The Day You Said Goodnight

Kismet: Drabbles

The Day You Said Goodnight

Authors Note: Please do listen to the song while reading this drabble

 

∞∞∞∞

 

Nagluluto ng hapunan si Kyungsoo sa loob ng unit niya nang bigla niyang maisip si Chanyeol. Kumain na kaya siya? Baka hindi pa? Knowing him, laging nakakalimutan kumain kung hindi pa hahainan ni Kyungsoo. Laging itong nalilipasan ng gutom kaya alalang alala pa din siya sa kanya.

 

Simula nung gabing iparinig ni Kyungsoo ang CD na binigay ni Baekhyun para kay Chanyeol- na mind you, nakasulat ang wedding song nila, ay hindi na sila natutulog sa iisang unit. Magkahiwalay na sila na para bang after how many years ay hindi nila nakasanayang maghati sa iisang kwarto.

 

Nang matapos siyang magluto, naglagay siya ng isang pagkain sa isang bowl para ihatid sa katapat na unit. Pagdating niya sa pintuan ay kumatok ito sabay bukas ng pinto at mahinang tinawag ang may-ari. “Chanyeol? Where are you? I cooked pasta, you might want to eat since you’ve been locked up here the whole day. I just thought you probably hadn’t had any decent food.” Nilapag niya ang pagkain sa dining room at hinanap si Chanyeol. Nakita niya itong nakaupo sa sofa, nakatingin sa malayo at mugtong mugto ang mata- mukhang buong araw na umiiyak.

 

“Hey” mahinang sinabi ni Kyungsoo habang lumalapit kay Chanyeol. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kaniyang kamay sabay sabing “Cmon yeol, let’s eat. You look horrible.” agad namang humihikbi si Chanyeol, parang iiyak na naman ulit ata. “I’m sorry, Soo.” bulong nito. “Stop saying that okay?” agad na kontra ni Kyungsoo. “Let’s just eat. I cooked your favorite pasta. Since you’re leaving tomorrow you wont be able to eat this anytime you want. So do me a favor and eat dinner with me.” Hindi na nakapagsalita si Chanyeol dahil hinihila na siya ni Kyungsoo papuntang kusina para kumain.

 

Pinaupo niya si Chanyeol sa harap ng dining table at pinaghainan pa. Agad namang kinuha ni Chanyeol ang kamay ni Kyungsoo na busyng busy maghanda ng pagkain sa harap niya. “Soo, you dont have to do this.” seryosong sinabi nito. Medyo naaawkwardan at nagguilty si Chanyeol sa ginagawa ni Kyungsoo kaya pilit niyang pinapatigil ito. “No. I want to. Let’s just have one last decent dinner, please? Or if you cant, just pretend that this is one of our most memorable dinner dates. Do this for me. Just like how we used to. For old time’s sake, Yeol. This will be the only thing that i’ll ask from you. Can you at least give me that?” pagkasabi niya ito ay halatang pinipilit na lang ni Kyungsoo na ngumiti sa harap ni Chanyeol. Agad namang natahimik ang kaharap niya sa kinauupuan nito na parang posteng walang buhay.

 

Masakit para sa kaniya ang makitang nasasaktan si Chanyeol dahil alam niyang siya ang dahilan nito. Pero siyempre, ikakaila pa ba niyang mas nasasaktan siya para sa sarili niya? Hindi naman siguro masamang magdamot ng konti kahit para sa nararamdaman niya lang, diba? Dahil sa lahat ng ginawa niya at pagmamahal na ibinuhos niya, sa huli ay hindi rin pala siya ang taong pipiliin ng pinakamamahal niya. Pangako ng pag-ibig na napako.

 

Alam niyang pagkatapos ng gabing ito, magiging huli na para sa kanilang dalawa. Bukas, uuwi na si Chanyeol ng Pilipinas para balikan ang taong sinisigaw ng puso nito. Siguro nga, lulubusin na niya ang huling hapunan nilang dalawa.

 

Hindi makabasag pinggan ang katahimikan habang sila ay kumakain. Hindi na kinaya ni Kyungsoo kaya nauna na siyang magsalita. "Hey, its our last dinner together. Cmon, talk. I'm not used to seeing you like this. You've always been the happy virus in this house, remember?" Ngumiti ng pilit si Chanyeol at maluha luha na sinabing "Soo.... i'm sorry." Agad namang sumagot si Kyungsoo sa kanya "Shh. I dont want any more of your apologies. I said its okay and I forgive you. I understand okay? It ends here." Pagkatapos nun ay nagkwentuhan ang dalawa na parang bukas ay hindi mawawala ang isa.

 

Pagkaligpit ng pinagkainan ay dumiretso si Chanyeol sa kwarto niya para magpahinga. Si Kyungsoo ay magpapaalam na sana para matulog sa unit niya. Tutal, wala na rin naman siyang dapat ilagi dito dahil hello, wala na sila. Syempre hindi naman siya sobrang martyr pa para sabayan hanggang pagtulog ang ex. Pagpasok niya sa kwarto ay nakita niya ang higanteng mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at ngumiti ng matamis at mapait na ngiti-magpapaalam na siya sa huling pagkakataon. Hindi naman makikita o maririnig ni Chanyeol ang mga sasabihin niya diba?

 

"Hey there love. I guess this is it, huh?" mahina siyang natawa dahil mukha siyang ewan na nakikipag usap sa taong walang malay. "Funny how it had to end this way, right? But hey, please know that never in a million years would I regret this decision. I would never regret what we had, in fact I'd thank my lucky stars any way I could for giving you to me- even if its just for a short while. You taught me so much. You taught me how love is supposed to feel like and how its supposed to be. Probably thats the reason why i'm returning the favor and this is my way of doing so- by giving you to the person who's more deserving of your heart. I will always choose you Chanyeol, in a heartbeat it would be you. But destiny wouldn't allow that, will it?" Umiiyak na si Kyungsoo sa puntong ito. Kulang na lang ay magmakaawa siya sa kahit na sino man na patigilin ang oras. Makasarili man ang hiling niya pero masakit para sa kaniyang bitawan si Chanyeol.

 

Umiiyak at natatawa si Kyungsoo sa sarili niya. Mukha siyang ewan habang pinupunasang mga luhang unti unting pumapatak sa kanyang mukha. "Okay enough of this drama. I just wanted to say goodbye to you, big guy. I cant do it when you're awake apparently because i'm a coward. So, for the last time good bye Chanyeol. And I love you. Always have, always will." Nilapit ni Kyungso ang kanyang mukha sa natutulog na lalaki at hinalikan sa noo si Chanyeol.

 

Isa.

 

Dalawa.

 

Tatlo.

 

Sabay bitaw ng labi.

 

Agad niyang tinitigan ang lalaking natutulog sa huling pagkakataon. Tumingin siya sa singsing na kumikinang sa kanyang kaliwang kamay at unti unting tinatanggal ito sa daliri niya. Napapikit siya sandali, tila ba nilalasap ang huling mga sandali kasama ang alaala ng nasira nilang pagmamahalan. Pagdilat niya ay pinatong niya ang singsing sa bedside table ni Chanyeol.

 

Patalikod na siya at papunta sa direksyon ng pintuan ng biglang may kamay na humawak sa kanyang kamay.

 

"Wait." Bulong ng mababang boses sa kanyang likuran.

 

Natigilan si Kyungsoo sa kanyang kinatatayuan pagkarinig nito.

 

“Keep it. Thats yours, Soo. I gave that to you. Heck if you don’t want it anymore, you can even sell it. Just please, don’t give it back to me.”

 

“...”

 

“Use the money to travel. Go take a vacation. We’ve been saving for quite some time and we never really went to our planned vacations and I guess now’s the perfect time. Kyungsoo, you’ve loved me more than I have ever loved you and for that I’m very grateful. So please, do this for me.”

 

Natawa na lang si Kyungsoo sa sinabi ni Chanyeol.

 

“Wh-what? What’s so funny, Soo?” gulat na pagkasabi nito.

 

Tumingin si Kyungsoo sa taong nakatayo na sa likuran niya.

 

“Loved. Funny how I thought it wouldn’t ache anymore.”

 

Naging awkward ang ambiance pagkasabi ni Kyungsoo ng mga salitang iyon at hindi alam ni Chanyeol ang kaniyang sasabihin.

 

“Good night, Kyungsoo.” naghehesitate pa si Chanyeol na sabihin ito.

 

“Good night… Chanyeol.”

 

Pagkabitaw niya ng mga salitang ito, agad siyang nanakbo papalabas ng unit ni Chanyeol, pilit na pinipigilan ang kaniyang mga luha na bumagsak.


∞∞∞∞

cath

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet