Kabanata 1

Loving You Unexpectedly
Please log in to read the full chapter

Kabanata 1

Limang minuto

💍  

 

Napatingin ako sa kalangitan ng hindi sinasadya, maganda ang sikat ng araw, hindi sobrang init. Hindi kasing init ng ulo ko kapag nagkikita kami ng isa sa mga kaklase ko. Hindi naman sa sinisiraan ko na siya simula palang ng kwentong ito, pero hindi ko maiwasan.

Dahil halos araw-araw, minu-minuto, segu-segundo, nasisira niya ang araw ko.

Nakailang buntong hininga na nga ako habang nandito ako sa sasakyan ng pamilya namin papuntang school habang inaalala ko na naman yung ginawa niya sakin kahapon pauwi.

Halos masiraan ako ng bait noong ginawa niya sakin yun.

"Aaaaaaa! ka Carlo, papatayin kita!" sabi ko habang halos magalburoto na akong umalis sa pagkakahawak niya sa bewang ko.

"O, sinalo na nga kita e. Diba, classmates?" ngumiti pa muna siya sakin hanggang sa mailibot na niya ang tingin niya sa buong classroom namin.

Nagtawanan naman sila saglit dahil sa sinabi nitong psychopat na 'to. Yung mga ngiti niya, gusto ko nang kunin sakanya, gusto ko nang burahin sa mukha niya nung mga oras na yun. Kung pwede nga lang, pati narin yung ulo niya tanggalin ko na sa kanya para hindi na siya ulit sikatan ng araw.

"So, am I suppose to thankyou? No way, highway. Tinalisod mo nga ako e, baliw kaba?"

"Wala akong maalalang tinalisod kita Ms. Patricia Shin Salazar." sabi niya habang may isang ngiti na naman siyang taglay. Isa pang ngiti, isa pa, ililibig kita ng buhay.

"You , freak! Stay the hell away from me or else, I'll kill you." sabi ko sabay tulak sakanya.

Iniling ko na naman yung ulo ko habang bumubuntong hininga, paulit-ulit na kasi yung scene sa utak ko. Pero hindi lang yung scene na yun, iba't ibang klaseng pampainit ng ulo ang ipinapadama sakin ni Carlo araw-araw. At hindi iyon nakakatuwa, swear. Ni isa walang natatakuwa.

"Ma'am, nandito na po tayo." sabi ni manong driver.

Agad din naman ako bumaba ng kotse at pinanuod itong umaandar papalayo sakin bago ako pumasok sa gate ng eskwelahan namin.

Dumirediretso na ako nang lakad papunta sa room namin, at bago ako pumasok ay napa sign of the cross muna ako at nagdasal na sana hindi ko makita ang pagmumukha ni Carlo. Kahit ngayong araw lang Lord, please lang po.

Pero sabi nga, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Malay ko ba kung ipinagdarasal din ng ibang tao na hindi siya makita at mas kailangan nila yung kahilingan nila kesa sakin. Sa pagkapsychopath ni Carlo, malay ko ba, diba?

"Hi, na miss mo'ko?"

Pagkarinig ko nun para akong maging ninja. Nadiscover ko ng hindi inaasahan yung hidden talent ko nang tinanggal ko yung kamay niya na nakaakbay sakin saka yun inikot.

"Araaaay!" pilipit niyang inda.

"Ano ka ngayon, ha? Mamimiss mo 'tong braso mo kapag binali ko."

"Oo na, pikon kagad e! Tss."

Binitawan ko na yung kamay niya at nagtuloy tuloy sa designated na upuan ko. Hindi ko na talaga alam gagawin ko kay Carlo, ayaw niya talaga akong tantanan. May sapi ata yang isang yan e, nasobrahan ng sapi. Mag patawag nalang kaya ako ng pari kesa patayin ko siya? Kasi mukhang kahit patayin ko siya, paiinitin niya parin yung ulo ko e.

Yung first class natapos, sinundan ng sinundan ng mga susunod hanggang sa mag afternoon break na kami. Thank heavens dahil hindi na ulit ako nilapitan ni Carlo ngayon at matiwasay ang naging buong tanghalian ko. Siguro natakot na baliin ko yung braso niya.

Incoming Call: Mama.

Hindi ko maiwasang mainis. Panira naman 'tong si mama, nasa kalagitnaan na ako ng pagpatay kay Carlo sa isip ko e. Mamamatay na siya e, nandun na, bigla pang nawala. Ayaw talaga ako sumaya ng mundo e, kahit sa daydream lang.

"Hello, ma. Bakit po?"

"Umuwi kayo ng maaga ngayong araw, alam ko wala kang practice or meeting ngayon. Kaya walang excuses."

"Wala nga po. Saka wala si Ella ngayon ma, kaya wala akong isasama."

"No, not Ella."

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet