Prologue

20 pesos

"Ate biogesic nga"
"Para sa may sakit?"
"Hindi ate,bibigay ko sana sa taong healthy" andito ako ngayon sa may pharmacy,malapit sa campus dorm para bumili ng paracetamol.Binaba ko muna ang daladala kong isang supot ng pagkain na paniguradong magugustuhan niya at kumuha ng bayad para sa binili kong paracetamol.

Inabot ko ang pera,kinuha ang gamot at tumalikod sa counter para tignan ang text message mula kay tzuyu.

Chewieee tzuco:asan ka na ba?? Bilisan mo na please))):

Bat nga uli ang demanding ng mga broken hearted? Nabwiset nanaman ako,naalala ko nanaman na broken hearted nga pala siya.Ilang beses niya ba kasi kailangan magpaka tanga para sa girlfriend niyang tonkatsu eh andito naman ako,andito lang ako.

Dubudubudubu:malapit na :P

Gustuhin ko man maglakad nalang dahil malapit naman na ang dorm ni Tzuyu,naghintay nalang ako ng tricycle.Ibinulsa ko ang aking cellphone at Tiyaka bumunot ng bente pesos sa aking wallet.Puta magpepetsa de peligro nanaman pala ako.

 "Maraming salamat manuel,isa kang bayani" binulungan ko ang bente pesos at tiyaka  ito hinalikan,ngunit ng pagkahalik ko ay may humablot sakin ng bente pesos ko.

"Hoy ibalik mo sakin si Manuel,siya na lang ang natatangi kong bayani saking bulsa!"
"Pahiram muna bente mo ate,pangkain lang"
"Pano nam-"
"Babalik ko naman bente petot mo eh pleaaaase" hindi naman siya mukhang pulubi pero nakakaawa siya.Maliit na babae na may medyo maikling buhok.pang rockstar ang suot niya ngunit ang kanyang mukha ay pang bata batuta.

"Sige na nga kahit wag mo na ibalik"
"Hindi! Babalik ko talaga pramis" sobrang saya niya habang yakap yakap ang  bente pesos ko.Hinablot niya sakin ang supot ngunit di ko ibinigay.

"Uyy bata di pa ba okay bente pesos?di pa ba sapat? San ba ako nagkulang? May mal-"
"Tangeks hahatid lang kita dun oh,mukha namang pareho tayo ng pupuntahan eh"tinuro niya ang dorm building sabay hagikhik ng onti sabay kurot ng pisngi ko.

"Tiyaka anong bata,malaki na kaya ako"
"Di halata eh"
"Cute mo talaga" binitawan niya ang pisngi ko sabay kuha na nga sa hawak hawak ko.Tumango nalang ako at nginitian siya at tiyaka lumakad ng tahimik.Mainit sa pilipinas,given na yun,pero di naman ako nainform na kasing init na ata eto ng impyerno.Di man ako nakatingin sakanya ng direkta ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko nakatingin yung bata sakin.

"May dumi ba ako sa mukha"
"W-wala"
"Ikaw kasi meron" inalis ko ang dumi sa bandang pisngi niya at napatigil naman siya kaya tumigil rin ako.

"Bakit?"
"Wala lang,lika na nga" nakapasok rin kami sa dormitory na may 15 palapag.Sumakay na kami sa elevator habang siya ay nakayuko lamang,inuusisa ang mga binili kong pagkain.Cute siya,mukha siyang bata na naliligaw sa kalye.

"Puro matatamis to ah,mahilig ka sa matamis"
"Ah oo pero para sa kaibigan ko kasi yan" napa ahhh nalang siya at binaba na ang supot.Pagka bukas ng elevator ay hinatid niya narin ako sa tapat ng kwarto nila tzuyu.

"Dito na ako bata,salamat ah"
"Sure ka dito nalang?"
"Malamang,magulat ka kung di ako sure" napakamot naman siya ng ulo sabay bigay ng plastic bag sakin

"Sige bye"
"Babye,tiyaka na yung bente mo ah"
"Sige lang"Kumatok ako sa pinto ni tzuyua.Tinitgnan ko siya habang lumalakad siya papalayo ngunit bago siya lumiko sa hallway ay humarap uli siya saakin.

"Son Chaeyoung,2nd year,Fine Arts.See you when I see you" Sisigaw na sana ako kaso biglang nagbukas ang pinto at hinigit ako ni tzuyu.Di ko siya nahabol dahil nawala naman siya agad sa paningin ko

"Sino yun?"
"A-a yun? Wala yun?" Na weirdohan naman siya sakin sabay yakag nalang sakin paloob

"Lika na"
"Sige" at pumasok na kami ng di man lang ako nakapagpapakilala sakanya 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
X-ZERB_areia
#1
Waiting