Mga Akala

 

 

Dati akala ko hanggang tingin lang ako sa iyo. Dati akala ko di na tayo magkakausap ng matagal. Dati akala ko kaya ka naiwas sa akin kasi alam mong gusto kita. Akala ko lang din dati na Pangarap Lang Kita. Oo, alam kong kanta yan. Actually, kanta ko yan pag alam kong hanggang asan lang tayo noon. Kasi nga, magkakasabay nga tayo ng barkada… Pero parang hangin lang ako sa iyo. Di mo ako tinitingnan. Di mo rin ako iniimikan. For short, di mo ako pinapansin.

Ngayon…Akala ko pangarap lang kita. Pero ngayon, anjan ka na. Kinakausap mo ako. Pinapansin mo ako. Ningingitian. Tinatabihan. Di ko talaga inaasahang magiging ganito tayo. Hindi “tayo”, alam ko. Pero di ko mapigilang kiligin sa t’wing anjan ka sa tabi ko. Lalo na pag labasan. Torpe ka man, wala akong pakialam. Basta’t nasabi mo sa akin, feeling ko ako na talaga pinaka maswerteng babae sa mundo.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet