Chapter 1: First Day

Kalye Dipakita

Chapter 1: First Day

 

 

Anong lugar ito?

 

 

Nasa loob ako ng sasakyan at tanging kasama ko ay ang family driver na mag hahatid sa akin sa paaralan ng aking kapatid. Maliwanag ang kalangitan, tanging may katamtamang haba ng damo ang nasa paligid ng daanan na sementado, may lamppost at may ibon na nagsisiliparan. Kanina may nakita pa akong pa punong halos tumumba dahil siguro sa nagdaang bagyo kahapon. Walang kahit isang bahay at puro puno na napapalibutan ng may katamtamang haba ng damo.

 

 

Fairflame University ang paaralan kung saan nag- aaral ang kapatid ko. 4 years na syang nag- aaral doon at doon gusto ng aking magulang ako ilipat. For some reasons, aalis ang magulang namin at mawawala ng almost a year dahil sa business.

 

 

"Miles, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa lalaking katabi ko. He is Miles Romeo, 25 years old. Sya ay parang kapatid ko na simula noong nabuhay ko ay sya na ang palagi kong kasama. Habang binatanyan ako ay nag aaral sya ng kursong gusto nya. Gwapo, may magandang mata, magandang katawan, at kanais- nais na ugali. Halos lahat ng babae ay nabibighani sa kanya ngunit sabi nya nga sa akin ay wala syang panahon sa mga babae noong nag aaral pa sya ng Culinary. Natapos nya ang kanyang kurso at mag aaral ulit dahil ito ang gusto ko. Ayaw kong samahan nya lang ako araw araw dahil nakakairita yun at baka masuntok ko sya ng wala sa oras. Biro lang.

 

 

"I don't know, Ram." abala sya sa kanyang telepono habang ako ay kumukuha ng konting litrato sa kapaligiran.

 

 

Hindi ko nalang sya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.

 

 

Ang Fairflame University ay isang Stay-In na school. Tanging linggo lang pwedeng lumabas ang mga estudyante at kinakailangan ng bumalik kinabukasan noon. Base sa internet, para itong maliit na bansa, may sariling mall, buildings, shops, manmade beach etc. Base din sa nakita ko ay may malaking gubat ito, may kalakihang beach, at parang isang maliit na bansa ito sa loob ng pilipinas. Estimated 1000+ populasyon nito dahil may Junior at Senior High School ito, may colleges at iba't ibang kurso. Isang magandang paaralan na maaaring pinapangarap ng mga magulang na ipasok ang kanilang anak sa ganitong klase ng paaralan.

 

 

May dalawang maleta at dalawang malaking handbag kung saan nakalagay ang gamit namin ni Miles. Hindi ko namalayan ay pumasok na pala kami sa isang malaking gate na gawa sa purong metal at halatang kahit isang bala ay hindi tatagos dito. Napansin ko agad ang limang guwardiyang nakabantay at inexamine ang buong sasakyan, nagtanong din kung bakit kami nandito at kailangang ipakita sa kanila ang aming papeles upang sabihin sa nakatataas na nandito na kami. After few moments ay huminto kami sa unang building aming nakita.

 

 

>Main Building<

 

 

"Goodmorning, Ma'am and Sir." nakarinig ako agad ng kumento dahil sa lalaking kasama ko. Ang hirap talaga pag may Romeo ka sa buhay mo.

 

"Goodmorning." bati ni Miles. Ngumiti lang ako at hinayaang makipag si Miles sa babaeng bumati sa amin.

 

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang limang malalaking pictures. Pictures noong unang tinayo ang Fairflame at ang mga pagbabago nito bawat decadang lumipas. Nakita kong mag- 70th anniversary na ito ngayong taon.

 

"Ram, let's go. Nakuha ko na ang mga kailangan."

 

*-*

 

"You're here!" parehas kaming nagulat ni Miles sa babaeng sumalubong sa amin. Nandito kami sa dorm ko at bawat dorm ay may dalawang estudyanteng nakatira.

 

"I've been waiting for you! I'm Cindy Montenegro, your dormmate!" she looks like a happy-go-lucky-one.

 

"I'm Ram. He's Miles." binuksan nya ang pinto ay pinasok ni Miles ang gamit ko. Sa right side nakita ko ang isang hagdan pataas kung saan nandoon ang kama ko under the bed makikita doon ang apat na drawers may malaking lampshade doon at study table tapos katabi noon ay may malalaking apat na closet tapos isang door. Ang buong kwarto ay kulay gray sa kabilang parte ay katulad din nito. Nakita ko ang isang medium sized fridge at may mini sala ito.

 

"This is your side and this is my side."

 

Sinimulan ng ayusin ni Miles ang gamit ko at isa isang nilagay sa closet. Ang iba naman ay sa drawer at may dala din akong kaunting libro at nilagay nya ito sa drawers under my bed.

 

"Boyfie mo?"

 

"No." she just smiled at me.

 

"I'm going to buy my breakfast, nagbreakfast na ba kayo?" i saw her wearing her coat at braiding her hair. I help Miles arranging my stuff.

 

"Not yet."

 

"Ibibili ko nalang kayo." 

 

"Thanks." lumabas na sya ng dorm at naiwan kami ni Miles.

 

"Dami mong dala." natawa ako.

 

"Ganon talaga pag babae."

 

Lagi nyang inaayos ang gamit kahit noong nasa bahay pa kami. Marunong ako mag-ayos pero sadyang naiirita sya pag nakikita ang gamit kong magulo. Kahit ang undergarments ko ay alam nya. Sya ang lagi kong kasama dahil wala naman ang kapatid ko sa bahay dahil nandito sya sa school nya. Tuwang tuwa sya noong mabalitaan nya na ililipat ako ni Dad dito.

 

"Alam mo na dorm mo?"

 

"Yeah."

"Anong course kukunin mo?"

 

"Mag-mamaster degree ako."

 

"Ok lang ba sayo si Cindy?" may instinct sya when it comes to the person around either they will hurt or just normal or whatever.

 

"I don't know. What do you think?" tinignan nya ao saglit at tinuloy ang ginagawa nya.

 

Few moments, nakaupo na sya sala at kinakalikot ang telepono nya. Dumating si Cindy at nilagay nya sa table ng mini sala kung nasaan si Miles.

 

Tumingin sya kay Miles, "Hi."

 

"Hello." Miles is not payimg attention at Cindy at all dahil busy sya sa telepono nya. She was about to sit beside Miles pero nauna ako sa kanya.

 

"What are doin' Romeo?" walang pang tatlong segundo nakatingin na agad ito sa akin with his confused look. Naramdaman ko agad ang irap ni Cindy kahit hindi ito nakatingin sa akin.

 

"Come on let's eat." umupo si Cindy sa kabilang upuan at binuksan ang breakfast nya. Miles and Cindy, have the same breakfast, pancakes. I have a garlic rice, hotdog, and egg.

 

"Sorry, nawalan kasi sila ng pancakes kaya yan nalang ang nabili ko."

 

"Thank you."

 

Pinagpalit ni Miles ang pagkain ko sa pagkain nya.

 

"She doesn't eat rice when breakfast." sabi kay Cindy.

 

"I see." napa irap na naman sya at hindi nya napansin na napansin ko iyon.

 

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet