SIYA

Siya

A/N:  This isn't a fanfic or a short story...  

 

Actually, this one is based on my life and love story way back when I was 15 or 16?? I cannot remember when because I do not have a good memory nowadays.  Also, I keep on forgetting things. :(

This story is part of our project before in Filipino that centers the other person as your main character or for short, a second point of view.

Truth be told, I posted this in order to show and appreciate the love that this person gave to me even though we are not that close already.  I hope that in the future we will be okay again,  maybe not as lovers but as friends.  

 

To end my prologue it would be:

"A true relationship is two unperfect people refusing to give up on each other." - a quote that I got from the internet

 


SIYA

 

Siya lang, at siya na nga.  Naging malaking bahagi siya ng buhay ko at nung nakaraan lang, naglaho siya sa akin at iniwan ako sa ere, na parang bulang napakaganda at biglang nawala.  Magandang panaginip, isa ring bangungot na ayaw pang maulit na muli.  Ano nga ba ang pagmamahal kung ito ay iyong ipipinta at ikukwento mula sa mata ng isang umiibig at nagmahal?

 

Natatandaan ko pa nung ina ko siyang nakita sa aming school bus, (Kailangan kong mag-schlol bus, dahil parehong may trabaho ang aking magulang at siyempre wala na silang oras para ihatid pa ako), tila hindi naman siya agaw pansin at wala rin akong pake sa kanya.  Alam naman ng iba na medyo masungit, mataray, at mapili ako sa aking kinakaibigan, ngunit may isang kakaibang ugali akong napansin sa kanya, ang kanyang kabaitan.  Mahilig ako matulog kapag bumabiyahe na ang school bus, pero nangingibabaw pa rin ang kanyang awra at mala-anghel niyang presensya nung nagising ako.  Ewan, basta 'di ko rin alam kung bakit siya naging mabait.  Naramdaman ko lang.  Kahit nang malaman ko na mabait siya, hindi ko pa rin siya kinakausap kasi 'di naman kami magkaklase, o magka-edad, schoolmate lang kami at ayoko namang mapagkamalang feeling close sa ibang tao na kakikilala lang, kaya't hinayaan ko na lang siya.

 

Isang araw, pagkatapos ng aming klase nung Second Year High Scho ako (dismissal time), dumaan ako sa waiting area para hintayin ang aming sundo at nagkataong napatingin din siya kung andiyan na ang aming bus.  Nakita niya akong naglalakad papunta roon at bigla niya na lang akong pinuntahan at nilapitan.  Hindi ko naman akalain na lalapit siya sa akin, dahil hindi nga kami close kahit busmates pa kami.  Nagtanong siya bigla sa akin, "Kilala mo ba si Ate Chris?" At bigla kong naisip na biruin siya, "Bakit? Crush mo noh? Kaklase ko yun. Ikaw ah, HAHAHHHAHAHA." At nagsalita rin ako, "Uy joke lang naman hehe." Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, madalas na kaming nagkukwentuhan at palagi naming sentro ng topic si Chris.

 

Simula nung simpleng kuwentuhan na iyon, kapag nagkikita kami sa school bus tumatabi na siya sa akinat kinakausap ko na dkn, nagkukwentuhan at minsan nagkukulitan.  Hindi nagtagal, unti-unting naging malapit na kami sa isa't-isa, from strangers to friends.  Nalaman ko na may crush pala siya kay Chris.  Nagtataka ako kung anong nagustuhan niya roon sa tomboy na aming kaklase na hindi naman ganun kabaitan o kagandahan.  Kaya palagi ko na siyang tinutukso sa kanya tuwing pinag-uusapan namin yung topic na yun at siya naman kinikilig at medyo defensive.  Palagi niya akong tinatanong kung anong ginagawa niya, kung saan nakapuwesto locker niya, at kung anu-ano pa, nagsimula na akong magduda, magtanong at napagpasyahan kong imbestigahan ang aking kaklase na kanyanh nagugustuhan.  Tinignan ko ng maigi ang bawat kilos ni Camille, ang kanyang pakikisama sa akin at sa mga kaklase ko.  All girls school ito.  Porma niya parang lalaki o tibo. Magaling din siya sa basketball at mayroon siyang girlfriend, 'di ko rin alam kung girl friend o best friend niya ba ito, basta ang alam ko sweet sila sa isa't-isa, hindi lang masyadong pahalata kasi catholic school nga ito.  Siguradong may parusa sa ganitong sitwasyon ay madidisciplinary action din.  Sa aking pag-iimbestiga, charming at medyo macho o lalaki kumilos si Chris, kaya pala niya nagustuhan.  Nahawaan na din ako ng pagkagusto ko kay Chris dahil sa kanya.  Mary nga pala ang pangalan ng kaibigan ko.

 

Hindi ko akalain na darating sa pagkakaibigan at darating din sa mas malalim na ang aking nararamdaman sa kanya.  Mas lalo pa kami naging close sa araw-araw, lalo na tuwing umaga at sa uwian.  Kahit na mas matanda pa ako sa kanya ng tatlong taon, hindi naging hadlang ito sa aming pagkakaibigan.  Hindi ko rin naisip na namimiss ko na siya kahit weekend lang naman ang walang pasok, tapos kinabukasan papasok din namab ulit.  Anong kahibangan at kabaliwan ang dumating sa akin, natatawa na lang ako at ngumingiti na parang baliw!? Iniisip ko ang mga bagay bagay at minabuti ko nang umamin.

 

Sinantabi ko muna ang posibleng panghuhusga ng ibang tao at kumuha ng lakas ng loob para sabihin ito.  Isang araw, pagkababa namin ng school bus, bago magklase,  kinausap ko siya, "May sasabihin ako sa iyo maya-maya." Siya ay nagtaka, "Ano yun?" Ang kanyang sagot. "Basta, mamaya na lang pagkababa natin."  Madali kong pagkasabi sa kanya.  Nang bumababa na kami ng bus, hinila ko ang kamay niya at pumunta kami sa school basement, sa lugar na kung saan tahimik, walang istorbo, at may privacy.  "Uy nahihiya ako eh.  Tatalikod na nga lang ako." Pagkahingal na sabi ko sa kanya.  "Dali na kasi...Ano ba kasi yun?" Nalilitona siya sa akin.  Tumalikod ako at aking sinabi, "I like you" sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at kinakabahan na ako sa kanya kung tatanggapin ba niya ito o babalewalain lang.  Natatakot ako na baka mawala maski ang aming pagkakaibigan at mauwi lang sa wala.  Hindi siya sumagot.  Tumalikod ako at tiningnan ko ang mukha niya.  Walang expression, walang bakas ng kahit anong emosyon at ako naman si tanga, tumakbo na lang bigla sa takot na posibleng pag-reject niya sa akin.  Bigla na lang pumasok ang ulan, kasabay nito bigla na lang tumo anv luha sa mga mata ko habang naglakad ako at tumakbo palayo sa kanya.  Naiwan siya roon na tulala at hindi alam ang gagawin, ni wala akong ideya kung ano ang kanyang naiisip at nararamdaman. Matapos ang tatlong buwan, bigla kaming nagbago ng pakikisama sa isa't-isa.  Naging mailap at nagkaiwasan na kami pero kami magkaibigan pa din naman kami.

 

Pinili ko na lang munang umiwas sa kanya.  Bumaba ako sa aking kinauupuan sa harap ng school bus, at doon dinatnan at kinausap niya ako, "Galit ka ba sa amin? Sa akin? Bakit hindi ka na umuupo sa likod." ang sabi niya sakin.  "Wala, wala yun." Sabay talikod sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko na may halong lungkot sa aking mga mata at pilitna tinatanggal ang aking mga mata at pilit tinatanggal ang aking nararamdaman sa kanya, para hindi na ako masaktan.  Dumating din sa pagkakataon na kinakailangan kong lumipat ng school bus, at doon ay dinatnan at kinausap niya ako, “Galit ka ba sa amin?  Sa akin? Bakit hindi ka na umuupo sa likod”, ang sambit niya sa akin.  “Wala, wala yun.”  Sabay talikod sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko na may halong lungkot sa aking mga mata at pilit na tinatanggal ang aking nararamdaman sa kanya para hindi na ako masaktan.  Dumating sa pagkakataon na kinakailangan kong lumipat ng school bus kasi lilipat na kami ng bahay, at hindi ko na siya makikita at makakausap.  Hanggang sulyap na lang kami sa isa’t-isa kapag breaktime habang dadaan ako papunta sa canteen kasama ang friend ko na aking kaklase.  Bundok at agos ng tubig kung ituturing ko ang aming pagsasama at parang ulan at init na hindi maintindihan kung ano ba talaga, hanggang sa dumating na yung punto na may gusto din pala siya sa akin na kay tagal kong hinintay ng mahigit ilang buwan.  Hindi ko matanggap iyon parang dinaya ako ng panahon at naramdaman ko na masyado ng huli ang lahat.  Naging komplikado ang bagay bagay at hindi ko na matunghayan kung anong estado ang mayroon sa aming dalawa.  Natapos na lang ang lahat sa huli naming pag-aaway dahil kinlaro o kung ano ba talaga kami at bigla niya akong iniwan sa hangin.  Hinintay ko siya ng napakatagal halos tatlong buwang mahigit, ngunit di niya ako kinausap o nagparamdam man lang.  Siguro nga, siya na sana, ngunit hindi, at ito ay tanggap ko na.  Ang pag-ibig ay dapat hindi sinusukuan kung talagang mahal mo ang isang tao.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
meunhae
Not edited! SOON....

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet