Re-Tumblr: WARNING! Manila's Version of Hitman

HELLO GUYS.

My second Re-Tumblr.

Filipinos, please take time to read. PLEASE :'( Para din naman sa inyo yan.

BASAHIN NIYO LAHAT. WAG KAYONG MAGSSKIP

Hindi 'to chain message :)) Wag kayong mag-alala.


REPOST:

Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom.

Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina:

Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.

Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi.

Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan.

Ingat!

-A student from AB Pol Sci. (UST)

unbloody believable. ingat guys. more weird stuff are about to happen with the help of ever increasing oil prices and the increase of prices on primary necessities. be wise but take heart. and do not live in fear because God is with us.

Psalm 5:11


But let all who take refuge in you be glad; let them ever sing for joy. Spread your protection over them, that those who love your name may rejoice in you.

Rock! :)



POST DETAILS:
Posted on April/8/2011
Originally Posted by: purpleflare

 


GOOSEBUMPS, right?

Meron pa akong kwento. Nafeature na din ata 'to sa news eh. May nanay na dala-dala yung anak niya na mga 2 years old habang namamalengke. Biglang may humila daw dun sa bata pero pinigilan nung nanay by making hila din. Shempre, anak mo yun, pagtatanggol mo di ba? Tapos hinampas daw siya nung lalaki :'( After ilang days nahanap yung bata na nasa planggana, wala ng laman-loob TT^TT

Grabe na talaga ngayon. Pala-commute pa naman ako kasi mas mabilis makauwi. Paano pa kung makatulog ako sa jeep or something. Kaya nga (uulitin ko lang) everytime na magcocommute kayo, make sure na di kayo nag-iisa. Nako, nakakatakot. Tignan niyo kung anong nagagawa ng tao para sa pera. I'm sure yung sa bata binenta na yung mga organs nun kasi milyon-milyon din ang halaga nun no. Lalo na pag kidney.

INCOMING 4TH YEAR HIGHSCHOOL PA LANG AKO PERO AYOKO NA MAG-COLLEGE. Nagbago na reason ko. Hindi na dahil di ko alam yung mga pupuntahan or how college works but THIS. Tignan mo yun ah, hinampas pa yung nanay. Kawawang bata T^T Nakakaiyak. Hindi man lang niya na-enjoy buhay niya :((

SO GUYS, INGAT KAYO T^T We're not sure about stuff lalo na ngayon.

GROUP HUG >:(<

Natatakot din ako eh.

SIGE, YUN LANG NAMAN GUSTO KO I-POST :'(

I TELL YOU, BE CAREFUL!

Comments

You must be logged in to comment
still_doll23
#1
Yun nga eh puro nasa Maynila tapos yung mga best colleges magkakalayo. :)) Oo, ako na rin talaga. Daig ko pa mga lalaki ngayon eh. JOKE! hahaha. :)))
shippu
#2
@still_doll23 Ako na talaga. Haha :)) Onga. Lahat kasi nasa Maynila eh. Ikaw na din talaga gentleWOman. Hahahaha :))
shippu
#3
@mypinkypromise Baka nga :)) Di mo pinansin. Proud na proud pa naman akong itour kayo!! Nako paano na yan -______-"
still_doll23
#4
Haha. Ikaw na swerte. :)) Practice sa college tapos sobrang layo pala samin ng magiging college school ko oh. :)) Good luck na lang sakin. XD At least natuto ka tumawid. May kaklase ako dati 2nd year ata hindi pa rin marunong tumawid. Inaalalayan ko pa. Ako na gentle'wo'man. :))
mypinkypromise #5
Ba't di ko nakita? KASI HINDI KO PINANSIN? Hahahahha =)))) Fuuudge ;~; Nagccommute pa naman ako -- i mean, tayo. TT___________TT
shippu
#6
@still_doll23 Ako buti na lang may malapit sa'min na nakakasabay ko //swertihan haha :)) Pero buti na yung iyo, practice daw yan sa college. Naalala ko tuloy, natuto ako tumawid, grade 4 :)))
still_doll23
#7
Haha. Feeling matapang eh. -___- Kasi naman mga kaklase at mga kaibigan ko sa iba ang daan. Kaya mag-isa lang ako umuuwi. Tapos wala rin pwedeng maghatid at magsundo sakin. Saklap lang. </3
shippu
#8
@still_doll23 Mag-isa? (>______<) Parati ka dapat may kasama O______O Ako 3 times palang ako nagcocommute mag-isa eh. (bilang?) haha :))
still_doll23
#9
AW. Commute din ako. And yung kaklase ko may kinuwento ring parang ganyan. Yung katabi patay na pala. .____. 'Tas kinuwento pa nung kaklase ko yung ganung story noong gabi na gumagawa pa kami ng project. Galing no? Mag-isa pa naman ako magcommute. Nakakatakot naman. T^T
shippu
#10
@_niXIAH thank you :|
gyuology
#11
ingat ka din!!! >:|<
shippu
#12
@_niXIAH *nods head* TT^TT
gyuology
#13
ohh~ gets ko na. i thought ung driver ung sumaksak /shot<br />
haay buhay. iba na talaga ngaun. :|
shippu
#14
@mypinkypromise I'M SCARED DIN NO. I reblogged this ah. Ba't di mo nakita?
mypinkypromise #15
FUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUDGE. You scared me. ;~;