Kabanata 1

Move On Na Raw Siya, Bes?

Unang Kabanata – Ang Sigaw ng Sawi

SPECIAL ANGEL created the chatroom.

SPECIAL ANGEL changed the name of the chatroom to GATHERING PARA SA MGA PUSONG NASAKTAN.

SPECIAL ANGEL added GAMER PAWNS YOU in the chatroom.

SPECIAL ANGEL: Oy guys, may gathering tayo later ah. Ang hindi pumunta, epal.

GAMER PAWNS YOU: Uhm, hyung, ako lang ang in-add mo? At sino ang nasaktan?

SPECIAL ANGEL changed the name of the chatroom to NAGMAMAANG-MAANGAN.

SPECIAL ANGEL: Baka kasi naglalaro ka pa. Inuna na kitang i-add para hindi ka makawala.

MOMO LOVER entered the chatroom.

DARLING U entered the chatroom.

DARLING U: Kakakita ko pa lang ng chatroom name natin, alam ko na kung sino agad eh.

MOMO LOVER: Nakita ko yung mga balikbayan kanina ah! Grabe, hindi kaya ma-inlove ulit yung bunso dun sa isa...

GAMER PAWNS YOU left the chatroom.

SPECIAL ANGEL: Ay ang engot lang po. Umalis tuloy!

MOMO LOVER: Pucha nandito pala siya? Hindi ko alam! Shet! Paano ito? I-delete ko na ba?

DARLING U: Daldal mo kasi, hyung.

SPECIAL ANGEL: Hala siya! Malamang nabasa na niya yun so walang silbi na.

SPECIAL ANGEL: Nasaan na yung iba? Sabi ko mag-online agad ah!

DARLING U: HALA PO TALAGA SIYA. Nakita ko yung pinag-uusapan ninyo naglalaro ng DOTA. Napakanta tuloy ako ng DOTA O Ako, pinagsaraduhan ako ng pinto.

MOMO LOVER: Wala kang pag-asa please.

SPECIAL ANGEL: HAHAHAHA Pero langya nasaan na ba yung iba? Ako na nga mag-a-add.

SPECIAL ANGEL added BLING BLING MONKEY, BLING BLING FISH, and BLING BLING BLING HORSE in the chatroom.

MOMO LOVER: Putspa, ano yan, grupo ng mga mamayamang hayop? Bakit BLING BLING BLING HORSE? Haha!

DARLING U: Siya kasi pinakamayaman, boss.

MOMO LOVER: Grabe po ang pagka-bias ng leader natin. Bakit sila lang ang in-add mo?

BLING BLING MONKEY: Hey wassup!

GAMER PAWNS YOU re-entered the chatroom.

GAMER PAWNS YOU: Wassupin mo mukha mo.

DARLING U: Ako lang ba or nakarinig ako ng kalabog sa kwarto mo? Badtrip ka? Yung totoo?

GAMER PAWNS YOU: May sakit ako.

BLING BLING FISH: Saan, sa puso? Haha!

BLING BLING MONKEY: Baliw, wala namang puso yan eh. Durog na! Hahahaha!

GAMER PAWNS YOU: Kung wala lang akong sakit at nandito kayo ngayong dalawa, makakatikim kayo sa akin!

BLING BLING BLING HORSE: Kahit ako na lang ang tumikim, pwede ba?

MOMO LOVER: Hindi ko akalaing ganyan ang mangyayari sa iyo sa bago mong trabaho, kabayo.

BLING BLING BLING HORSE: Bakit, nagseselos ka? :>

MOMO LOVER: Lul.

DARLING U: Noon pa man, alam mo namang gusto na niya si bunso. Ngunit sadyang isa lang ang tinitibok ng kanyang nag-iisang puso.

GAMER PAWNS YOU: Punyeta. Aalis na talaga ako dito.

SPECIAL ANGEL: Magsitigil, please. Baka umalis ulit yan. Anyway, back to what I was saying about the gathering…

DARLING U: Wala pa po yung iba! Huwag kang excited! Biased ka talaga!

DARLING U added LITTLE GIRAFFE in the chatroom.

BLING BLING MONKEY: Luh, biased ka din pala.

SPECIAL ANGEL added PINAKAPOGI in the chatroom.

PINAKAPOGI: Uh... hello guys.

BLING BLING BLING HORSE: Uy! Hello hyung! Long time no see!

LITTLE GIRAFFE: Dapat magalit ka, hyung! Ikaw pinakapogi, hindi ba?

SPECIAL ANGEL: Back off po.

MOMO LOVER: Luh sila!

SPECIAL ANGEL: Anyway, as I was saying...

GAMER PAWNS YOU: Hindi bagay sa iyo ang mag-English, hyung.

SPECIAL ANGEL: Add ko na kaya nang hindi ka makasabat?

GAMER PAWNS YOU: Kapag ginawa mo yan, I swear, bukas, hindi ka na sisikatan ng araw!

BLING BLING FISH: Ang defensive po masyado ni bunso, eh dun sa isang chat ka lang naman naglabas ng sama ng loob. Wala namang makikita yun dito! Pero kung gusto mo, screenshot ko. Actually na-screenshot ko na, pang-blackmail.

GAMER PAWNS YOU: Putragis kang isda ka, ipapakain kita sa pating!

SPECIAL ANGEL: Ano, hindi na ba itutuloy?

DARLING U: Go na po.

SPECIAL ANGEL: Secret gathering kasi ito. Alam naman natin na kababalik lang nung mag-best friend, so gusto ko sana eh magkaroon tayo ng gathering ba. Para naman lagi tayong maging matatag, matibay...

MOMO LOVER: Check the label mommy!

BLING BLING MONKEY: Micronutrient deficiency, labanan natin to...

SPECIAL ANGEL: Punyeta, isa pa...

BLING BLING FISH: Beat the energy gap! Drink Milo everyday~

SPECIAL ANGEL muted BLING BLING MONKEY and BLING BLING FISH.

DARLING U: Biased talaga amp.

LITTLE GIRAFFE: Go on lang, nakikinig ako. Busy lang sa pagpapalaki ng muscles.

DARLING U: <3

MOMO LOVER: Biased ka din naman pala!

SPECIAL ANGEL: So punyeta, kanina pa ako nagtatanong dito, ano, sino sasama?

MOMO LOVER: Hindi ka kaya nagtanong.

BLING BLING BLING HORSE: Siyempre, pass kaming BLING BLING boys. May trabaho ng weekends eh. Hassle.

PINAKAPOGI: Pass din po ako...

SPECIAL ANGEL: AT BAKIT!?

PINAKAPOGI: Alam mo naman kung bakit...

MOMO LOVER: Magdala ka na lang ng contribution, beh, okay na.

PINAKAPOGI: Luh wala nga akong trabaho.

SPECIAL ANGEL: Naiintindihan ko. Pero anong balita dun sa iba?

MOMO LOVER: Busy kasi si Chinese loves ko sa Hollywood pagpapayaman eh. Si Snow White yata ayun, naghahanap pa rin ng Prince Charming. At hindi ako yun.

BLING BLING BLING HORSE: Dapat ako yun eh.

LITTLE GIRAFFE: Landi pa rin ni bes.

PINAKAPOGI: Hindi ba ninyo iimbitahin yung magalang at yung mabait?

SPECIAL ANGEL: Nakausap ko na po, pero wala daw sila dito sa bansa eh. Add ko na rin.

SPECIAL ANGEL added MAGALANG and TUNAY NA BUNSO in the chatroom.

GAMER PAWNS YOU: Pass ako. Hindi ako sasama. May sakit ako.

MOMO LOVER: Hala! Kanina lang wala ah...

DARLING U: Naglalaro ng DOTA tapos may sakit? Lul? Sino niloko mo?

GAMER PAWNS YOU: Suntukin ko na lang kayo para makaramdam din kayo ng sakit.

LITTLE GIRAFFE: Foul, bes!

DARLING U: Ibig sabihin wala nga siyang sakit. HAHA!

SPECIAL ANGEL un-muted BLING BLING FISH and BLING BLING MONKEY.

SPECIAL ANGEL: Ayan, mag-ingay na kayo. Ngayon ko kayo kailangan.

BLING BLING MONKEY: Hindi pa yan nakaka-move on, bes.

BLING BLING FISH: I am 100% sure. Hindi pa iyan nakaka-move on.

GAMER PAWNS YOU: Wow, pinagtutulungan ako! At totoong may sakit ako! Hindi ako gumagawa ng excuse! At excuse me, naka-move on na ako! Kahit tanong pa ninyo kay kabayo eh! At saka, antagal na nun! Marami na rin akong na-date.

TUNAY NA BUNSO: Hi. Feeling ko lang… feeling ko lang naman. Para na tayong zoo.

MAGALANG: Wew! Ano ito!?

SPECIAL ANGEL: Daming sinabi, eh isang line lang naman ang sinabi ng dalawa.

MOMO LOVER: Bes, nag-excuse me ka kaya! Kaya gumawa ka ng excuse!

LITTLE GIRAFFE: Kya! Galit na po si bunso! Naririnig ko from here yung kamao niya.

GAMER PAWNS YOU: Ganyanan tayo? Sige, pupunta ako! Papatunayan ko sa inyo na naka-move on na ako! Text niyo na lang ang details sa akin. Maglalaro pa ako. AT MAGDADALA AKO NG CHICKS!

GAMER PAWNS YOU left the chat.

MAGALANG: Ano daw ang dadalhin niya, chicks? Nakakain ba ang sisiw?

TUNAY NA BUNSO: Baliw! Chicks = Babae!

MOMO LOVER: Hindi na niya kailangan ng chicks! Nandito naman ang original chickababes ng bayan!

SPECIAL ANGEL: Magiging masaya ito. Sayang at wala yung BLING BLING brothers.

PINAKAPOGI: Paki-record na lang, please.

DARLING U: You got it! Exciting ‘to! May naiisip na akong plano!

SPECIAL ANGEL: Let me hear it. Pero bago yun...

SPECIAL ANGEL made the chatroom private.

SPECIAL ANGEL: Let’s do this!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuminsauce
#1
Chapter 3: nakakaloka si kyu hahahaha
Sichulbaby143 #2
Chapter 3: PUTANGINA. YUN LANG MASASABI KO HAHAHAHA .

WAG NYO PINAGLALARUAN FEELINGS DI KYUHYUN!! HAHAHAHA
Tiffanyisim
#3
Tawa ako ng tawa! HAHAHAHAHA jusko namiss ko silang lahat!!! Lalo na kyumin huhuhu maraming salamat po sa paggawa ng fic na to ♡♡♡
iamishi #4
Chapter 2: hahahhahaha..... kasi gusto rin talaga nilang magusap... nakakamiss...
kyuminsauce
#5
Chapter 2: di ko alam kung matatawa ba ko o kikiligin o malulungkot sa kyumin.my feelsss. hahaha
chunrren10 #6
Chapter 2: Naputol ata yung comment ko hhahaha thank you sa pagbahagi ng fic na to.. excited ako sa susunod na kabanata! <3 namiss ko magbasa ng fics! Especially sa fave authors ko at isa ka sa mga fave ko :*
chunrren10 #7
Chapter 2: Shocks ang puso ko. Nakangiti ako pero parang gusto ko maiyak! Namimiss ko na sila omg
Sichulbaby143 #8
Chapter 2: Medyo tanga din ang kyumin hahahahaha. Gusto din maglandian eh xD
Sichulbaby143 #9
Chapter 1: nakaka bitin shet T^T sayang wala yung bling bling boys sa gath HAHAHAHA looking forward sa Chapter 2!
crpdm15
#10
HAHAHAHAHA TAE HAAHA