Chapter 1 - Shimi shimi Kokobop, I think I like...you

Love Me Again

Shimi shimi kokobop, I think I like it. 🎶

 

Hindi ko gets ‘yung lyrics pero wala akong pakialam. Pasayaw-sayaw kong inaayos ang mga gamit ko papasok ng school. Humuling sulyap ako sa salamin para tignan kung mukhang ready na ako pumasok.

 

Wala akong ibang nasabi kundi, “yeppeo”.

 

Humalik muna ako sa pisngi nila Mama at Papa, na busy sa pag-aalaga sa nakababata kong kapatid, bago tuluyang umalis ng bahay. ‘Pag laki niya, papakilala ko talaga sa kaniya ang EXO para ma-convert.

 

Nakita ko na agad sa may kanto sina Irene at Sehun. Mga best friend ko since highschool. Kahit magkakasama kaming tatlo halatang silang dalawa ang mas close. Pareho kasi silang madaldal at madalas nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Habang ako, nagiging madaldal lang ako ‘pag may dapat pag-usapan at ‘pag ibu-bully ang isa.

 

Irene is a bubbly girl despite of all her insecurities. Feeling niya kasi hindi siya maganda kaya naman she’s doing all means para maging tanggap siya ng society. Nagpapa-derma siya at nag-iinvest talaga sa skincare products.

 

Si Sehun naman, mahilig sa babae. Pero hindi naman niya gini-girlfriend lahat ng magustuhan niya. Torpe kasi siya at may pagka-immature. Isa siyang legit na Korean--he was born in Korea but raised here in the Philippines. Well, he’s undeniably good-looking--oppa levels nga sabi ng iba.

 

Kami talaga ni Irene ang mag-best friend. The three of us just clicked nung summer before 2nd year highschool, nagkasabay kami pauwi ni Sehun, saktong magkikita kami ni Irene tapos ginusto niyang sumama sa amin. Hindi ko nga alam kung anong trip ni Sehun noon eh, naisip ko pa ngang crush niya siguro si Irene pero mukhang hindi naman.

 

Nabigla ako nang hilahin ni Sehun ang earphones ko at ipinasok sa tainga niya. Bakas ang pagkainis sa mukha niya.

 

“‘Yan ka nanaman sa shimi shimi mo!”

 

“Bakit ba?!”

 

“Naiintindihan mo ba ‘yan, ha? Ha?”

 

“Hindi! Bakit ikaw, papasok ka sa Calculus class mo eh naiintindihan mo ba ‘yon, ha? Ha?”

 

Pinitik niya naman nang malakas ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin pati na rin si Irene na tawa nang tawa.

 

“Wala akong choice! Kailangan ko pasukan ‘yon para makapasa!”

 

“Wala rin akong choice! Mahal ko sila!”

 

At ayan nanaman siya sa paarte niyang nasusuka. Akala mo naman kinagwapo niya pagiging hater niya. Akala mo naman hindi niya kalahi mga ‘yon.

 

Natapos lang sila na i-bully ako sa pagiging fangirl ko nang makasakay kami ng tren. At ayon, nagkukwentuhan na sila ulit tungkol sa mga bagay na sila lang ang nagkakaintindihan.

 

“Si Taemin, gags nadulas sa may kiosk sabay sabing ‘O kaya niyo ‘yon’” tawang-tawa si Sehun sa kinuwento niya.

 

“Sayang! Naabutan ko na lang ‘yung part na tumatawa siya habang tumatayo eh.” sagot naman ni Irene. “Ay si Mr. Kim, ‘yung professor natin sa Philo, balita ko magre-retire na.”

 

“Magulat ka kung ‘di pa mag-retire ‘yon.”

 

‘Di ko naman napigilan na matawa sa sagot nitong isa. May point naman kasi siya, ang tanda-tanda na kasi ni Mr. Kim--taas na ng hairline eh.

 

Laging ganoon ang routine namin sa umaga. Magkikita-kita sa kanto ng subdivision para sabay-sabay kaming papasok.

 

Hindi kami pare-parehas ng course--Irene is taking up BS Management; while Sehun’s an Electronics and Communication Engineering major; and I am a Comm student. And, we do make sure na pare-parehas kami ng schedule. Sabay ang oras ng pasok, vacant at uwian!

 

‘Di ko nga alam kung kailan kami magsasawa sa isa’t isa eh.

 

We were having a happy lunch nang mag-ring ang cellphone ni Irene at lumayo sa amin para sagutin ito.

 

Masuri siyang tinitignan ni Sehun. “Sino kaya ‘yon?”

 

Bumabalik nanaman ‘yung hinala ko na may gusto siya kay Irene. “Baka ‘yung ka-something niya.”

 

I’m examining his reaction so I can confirm if my intuition is right. Napatingin siya bigla sa akin, “may ka-something siya?” he almost shouted.

 

“Yeah, pero ‘di siya masiyado nagkukwento para raw hindi ma-jinx.”

 

“Sino? Kilala mo?” Lumipat pa siya ng pwesto at tumabi sa akin.

 

“Ang alam ko lang Jackson ata ang pangalan pero hindi ko pa nami-meet eh.”

 

Maya-maya ay bumalik na rin si Irene. Pinipilit siya ni Sehun na mag-kwento pero ayaw niya. Hmm, hindi naman mukhang nagseselos itong mokong na ‘to. Mukha lang siyang curious. Or baka magaling lang siya umarte? Magaling magtago ng feelings?

 

--

 

Irene posted a photo of the three of us on her Instagram account and that’s when the others started to create rumors about Sehun and I.

 

Ano ba kasing kahina-hinala don? Nasa gitna namin si Sehun na feeling pogi. Katabi niya rin naman si Irene pero bakit sila hindi inaasar?

 

Kaya naman mula noon tuwing kasama ko ‘yang kups na ‘yan, tinutulak ko palayo sa ‘kin.

 

“Ikaw Krizzia, nakakasakit ka na ng feelings ah.”

 

Inirapan ko siya. “Problema mo?”

 

Magkasabay kaming nagaabang ng masasakyan pauwi. ‘Di sumabay si Irene kasi may group meeting pa raw siya for their research paper.

 

“Bakit mo ba ‘ko pinagtutulakan palayo? ‘Di mo ba alam kung gaano ka kaswerte na makasama ako?”

 

Napaatras ako bigla sa sinabi niya. “Woah there. Tindi no’n ah! Lakas mo po.”

 

Tawang-tawa naman siya sabay hila sa akin palapit sa kaniya at akbay. “Alam mo, bayaan mo sila magbigay ng malisya. Basta tayo alam naman natin na wala talaga.”

 

ing . Bakit siya ngumiti sa akin ng ganoon? Dapat hindi siya ngumingiti ng ganoon! Or better kung ‘di na lang siya ngingiti!

 

Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Bwisit ka talaga, Sehun!

 

--

 

Pinakinggan ko naman siya at hindi na ako awkward ‘pag kasama siya. Mas madalas kaming nagkakasama ngayon dahil napaka busy ni Irene--she’s aiming na maging Dean’s Lister kasi.

 

Sehun: Samgyupsal tayo mamaya!

Irene: Guys, may group study kami after class :(

Sehun: Friday naman eh. Dali na.

Irene: Kayo na lang muna :(

Sehun: Lagi na ngang kami ni Krizzia eh. Ganyan ka naman.

Krizzia: Oo nga. Di ka na namin nakikita.

Sehun: Magkaibigan pa ba tayo?

Irene: Grabe siya oh. Alam nyo naman kung bakit di ba?

Sehun: Just for tonight! Hintayin ka namin matapos sa group study niyo.

Irene: Eh kasi…

Sehun: You won’t say no for a free soju, Irene

Irene: Whaaat!!!!

Sehun: Korni si Krizzia, di umiinom eh

Irene: HAHAHAHA

Krizzia: Leche ka talaga

Irene: Hoy wag mo i-BI si Krizzia

Sehun: I’m such a good role model here, you know?

Krizzia: Seen

Irene: Seen

 

Ang ending, hindi pa rin nakasama si Irene. Kaya after class ito diretso kaming 7eleven ni Sehun at badtrip na badtrip ako sa kaniya.

 

“Bakit mo pa kasi ako kailangan daanan sa classroom? Inaasar tuloy nila ako!” reklamo ko pagdating niya dala ang chips at soda na order namin. “Sabing magkita na lang tayo sa gate eh!”

 

“Ano bang masama na sinundo kita ha! Malisyosa lang sila!” sagot niya sabay iritadong kumuha ng damukal na chips at isinubo.

 

“Eh hindi naman kita boyfriend!” At itong mokong na ito, bumuga ba naman sa harap ko. Wow, thanks ah, naligo naman ako kanina hindi niya na kailangan shower-an ang mukha ko.

 

Pinitik niya ng malakas ang noo ko. “Sunduin man kita sa room niyo o hintayin sa gate, magmumukha pa rin akong boyfriend mo! ‘Wag kang shunga!”

 

“Kupal ka talaga!” I groaned. “Nakakainis!”

 

“Affected na affected ka.” Sabay lapit niya sa mukha ko. “Aminin mo, crush mo ‘ko?”

 

Nanlaki ang mata ko at itinulak papalayo ang mukha niya. “Andwae! Never ako magkakagusto sa ‘yo!”

 

“Sus. If I know lagi mong hinahalikan pictures ko sa gabi bago matulog.”

 

Pinaghahampas at pinagsisipa ko siya. “Feeling mo!”

 

“Oo, feeling ko crush mo ‘ko.” At tawang-tawa naman siya sa sagot niya.

 

Masama ang loob ko na kumain kasama siya. Hindi talaga siya nakakatuwa ever. Bakit ba kasi ako pumapayag na kasama siya ‘pag wala si Irene.

 

Nang matapos kami kumain ay nauna akong maglakad sa kaniya.

 

“Kahit mauna ka pa sa ‘kin, iniisip pa rin nilang boyfriend mo ‘ko!” sigaw niya.

 

Nilingon ko siya na may masamang tingin. “Shibal.”

 

He laughed out loud then ran towards me. “Ayaw mo ba talaga sa ‘kin?” and that was when a serious and awkward atmosphere occurred.

 

Why all of a sudden, ganoon ang sasabihin niya...I mean, itatanong niya.

 

Wala akong naisagot hanggang sa maihatid niya ako pauwi.

 

“Bye, Krizzia!” He smiled before I even close the door.

 

“Bye.”

 

Hindi ko alam kung bakit pero nakangiti lang ako hanggang sa makahiga ako sa kama.

 

Ano ba? Totoo ba ‘to? Kinikilig ako? Bakit? Kay Sehun? What. The. Hell.

 

***

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet