Parang Tayo pero Hindi Tayo

Description

Hindi ko alam kung ano ang meron tayo. Hindi ko mahulaan kasi ang gulo. Bakit kailangan iparamdam mo sakin na parang tayo pero may nagugustuhan ka namang iba. Dapat ba kong lumayo? Pag lumayo naman ako, mahahalata mo rin. Mabuti na rin na di ko sabihin ang nararamdaman ko at maging masaya na lang ako sa mga desisyon mo. Unnie, mahal kita bakit ako lang ang may nararamdaman?

 

Hi guys! Sorry for a long time of not updating my stories. I've come up with another one and I am now feeling sorry for those who can't understand this. It's tagalog version. I really wanted to try, you know. But once I finished this up, I'll write it in the english version don't worry. 

Foreword

Teaser # 1:

 

Nasa photoshoot kami para sa isang magazine at kami ang magiging cover kasi sabi samin trending star daw kami kaya kami ang napiling ifefeature. Halos lagi kami ang magkatabi ni Chorong unnie kasi nga ako yung sobrang close sa kanya. Lahat naman close pero di pa rin mapapantayan yung akin at masaya na ko dun. Ngayon nagpapahinga muna kami at nakakain habang si Naeun at Namjoo ay kinukuhanan ng shots.

 

“Unnie, gusto mo ng Chicken Feet?” Tinanong ko si Chorong unnie, agad syang umoo kasi paboritong pagkain nya yun.

 

“Salamat Bomi!” Pinisil nya yung pisngi ko. Tuwang tuwa nanaman sya sakin.

 

Kinuha ko sa plastic bag yung container ng chicken feet. Kumakanta pa ko habang binubuksan yung container. Susubuan ko na sana sya ng isa ng biglang napansin kong nakangiti sya habang hawak hawak nya yung cellphone nya at katext ang iba.

 

Teaser # 2:

 

“Yoon Bomi! Sabihin mo nga sakin ang totoo.” Sigaw ni Eunji habang hawak ng mahigpit ang braso ni Bomi. Silang dalawa lang ang nasa dorm habang ang iba ay may kani-kanilang schedule. “Masyado na kong madaming nahahalata sa inyong dalawa, dahil ikaw ang best friend ko at ayokong makita kang masaktan. Si Chorong unnie, kahit ganyan sya kalapit satin, hindi sya sang-ayon ng babae sa babae. Kaya kung may nararamdaman ka kay Chorong unnie, itigil mo na para hindi ka na masaktan kasi masasaktan ka malalaman mo.”

 

Tumungo si Bomi at natulala, “Wag mo na ituloy Eunji… Sorry” yun na lang ang nasabi ni Bomi at dumiretso na sa kanyang kwarto. Sa huli inintindi pa rin ni Eunji si Bomi. Humiga na lamang sya sa upuan at nanood ng tv. Nakakarinig si Eunji ng mga sigaw mula sa kwarto ni Bomi, di na naiwasan maluha ni Eunji para kay Bomi.

 

 

 

 

Teaser # 3:

 

“Nasaan si Bomi?” Tanong ni Chorong sa mga ibang members. Silang lima ang nandoon.

 

Mag-sshoot sila sa kanilang V app para magpakita sa kanilang fans. Walang sumagot ni-isa. Sa totoo lang, alam na nina Naeun, Namjoo at Hayoung yung tungkol sa pagtingin ni Bomi kay Chorong. Alam din nilang lahat kung nasaan si Bomi pero wala talagang sumagot. Lahat sila nagtinginan, at si Eunji pa rin ang naunang magsalita.

 

“Hindi rin namin alam, unnie. Di naman sya nagpaalam samin.”

 

“Ah alam ko na! Nasa han river sya!” Sabi ni Chorong, at lahat naglakihan ang mata kasi totoo ngang nasa Han River sya. ‘Ke galing ni Chorong unnie’ inisip nila.

 

“Ha.. Hahaha.. Pano mo naman nalaman na nandun sya unnie?” Sabi ni Namjoo

 

“Ang sabi nya sakin kapag may problema sya, pumupunta sya sa Han River para matanggal ang stress nya.” ……. “Pero ano kaya ang problema nya?”

 

Lahat ay nagulat at napatungo na lang baka kasi mabuking sila na may alam sila. Paniguradong magagalit nanaman si Leader-nim.

 

“Kayo na muna mag-live, pupuntahan ko lang si Bomi”

 

“UNNIE!!!!” Sigaw nila, di nagpapigil si Chorong at tuluyan ng nakaalis ng dorm.

 

Nagdrive si Chorong patungo sa Han River at nang makarating na sya dun, agad agad nyang hinanap si Bomi at ilang minuto lang ay napagod sya at umupo muna. Hanggang sa may nakita syang aninong pamilyar sa kanya. Yung nga, Si Bomi. Mag-isa kumukuha ng litrato si Bomi at nangiti kapag maganda ang nakuha nya. Lumapit ng lumapit si Chorong sa pwesto ni Bomi, wala syang ginawang ingay kaya hindi ito napansin ni Bomi. Sa sobrang cute ni Bomi, hinimas nya yung ulo nya at sinabihan nya ang sarili nyang, “Jalhaesseo”

 

“Bomi-ah” Tawag ni Chorong at dun ay nagulat si Bomi sa kinatatayuan nya. Kinamot nya ang ulo nya ng malaman nya kung sino at kaninong boses yun. Napatalikod na lang si Bomi para humarap kay Chorong.

