ISA.
ANAK NG TIPAKLONG. (Rewriting po mga katropa, enjoyin niyo muna mga side chapter.)JOOHYUN
Wala akong kaalam alam kung bakit ako biglang pinatawag dito nung landlord sa may office niya ng ala sais, wala naman kaming karumaldumal na ginawa bukod sa pagsasampay ng mga damit sa cable ng kuryente. Pero ang imporante dito, bakit nga niya 'ko pinatawag?
"Joohyun? Joohyun! Nakikinig ka ba?" Nagulantang ako at napakurap, medyo napahaba ata monologue 'ko. "Ano uli yung sinasabi mo, ser?" Umiling si Ser Suman at napabuntong hininga, infairness amoy colgate na tig t-ten pesos hininga niya! "Joohyun, alam mo namang sinwerte kayo kasi nakuha niyo yung pinakamalawak na space diba?" Kumunot noo 'ko, pero tumango nalang ako kasi baka may pahabol siya. "Opo Sir Suman, 15 pax po yun. Bakit po?" May nilabas siyang mga papeles na 'di ko alam kung para saan kasi wala naman akong pake. Inalis ko ang tingin ko sa mga papel at tinaasan siya ng kilay.
Napatawa siya at tinapik ang balikat ko. "May bago kasing tenants na darating ngayon. Matagal na daw silang naghahanap ng malilipatan na kakasiya walo, eh yung apartment niyo lang ang available." Pagpapaliwanag niya habang inaayos yung mga papel, napagisip-isip rin ako. Surang sura na din naman na kami sa mukha ng isa't isa, mas mabuti nang may makahalubilo naman kaming iba. "Sige po ser, ayos lang po samin wag po kayo magalala." Ngumiti siya at may inabot na brown envelope, "Maya maya nandito na daw sila, kaya sabihan mo mga kasama mo na magligpit-ligpit."
Comments