Anong gamit ninyo?

(obviously, from the title alone, this post is for Pinoys only, preferrably those living in the Philippines.)

Survey para sa mga Pinoy sa Pinas.

Anong internet service provider gamit ninyo?

Lilipat na kasi kami sa bagong bahay at ipapa-disconnect na namin ang PLDT Home DSL Plan 999 kasi kamakailan (wow lalim), pagkatapos ng bagyo, bahagya na kami maka-connect sa internet: "DSL server cannot be accessed" ang error/issue.

Okay ba SKY broadband? Pulos reklamo nasa FB page nila -_-

Pocketwifi smart na lang?

Eh, kamusta naman ang Globe?

 

Para sa CABLE tv, okay ba ang Sky cable or cignal?

 

Salamat!

Comments

You must be logged in to comment
4EverLittleMsFanGirl
#1
Pocket Wifi. :))
nuggetss
#2
pldt gamit namin pero minsan nakakagago sila HAHAHAHA papabagalin internet mo tapos siyempre itatawag mo tas sasabihin nila pa-upgrade na kung mej mabilis ka maniwala naloko ka na pero kami sanay na kami so sinasabi namin wag na tapos after nun okay na ulit connection haha

sa cable naman oks ang sky! sabi ng iba maganda din daw cignal pero ewan ko cute ng sky cable e haha
chossychicc
#3
Oh my god pinoy ka pala? Ako lang ba di nakakaalam? Late naba ako masyado sa balita? LOL. Hmmmm anyways, bayanDSL gamit ko. Hindi pa kami nagpalit since nagpakabit kami like 2007 or 2008 ata? For me mabilis sya kahit lahat dito sa bahay gumagamit. Okay din yung speed nya sa pagddl. : D And bihira din naman magloko. If ever magkaprob naayos naman din agad ng bayantel. :-)
sunflowerpots
#4
SKYLINE!!! mbilis!!! ^_^
You143
#5
Gosh! Filipino ka pala! I'm your fan! Like really all this time akala ko foreigner ka! Naexcite ako bigla hahaha sorry. Ganda ng mga stories mo! Naka subscribe ata ako sa lahat. hehehe PLDT din gamit namin and I agree with you itong past months after nga ng (mga) bagyo bumagal na siya tapos minsan di din kami maka connect. Pero kung mag suggest ako, feeling ko maganda yung Sky. Di lang kami makapag palit pa kasi di pa tapos contract namin sa PLDT.
star070187
#6
We use Globe dito sa bahay and sa office, mabagal sya pero kapag may problems na beyond our fixing skills mabilis sila magpadala ng technician para mag-ayos ng problems. We use DSL before at home kaso mabagal ...I think lahat naman ng internet provider dito sa Phili mabagal hehe :)
kpopartory
#7
Bayantel ang gamit kong internet eh, ung koneksyon ko e maayos, kaso ung sa pinsan ko na kapitbahay lang namin, Bayantel din ang gamit pro lagi silang tumatawag ng technician pra ayusin ung koneksyon nila. Sa akin kasi, ako lang ang gumagamit - ung sa pinsan ko marami silang gumagamit at kasama ung mga phones nila.

Nung umuwi ung pinsan kong galing Canada, ung Smart pocketwifi ang gamit nya, kasi mas ginamit nya sa province e sandali lang sila dito sa Manila, maayos naman daw ung koneksyon nya. At sya lang din ang gumagamit e.

Depende rin ata sa kung saan ang area mo, kasi me area na mahina ang isang klase ng internet. Mapa Smart man o Globe.

Naka Sky cable kami. Maayos naman ang koneksyon, me time lang kumg mawalan kami ng koneksyon.
zeraphyrus
#8
Hi! Smart bro gamit sa bahay sa philippines.. It's at nueva ecijA.. Globe kasi mas mababa ang bandwidth, sa smart it's 50gb/month. Not sure kung nagtaas na sila, probably pero just ask them na lang.. As far as i know, mas marami towers ang smart and depende sa location nyo yung magiging bilis. As of experience, the fastest smart can get with speed is up to 200mbps while globe can only mas up to 150mbps. If mahilig ka magdownload and manuod ng videos especially in youtube and dailymotion or veoh hindi advisable ang pocket wifi especially kung marami kayo gagamit cause limited Ang accessibility bAka wala pa sa half of what can broadband give you. If kukuha kayo ng broadband, preferrably yung antenna style and not the router style na isasaksak sa socke and has to be beside the window cause with just a little rain your internet will slow down even if you didn't consume your allotted bandwidth for the month.. Hope i could help somehow.. :) this is just based on my experience in the philippines.. ;D
machiavellian
#9
Globe ang ginagamit namin sa bahay when I stayed in the Phil., Smart pocket wifi ang ginamit ko pag nasa skul (it works well on macbook' iPad, iPod, iPhone..I don't know about other laptops/mobiles) or labas ng bahay. Both works fine.