scene3

hello, its me

irene's pov

"oh, 'to na yung jacket mo." walang gana kong inabot kay tzuyu yung jacket niya. medyo hinihingal pa ako. 

wala eh. ayaw kong masolo niya pa si seulgi.

"uh, thank you po." aba't! hindi naman ako matanda para ipo at opo ah!

"una na po ako." sabi niya at nag bow sakin. kahit na sobrang galang mo, hindi pa rin kita magugustuhan para kay seulgi noh. sakin lang siya! sakin lang kahit wala pang kami.

"seulgi, una na ako." she said as she hugged seulgi. hoy, ano yang bulungang nagaganap?

"sige, ingat ka." seulgi said with a smile.

pumasok na si tzuyu sa sasakyan. pinanood lang namin ito hangga't sa mawala na ito sa sight namin. niyaya na ako ni seulgi na bumalik sa dorm. nasa elevator na kami ng biglang-

"hiccup." naptakip na lang ako ng bibig at nilingon ako ni seulgi. she laughed at me and i should be mad but i'm not.

maiinis pa ba ako kung ang cute cute niyang tignan kung tumatawa siya?

maya-maya ay tumigil siya sa pagtawa kaya lang sininok ulit ako. seulgi looked and me and chuckled cutely.

"alam mo ba, unnie, sabi nila pag sinisinok ka daw, you should hold your breath." sabi niya, a small smile etched on her face. tumikhim muna ako bago umiling.

"yoko nga. 'di naman ako nanini-hiccup-wala sa mga ganyan. iinom na lang akong tubig -hiccup- pagdating." i looked away. baka hindi ko pa mapigilan sarili ko kung tinitigan ko pa siya. it was quiet. only the sound of my hiccupping was heard until seulgi dragged her feet towards me. i backed up but she didn't stop.

"h-hoy! a-hiccup-nong ginagawa m-hiccup-o?" hindi niya ako pinansin hangga't sa macorner niya ako. seulgi was wearing a playful smile as she inched her face closer to mine. naramdaman kong dumoble ang heart rate ko.

she her lips, a habit of hers, and i just couldn't help but to look at it. tinignan ko ang labi niyang mapula-pula and i watched it as it reached an inch from mine. hindi ko alam pero kusa na lang akong napapikit at hinintay na maglapat ang labi namin. pero wala.

walang labi ang lumapat sakin. unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang nagpipigil ng tawa na seulgi.

"grabe ka, unnie. gusto mo ba talagang mahalikan kita?" pabirong tanong nito, pilit pa ring nagpipigil ng tawa niya. nagtanong pa talaga siya. kung hindi ko lang siya mahal baka kanina ko pa siya nasuntok. kainis eh.

"nabitin ka ba, unnie?" tanong pa nito.

"nabitin ka dyan. ibitin kita ng patiwarik, gusto mo?" sabi ko tsaka siya inirapan. 

natawa siya.

sininok ako. 

tumahimik siya.

"hay, wa-epek pala yun." buntong-hininga niya.

"ang alin?" i asked her curiously.

"yung ginawa ko. sinisinok ka pa rin." napakunot ako ng noo.

"wala ka namang ginawa eh!" bulyaw ko. wala naman talaga siyang ginawa kundi ang paasahin ako, eh.

"unnie, kaya ko nga ginawa yun para pigilan mo paghinga mo. diba effective naman? i felt it. you stopped breathing for a moment." natigilan ako. sabagay, totoo naman yon. pinaasa niya akong hahalikan niya ako eh.

"ewan ko sa-hiccup-yo. tara na nga." sabi ko after i heard a ding. yun na yung signal na nasa tamang floor na kami. nauna na akong lumabas. baka ako na tumuloy ng halik 'pag nagtagal pa kami dun.

---

"sa wakas! nandito na rin kayo!" bungad ni joy pagpasok namin. "nakahanda na yung pagkain kayo na lang kulang. gutom na gutom na ako." dagdag pa niya. inirapan ko siya at dumiretso sa sink para maghugas ng kamay. seulgi went straight to her room. magpapalit siguro ng damit.

umupo ako sa tabi ni yeri habang si seulgi naman sa tabi ni wendy. walang katabi si joy.

"akala ko ba, matignan mo lang si yeri busog ka na?" natatawang sabi ni seulgi habang inilapag ang dalawang box ng fried chicken.

"wow! saan galing toh, unnie?" tanong ni yeri. namimilog na ang mata niya at tila s-sparkle pa.

"bigay ni tzuyu. para sa atin daw to." sagot ni seulgi. bakit hindi ko napansin yan kanina?

