Kung Alam Mo Lang Sana

Kung kaya ko lang sana

Monday afternoon. Pinapunta ko si Hae sa rooftop nang school. Inaayos ko ang venue, dito ko aaminin sa kanya ang lahat. Hinintay ko siya mula 4:00PM hanggang 6PM. Nabahala ako, kaya tinext ko na siya, "Pupunta ka pa ba?"., Ngunit di siya nagreply. Sinubukan ko siya tawagan ngunit di siya sumasagot. Hanggang sa napansin kong pagabi na. Pumunta ako sa bahay nila upang tignan kung ayos lang si Hae, subalit sagot ng mama niya wala daw siya dun. Umuwi na lamang ako. Dumeretso ako sa aking kwarto, at doo'y nagmunimuni. Sa di aakalaing pangyayari, tumunog ang cellphone ko, si Hae tumatawag. Dali-dali kong sinagot. "Hae! Ba't di ka pumunta?! May nangyari bang masama sa'yo?! Ano na? Ha?!", ilang segundo din siya bago sumagot, "Hyuk. Layuan mo na ako! Ayaw ko nang magkikita tayo!" bigla siyang sumigaw, ngunit pagkatapos ng ilang minuto narinig ko siya napabuntong-hininga. Ano kayang nangyari sa kanya?! Bakit bila na lang siyang nagkaganun.

The next day, hinanap ko siya agad sa school. At habang naglalakad ako papunta sa class room, nakita ko siya kasama ni HeeChul, isang 'gangster' ng school namin, nakukuha niya lahat ng gusto niya kasi takot ang lahat dahil marunong siyang makipaglaban at wala siyang kinakatakutan, laking gulat ko nang napatungo ako sa baba at nakita kong magkahawak ang kamay nilang dalawa. "Hae. Anong nangyari? Ba't ka nagkakaganyan!?" tanong ko sa kanya. Nakita kong napahigpit ang hawak ni Hee kay Hae. Napasulyap ako sa mata niyang naghihimugsok na maglabas ng luha. "Hae..." tugon ko sa kanya. Bigla na silang umalis, binangga ako ni Hee. "Ano bang nangyayari!? Bakit ganito? Uhh!" sabi ko sa sarili ko.At sa kabilang dako narinig ko mga bulong-bulongan ng ibang estudyante, "Diba si Hee at si Hae na?" "Kawawa naman si EunHyuk." "Di pa ba niya alam?". Mas lalo akong napaisip.

Lumipas ang mga araw na di kami nagpapansinan ni Hae. At nakikita kong mas nagiging sweet sila ni Hee. Sumasakit na lamang ang aking dibdib tuwing nakikita ko sila. Wala naman akong magawa tungkol dito dahil baka mapagbuntungan ako ng galit ni Hee.

Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng text galing kay Hae, "Pumunta ka sa rooftop mamayang 3PM. Magkita tayo.". Hindi na ako nagdalawang isip pa. 1PM pa lang nasa roof top na 'ko. Every passing hour, nagagambala ako kung ano ang sasabihin ni DongHae sa akin. At dumating na nga siya. Tumakbo siya papalit sa akin at niyakap ako.

"EunHyuk. Di ko na talaga kayang labanan pa. Araw-araw sinasaktan niya ako at patuloy na pinapaalala sa akin na layuan kita kundi--" At bigla siyang napatungo sa ibaba at di na muling tinuloy ang sinabi niya. Napansin kong tumutulo na ang luha niya. "Mahal na mahal kita Hyuk. Yan ang laging mong tatandaan ha? Kung ano man mangyari sa'kin pagkatapos neto, wag mo 'ko kakalimutan ha? I love you." matapos ay hinalikan niya ako ng napakatagal. Naging laman ng isipan ko buong gabi ang mga sinabi niyang iyon.

Kinabukasan, excited akong pumasok kasi alam kong okay na kami ulit ni DongHae. Dinaanan ko siya sa bahay nila. Umagaw-pansin sa 'kin ang mga sasakyan ng pulis na pumapaligid sa tapat ng bahay nila. Dali-dali akong tumakbo papunta roon. Tumambad sa'kin ang katawan ni DongHae na duguan at puno ng saksak. Pumunta ako sa katawan niya at humagulgol. "Haeeeeee!" paulit ulit kong sinigaw habang umiiyak. Bigla ko na lamang narinig sa mga pulis, "May nakakita daw sa biktima kagabi na pauwi habang sinusundan ng mga kalalakihan." Matapos kong marinig yun, may nakapa ako sa bulsa niya, yun ay ang kanyang cellphone. Tinignan ko mga messages at nabasa ko sa inbox, galing kay Hee, "Binalaan na kita. Diba't sinabi ko sa'yong huwag ka nang makikipagkita kay EunHyuk?! Binalaan na kita noon, pag nakipagkita ka pang muli kay EunHyuk, papatayin kita!"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
(^^ゞ
imyourfantasy
#2
EH GAGO PALA SI HEE E BAT PAGPIPILITAN NYA SARILI NYA KAY HAE. UGH.
lol ang cute tagalog. :)
sjelf_eunhae #3
Hahaha. Astig! Tagalog! XD
Keep it up! I like your story btw. ^^,