KwentongUP

UPCAT day malelate na ko tapos pagsakay ko ng jeep saka ko narealize na hindi ko dala yung exam permit ko, sign na pala yon lol

Pagdating ko sa may school na pag eexaman nakapila na sila papasok sa exam hall dahil late nga ako sumingit na lang ako basta nung nakita ko yung hs classmates ko, nalaman ko na lang after nung exam na bawal pala magkakatabi sa upuan yung mga same school haha

Wala akong baong pagkain non kasi nga late na ko asa na lang sa food ni classmate

Naalala ko pagkatapos dineclare ko agad sa lola ko na malabong pumasa ako at maghanap na kami ng iba kong pageentrance exam na university (Mapua lang yung isa ko pang pinagtakean hahaha TUP din sana kaso lumabas na UPCAT results so di ko na tinuloy)

Ayun pumasa naman ako, di ko inakala, sa classmate ko pa nalaman. Inunahan pa ko magcheck. Ang saya ko non hahahaha

So ayun na nga pumasa eh gusto ko talaga non sa UP feeling ko kasi pag don ako nagaral ang galing ko tapos mas madami ang opportunities pag graduate ko.

Mali pala ko hahahaha tangina wala pala yun sa kung saan ka nagaral nasa sa akin pala yun, sa sarili ko. kung may pagsisikap ba ko.

Hindi din siguro nagmatch ugali ko at UP.

After almost 7yrs with 20 (ata) units left before I graduate, I chose to give up. Ang weak ko kasi hahaha tae ang duwag ko

After nang dalawang sem na magkasunod na probationary status na dismiss ako, tas ayun hindi ko na pinaglaban di na ko nageffort bumalik. Sabi ko sa nanay ko ayaw ko na muna bumalik magpapahinga muna ko. Almost 4yrs na ata di pa din ako bumabalik

Iniisip ko kung paano ko umabot sa point na feeling ko nasusuka ako pag iniisip ko na babalik akong UP.

Gusto kong iblame sa iba yung pagiging failure ko as a UP student pero kanino hahahaha

Nasobrahan ata ako sa freedom sa UP, tapos nasamahan pa hindi istrikto sa pagaaral ko yung family ko to the point na minsan pakiramdam ko wala silang pakialam hahahaha basta ako bahala or pag sinabi ko bumagsak ako ang sasabihin lang ipapasa mo din  yan sa susunod tas ayun wala na happy happy na ulet

Dahil nga hawak ko oras ko sa UP, hayahay talaga. Nagpalamon ako sa bisyo hahaha kala mo naman kung ano hahaha naadik ako sa kdrama, sa pagbabasa ng fiction, kvariety, anime, manga... di ko namanage ng ayos yung sarili ko. kasi nga sa dorm wala naman pumipigil sakin so kahit absent ako ang reason ko may maximum absences naman. anlala lang, pumapasok pa din naman pero ang dami kong time na dapat for projects or review dapat pero ayun puyat kakanood at basa

Nung 3rd year nga ako ayaw ko na talaga bumalik sa UP pero naisip ko sayang kaya pinilit ko pa din nag org ako kasi sabi ko para may reason ako na bumalik yung para feeling ko may babalikan ako don, pero nope hahaha sana di na lang sana nagtransfer na ko non hahaha di na ko nakipaglokohan sa sarili ko or dapat ba jowa hinanap ko hindi org hahaha

basta feeling ko i lost myself in UP, nawalan ako ng self confidence. feeling ko failure ako. di ko naman sinisisi ang UP kasi mostly kasalanan ko naman hahaha pero tangina, i really regret na pumasa ako ng UPCAT. sana di ko na lang narealize na naiwan ko yung exam permit ko.

tuwing may family gathering mag hi lang ako tas magtatago na ko kasi natatakot ako na tanungin kung graduate na ba ko. ayaw ko din umattend ng school reunions kasi nga di ko kinaya UP hahaha

pero tangina talaga hahahaha wala lang akong makausap kaya post ko na lang dito, ang haba na pala nito masyado

ang dami kong what ifs sa buhay

nakakalungkot lang

 

Comments

You must be logged in to comment
JaeKnight
#1
:(( idk what to say pero I really hope you can pick yourself up one day :)