka sa family mo just because of me. I know how much you love me and you also know how much I really love you but....we need to let go of each other now. And I am really sorry for doing this" after I said that I broke down. At naramdaman ko nalang ang paghawak mo sa mga kamay ko. 

 

"If that's what you really want, then I'll respect it....Just remember that I'm always here, willing to wait untill you comeback and ready to go back to me again." you said still crying. 

 

I forced a smile on my face and shook my head. 
"Don't wait for me Sehun, kasi hindi ko din alam kung makakabalik pa ba ako o kung kelan ako makakabalik dito. I just want you to be happy coz a man like you really deserves a true happiness. That's why I don't want you to lock up yourself in me." 

 

Pagkatapos ng pag uusap natin umalis na agad ako sa harap mo at tuluyan na ngang lumayo. That time wala na akong ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak kasi alam kong yun na lang ang magagawa ko. I really wanted to stay with you but I couldn't.

 


Nakakatawa lang dahil hanggang ngayon sobrang alam ko pa din lahat ng mga detalye sa mga nangyari sa atin dati. At nakakainis kasi hindi ko na naman mapigilan na hindi maluha pag naalala ko kung pano kita sinaktan at kung pano ko binitawan yung happiness ko sa buhay ko. You were my happiness Sehun and you will always be. 

 


Kung alam mo lang walang oras o araw na hindi kita naiisip simula ng pumunta ako sa Korea para kay papa. Wala ding oras na hindi ako umiiyak at nasasaktan pag naiisip ko yung dating tayo. Pero hindi ako pwedeng maging weak sa harap ni papa. Kasi ayoko syang maapektuhan sa sitwasyon na meron ako. 

But one time he saw me crying so hard beside his bed. I thought he was already sleeping but i was wrong. I tried to wipe my tears and forced a smile but I failed, I really broke down in front of him. Then he held my hand and said......


 "Irene-ah I'm really sorry" kahit hirap syang magsalita pinilit padin nya. 


I shook my head and replied "it's not your fault papa. Please don't feel sorry". 

After that scene my father promised me that he will try his very best to recover quickly so that I can go back to where you are.  Then after 3 years he got fully recovered. And told me to go back in the Philippines, and Look for you. Kasi alam nya kung gano talaga kita namiss at gustong makita. And he also know how much I really love you. Kaya naman sinunod ko yung sinabi nya and convinced him to go with me para mas maaalagaan ko sya then he agreed. 

 


At ngayon nandito na nga uli ako sa Philippines at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako kasi makikita na uli kita o kakabahan kasi baka hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad. Pero gaya nga ng sabi ni Papa, Kelangan kong harapin at tanggapin kung ano man ang mangyayari pag nagkita tayo. 

 


And now after a week nagdecide na ako na makita ka pero hindi ko sinabi sayo coz I really want to surprise you. Napapangiti na lang ako habang hinihintay kita dito sa lugar na pinagpapraktisan nyo ng group mo. Nabanggit kasi sakin ni Seulgi na pinupursue nyo parin ang pagiging dancers kaya dito na ako dumeretsyo. 


Nakita na kitang lumabas ng building kaya naman nilapitan kita agad at nagulat ka ng bigla mo akong nakita sa harapan mo. 


"Irene?" Parang bigla kitang gustong yakapin ng banggitin mo ang pangalan ko. Kasi ang tagal kong hindi narinig yan sayo, at ang tagal ko ding hinintay na marinig uli yan sayo. But the only thing I can do for now is to just smile at you kahit na medyo awkward kasi 3 yrs. tayong hindi nagkita. Then you smile back and as always, my heart starts beating so fast. Wala talagang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. Hanggang ngayon you can still make my heart flutters like what it was before.

 

Medyo matagal na din tayong nakatingin sa isat isa, so I think i need to break it  "I'm Sorry". I suddenly said coz I know that until now I still need to apologize to you. 

 


"Sorry for what? "

 


"For leaving you,  3 yrs. ago" hindi ko alam kung tama pa ba na sinabi ko to. Pero kasi alam ko na ito yung dapat kong gawin. 

 

"You don't have to. Matagal na yun and I really understand why you did that. Anyway, what brings you here?" you said and put a little smile on your face.


Hindi ko alam pero parang bigla akong nanlamig sa sinabi mo. Matagal na? Pero bakit hanggang ngayon dala dala ko padin lahat ng matagal na yun? 

 

I smile "Ahmmm I just wanted to see you....and" I take a deep breath. Magsasalita na sana uli ako kaya lang may isang babae na biglang lumapit sayo. At nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan yung kamay mo. 

 


"Sorry Hon medyo nalate ako ng dating." at parang bigla na lang huminto tong heartbeat ko ng marinig ko to.....Hon? What does it mean? 

 

"No it's ok. Ahmm by the way,  meet my........Friend,  Irene" 


I was taken a back. Friend? Bakit parang ang sakit naman ata ng marinig ko to sayo?  Bakit parang ang dali lang para sayo na sabihin ang salitang friend sa harapan ko? Eto nalang ba ako ngayon para sayo? 4 years naging tayo, tapos salitang Friend lang ang nasabi mo sa kanya? Alam ko naman na maling mag expect pa ako, pero hindi mo din ako masisisi kasi hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin yung relationship na meron tayo dati. Yung memories na binuo nating pareho. 

 

"Hi Irene. I'm Yeri" Inabot nya sa akin yung kamay nya habang nakangiti kaya naman nakipag shakehands na din ako and smile back kahit na napipilitan lang ako. 

 

"....Sehun's fiance" Dugtong nya kaya naman bigla na lang akong napabitaw sa kamay nya at napatingin agad sayo. And to my surprised nakatingin ka na pala sa akin. And your eyes say it all....You are really feel sorry.


And by that I know I can't do anything more.  Alam ko na ang ibig mong sabihin coz I know you too well at kitang kita ko sa mga mata mo na nakaraan nalang talaga ako para sayo and I already knew that you are more than moved on.  At dahil dito agad ko ng naramdaman na parang sasabog na tong puso ko dahil sa sobrang sakit at alam ko na maluluha na din ako anomang oras. Kaya naman nagpaalam na lang ako sa inyo. At nagdahilan na kelangan ko na ding umalis dahil may aasikauhin pa ako. 

 

At ng medyo nakalayo na nga ako sa inyo ni Yeri bigla nalang akong napaupo sa isang bench at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang sakit!  Sobrang sakit! Gusto kong magalit, gusto kong mainis. Pero wala akong karapatan kasi ako ang dahilan kung bakit nandito ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Ako ang dahilan kung bakit may iba ka ng mahal at sa kanya kana masaya. Ako ang dahilan kung bakit ngayon pinagsisisihan ko na hindi ako naging matapang at matatag para panatilihin yung relationship na meron tayo dati. At dahil sa pagiging mahina ko at pagbitaw ko sayo kaya mo sya nakita, kaya mo sya nakilala, kaya mo sya minahal at kaya mo sya papakasalan. 


Ang laki kong tanga! Kasi dapat ako yun! Dapat ako yung nasa position nya ngayon. Pero lahat ng dapat na yun sinayang ko lang. At lahat ng ito ay pinagsisisihan ko.

 

 

-

THE END

 

------

Hope you liked it kahit na hindi po happy Ending ^_^

Thank you again readers! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet