[Chapter 3] -The Present-

My First and My Last love (LizQuen)

>3 years after<

BUZZ! BUZZ! BUZZ!

Pasok na naman, sana palagi na lang summer, wala na pasok.. haay! Buhay nga naman palagi mahirap. Biro niyo 4th year HS na ako ngayon. Nakakaexcite sana magkaklase kami ni Kath.

May biglang nagbukas ng pinto.

"Buti na lang gising ka na. First day mo pa naman. Akala ko kailangan ulit kita kaladkarin katulad nung 3rd year ka para lang umalis ka sa kama mo."

Ngumisi siya sa akin at ako ay nainis. Palagi na lang ako inaasar niyang mokong na kuya kong yan.

"Sira ka talaga kuya, masakit kaya yun."

Binato ko yung unan sa kanya pero nasalo niya.

"Alis ka na nga. Maliligo pa ako."

"Sige ligo ka na. ang baho mo na, umaalingasaw dito sa kwarto mo."

Sabay umalis yung mokong. Argh! nakakainis, nakakaruin ng first day. Makaligo na lang nga.

"eto na yung school, sige thanks kuya"

Bumaba ako ng kotse.

"huwag ka matutulog sa klase ha. First day mo pa naman."

Nangasar nga naman ang mokong. Palagi na lang akong pinagtritripan. Siguro dahil ako lang ang nagiisa niyang kapatid. Makapasok na nga sa loob.

Nung papunta na ako sa itinakdang klase may tumawag sa akin.

"Hoy, babae!"

Si Kath pala.

"Oh musta?"

Tumingin ako kay Kath at yung mukha niya sabik na sabik.

"guess what?"

"ano? magklasmate tau?"

Magclassmate ba kami. Hindi ko naman nakita pangalan niya sa section ko. Baka nga, hmm... bulag na siguro ako.

"hindi, kaya nga 'guess what?' eh"

ay hindi, buti naman kasi hindi ako bulag. ano naman kaya ikinasasabik nitong babaeng to?

"ayoko nga, mag-guess sabihin mo na lang"

"may bagong transfer student!"

Tapos parang tumalon sa sabik si Kath.

"eh, ano naman ngayon? Every year naman ganun."

Yun lang pala yung sasabihin niya. Kala ko naman kung anong news na.

"lalaki, cute, gwapo pala I mean."

"paki ko sa mga guys."

"alam mo isang lalaki lang ang nanakit sayo. Tapos yung lalaking yun walang kwenta, tsaka tagal na nun. hindi naman lahat ng guys ginawa yun sayo. kaya kung pwede lang give guys a chance."

anong chance-chance, manigas yung mga tiyans nila. atsaka ba't niya pinaalala yun kinalimutan na nga yung guy. actually, ok i'll admit i always think about him, pero sinaktan niya lang ako. Kinakalimutan pero palagi bumabalik sa utak ko. i tried forgetting him. i really tried. pero hindi ko kaya.


"chance?! sira ka rin pala eh."

Ba't ba lahat ng tao ngayon nasisiraan ng bait.

"kung pinagbigyan mo lang kasi lahat ng nanligaw sayo, mararamdaman mo kung bakit."

"bahala ka nga diyan. palagi guys nasa utak mo."

GUYS AS IN NAMAN, I HATE GUYS. hindi naman hate, friends lang ok pero nothing more than that. ever since -- bahala na.

"kahit tingnan mo lang..."

grabe parang nalulusaw si Kath, sa kakatitig dun sa guy. ako naman napalingon din kasi parang lahat ng girl na nakikita ko nakatingin dun sa direksyon nung guy.

"para lang naman normal na lalaki eh."

"anong normal, look at that face... and those eyes... and those lips..."

"hoy, tumigil ka na nga diyan para kang manggagahasa sa tono ng boses mo."

Seriously. What's the big deal?! Yung guy para lang naman mga lalaki sa tabi-tabi. Pare-parehas mukha. pero infairness ang ganda ng mata niya with those long eyelashes, ang his lips are so kissable pulang-pula... HOY LIZA gumising ka nga nagiging katulad mo na si Kath.

"Alam mo ibang klase ka rin."

KRRIIINNG!

Haaay! salamat nagbell na rin. Nakakasawa na yung pinaguusapan.

"Sige kita tayo sa lunch!"

"Oo, sige."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SheianKimL #1
ang ganda nang story