 

“Unnie, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Bomi at ngumiti (para hindi mahalatang peke)

 

“Wala lang. Sinundan ka lang.” Sagot ni Chorong at nang marinig ni Bomi yun, di nya maiwasang kiligin pero syempre di nya pinakita yun at poker face pa din. At pinalitan na lang nya yun ng ngiti para mas lalong hindi mahalata. Naging tahimik sa pagitan nila at biniyak ito ni Chorong, “Bomi, may problema ba?”

 

“Problema saan unnie? Wala naman. Nandito lang ako para magpicture kasi wala ng kong pang-profile pic. Lumang luma na kasi eh nung 2011 pa yun, nung nag-debut tayo.” Paliwanag ni Bomi pero mukhang hindi naniniwala si Chorong dito.

 

“Meron na ba? May napili ka na ba, Bomi?”

 

“Meron na unnie!” Muling tinignan ni Bomi ang gallery nya, balak sana nya ipakita ito kay Chorong ngunit nahila na ni Chorong ang kamay ni Bomi at sabay silang pumunta sa kotse.

 

Teaser # 4:

 

“Yah! Jung Eunji! Ple… ase, tigilan m-mo na kooo!!” Sigaw ni Bomi habang sya ay kinikiliti ni Eunji at tawa sila ng tawa.

 

“Sabihin mo munang masarap yung seaweed soup ko.” Sabi ni Eunji at di pa rin sya natigil sa kakakiliti ni Bomi. Rinig na rinig ng iba pang miyembro ang kulitan ng dalawa at nakitawa sila. Si Chorong ay nakasilip mula sa kanyang pintuan habang pinagmamasdan ang kulitan ng dalawa. Di nya rin napigilan at tinawag nya bigla si Bomi.

 

“Bbom-ah!”

 

Natigil silang lahat sa kakatawa nang marinig nila ang boses ni Chorong.

 

“Unnie bakit?”

 

“Patulong naman dito.” Binuksan pa lalo ni Chorong ang pintuan para bigyan ng sign si Bomi na pumasok. Agad na tumayo si Bomi, “Ne, unnie!” sa cute ng boses ni Bomi, di maiwasan ni Chorong na ngumisi dahil nanalo nanaman sya. Napasunod nanaman nya si Bomi ng walang kahirap-hirap.

 

At nang pumasok na si Bomi sa kwarto ni Chorong, agad itong nilock ni Chorong at cinorner si Bomi gamit ang kanyang dalawang kamay, gulat na gulat si Bomi sa mga aksyon ni Chorong. “Unnie, pakawalan mo ko.”

 

“Kapag ba ayaw ko, tututol ka?” Sagot ni Chorong na parang panakot, nag-iba ang reaksyon ni Bomi, na para bang may galit. Dahil di nya inaasahan magiging ganito si Chorong.

 

“Oo at magagalit ako sayo. Kahit mas matanda ka saken, di porket ganon eh laging ikaw ang nasusunod. May mga pagkakataong hindi kita kailangan sundin tulad ng ganito, harassment to’ unnie. Mahiya ka naman.” Nasaktan si Chorong sa mga sinabi ni Bomi at dahan dahang inalis ang kamay nya. Nang tumingin si Chorong kay Bomi, may kalungkutan ito sa kanyang mga mata.

 

“Namiss lang kita, Bomi.”

 

Teaser # 5:

 

“Aah!”

 

Nagising ako sa panaginip ko. Bakit ganun? Bakit lumalayo si Bomi sa akin? Tinatawag ko sya pero hindi lumalapit. Nakangiti sya habang palayo sakin. Tinext ko si Bomi na pumunta dito pero 2am na paniguradong tulog na yun kaya wala akong natanggap na reply. Niyakap ko ang mga tuhod ko at dun lumuha, dahil na rin madilim ang kwarto kaya lalo rin ako natakot. Akala ko wala nag-alala sakin hanggang may isang taong dumating, at nandoon si Bomi. “Unnie” Tumakbo agad ako sa kinatatayuan ni Bomi at niyakap ko sya ng mahigpit.

 

“Dito ka na lang matulog, Please. Samahan mo ko. Takot na takot ako.”

 

“Sige, unnie. Babantayan kita.”

 

“Wag mo kong layuan, Bomi. Ayokong mawala ka.”

 

“Oo, di ako mawawala unnie.” At dumiretso na kami sa kama. Gising na gising pa si Bomi habang pinapatulog nya ako ng mahimbing. Malapit na dapat ako makatulog nang marinig ko syang magsalita. Nag-kunwari akong tulog, siguro dito ko na malalaman ang tunay na bumabagabag kay Bomi.

 

“Unnie, kailangan ko lumayo muna sayo, naiisip kasi ng iba na parang tayo pero hindi naman talaga. Alam ko yung skinship pero para sa akin, pag may ganon tayo, may nararamdaman ako sayo. Oo, manhid ka eh. May nararamdaman ako sayo, mahal nga kita at di mo alam yun. Sa lahat pala ng members except sakin ang may nakakaalam sa relasyon nyo ni Suho. Iniisip ko na baka nanliligaw pa lang sya sayo at di mo sya papansinin kasi akala ko ako ang nandyan sa puso mo. Pinigilan ko si Eunji na sabihin sakin kasi masasaktan lang ako. Dapat susubuan kita ng chicken feet kaso nakita ko ngang may ka-text ka at nagpapalitan kayo ng "I love you's" ang sakit talaga. Pumunta ako ng han river dahil rin dun. Unnie mas mabuti na talagang hindi mo malaman ang nararamdaman ko. At least masaya na ko malaman na masaya ka na. Sa piling ng iba, hindi man sakin, yung saya mo lang ang hangad ko. Kakalimutan ko na rin tong' nararamdaman ko sayo. Teka.. tulog ka na ba?" Hindi ako umimik at nagkunwaring tulog pa rin. "Mukha nga, sige unnie sleep tight and stop having nightmares."

 

Dahan dahang tinanggal ni Bomi ang yakap nya sakin, gusto ko sanang pigilan kaso baka isipin nya gising ako nung nagsasalita sya. Nakaalis na si Bomi ng kwarto at isinarado nya na. Dun, minulat ko ang mga mata ko at naluha. Pero hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya, nilalambing ko sya pero wala talaga ako nararamdaman. Pero bakit ako nagseselos pag may ibang nakikipagkulitan kay Bomi? Kahit si Eunji na best friend nya, pinagselosan ko. Bakit ako selfish? Di naman kami.

 

Teaser # 6:

 

Nasa music show sila ngayon para magperform ng Remember, nung mag-sama sama na lahat ng artist, nandun din ang Exo, kaso si Baekhyun at Suho lang nandoon dahil Special MC sila. Nang makita ni Bomi si Suho na lumapit kay Chorong, bumigat ang puso nya. Paunti-unti syang sumulyap at napansin ito ni Eunji, at bumulong sa kanya.

 

"Bomi, wag mo nang tignan."

 

"Okay.."

 

Pinilit ni Chorong iwasan si Suho pero di nya magawa dahil nga kinakausap sya ni Suho, ayaw naman nyang maging bastos. Hangga't maaari, ayaw nyang makitang nasasaktan si Bomi at nang lumingon sya sa kinatatayuan ni Bomi, nakita nyang nakaakbay ang kamay ni Eunji sa kanya at nalungkot sya ng makita nya yun.

 

"Chorong, okay ka lang?" Tanong ni Suho, alalang-alala sya ng biglang tumungo si Chorong. She shook her head and said nothing but a sigh. (Wow taglish) He patted Chorong's shoulder and smiled at the crowd. Kasi nga mag-mmc na sya. Tumingin ulit si Chorong sa kinatatayuan nila at nakita silang lima na nagtatawanan. Naisip ni Chorong na palapitin sila.

 

"Eunji-ah!" Sigaw ni Chorong. Napatingin silang lahat at pinalapit sila ni Chorong. Habang akbay pa ni Eunji ang balikat ni Bomi. Kinapit naman ni Chorong ang kamay nya sa braso ni Bomi at sumandal sa dulo ng balikat nya. Nagulat yung tatlong bata sa likod, lalong lalo na si Bomi.

--

Masyado ng mahabang ang teasers sa susunod na lang. Pag naupdate na yung Chapter 6 :) Lagay ko dun yung teaser # 7 eh hanggang Chapter 10 lang naman ito kaya short short lang HAHAHAHAHAHA 

--

Chapter 1 : May 8, 2016
Chapter 2: May 11, 2016
Chapter 3: May 14, 2016
Chapter 4: May 17, 2016
Chapter 5: May 20, 2016
Chapter 6: May 23, 2016

 

Sorry been busy lately. But Imma update the four next chapters when I have time. Please understand. Thank you.

Comments

You must be logged in to comment
prkchrng1991
#1
Chapter 6: authornim balik ka na 😭
Jhigh230
#2
Chapter 6: I need more chapters of this story! Lol
Bomigorilla13 #3
Chapter 6: Nasan ka na author-nim
Bomigorilla13 #4
Chapter 6: Omygod! Keep up the goodwork, I like this XD <3
chomi03
#5
Chapter 6: ang ganda !!!
excited na aq sa next chapter
chimpchimhae #6
Chapter 2: Jusme! Author-nim! Ang galing mo! Can't wait sa mga susunod na chapters. :) Keep it up Author nim! :)
Hana_08 #7
Parang kayo pero hindi? Bakit laging ganun noh? Pff Update ka pa author-nim^^ Kaya mo yan <3
ChoMiyah
#8
Chapter 2: Cool! First time kong makabasa ng tagalog story dito. Hahaha.. Please update soon author-nim .. Aabangan ko tong story mo..