"unnie." napalingon kami kay joy. seryoso ang mukha niya. "pakisabi kay tzuyu hindi niya ako madadaan sa mga ganto ganto niya." at for the first time, ang sama po ng tingin ni park 'joy' sooyoung sa fried chicken.

"pero, ehem, pakisabi rin thank you. dalasan niya pa pagbibigay nito, botong-boto na ako sa kanya." ngayon, ako naman nakatingin sa kanya ng masama.

---

"joohyun unnie, tulungan na kita dyan." liningon ko si seulgi.

"huwag na. matulog ka na don o kaya makipaglaro ka muna kila maknae." sabi ko. i continued washing the dishes. bigla naman akong nakaramdam ng goosebumps at kuryente ng dumikit ang braso ni seulgi sa braso ko.

ako naman ang madalas mag-initiate ng skinships saming dalawa pero 'pag siya talaga ang dumidikit, kinikilig ako. nakakainis diba?

"sabi ko, tutulungan kita." sabi niya. tinignan ko siya at nagulat ako sa liit ng distansya ng mukha naming dalawa. parang hindi niya naman ito pinansin at nginitian lang ako.

i shook my head and went back to my work. ganun din ang ginawa ni seulgi at binanlawan na ang mga platong sinabon ko na.

"hiccup" pagbabalik ng sinok ko. naramdaman ko ang paglingon ni seulgi.

"hanggang ngayon, sinisinok ka pa rin?" bulalas niya. i shrugged at di na umimik. ang hirap kayang magsalita kapag sinisinok.

hindi na rin naman nagsalita pa si seulgi. tanging tunog ng mga plato't kubyertos ang naririnig. isama mo na rin ang pagbuhos ng tubig at ang maingay na pagkukwentuhan ng tatlo sa living room. maya-maya rin ay binasag ni seulgi ang katahimikan.

"sabi nila, para raw matigil ang sinok, dapat raw ginugulat." napailing ako.

di siguro halata na mahilig rin sa kasabihan si seulgi noh? kung magpauso kaya ako ng kasabihan?

kang seulgi is for bae irene only.

oh diba, perfect!

hindi na rin naman nagsalita si seulgi ulit. nagpapatuyo na kami ng hinugasan namin ng bigla siyang nagsalita.

"unnie, pwede bang manligaw?" muntik ko nang mabitawan ang pinupunasan kong baso.

"h-ha?" pakiramdam ko nabingi ako. iniling ni seulgi ang ulo at bumalik sa ginagawa niya ng may ngiti sa kanyang labi habang ako naman, tulala pa rin. tumikhim ako. i awkwardly went back to my work just like what seulgi did.

sasagot na ba ako? pero kahit di na naman manligaw itong osong toh, sasagutin ko agad eh hahaha

pero wait! seryoso ba siya? baka naman nant-trip lang to.

"hoy, seryoso ka ba dun sa sinabi mo kanina?" liningon ko siya and i was surprised to see her staring at me with her big(small) eyes.

"s-seulgi, anong t-tinitingin-tingin mo dyan?" nginitian niya ako.

"hindi ka na sinisinok." sabi niya, natatawa ng kaunti. "effective pala yung ginugulat." she added before patting my head.

"ang cute cute mo mamula, unnie." yun yung huling niyang sinabi bago dumiretso sa kwarto niya. naiwan akong nakatulala.

---

"hoy, son wendy pagsabihan mo yang kaibigan mong oso, ha!" sabi ni irene bago umupo sa tabi ni wendy.

"hala! may kaibigan akong oso?! di ako nainform!" bigla niyang sabi.

"gaga ka! si seulgi tinutukoy ko."

"alam ko." simple niyang sabi at bumalik sa kumportableng pagkakaupo niya kanina. "bakit unnie? anong meron?" she added.

"ang paasa niya! bwiset siya!" padabog kong sabi.

"ang gulo niyo. sabi rin ni seul, paasa ka. ngayon sasabihin mo, siya yung paasa. ewan ko sa inyo. bahala na kayong magpaasahan, kayo rin namang dalawa masasaktan." in-on niya ang tv at pinanuod ang isang lalaki na may binabaril yung mga kalaban niya.

"oohhh. sino yan? gwapo naman. singkit ng mata." bigla akong napaayos ng upo at tinitigan ang lalaki sa tv.

"sus. simula ng nagustuhan mo si seul, ang gwapo at ang ganda na ng mga singkit sa paningin mo."

"hoy! di totoo yang pinagsasabi mo!" bulyaw ko. "sadyang... s-sadyang nakakadagdag lang sa appeal nila yung singkit nilang mata, okay?!" pagdepensa ko. tinignan ko si wendy na nakataas ang isang kilay, halatang hindi kombinsido sa sagot ko.

"so, ehem, sino nga yang artista?" pagiiba ko ng topic. i mean, ito naman talaga yung toipic ko diba? hindi ko naman siya nilapitan para pag-usapan namin si seulgi.

hindi talaga.

"si coco martin." simple niyang sagot, hindi inaalis ang tingin niya sa tv.

"coco... martin?"

"unnie, seryoso ka ba? si song joong ki yan!"

"eh bakit mo ako sinisigawan!"

"kasi naman eh!"

---

kinatok ko ang pinto ng kwarto ni seulgi.  nakapagdecide na ako.

kang seulgi, ako ang tatapos sa lahat ng sinumulan mo. mwahahahahah!

"unnie?" niluwa ng pinto ang kagigising lang na seulgi kang. nakasuot na siya ng pajamas, rubbing her probably bleary eyes while pouting.

pang-ilang level na ba ng kacute-an mo ito, kang?

"naistorbo ba kita?"

"hindi naman." hinayaan ko munang magtanggal ng non-existent muta itong napaka-adorable na oso. chance ko na rin naman yon para titigan siya ng matagal-tagal.

"may problema ba, unnie?" bumugtong-hininga ako. inangat ang ulo at tumingin sa kanya. hindi ko mapigilang mapatitig sa singkit niyang mga mata. 

bakit napaka-expressive ng eyes mo, kang? bakit napakadreamy?

tila ba dala ng mga mata mo ang lahat ng bituin na gustong-gusto kong tingalain sa gabi.

tila ba kasing lalim ng dagat na gustong-gusto kong sisirin.

ganito ba talaga ang epekto ng pag-ibig sa akin?

ganito ba talaga ang epekto mo, kang seulgi, sa akin?

nagiging makata ako ng wala sa oras. bigla-bigla na lang akong nakakabuo ng maiikling tula na tungkol sayo.

"wala naman pero may nakalimutan akong ibigay sayo."

"ano?" hindi ko na sinagot pa ang tanong ni seulgi.

i tiptoed and smacked her lips with mine and let it linger for a few moments. ito pala ang feeling na mahalikan si seulgi. lasang strawberry, yung flavor ng toothpaste niya.

humiwalay ako at nakita kong nakatayo lamang siya, tulala. her lips was slightly parted and the urge to kiss her again was too tempting. and so i did.

this time, i reached for her nape and pulled her closer to me. our lips clashed. the sparks were everywhere.

after a few seconds of just letting my lips on her, i pulled myself away. ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni seulgi, hinahayaang magsink-in sa aming dalawa ang nangyari.

"so, liligawan na kita ha?" sabi ko bago dumiretso sa kwarto ko, namumula't kinikilig.

 

-----------

finally nakaupdate na rin lol.

sorry po kung ngayon lang, medyo busy kasi sa studies eh. sorry rin kung parang medyo minadali(?)

anyways, enjoy the chapter!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
seulrenety
#1
Chapter 3: selos sya oh HAHAHAHAH
cookie_monster21 #2
No thanks, just unsubscribe
assej7IM #3
Chapter 17: Hahahaha pota yung usapan nila byul. Ganyang ganyang mga usapan ng magkaibigan na parehas gago e hahaha. Relate mats hahaha. Anyways, so ano na? May ligawan pa ba talagang mangyayare hahahaha
ISPEISU-DANDY #4
Chapter 16: Lodi
ISPEISU-DANDY #5
Chapter 16: WaWHZEEE kung ganto lang ka dali manligaw sa totoong buhay Shet.
0-100 real quICK bjh♡♡♡
suepoot
#6
Chapter 16: 100 points for Bae Joohyun. Hahaha
assej7IM #7
Chapter 16: Ayon. Pota naka score rin hahaah. Oh pano ba yan, seul, sya daw manliligaw sayo. Diba dapat ikaw? Ikaw naunang magtanong e hahaha. Kelan na next update. Kailangan ko na yun hahahah
norevS #8
Chapter 16: Nakapuntos si baechu! hihi.
assej7IM #9
Chapter 15: Ayuun hahaha lights camera action na si tzuyu hahaha napa lights camera action din tuloy yung isa hahaha Go Joohyun!
pringlesniseulgi
#10
Chapter 15: HUY ANG CUTE HAHHAHAHAHAHA di na talaga ako magugulat kung naging gulong si Tzuyu hahahahhaa pero enjoy ko 'to. ayan go go Joohyun.