Perfect Match

Description

Sinong magaakalang kayang baguhin ng pagibig ang isang bad boy?

Foreword

Andrew's POV

Sa Edsa na lang ata may forever. Forever na traffic. Mausok sa kahaban ng Edsa at halos magkakadikit-dikit na ang mga sasakyan tuwing rush hour. 30 minutes na lang malelate na ako. At ang masama wala pa akong masakyang jeep papuntang school. Kung maghihintay pa ako siguradong late na ako.

 

BADTRIP.

 

25 minutes na lang. Himala na sigurong maituturing kung makarating pa ako ng school on time. Nakakaasar talaga. Mainit na nga ang ulo ko sumasaby pa ang init ng panahon. At mas lalong naginit ang ulo ko ng mabangga ako habang naglalakad sa overpass.

 

"Ay sorry." Inalis neto yung headphone neto saka inakbayan ako. "Sorry bro. hind kita napansin." Dahil mainit yung ulo ko at ayaw na ayaw kong inaabayan ako ng taong hindi ko kilala ay itinulak ko siya. Deserve niya yun.

 

"Hoy! Anong problema mo? Ha? Ba't ganyan ka kung makatingin? Naghahamon ka ba?"

 

"Oo." Lalapitan ko na siya para makipagsuntukan kaso bigla siyang umalis. Eh duwag ka naman pala. Sinasayang mo lang ang oras ko. "Duwag!" Napahinto siya't tumingin sa akin. Akala ko babawi na siya ng suntukan kaso naduwag na naman siya at umalis.

Tss. Pagkarating ko sa school ay nadatnan kong nagchecheck ng I.D. yung guard, at kamalasmalasan nga naman, naiwan ko yung I.D. ko. Kaya inakyat ko yung pader ng school saka tumalon para makapasok. Breaking rules is awesome.

 

But to my surprise, sakto, pagkatalon ko ay nakita ako ng napakasungit naming prinsipal.

 

"Andrew Chan! Go to my office. NOW!"

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet