nooonee

Rex's POV.

"Kayo. Kayu-kayo na naman. Hindi ba't ang ilan sa inyo ay kasama rin doon sa gulo na nangyari sa Party noong nakaraang sabado? Tapos ngayon ay gumawa na naman kayo ng gulo? Ano ba ang nangyari?" mula sa pabalik-pabalik na paglalakad ni Dean ay bumaling siya kala Shrek na nakatayo lang rin sa kabilang gilid. "Kayo namang tatlo. Bakit kayo nag-away away? Kababe niyong tao nagrarambulan kayo sa gitna ng hallway. Akala ko mga lalaki lang ang basag-ulo at mahilig makipag-away. Mga babae rin pala." bumaling naman siya kay Charlize at kay Shrek na base sa mukha ay wala na namang pakialam sa paligid. "Kayo namang dalawa? Bakit lagi kayong nagpapang-abot? Pang-ilan na ba to ha? Bukod sa gulong nangyari sa party at doon sa cafeteria, may mga pagkakataon pa bang nagpapang-abot kayong dalawa?" 

Wala namang sumagot ni isa sa kanila. Ganon rin ang iba na nakayuko lang at iba'y nakikiramdam lang. Nakakatakot kasi magalit si Dean.

(>____<)

"Mga babae kayo. Hindi magandang tiningnan na nagrarambulan kayo. At sa mismong oras pa ng klase." pumalatak si Dean at saka bumaling saming apat ni Lander. "Kayong apat naman. Bakit ba lagi na lang kayong nasa gulo? Kasali ba kayo o sadyang nakikiusyoso lang? Ha?" sasagot na sana ako pero naitikom ko agad ang bibig ko nang muling magsalita si Dean. "Wag na wag niyong kakalimutan na mga anak kayo ng mga malalaking tao. Dapat alam niyo na hindi iyon maganda para sa imahe nila. At ikaw naman Marqus," napalunok ako nang marinig ko ang pangalan ko at bumaling si Dean sakin."Anak ka ni George, anak ng may ari nitong school. Alam mo bang hindi maganda sa imahe ng eskwelahan na laging napapatawag sa guidance ang anak ng founder nito? Dapat alam mong may responsibilidad ka bilang anak ng ama mo. Kaya sana. Sana itigil mo na yang pangbubully sa mga kapwa mo estudyante. Dahil hindi iyon maganda."

(>_____<)

Kanina ko pa gustong sabihin na wala akong alam sa mga nangyayari! Hindi ako kasali! Nadamay lang ako! Ni hindi ko nga alam ang puno't dulo ng gulong to eh! Tapos madadamay ako? T___T Ganito na ba itrato ng lipunan ang mga gwapong tulad ko? Inaakusahan na lang ng walang sapat na ebidensya?

(T______T)

Life is so unfair.

"Kayo namang dalawa," bumaling naman si Dean kala Daecery at Maki. "Mga transferee rin kayo hindi ba? Bakit nandito kayo agad? Bakit nasama agad kayo sa gulo?" hindi naman nakasagot ang dalawa. Tulad ni Shrek ay parang wala lang ring pakialam si Maki. Nakahalukipkip lang sya't nakasandal sa may dingding na nasa tabi ng pintuan. "Mga kabataan talaga ngayon. Ang hirap-hirap ng pangaralan at disiplinahin. Kahit anong suway mo, gagawa at gagawa pa rin ng kalokohan. Tsa!" parang nauubusan ng pasensyang napahilamos ng mukha si Dean. Saka siya umupo sa upuan niya, pinagsiklop ang dalawang kamay at pinatong yon sa lamesa niya at saka siya tumingin sa tatlong babae na pare-parehong magulo ang mga buhok.

Manonood na lang ako at aabangan ang mga susunod na mangyayari -,-

"Sabihin niyo, bakit ba kayo nag-away na tatlo?" seryosong tanong ni Dean. 

Si Charlize ang unang sumagot, "Pinahiya ni--nila ako.." nag-crack ang boses niya. Halatang mayamaya ay maiiyak na siya. "Pinahiya nila ako sa lahat. Pinagkalat nila ang sikreto ko! P-Pinagkalat nila yung---yung bagay na tinatago ko! Ngayon lahat sila ay pinagtatawanan ako! L-Lahat sila iniinsulto ako! Pinariringgan ako! Na kesyo feelingera raw ako! Na masyado akong mayabang at mapagmataas! Na buti nga raw sakin at nakarma na ko.." tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya. Sinubukan niya iyong punasan pero ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagtulo, "Hindi n-nyo alam kung anong pinagdadaanan ko.. wala kayong alam!" sigaw niya at masamang tiningna si Shrek at Calli.

"Ms. Chavez, sino bang tinutukoy mo na nagkalat ng mga yon?" malumanay na tanong ni Dean. Mukhang naawa siya kay Charlize. Ako rin naman. Nakaramdam ako bigla ng awa sa kanya.

"S-Sila!" tinuro ni Charlize sila Calli. "Alam kong sila ang nagkalat non."

"Ms. Warden at Ms. Arzeas! Totoo ba yon?" galit na tanong ni Dean sa dalawa. Nakatingin lang sa kung saan si Shrek habang mukhang nasaktan naman si Calli sa pamimintang na iyon ni Dean.

"Hindi po, Dean. Ni wala nga kaming alam dyan, eh. Nagulat na nga lang kami nung makita namin yung komosyon don sa harap ng bulletin board kanina. Nagulat rin kami! Wala kaming kinalaman don!" depensa naman ni Calli. Mukhang naiinis na rin siya.

"Kayo lang naman ang may motibong gawin yun diba? Kasi galit kayo sakin! Kasi gusto niyo kong gantihan! Gusto niyong mapahiya rin ako sa lahat ng students! Gusto niyong pagtawanan rin nila ako at insultuhin! Gusto niyong maranasan ko yung mga pinaranas sa inyo! Kaya siguro nandun ko nung araw na yun, Sky. Nung isang araw, nandun ka at pinapanood akong insultuhin at saktan ng sarii kong tatay!" sarkastiko siyang tumawa habang masama parin ang tingin sa dalawa. "Hindi na ko magtataka kung nandun ka rin Calli. Sigurado akong ikaw ang kumuha ng mga pictures na yun! Tapos sinadya mo pang hindi makita si Sky? Hah! Alam ko ang taktika niyong dalawa! Plinano niyo lahat yon! Plinano niyo lahat to!"

Agad namang dumepensa si Calli, "Pwede ba?! Bakit ba pinagbibintangan mo kami? Wala kang ebidensya, okay?!  Bakit hindi mo subukang tingnan ang CCTV footage nang malaman mo kung sino talaga ang nagdikit ng mga pictures na yun don sa bulletin board! At kahit kami lang ang may motibong gawin yon ay hindi parin namin yun magagawa dahil hindi kami katulad mo! Na namamahiya ng iba para lang makaganti! Saka imposible rin yung bagay na ibinibintang mo sakin dahil para sa kaalaman mo! Absent ako nung isang araw! Kaya sabihin mo sakin, paano ko yon makukuhanan ng pictures kung nandun ako sa hospital at binabantayan ang kaibigan ko?!"

(O___O)

'Oo nga no? Buong araw nga pala siyang nandun sa hospital para bantayan si Jenna.'

"Hah! Pero sigurado akong may kasabwat pa kayo para gawin yon! Stop lying!"

"Tanginang--"

"Watch your mouth Young Woman!" agad namang napatigil si Calli sa sigaw na yun ni Dean. Bumuntong hininga siya.

"Sorry, Dean. Pero nakakabanas na po kasi eh." humarap siyang muli kay Charlize at naglabanan sila ng masasamang tingin. "Imposible yang sinasabi mo! Walang kaibigan si Sky bukod samin ni Jenna at ang kambal! At pare-pareho kaming nasa hospital nun! Saka isa pa! Hindi magagawa ni Sky lahat ng binibintang mo sa kanya! Hindi siya madaling galitin gaya ng gaano kahirap siyang patawanin! Kahit nga insultuhin mo siya ng insultuhin at pagsalitaan ng kung anu-ano, o kahit pag-tripan sya araw-araw at batuhin  ng itlog, wala parin siyang pake. Ni hindi ka nga niya sinaktan nung mga oras na nalaman naming ikaw ang dahilan kung bakit nabagok ang ulo ni Jenna, eh! Hindi siya nagagalit ng basta-basta at walang sapat na dahilan! Siguro kapag pinatay mo ang isa sa mga malalapit sa kaniya, ayun, siguradong magagalit sya. Pero kahit na kailan hindi pa siya gumagawa ng bagay na alam niyang makakasakit sa iba! Hindi niyo siya kilala! Wala kayong alam kahit isang detalye sa buhay niya! Kaya wag na wag mo siyang pagbibintangan sa bagay na alam kong hindi niya naman ginawa! Kasi alam mo, ikaw lang rin ang mapapahiya sa huli. Gawin mo mang miserable ang buhay niya, ikaw pa rin ang mamomroblema. Insultuhin mo man siya ng paulit-ulit, ikaw parin ang maiinis. Kaya tumigil ka na."

"Liar! Liar! Liar!" parang nasisiraan ng bait na sigaw ni Charlize. "Stop lying! Stop fooling around! Alam kong kayo ang may gawa nun! Alam ko!" 

"STOP!" sigaw ni Dean. Natahimik naman sila. Tumingin si Dean kay Shrek na walang emosyong tumingin rin sa kanya. "Ikaw, hindi ka ba talaga magsasalita?" tanong ni Dean pero isang iling lang ang sinagot ni Shrek.

(>____<)

'Abnormal talaga!'

"And why? Hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo?" salubong ang kilay na tanong ni Dean.

"Hindi ko kailangan ipagtanggol ang sarili ko, dahil wala naman akong ginawa." seryoso niyang sabi habang nakatingin kay Dean pagkatapos ay saka siya bumaling kay Charlize. "Hindi ko ugali yon. Bahala na ang ibang pag-isipan ako ng masama. At pagbintangan ko. Dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Basta't alam kong wala akong ginagawa, hindi ako magsasalita. Masasayang lang ang laway ko sa pagpapaliwanag dahil alam kong wala rin namang maniniwala." 

(O___O)

'Bakit ganun? Abnormal talaga sya kahit kailan! Bakit ba hindi sya magsalita para sa sarili niya? Bakit inuuna niya ang pride niya?! Tch! Mayabang kasi! Feeling  cool! Nakakainis!'

(>____<)

"Sinungaling.." tanging usal lang ni Charlize habang masamang nakatingin kay Shrek. Hindi na naman siya pinansin ng isa.

"Hayy.." malalim na bumuntong hininga si Dean, "Ganito. Hindi ko kayo paparusahan---"

"YES!!!" sigaw naming tatlo nila Kennel at Lander. Napatahimik naman kami nang tingnan kami ng masama ni Dean.

Tumikhm muna si Dean bago muling magsalita, "Hindi ko kayo paparusahan, PERO, may ipapagawa ako sa inyo." wika ni Dean. Nagtaka naman agad ako at na-curious. 

Ipapagawa?

"Ano po yun, Dean?" takang tanong ni Lander. 

"Kayong siyam, ang magiging unang batch ng Outdoor club." sagot ni Dean. Agad namang namayani ang katahimikan.

'Out..door club? Meron nang outdoor club?"

(O____O)

At makakasama ko si SHREK?!!!

"NOOOO WAAAAY!!!!" malakas na sigaw ko na agad na nakakuha ng atensyon nilang lahat.

"Yes way." sagot naman ni Dean habang nakatingin sakin. 

"But--"

"No buts! Hindi ako nanghihingi ng opinyon, Mr. Marqus. Hindi rin iyan pakiusap. Utos yan. Consider it as punishment dahil sa gulong ginawa niyo." pagpuputol ni Dean sa reklamo ko. Napasimangot na lang ako ng mukha.

WALA NAMANG AKONG ALAM! BAKIT AKO NADAMAY?!

(T_____T)

NAKAKAINIS!

***

Third Person's POV.

"Sigurado kang kaya mo na mag-isa?" 

Nandito si Sky sa mansyon ni Seal. Nakaupo si Seal sa sofa haang pinapanuod si Sky na inaayos ang mga gagamitin niya. Linggo na at malapit na rin ang oras ng pagmi-meet ng dalawang drug lord. Ang bilis nga naman ng panahon -,- 

"Mmm.." tumango si Sky habang busy pa rin sa pag pupunas ng pinaka-paborito niyang sniper rifle. Blaser R93 Tactical. Caliber; 7.62x51mm NATO (.308 Win) 6mm Norma BR .243 Win . 7.5x55 300 Win Mag .338 Lapua. 10 round detachable box magazine. Trigger;  first and second stage adjustable for weight, take up, and overtravel. Trigger blade can be moved horizontally. Has fully adjustable cheekpiece. Aluminum stock with skeleton architecture. -stock and forend finished  in a black systhetic coating for grip. 

"Shoot! Oo nga pala! Mas trip ni Langit na gumalaw ng mag isa! Bakit mo ba naklimutan yon Seal? Tsk tsk tsk." parang baliw na kausap ni Seal sa kanyang sarili. Hindi naman siya pinansin ni Sky at saka nag-ayos na. Nagsuot siya ng kulay itim na jacket at itim na pants. Nagsuot siya ng cap at mask. 

"Mauna na ko." bigkas ni Sky pagkalabas niya ng kwarto. Hindi naman sumagot si Seal. 

(-_____-)

Napa-mental facepalm na lang si Sky ng makitang mahimbing na natutulog na si Seal sa sofa'ng kinauupuan nito kanina. Kinuha niya ang bag na kinalalagyan ng rifle niya saka lumabas na ng mansyon. Nakilala naman siya ng guard kaya agad siya nitong pinadaan palabas. Kinuha ni Sky ang isa sa motorbike ni Seal saka iyon pinaharurot ng mabilis paalis. 

Tumatama ang hangin sa mukha nya habang mabilis na nagmamaneho. Hindi niya pinapansin ang kabi-kabilang busina ng mga sasakyang nadaraanan niya. Hinabol pa nga sya ng isang police na naka-motor na agad rin niyang naiwala matapos niyang magpaliko liko at sumiksik sa mga sasakyan at malalaking truck.

Nang makarating siya doon sa sinasabing hotel ay agad siyang pumarada sa kaharap na building nito. Kaswal na naglakad siya papasok sa parking lot ng building at saka sumakay sa elevator non. Wala namang taong nakakita sa kanya kaya hindi na niya kailangang mag-alala. Pinindot niya ang rooftop at saka sumandal sa gilid ng elavator. Tingnan niya ang repleksyon niya sa harapan. 

Ang taong iyon na nakikita niya..

Hindi niya alam kung siya ba. 

Sino nga ba sya? 

Hindi niya rin kilala ang sarili niya. Hindi niya alam kung sino ang totoong siya. Yun bang dating masayahin o itong nakikita niya ngayon? Na walang emosyon. Walang awang pumapatay. 

Napabuntong hininga na lang siya at saka sinandal ang ulo niya sa metal na sinasandalan niya. 

*TING!*

Agad naman siyang lumabas ng elevator dala ang malaki niyang bag saka pumwesto sa pinakadulo. Agad siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin. Kitang kita niya muli dito ang mga bahay at ag naglalakihang mga buildings. Tumingin siya sa baba kung saan kitang-kita ang eskinitang tinutukoy ni Seal na pagkikitaan ng dalawang drug lord. Agad niyang ibinaba ang bag niya saka kinuha ang telescope para tingnan ang eskinita. May mga lalaki na ang nandoon. Mukhang si Higgs Inigo na lang ang hinihintay nila.

Mula sa kinanatayuan ng mga lalaki ay naaninag na nila ang ilaw ng isang itim na sasakyan na papunta mismo sa direksyon nila. Napangiti na ang lalaking ka-deal ng lalaking paparating. Huminto ang sasakyan sa harapan nila at may lumabas doon na tatlong lalaki na nakaitim. Mga tauhan ni Inigo. Sunod na lumabas ang lalaking kanilang hinihintay, may balbas na ito ngunit bakas parin ang kagwapuhan nito at kakisigan. Agad siyang lumapit sa lalaking nakangiti sa harapan niya ngayon. 

"An amusing guy you are, as usual. No, I wouldn't dream of demanding even more than what you already give me. I just wanted to talk about... some possible minor changes in our dealings.  Gettin' the things you ask for has been real hard lately after all." nangunguyam na sabi ng lalaking sumalubong kay Inigo. Inigo let out a loud, boisterous laugh that made the other guy laugh as well.

"As we discussed beforehand, there will be no alterations." muling sumeryoso si Inigo at tiningnan mata sa mata ang lalaking kausap niya. "I'd consider it if you were producing more than what  was being asked, but you've not even met the minimum requirements the past few months. Not only that, the quality has been deacreasing." Inigo let out an exasperated sigh as his head loiled to the side. "I can't believe you made me come out here for this."

Sinubukang buksan ng lalaking kausap ni Inigo ang bibig niya para magsalita, bakas sa mukha ng lalaki ang pagkairita, pero hindi hinayaan ni Inigo na magsalita ang lalaki at inunahan agad ito.

"I'm not the one asking for these goods; it's the drug lords in China and Japan, some even here in this country. They count on me to get the quantity and quality they are seeking, and I count on you to give me what they need. I am the checkpoint---the one who knows how to obtain and deal this without ing up, unlike them. If you continue to be an inadequate asset and a pain in my , I'll find someone else. There are plethora of other maggots out there like you. You are replaceable. See to it that you and I will not have this conversation again."

Mayamaya ay nakarinig sila ng kaluskos. Parang mga kahon na bumagsak. Agad nalipat rito ang atensyon ng lahat. Maging si Sky na napakunot pa ang noo habang pinapanood ang mga nangyayari.

"Who are you?" tanong ni Inigo sa babaing  pumutol sa pag-uusap nila. Bakas ang gulat sa mukha nito. Lalo na nang magsimulang maglakad papalapit ang seryosong si Inigo

"I-I'm..I'm here because of a shipment." napapalunok na sabi ng babae.  Agad na nangunot ang noo ni Inigo. "I'm looking for the person I was supposed to deliver it to....Mr. Higgs Inigo?"

"Well this is unfortunate." usal ni Inigo saka ito naglabas ng baril at tinutok ito sa lalaki. Nakakapagtakang mukhang hindi naman nagitla ang babae. "How much, exactly, did you hear?"

Painosente namang tumingin sa kaniya ang babae, "Hear? Hear what?"

Ngumisi si Inigo pero agad iyong nawala nang ang babae ay ngumisi rin.

Hindi naman na nagsayang ng panahon si Sky. She sat  on one foot laid side ways on the ground while putting her other foot in front of her as tight to her body as possile. Ni-load niya na ang ammo doon sa chamber at saka tinutok sa target ang rifle. Sumilip siya sa scope para tansyahin ito. She kept her finger off the trigger and the safety enabled habang tinatansya ang layo. Nang matansya na niya ito ay saka niya niya inilagay sa trigger ang daliri and pulled it.

*BANG!*

Agad na nanlaki ang mata ng mga tauhan ni Inigo maging ng lalaking ka-deal niya nang makita ang pagsabog ng ulo ni Inigo sa mismong harapan nila. Lalong napangisi ang hindi pamilyar na babae saka tumakbo ito ng mabilis papalayo. Nanatiling gulat at nanigas ang mga lalaki at di na nila namalayang tumakbo na ang babae. At bago pa man nila ito mahabol ay nawala na ito sa paningin nila.

Agad na inangat ni Sky ang rifle saka in-unload ito. Sandali niya pa itong nilinis bago muling ilagay sa malaking bag na pinaglagyan niya nito at agad niyang binaba ang cap. Sinisiguradong walang makakakita ng mukha niya. Gaya kanina ay kaswal na naglakad sya patungo sa elevator na para bang walang nangyari. 

Pero agad siyang napaisip.

Sino ang babaeng yun? At paano sya napunta ron.

_____________________________________________________________________

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet