Chapter 1

Untitled
Please log in to read the full chapter

 

 

EXO's Agency:

 

Kasalukuyang nasa meeting ang CEO at ang Board Members ng Agency at pinag-uusapan ang lumalalang problema ng grupo... Hindi naman talaga ang buong grupo ang may problema, ilan lang sa mga members nito. Pero tuloy pa rin ang projects ng buong grupo.

                                                                      

                                                                                               EXO OT 9                                                                                                     

Jongdae's POV:

Matagal-tagal na rin mula ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ilan sa members ng grupo at ang Agency namin, pero araw-araw pa rin kaming pumupunta sa agency para mag pactice at ituloy ang mga project na nasimulan na.

Ngayon ay naghahanda kami para sa aming comeback. Nakakalungkot lang dahil hindi na namin makakasama ang ilan sa members ng grupo.

Lunch break na at naisipan naming mag stay na lang muna dito sa cafe sa loob lang din ng building ng agency. Kaya lang limited lang ang pagkaing pwede naming kainin dahil sa strict diet na ibnigay sa amin.

Abala ang mga ka-grupo ko sa kani-kanilang ginagawa, ako naman nakinig lang sa kung ano mang pinag-uusapan nila ng biglang tumunog ang cellphone ko... may tumatawag. Kukunin ko na sana ang cellphone sa bag na dala ko pero bago ko pa yun magawa ay tumigil na ito sa pag tunog.

Pag tingin ko sa screen number lang ang nakita ko.

Sino kaya yung tumawag? Ang mabuti pa tawagan ko na lang 'tong number...

Pero bago ko pa nagawang tumawag ay tinawag na kami ng Manager namin.

 

"Guys, tara na. Practice na ulit," sabi ni Manager Hyung. 

 

Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko at nag dadalawang isip kung tatawagan ko ba yung number o susunod na sa mga ka-grupo ko. Nang bigla na lang may humablot ng cellphone sa kamay ko, pagtingin ko nkita kong hawak ni Baekhyun ang cellphone ko.

 

 "Ano bang tinitingnan mo sa cellphone mo?" tanong ni Baekhyun.

 

"Huh? Uhm... wala lang," sagot ko.

 

"Kung ganon bakit nakatayo ka pa rin dito? Halika na," sabi nya at bahagya akong hinila.

 

 "Huh? Pero kasi..." hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.

 

"Bakit 'tol, may problema ba?" tanong naman ni Xiumin Hyung.

 

 "Wala naman, kaya lang may tumawag kasi sa akin pero hindi ko alam kung sino, wala kasi sya sa contact list ko. Pero may kutob kasi akong importante 'tong tawag na'to, eh," sagot ko.

 

 "Tara na muna," sabi ni Baekhyun habang sinisenyasan kaming sumunod na sa kanya. "Kung talagang importante yong tawag na yon, siguradong tatawag ulit yong taong yon," dagdag pa ni Baek.

 

Naisip ko, tama ang sinabi ni Baekhyun kaya mas minabuti ko na lang na sundin ang sinabi nya. Pumunta na kami sa studio namin para ituloy ang practice namin, hapon na ng matapos kami sa pagpa-practice. Naisipan kong i-check ang phone ko para tingnan kung may message ako. May limang missed calls sa call register ko, pareparehong number lang. Quarter to four ang huling missed call. 

Sino ba kasi 'tong tumatawag na'to? Kanina pa sya tumatawag eh.

I was about to call the number pero...

 

RING...RING...RING!!!

Number lang ulit, masagot na nga.

RING...RIㅡ

 "Hello?"

 (Hello, Young Master Chen.)

 "Secretary Nam?" gulat na tanong ko

 (Ako nga po Young Master.)

 "Kumusta na po? Bakit po kayo napatawag?" 

 (Nalaman kasi ni Mr. Chairman na magkakaroon kayo ng American Tour early next year, kaya naman gusto ka nyang makausap.) 

 "Si Uncle po, tungkol daw po saan?"

 (Mas mabuti kung sa kanya mo na lang malaman.)

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
xieng_0384
hello madlang pipz!..kung meron ngang nagbabasa ng nakakalokong kwentong 'to...
baka pwede namang malaman ang inyong opinyon...
comment lang p kayo..
salamat ng marami!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet