project in filipino

Ang parusang kamatayan ay dati ginamit ng mga kastila, ngayon ang presidente ay gusto ito ulit ipakita! Ang diyos daw ay hindi ito kagustuhan tara makita ang labanang walang suntukan

Justine:Kami'y unang panig may ipinaglalaban, ito ay isang tradisyon at mana na nagaabot pangkatipunan!  

Yuki:Kung sino'y maglalaban ay aming kukuhain, pero sinasabi namin panalo'y sigurado saamin! Ipinaglalaban namin ay hindi nakakahilo, na sa ating bansa marami dito'y problemado

Irish:Tao'y naggagawa ng mali at nagpapatayan, gusto ko lang ibalik ang kung ano ay nasa kasaysayan!

Alleyna: Kami ang pangalawang panig na mahinhinn ang sagot, pera tama kung saan humuhugot! Kami ay naniniwala sa tama at mali, kami'y makikipaglaban kahit hanggang tanghali!

Tayo'y magsimula na, para wala nang iba't-ibang eksena! Unahing pang unang panig na maglaban sa kanilang tama, sana sila'y inyong mapatunaya't mapaniwala! Ipinaglalaban na tama ang parusang kamatayan, tara at magbigay na masigabong palakpakan!

Irish: Parusang kamatayan isang parusa sabi nga, pero ito naman ay nagtatanggal ng mga taong nakasala! Hindi umuunlad ang bansa dahil sa ito'y lamang ginagawang tala! Parusahan ang dapat parusahan, ayaw nyo bang umunlad ang ating bayan-

Katerina: Bayan ay uunlad magdasal ka lamang, bakit tayo'y mangpapatay ikaw ba'y bagong lang ang pag silang? Kahit bata alam na pagpatay ay mali, kaya nga sila hindi sa gantong usapan ay isinasali! Itong parusang kamatayan ay hindi makatao! Isang walang kuwenta at pang barambado!

jastine: Hindi naman lahat ay puro dasal, dapat may pangpaanong tamang asal!
Alleyna: (Tamang asal ba mangpatay)
Yuki: Moralidad rin kailangan ng mga tao, hindi alam kung ito'y pangbarambado? Itinatama lang ang mali pero matigas ang mga bungo, parusang kamatayan ay nagdadala saating sa mabuting yugto

Joanne(o denchell): Parusang nga diba nasa mismong pangalan, bakit sa parusang kamatayan kang nagsisandalan? Ito ay hindi nasa panig ng diyos, mali lahat ng parusang ito'y nagbubuhos! Magpatay ay mali, kahit na sa malaking kasalanan sila ay kasali! Ang diyos ang nagutos na walang patayan, bakit ngayon ito'y gusto ipahiwatig sa bayan?!

Yuki: Ha! yang diyos na makapangyarihan ay hindi ninyo malalaman kung wala ang mga kastila, sila rin ang nagbigay ng parusang kamatayan ng itong diwa sa bansa! Ang parusang kamatayan ay ang nagdisiplina sa tao noon, bakit hindi mabalik ngayon?

Katrina: Noon maayos? Sila'y takot, problema nila masmarami sa kanilang kanin na idinadakot. Mga tao ay hindi makalimot sa sakit ng namatayan, pagkatapos patayin sa pamilya na hinahayaan. Ikaw kaya ay gusto makita ang pamilya'y patay sa lapag, Gusto mo bang makita  sila'y nakalatag.

Irish: Wala akong kinakatakot hindi naman kami sindikato, takot lang naman ay meron kung ika'y may kaso. At isa wala kaming sinasabing matakot sila, Isinasabi namin dapat maayos ang ating bansa! Bansa natin ay warak na hindi ba makita, kasi wala na ang diwa ng disiplina!

Joanne(o denchell): Warak warak dahil brutal ang mentalidad! Mali lang gawa patay agad!

Jastine: Ulyanin yata itong kalaban ko! Sino ba nagsabi ipapatay ang lahat ng mali sa mata ko, kami'y nagsasabi na dapat itama at dapat matuto. Paano matututo kung buwan at araw lang sa isang kulungan, paano na makikita kung leksyon ay natutunan, hindi mo alam pagkalabas ayun nakipagsuntukan!

Alleyna: Turo ng dyos ay makakatulong sakanila, kesa naman ikulong at kamatayan ang parusa. Sila ay pwede pang bigyan ng kapatawaran, kasi dahilan nila hindi natin maayos na naitutuklasan.

Yuki: Sa mapait na mundo mahirap na maging mabait-
Katrina: (bakit pinalaki ka bang walang malasakit?)
Yuki: Hindi naman pero pinalaki akong kailangan hindi ako maakit ng sakit.
Katrina: Edi kung ganun ika'y isang manhid.
Yuki: Gusto mo patunay?
Katrina: Oo bigyan kita ng sapak ng sakit ay maihatid

Mga kaibigan tayo na ay lumalayo sa ating paksa, lika na ang ulit at magsimula. Magsimula na tayo ay patapos na ibigay nyo na ang lahat ng maikakaya!

Joanne: Ang aming salita ay hindi komplikado, kami lang ay hindi kailangan mamatay ng mga taong mayatraso. Ang parusang kamatayaan ay walang maidudulot na maganda, maidudulot lang nito ay pagkalupit at pagkatrauma.

Irish: Saamin naman ay sana ay umayos na ang bansa, kasi syempre ang tao ay maayos ng kastilang parusa. Bansa ay nahuhulog paulit-ulit at puno ng problema, bakit hindi nalang ibalik sa dati ang maayos na sistema.

Mga madlang dalawa ay napakagaling, sino sa dalawa ay ang ating dapat tanghalin.

Winner:

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet