Rant: RAINY DAYS

PAGTAPOS DIN NG PAGTIYATIYAGA SA INIT! UMULAN NA DIN!!!

 

I LOVE RAINY DAYYYS. 

 

Sa sobrang init na kasi nung mga nakailang araw eh. Nakakatusta.

 

 

Tapos nakakapang-init na ng ulo, puro away na lang hanap mo. Lalo na kapag inalis yung electric fan na nakatapat sayo. Eh pambihira, suntukan na lang tayo! 

 

 

Tama lang na umulan ng ganito. Di ko na nga nararamdaman na nag-uumaga kasi ang dilim dito sa amin eh. 

SARAP PAKABATUGAN.

 

 

Pero shempre, masaya ka nga na malamig...

 

 

Nakakapang-emote naman.

 

 

Nakakamiss yung mga kaibigan mo sa school...

 

 

Yung mga memories niyo...

 

 

At higit sa lahat eh yung crush mo na masilayan.

 

 

Marerealize mo na ang dami mo kasing pinakawalan na moments...

 

 

Ang daming chances na pinakawalan...

 

 

At lahat yun, di na mababalik kasi di na kayo magkikita...

 

 

Kaya binalak mong pumunta sa pantry niyo para idaan na lang sa kain ang lahat ng sama ng loob mo.

Kaso pagbukas mo, lata lang ng condensed milk yun nandun.

 

 

Kahirapan nga naman oh.

Pati si Sharon napamura dahil ni Pancit Canton wala kayo.

 

 

ABA ABA! TATLONG BESES PA! 

 

Pero dahil may respeto ka sa mga nakakatanda, pinigil mo na lang sarili mong hampasin siya.

 

 

Kaso mas dumagdag pa yun sa pagrereminisce mo at sama ng loob.

 

 

Sino ba dapat ang sisihin dito? 

 

 

Walang iba kundi itong ulan!

 

 

Kaya pinagtiyagaan mo yung condensed milk pati yung natirang pandesal nung umaga dahil alam mong wala kang karapatan magutom.

 

 

And you ate happily ever after...

 

 

WALA MAGAWA. 

 

 

 

 

 

Huzzah -__-

Comments

You must be logged in to comment
XLR8gurl_heart
#1
Hahaha...nakarelate ako sa blog mo ate!! I miss everything about school, too! At kahit maulan eh mainit pa rin, noh?

Kailan ka update ate?