EXO- Xiumin (Tagalog)

Kpop Fanfiction Compilation

Napatingin si Hannah sa standee na malapit sa kpop magazines sa 7eleven.

Standee iyon ng isang EXO member at dahil nga standee iyon, kitang-kita niya ang guwapong mukha ng kaniyang mahal na mahal na Kim Min Seok.

 

“Haaayyy…. You’re so handsome talaga baozi…” hinaplos haplos pa niya ang mukha nito na animo’y totoong tao ang kaharap niya. “You know what? I’ll treat you to some super duper ultra delicious siopao made by yours truly.” Panunumpa pa niya na walang paki-alam kung ano ang sasabihin sa kaniya ng mga makakakita sa kaniya.

Isa pa, ganoon talaga siya sa tuwing may makikitang poster o standee ni Xiumin. Nalilimutan na niya ang paligid at ang tanging nakikita lang niya ay ang pogi nitong mukha.

Aliw na aliw siya dahil napaka-linaw ng pagkakagawa sa standeeng iyon. Lalo na ang nakangiting standee sa may likuran nito.

Natigilan siya.

Di ba’t isa lang ang standee nung nilapitan niya?

Tinitigan niya ang nasa likod.

Anak ng…

Kumaway pa ito!

“Hi!”

Ang tinig na iyon kasabay ng muling pagkaway at pagngiti ni Xiumin ang nagmitsa para magtititili sa tuwa si Hannah. Humalakhak naman si Min Seok sa turan niya at ginulo ng kaunti ang buhok niya.

“So, You’re saying that you’d treat me, right?” sabi pa ni Xiumin sabay kindat.

 

-End! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet