Ika-1 tsapter
Transferee“..at ‘yon ang dahilan kung bakit pabebe si Maria Clara. Understood? Okay get 1/4 sheet of paper and write quiz #28.”
Maririnig ang malakas at sabay-sabay na pagbuntong hininga ng mga estudyante. Kababalik lamang nila ng eskwelahan noong isang araw at sunud-sunod na agad ang kanilang quizzes.
“Quiz na naman, ma’am? Katatapos lang po natin kanina ah?”
“0 ang score mo o kukuha ka ng papel, Ms.Choi? Sige mamili ka. Madali naman akong kausap.” Masungit na sagot ng kanilang teacher sa Araling Panlipunan at class adviser na si Mrs.Lee.
“Sabi ko nga po, Ma’am. Eto na po kukuha na oh.” Napakamot na lamang ng ulo si Sooyoung. Wala siyang kuto o balakubak. Sino ba namang hindi mapapakamot kung bawat 3 paragraph ng libro na binasa e may quiz agad?
“Ma’am!!!”
“Yes, Ms.Kwon?”
“Sa 1/4 po ba?”
“Subukan mong mag sagot sa 1 whole.”
“Lmao hindi kasi nakikinig. Sa 1/2 daw kasi, tol!”
“Isa ka pa, Ms.Kim! Bakit ba ako napunta sa klase niyo? I didn’t sign up for this. 2nd week pa lang ganiyan na mga ugali niyo. Pag ako nag-walk out, sinong magtuturo sa inyo?” Nakatirik ang mata na lumapit si Mrs. Lee sa kinauupuan nila Yuri at Taeyeon. Iniabot niya ang isang supot ng Bingo cookie sandwich 10 pcs (Vanilla flavor).
“Oh heto para naman mawala init ng ulo ko sa inyo. Ibenta mo ‘yang bingo sa klase. May plus 1 ka kapag naubos mo ‘yan bago matapos period ko.”
“Kung hindi lang talaga malaki hinahara-”
“May sinasabi ka, Ms.Kwon?”
“Ah wala po, Ma’am. Si Taeyeon po kasi ang bingi. May luga na yata, Ma’am! Yak! Halina na po at mag-quiz na tayo. Gustong-gusto ko po talagang nagq-quiz sa klase niyo. Nakaka-excite!”
Tinitigan ng guro ang dalawang estudyante bago bumalik sa harapan at umupo sa kanyang table na may cover ng floral na gift wrapper at plastic cover. Samahan na rin natin ng lalagyan ng chalk at eraser na nakapatong sa ibabaw.
“Unnie, ito po 1/4 oh. Alam ko po kasing wala ulit kayong dala.” Alok ng kanilang kaklase/kaibigan na nakaupo sa katapat nilang wooden arm chair na halatang bagong pintura mul
Comments