↣ Chapter 9

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Krystal's Point of view.

"Eh ano yung favourite chocolate mo?" Tanong ng kupal sa bestfriend 'ko. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa kinalalagyan nila. Wala lang, trip 'kong manira ng moment eh.

"Hoy!" Sigaw 'ko habang nakahawak pa yung mga kamay 'ko sa aking bewang. "Ano Amber? Kailan mo balak gumawa ng investigatory project? Pag asul na ang buwan?!" Inirapan 'ko siya, habang napatingin nalang siya kay Sulli na tawang tawa. "Oo na boss, eto na nga tatayo na." Tumayo siya at kinuha niya yung mga libro niyang nakalapag sa mesa. "Oh mauna 'ka na." Sabi 'ko sakanya, aangal pa sana siya pero inunahan 'ko na. "Saglit lang 'to 'di aabot ng 5 minutes." Wala na siyang nagawa kundi umalis. Kaya umupo ako agad sa tabi ni Sulli.

"Uy ikaw bessy, may namumuo ba?" Pang a-asar 'ko habang sinisiko 'ko siya.

"Gaga wala." Ngumiti lang siya saakin.

"Bessy kilalang kilala kita, alam 'ko kung paano 'ka magka-gusto." Tinitigan 'ko siya sa mata ng seryoso. "At syempre lumulukso din saakin yang nararamdaman mo 'no." Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Hay." Huminga siya ng malalalim. " Ewan? Siguro? 'Di 'ko alam." Nagdududa niyang sagot. "Basta alam 'kong masaya ako pag kasama 'ko siya, pag kausap 'ko siya." Halos tumili ako sa sobrang kilig nung narinig 'ko yun mula sakanya, kulang na nga lang ata gumulong ako sa sahig.

"Nako diyan nagsisimula yan! Azhstaiansgdygb" Kinikilig 'kong sinabi habang pinaghahampas 'ko siya ng libro. Dami 'ko pa sanang gustong sabihin kaso may epal na tumawag sa pangalan 'ko. "Oh ano Krystal? Akala 'ko ba 5 minutes lang? Mukhang gustong gusto mo pang mag extend ng isang oras sa sobrang sarap ng daldalan niyo." Sarcastic niyang sinabi habang tinitingnan yung relo niya. "Wow 5 minutes na yun? 'Di pa nga ata yun nakaka-abot ng 3 minutes eh." Inirapan 'ko siya at naglakad na 'ko papalayo.

Medyo malayo na 'ko pero rinig na rinig ng dalawa 'kong tenga ang sinabi ni Amber sa bestfriend 'ko. "Bye snow white." Tinawag niyang snow white si bessy?!?! Yun na ba ang endearment nila?! Bagay naman yung endearment nila, tapos tawag sakanya ni Sulli 'witch' tutal mukha siyang witch, joke HAHAHAHA. Jusko, dalaga na talaga ang bestfriend 'kong NBSB. Sa sobrang kilig 'ko sakanilang nahuli ako ni Amber na naka-ngisi. "Oh bakit ka tuwang tuwa? Tara na." Epal talaga, panira ng moment. Kinikilig pa 'ko eh!

"Hoy epal saan ba banda yang bahay mo? Baka naman libo libo pang kilometro layo niyan dito huh." Sabi 'ko habang inaayos ko yung bike 'ko.

"Diyan lang sa baba, malapit lang." Sagot naman niya habang gumagawa siya ng mga tricks sa skateboard niya. Luh, pakitang gilas. Akala mo naman magaling psh.

Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa Apartment niya, malapit lang pala sa school. Malapit rin pala siya sa bahay 'ko, ba't 'di 'ko siya napansin dati? Kase 'di naman siya kapansin pansin. (Joke lang HAHAHAHA baka mapatay pa 'ko ng bestfriend 'ko.)

"I-lock mo nalang yung bike mo diyan sa poste. Siguro naman wala ng magkakainteres diyan." Utos niya habang inoopen yung gate. Inirapan 'ko nalang siya at walang nagawa kundi ilock yung bike sa poste. Pagka-pasok ko sa unit niya. Namangha ako sa design nito, sobrang kabaliktaran 'to ng iniisip 'ko. Simple lang yung unit, studio type na may black na wallpaper at grid na tiles. Pero eto ang matinde, sobrang organized at linis. Unit niya ba talaga 'to? Baka naman sa kapit bahay niya lang 'to?!

"Sino kasama mo dito?" I curiously asked her. Habang tumitingin ako ng mga picture frames na nasa table. Nakakaintriga kasi.

"Ako lang mag-isa dito." Napatingin ako sakanya "Jinjja?! Eh nasaan mga parents mo?" Gulat na gulat 'kong sinabi sakanya. "Nasa states sila, kasama nila yung ate 'ko." Sagot niya habang tinitingnan din niya yung mga picture frames. "Oh paano na pala yung investigatory project natin? May naresearch 'ka na?" Tanong niya. "Actually wala pa, kaya dinala 'ko yung laptop 'ko para makahanap na tayo ng topic." Sabi 'ko habang inoopen 'ko yung laptop. Akala 'ko nung una, mga 30 minutes lang namin 'to gagawin. Pero umabot na kami ng mahigit isang oras kakareresearch wala pa din kaming nakikita! Halos sukuan na nga namin. Kase lahat ng nareresearch namin investigatory projects eh kung hindi naman mahirap, sobrang mahal naman ng gastusin. Yung iba naman non sense din.

"Eh etong hydro flashlight?" Suggestion 'ko.

"Ano yan?" Tanong niya.

"Flashlight siya pero instead batteries ang gamitin para magkaroon ng light, water yung gagamitin. What do you think?" Tumingin ako sakanya habang siya naman ay seryosong binabasa yung description. "Hm. Pwede na, sige yan na para matapos na natin yan."

Inoff 'ko na yung laptop 'ko "Alright, so see you tomorrow. Uwi na 'ko. Medyo malakas na yung ulan eh"

"Uuwi ka sa panahon na ganyan?" Tanong niya habang nakatingin siya sa bintana. "Ayaw mo bang magpatila dito saglit? Tutal malapit lang naman bahay mo dito." Hi-hindi sana ako kaso tama siya, kailangan 'ko muna magpatila dito saglit. Baka mamaya tangayin pa 'ko ng hangin, mahirap ng 'di ako makauwing buhay saamin. "Kukunin 'ko na lang yung bike sa labas." Sabi 'ko. "Ako na." Sagot naman niya. "Ako na kukuha bike 'ko yun eh." Pagmamatigas 'ko. "No. Ako na nga sabi, mag stay 'ka nalang dito." Pangungulit niya saakin at lumabas siya agad agad, at ako naman wala ng magawa kundi umupo nalang sa sofa niya.

Makalipas ng ilang minuto, bumalik siyang basang basa. "Saan mo nilagay bike 'ko?" Nilapitan 'ko siya "Sa bike ka pala talaga 'ka concerned? Eh ako nga 'tong basang basa." Sagot naman niya, habang nagpupunas siya. Aba hindi 'ko naman inutos na kunin niya eh! Siya nga yung nagpupumilit na siya nalang yung kukuha! "Teka, sinabi 'ko bang kunin mo? Asa ka naman na magiging concerned ako sayo." Nabwibwiset 'kong sagot sakanya. Habang siya patuloy sa pagpupunas. Sa sobrang irita 'ko sakanya hinampas 'ko siya ng unan. "Wtf? Anong problema mo?Tinapon 'ko na yung bike mo!" She smirked. Tf ano sabi niya?! TINAPON?! "What the hell. Seryoso yan?" Kabado 'kong tinanong sakanya. Napahawak pa nga ako sa dibdib 'ko sa sobrang kaba. "Uto uto ka talaga eh 'no? Joke lang yun, pinasok 'ko sa gate." Biro niya. "Panira 'ka ng mood." Inirapan 'ko siya at pumunta ako sa bintana para tingnan kung gaano pa kalakas yung ulan. "Tumigil 'ka na please, kailangan 'ko ng umuwi." Bulong 'ko sa sarili 'ko na halos mangiyak ngiyak na.

Dumaan ang isang oras, wala pa din tigil ang ulan.

Dumaan na ang dalawang oras, mas lumakas pa yung ulan! Bastos talaga! Paano na 'ko makakauwi nito?!

"Krystal, why won't you spend your night here? Delikado umalis, baka kung may nanyari sayo ako pa sisihin." Sabi nung epal.

Inirapan 'ko siya "Do I have a choice?"

"Oo, pwede 'kang umalis at magpaulan sa labas. Alam mo, imbes na malditahan mo 'ko dito, paglulutuan nalang kita. Anong gusto mong kainin?" Luh. Seryoso ba 'to? Siya magluluto? Psh. Baka masunog lang yung niluluto niya. No thanks.

"Wag na baka may lason pa yan." Bulong 'ko sa sarili 'ko.

"Ano sabi mo?" Tanong niya, habang seryoso siyang nakatingin saakin. Narinig niya pala, kaya patay malisya nalang ako. Kunwari wala akong sinabi.

"Uy panget ano sabi mo?" Pangungulit niya.

"Ang sabi ko, ako nalang magluluto." Palusot ko, kahit hindi naman talaga ako marunong magluto, takot pa nga ako pag may tumatalsik na mantika eh. Pero bahala na, mas ayos ng ako yung magluluto kaysa siya.

"Marunong 'ka ba talaga magluto?" Tanong niya habang nakasandal siya sa fridge.

"Diba dapat sa sarili mo yan tinatanong?" Tumingin tingin ako sa cabinet, naghahanap ng pwedeng lutuin. At nakita 'ko yung spam, siguro ayos na 'to. Pang tawid gutom lang naman eh. "Sige, sabi mo eh. I'll stay here para makita ko mamaya kung paano ka tumili pag natalksikan ka ng mantika." Nangaasar niyang sagot saakin, kaya binigyan 'ko siya ng Wag-Mo-Ko-Subukan look. Pag eto naluto 'ko, ihahampas 'ko talaga 'tong spam sa pagmumukha niya! Nung simula ayos naman tapos ewan 'ko kung anong nanyari bigla nalang nagsitalsikan yung mantika. Eh ayoko pa naman natatalsikan ng mantika! Sa sobrang takot 'kong matalsikan, kulang nalang kumuha ako ng payong para maproteksyonan 'ko yung sarili 'ko.

"Tsk. Ganito kase magluto." Sabi niya habang nasa likuran 'ko siya at hawak hawak niya yung kamay 'kong hawak yung tong. "Akala 'ko ba marunong 'ka? Psh. Isang talsik lang pala ng mantika ang katapat mo." Nangaasar niyang sinabi. "Hoy Amber makapag---" Sasabat pa sana ako nung nilingonan 'ko siya pero laking gulat 'kong parang 2 cm lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napatitig nalang ako sakanya. "Kr-krys---"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video