Chapter 1: Basement 2

My Bestfriend Is A Fan Boy

"Yobuseyooooo! Chingu-ya!" Alas kuwatro ng madaling araw pa lang binubulahaw ko na sa telepono si Kobe, my dearest beloved bestfriend. Isang malalim na buntong hininga lang sinagot nya sa akin. "Kobe! Hindi mo ba ko naririnig? Gising ka na ba?" Malumanay na kaluskos ang narinig ko sa kabilang linya, "Hindi, tulog ako. Nag-sleep talk lang. Alam mo ba kung anong oras pa lang?", sarkastikong sabi nito. Sinipat ko ang oras sa laptop ko, alas-kuwatro y uno pa lang. "Yep! 4:31 in the morning. Guess what?!" Walang kagana-ganang "what" ang sinagot nya sa akin may kasama pang paghikab. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagpapahayag ng magandang balita. I was so excited hindi ko na kayang antayin pang sumikat ang araw. "Darating ang Super Junior sa Pilipinas!" Sinabayan ko pa ito ng nakakabinging tili. Naramdaman ko ang marahas na paglayo ng telepono sa tainga ng bestfriend ko. Minsan talaga naaawa na ko sa kanya. Pero minsan lang naman. Lagi kasi itong shock absorber ko. "Super Junior?", bored na tanong ni Kobe. "Yes. Super Junior you know, the last man standing! Grabe I can't wait na makita sila! Samahan mo ako mag-stalk ha? Wala kang choice, bestfriend kita tandaan mo yan. Maalala mo nung binubully ka ng mga classmates nating damulag nung elementary? Pinagtanggol kita. Tapos sa galit ng mga bully na yun sinapak nila ako straight sa panga! Na-uppercut ako ng dahil sayo. Tapos nabungi ako dahil dun. Hindi sa kinokonsensya kita basta I need you. Ikaw lang naman pinagkakatiwalaan ni Mama na sumama sa mga lakad ko. So please please, samahan mo na ko." Sa haba ng litanya ko hindi ko napansin ang paghihilik ni Kobe sa kabilang linya. Aba, tinulugan ako! Bastos 'to ah. "Hoy, Kobe! Gumising ka dyan! Grabe ka sa akin. Hindi mo ba naaalala yung--" "Oh, please stop it Chin!", iritableng hirit ng magaling kong bestfriend. "You're so annoying. Oo na lang para tumigil ka. I-enumerate mo pa lahat ng 'utang na loob' ko sayo. Baka tanghali na hindi ka pa tapos", pagmamaktol nito. I knew it. Hindi talaga ako matitiis ng pogi kong bestfriend. Kahit ako pa ang pinakanakakairitang babaeng nakilala nya. "Talaga? Totoo ba yan? Kyaa! Kobe, thank you! Mwah hugs tsuptsup!" "Kadiri ka. Pwede na ba akong matulog uli? Nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay matulog ka na din. I'm sure you were up until now kakaantay sa announcement ng TonyMoly." Hep. Hep. Paano nalaman ng bestfriend ko ang tungkol sa TonyMoly launch ng SJ? "Teka, pano mo nalaman na TonyMoly ang reason kung bakit pupunta ang SJ? Hindi ko naman nabanggit yun ah?" Matagal bago ito sumagot. "Nalaman ko sa internet. Kagabi pa yan in-announce sa fancafe nila sa Korea. Hindi mo alam?" Kulang na lang sabihin nitong, "duh, wala kang alam." Wait. Kagabi pa? "Bakit hindi mo man lang ako sinabihan kagabi? Magkachat pa nga tayo sa fb at twitter. Ano ba naman yung mabanggit mo man lang di ba?" Nakakasama ito ng loob. "So galit ka na? Kaya ayaw mo na ako kasama sa pag-stalk?" "Hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang, eh di sana kagabi ko pa nalaman? Sayang yung pag aantay ko hanggang madaling araw. Bitter ka ba kasi si Donghae at hindi si Taeyeon ang pupunta?" Hindi ito nakasagot. Ha! Bingo! "Sabi ko na nga ba Kobe." At binabaan nya ko ng telepono. Bwisit.

***

Araw ng fan signing event ng SJ. Kasama ko si Kobe pumunta sa Gateway Mall kung saan gaganapin ang launch ng SJ bilang bagong model ng TonyMoly. Hindi kami bumili ng ticket ni Kobe. Nanghihinayang kasi ako sa pera hindi ko din naman magagamit yung cosmetics dahil hindi naman ako nagme-make up at dahil hindi rin naman talaga ako marunong gumamit nun. Sobrang dami ng fans sa loob ng mall. Takang-taka ang mga ordinaryong customers bakit ang daming kabataan ang nasa loob. May artista daw ba. Lumapit pa sa akin yung isang matanda, ang tanong nya, "Sino bang pupunta dito at ang daming tao? Kilala ba?" Buong giliw kong sinagot si Lola, "Super Junior po. Yung kumanta ng Sorry, sorry, sorry, naege naege naege pajyo pajyo-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko, o mas tamang sabihin na kinakanta ko kasi nag-about face na si Lola at hindi na lumingon pa. Sad. "Sabi ko sa'yo kumalma ka lang eh. Tignan mo yung matanda natakot sayo. Bakit kasi may pakanta kanya ka pa dyan at sayaw?" Inirapan ko si Kobe. "Ganun talaga! Dapat with feelings! Tara na nga, baka dumating na si Dodong hindi pa natin masilayan." Lumakad ako patungong escalator. "Teka sinong Dodong?" Takang tanong nito. "Si Dodong, tagalized name ni Donghae. Duh!" Nag-eye rolling pa ako bilang emphasis. Kobe just gave me that you-are-insane-i-dont-want-to-be-your-friend-anymore-look. Hinatak ko na ang kamay nya bago pa sya makatakas.

***

"Bakit nandito tayo sa basement?" Hindi mapakali si Kobe habang naglalakad kami sa basement ng gateway. Nasa likuran ko sya at ako ay parang ninja na nakayuko pa samantalang sya ay relax na relax akala mo naglalakad sa ilalim ng buwan. "Sabi kasi ng friend ko dito daw sa basement 2 dumaan si Piolo Pascual nung may mallshow sya. Todo masid ako sa paligid baka kasi may security na sumita sa amin o kaya naman makasalubong namin body guard ng SJ. Hindi kami papayagang mag-stay sa basement ng mga yun for sure. Sila ang number one enemy ng fangirls at fanboys. "Piolo Pascual? Anong kinalaman nya sa pagdating ng SJ?" Tumigil ako sa patingkayad na lakad at humarap sa bestfriend ko. "Kung dito dumaan si Piolo Pascual nung malltour nya, malamang sa malamang dito din dadaan ang SJ. Get it? Get it?" Nagkibit balikat lang si Kobe at naglakad muli. "Sigurado ba yang friend mo? Eh parang wala nama-" Tinakpan ko ang maingay na bibig ni bestfriend dahil may narinig akong naglalakad palapit sa pwesto namin. "Wag ka maingay, may tao." Bulong ko sa kanya. Dahan dahan kong sinilip kung san galing yung narinig kong ingay. Dalawang security guards ang papalapit sa amin. Dahil sa tangkad ni Kobe, agad itong nakita ng guards. Kung mag-a-act kami ng normal, hindi kami paaalisin ng guards. "Ah, kuya Kobe san ba banda pinark ni Daddy ang kotse natin?" Nag-pretend akong hinahanap namin ang imaginary kotse ni "Daddy". "Ha? Anong pjnagsasab- Aray!" Marahas kong tinapakan ang paa ni Kobe at pinanlakihan ko sya ng mata dahil minsan ang slow nya. "Sumakay ka na lang dahil paaalisin tayo dito nila kuyang guard", sabi ko ng pabulong na hindi bumubuka ang bibig. "Fine," he hissed. Halatang nairita sa pagtapak ko sa paa nya. Oops. Bago nga pala ang sapatos nya. Nabinyagan ko na. Ha! "Nandito lang yun. Stop using your mouth in finding it. Use your eyes instead. Dummy." Aba! Itong kumag na ito. "Sure big brother!" Sinigaw ko pa ito para marinig nung dalawang guards at para mabingi na din ang kaibigan ko. Buti na lang at lumampas na ang dalawang guards. Hindi nila kami sinita. Patuloy sana ang aming paglalakad nang biglang may malakas na sigawan na nanggagaling sa Basement 3 ang umalingangaw. "! Andyan na ang SJ!" Natataranta ako hindi ko alam ang gagawin. "Akala ko ba dito sa Basement 2 sila dadaan?" Takang tanong ni Kobe. "Baka nagkamali ang friend mo." Humanda sa akin si Anita. Ididis-like ko lahat ng fan page ni Piolo Pascual pag nag-online ako. "Tara sa taas." Hinawakan ni Kobe ang kamay ko at tumakbo kaming sabay papuntang basement 3.

***

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet