Prince of Darkness

 

Prologue:

 

Some says, vampires once ruled this country for centuries. They fought, kill and lived and so humans.

 

 

Fortunately, they did’t last long... C’mon! It’s not like they are even real. Kahit na marami ang nagsasabing maraming ebidensya na ang nakita, pero nasaan?!

 

Even Lola Ana use to squeeze some stories about them—vampires, wolves and monsters. She said vampires lives in the forest or some disserted places that far away from humans.

 

Like the Forest of Faro. They said, there’s also a haunted mansion in there but only hunters or those in search of ghost will only have the guts to come there…

 

 

 

 

“Lumayas ka na sa bahay na’to. Ngayong patay na ang taong umampon sayo… lumayas kana!” malakas na sigaw ni uncle Martin saka ako tinulak palabas ng pinto kasama ng mga maleta ko.

 

 

“Maawa po kayo, Uncle. Wala na po akong matutuluyan.” pagmamakaawa ko.  Hapon na at malapit ng magdilim.

 

 

“Tumira ka kung san mo gusto, sa kalye o sa bangketa wala akong pakialam basta huwag na huwag ka ng babalik dito!” matigas na sabi niya saka pumasok sa bahay pabalibag na sinara ang pinto.

 

 

Pinunasan ko ang mga luha sa muka ko. Siguro nga dapat narin akong umalis dito. Si Lola Ana lang naman ang totoong tumuturing saakin bilang kapamilya, wala ng iba. Ang mga magulang ko? Wala. Hindi ko alam kung nasan sila at wala akong balak hanapin sila. Ginawa na nila kung ano ang nararapat—ang iwan ako sa ampunan.

 

 

Masaya akong nakilala ko si Lola Ana. Nakakalungkot lang na ginawa nila saakin to pagkatapos na pagkatapos ng araw ng libing niya.

 

 

Tahimik kong pinulot ang nagiisang maleta ko. Isang sulyap muli sa bahay na kinalakihan ko bago ako tuluyang umalis.

 

 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagpunta ako sa station ng bus at sumakay sa isa sa mga yon ng di tinitingnan kung saan iyon tutungo.

 

 

Kahit saan, basta malayo..

 

 

Sa pag andar ng bus naramdaman ko rin ang pagtutubig ng mata ko kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit isipin ang masasayang alaala kasama si Lola Ana.

 

 

Nagising ako sa kung sino mang kumakalabit sa’akin.  “Miss... Miss… “ dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko. “Mabuti gising kana. Saan ba ang iyong pupuntahan?”

 

 

Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa paligid. Nakita kong ako nalang pala ang nagiisang pasahero. “Nasaan nap o tayo?”

 

 

“Nasa Florest na tayo. Hanggang dito nalang kami dahil gubat na ang sunod dito. Kaya hanggang dito nalang ang byahe namin.” Sabi ni manong kundoktor.

 

 

Tumango-tango ako. Florest? Saan naman ito?

 

 

Nakakunot noo akong tumayo at dahan-dahan kinuha ang maleta ko. “Sige po, Manong, salamat.” tahimik na sabi ko at bumaba ng bus.

 

 

Pagkaalis ng bus, basak ang mgabalikat akong nagsimulang lumakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Kainis naman oh! Bakit kasi nakatulog ako. Ang balak ko sana ay makitira muna kanila Ava hanggang sa makuha ako ng trabaho.

 

 

Napayakap ako sa sarili ko ng makaramdam ng pagihip ng malakas na hangin..

 

 

“Badtrip, mukang uulan pa!” inis na sabi ko saka nag simulang tumakbo mula sa kadiliman. Wala man lang kahit isang poste ng ilaw dito.

 

 

Tumigil ako sa mga punong naglalakihan at sumilong doon. Nilabas ko ang cellphone ko para ipangilaw sa paligid at agad na binuksan ito.

 

 

Muli ang pagihip ng hangin. Napaupo nalang ako at muling napaiyak..

 

 

“Lola, bakit mo ko iniwan..? “ bulong ko sa dilim.  Di sinasadyang naiwagayway ko ang cellphone ko at at tumama ang ilaw nito sa isang direksyon.

 

 

Halos mapasigaw ako nang makaaninag ako ng isang bulto ng katawan.

 

 

“Sino… sinong nanjan? May tao ba?” malakas na sigaw ko sa kadiliman pero isang malakas na hangin lang ang narinig ko.

 

 

Wooooosh!

 

 

I gasp in horror dahil ang tunog na iyon ay hindi basta tunog ng magaang hangin sa katahimikan pero tunong ng isang bagay na mabilis na dumaan.

 

 

Inilibot ko sa paligid ang ilaw ng cellphone ko pero wala talagang tao. “Si… sinong nanjan? Lumabas ka!” sigaw ko pero isang pagtawa lang mula sa hangin ang narinig ko.

 

 

“AAAAAAAAHH!” mahigpit kong niyakap ang maleta ko at mabilis na tumakbo palayo. Sino yon?  Mamamatay tao? Baliw? Serial Killer? Or Multo? Papatayin na nya ba ako?

 

 

Nadapa ako mula sa kung anong bagay. Dahan-dahan akong tumayo paupo at tumingin sa paligid.. Nakarinig nanaman akong ng tawa mula sa hangin. Tawa na animo tuwang tuwa sa bagay na kanyang pinaglalaruan.

 

 

“Sino ka?! Lumabas ka sabe!” hindi ako to. Matapang dapat ako. Kung sino man sya, hindi ako makakapayag na ganto-gatuhin nya lamang ako.

 

 

Mas maliwanag na ang sulok na ito. Nalaman kong nasa forest pala ako.Nak naman ng tokwa, Hera.. sa dami dami ng papasukin mo eh gubat pa. Malamang maraming kung ano ang mga nandito. Tulad ng..

 

 

No. No. Hindi sila totoo. At kung totoo man sila.. wala ng mga katulad nila kahit isa ngayon. Tama. Tama.

 

 

“Sino ako? Ikaw  sino ka? Anong ginawa mo dito?” natigil ako ng makarinig ng boses mula sa kadiliman. “Hindi ka dapat nanggagambala.”

 

 

Mabilis ang pangyayari, ang lalaking kanina lang ay nakatayo mula sa di kalayuang puno ay nasalikuran ko na. Mabilis nya akong niyapos mula sa likod.

 

 

“Hoy. Pano mo nagawa yon? Bitiwan mo nga ako. Chansing ka huh!” sigaw ko saka pumalagpalag sa pagkakayapos niya. Pero mas lalo lang nya hinikpitan ang hawak nya.

 

 

“Tumahimik ka! Anong ginagawa mo rito? Siguro pinadala ka nila para patayain kami?” kami? Sinong kami? At kelan pa ko pinadeliver para pumatay.

 

 

“Ano bang pinagsasa—“

 

 

“Kung ganon, kailangan mong mamatay!” sabi niya at nakaramdam nalang ako ng pagsakit mula sa batok ko bago nagdilim ang lahat.

                                           

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet