[Chapter 1] -The Past-

My First and My Last love (LizQuen)

>3 years ago<

May nagtext sakin nung huling klase ko na. Si Quen pala yung boyfriend ko.

From: Quen <3

Liza, punta k sa main court  

after skul may klngan aqng  

sabhin sau.

Eto talagang si Quen palaging may surpresa.

TO: Quen <3 

o cge kta tau  

lub u! =)

Hindi na ko nakakuha ng reply kasi dinismiss na kami ng teacher.

 

Nakita ko si Quen nakaupo sa bench malapit sa court. Nakayuko siya tapos yung mga kamay niya nasa mukha niya na para bang umiiyak. Ano na naman kaya ngyari, at ano yung sasabihin niya? Nilapitan ko siya.

"o, ano na? Anong sasabihin mo?"

Nung narinig niya yung boses ko, tiningnan niya ko ng parang nasasaktan siya hindi ko nga alam kung anong ngyari..

"Liza, makiki-"

Tumigil siya na para bang ayaw niyang ituloy.

"Anong makiki?"

Tumayo siya. Ano kaya balak nito?

"makikipagbreak nako sayo!"

Umupo ulit siya tapos yumuko. Tama ba pandinig ko ngayon baka kailangan ko lang ng earbuds.

"Ha?! Ano?!"

"makikipagbreak na nga ako sau."

Nakayuko pa rin siya. Hindi niya ko matingnan. Tama nga pandinig ko. Ang sakit. Wala naman akong ginawa.

Tiningnan ko lang siya. Umiiyak ba to? Eh g*go pala ito eh; siya na nga yung nanakit tapos siya yung iiyak. Siguro nag mamaang-maangan masaktan para hindi resbakan ng kuya ko.

"ano Quen!? Anong dahilan kung bakit ka makikipagbreak?"

Wala akong pakialam kung nagiging eskandalosa na ako. Tiningnan niya ako, sus ang galing umarte nitong ogag na to pwede na maging artista. Ang pula pula ng mata niya na parang binuhusan ng asin. Sino ba naman kasi dapat masaktan, diba ako? Tutal dapat wala siyang maramdaman kasi siya yung nakipagbreak. Gusto ko ng umalis pero kailangan kong malaman kung bakit. Napaiyak lang ako sa sagot niya.

"kasi hindi na kita -"

Huminto siya. Ano ba to drama drama niya fake naman. Hindi ba niya alam na ako ang nasasaktan!

"anong hindi na!? Sige nga ipaliwanag mo!"

Sumisigaw na ako alam ko. Paki ko kung may makarinig. Masakit na talaga eh.

"hindi na kita---"

Bumulong siya.

"mahal."

"ano?"

"hindi na kita mahal ok, oh nalaman mo na na hindi na kita mahal ka-ka-kaya sinasayang mo lang oras mo sa akin"

E kung upakan ko kaya itong mokong na to! Ang sakit nun noh! Kung na feel niyo lang yung sakit parang ikamamatay ko na.

PAAKKK!

Sinampal ko siya. He totally deserved it, hindi nga sapat yung sampal lang.

"Sobra ka talaga, pinaasa mo lang ako sa WALA!"

Umiiyak na ako. Tapos nun umalis na ko. Hindi ko na kinaya! Yung para bang mapapatay ko siya pag hindi ako umalis dun. Ang sakit bakit niya ginawa sakin yun. Minahal ko siya ng lubos tapos ginanun niya lang ako. Mag iisang taon na nga kami this coming month! Lahat ng memories niya wala ng pakinabang sa buhay ko! Nakakainis bakit may mga lalaking ganun - mali pala bakit may mga LALAKI PA SA MUNDO! Sinasaktan lang naman nila mga babae. Kakalimutan ko na lang siya yung parang hindi siya nag exist sa buhay ko! Ayoko ng umasa pa! Ayoko ng magmahal!

Nagpatuloy lang ako umiyak.

>Kinabukasan<

Hindi ako nakapasok ngayon, baka kasi umiyak lang ako sa klase namin. Hindi nga alam ni daddy na nakipagbreak na sakin si Quen, kasi baka sugudin yun sa bahay niya. At lalong lalo na hindi alam ni kuya naku mapatay niya lang yun. Hindi naman sa ayaw kong mamatay, sa totoo gusto kong mamatay un. Excuse ko naman eh sobrang sakit ng ulo ko, buti nga naniwala eh ba't hindi naman maniniwala ang pula pula ng mata ko kakaiyak kala nila ganun talaga kasakit yung ulo ko pero hindi yun ung nasasaktan. PUSO ko yung NASASAKTAN!


BEEP!

From: Bestfriend (Kath)  

muzta ka na?  

k ka lng?  

dlwin kta mmya  

cge bi =)

Si Kath best friend ko since elementary. Tagal na naming friends. Kala mo nga kambal kami kasi pati pagsasalita namin parehas pati kilos pa nga eh. Pero sa totoo lang we're completely different, she hates alot of what i like and i hate alot of wat she likes.

Actually pagtapos ng text ni Kath sunod sunod na yung text. Ang daming nagtext sakin kung ok lang ako. Ano ba to alam ba ng buong skul na-na- wag na nga pagod na ko umiyak.

Mga 5 pm dumating si Kath sa bahay. Ako lang magisa sa bahay, kasi may trabaho pa daddy ko tapos si kuya may gimik ng barkada niya.

"oi girl! I heard what happened. I'm really sorry."

Hinug niya ko.

"ok lang, wala na akong paki dun sa lalaking yun"

"gusto mo resbakan natin bukas? Magtatawag pa ako yung kuya mo pati yung mga kabarkada niya."

Pag kuya ko nga lang sumugod dyan sa lalaking yan patay... winish niya na hindi niya na ako nakilala.

"hindi ok nako wag mo na alalahanin bukas papasok na ko! Promise!"

"o sige girl, basta pag gusto mo ready pa kong manuntok.."

Tumawa kami tapos umalis na din si Kath. Mga 7 pm nakauwi si Kuya. At ang loko parang aatakihin sa puso kung tumakbo.

"oh, hinahabol ka ulit ng aso?"

Niloko ko siya. Ang sarap kasi asarin.

"hindi ako hinahabol ng aso noh.."

Hinihingal siya. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig.

"Eh bakit ka tumatakbo na parang may nanghahabol sayo?"

"Walang nanghahabol sakin"

Uminom siya ng tubig. Tapos nagsalita ulit.

"Totoo ba?"

Tumingin siya sakin ng seryoso. Nakakatawa siya pag seryoso yung tingin niya, kaya naman napatawa lang ako.

"a-a-anong totoo?"

Tumatawa ako kaya na utal-utal ung pagsasalita ko.

"Liza naman seryoso na nga usapan tapos tawa ka lang diyan."

"kasi face mo nakakatawa"

Pinipigilan ko yung tawa ko kasi baka magalit siya.

"bakit may dumi ba ako sa mukha?"

Kinapa niya yung mukha niya.

"Wala, nakakatawa lang talaga yung face mo"

Tumawa ako.

"ok seryoso na to... totoo ba na nakipagbreak sau si Quen?

Bakit ba niya pinaalala yun. Kinakalimutan na nga tapos papaalala ulit. Kainis. Wala akong sinabi, umakyat na lang ako papuntang kwarto. Buti na lang nag hapunan na ko. Kung hindi tomguts ako ngayon.

"Liza hindi pa kita tapos kausapin."

Sumisigaw na si Kuya pero nagpatuloy parin akong maglakad paakyat. And at that moment umiiyak ulit ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SheianKimL #1
ang ganda nang story