Nasaan?

Nasaan?

Maghahanap-Naghahanap-Hinahanap

Nasaan?

Ano nga ba ang para sa akin?

 

Kulang!

Kulang ka pa..

Malawak ang mundo sabi ni nanay.

 

Pero bakit parang napakaliit?

Nangliliit ako.

Ang hirap... 

Paano nga ba makakahanap?

 

Ang mga pagtatanong,

mahirap sagutin.

Nasaan nga ba ang dati?

Kung saan madaling sagutin 

Ang araw-araw.

 

Sabi ng karamihan,

Para ito sa pagbabago.

Pero bakit ang puso 

ng sumusulat 

ay 

naliligaw?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet