Blog 1

Alam nyo guys. Ok lang kung hindi nyo basahin to. Madaming tao na maaaring walang kainterest interest dito. 

 

 

Sabi nila, yung pinaka mahirap daw eh yung pinipillit mong maging masaya kahit na alam mong malungkot ka talaga. Hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto ko na umiiyak, maga ang mata, at mukhang zombie. Kasi mag-tatanong sila kung ano yung nangyare sakin. Magaling lang sila sa pagtatanong pero hindi naman nila kayang paga-anin yung loob ko. Marunong lang sila magtanong kung ano ang nangyare sakin pero wala din naman silang magagawa kasi nga hindi nila alam kung paano ako pasayahin. Ano pang sense ng pagsasabi ko sa kanila kung ang ending ay sasaktan din naman nila ako. Anong sense? 

 

Hindi ako pwedeng pumasok sa school na pulang-pula yung mata. Kasi magtatanong na naman sila. Pagchichismisan pa. AYOKO NA NAKIKITA AKONG UMIIYAK. Kase kahit nabasa ko yung quote na "Crying isnt mean that you're weak. crying means you're strong enoguh to let go" (di ko alam kung tama) Ayokong umiyak sa harap nila kase ending pag-uusapan ka nila. Magttatanong sila. Sasabihin pa nila na iyakin ka. Minsan sasabihan ka pa ng masasakit na salita. Alam mo yun. Sa lugar na ito hindi ka pwedeng magpakita na isang sign kahina kasi doon na agad magsisimula. MINSAN KAILANGAN MONG IPAKITA NA MATAPANG KA KASI YUN LANG YUNG KAYA MONG GAWIN. YUNG IPAKITANG MATAPANG KA. MATAPANG KA KAHIT HIRAP NA HIRAP KA NA. MATAPANG KA KAHIT WALANG NAGCOCOMFORT SAYO. MATAPANG KA KAHIT MAG-ISA KA.

 

Pero siguro yung pinakamasakit yung nasasaktan ka tapos sa sobrang daming tao na nakapaligid sayo. Wala ni isa sa kanila na kaya kang ipagtanggol, icomfort, alagaan o mahalin manlang.

 

Alam nyo ba minsan feeling ko kahit katiting na pagmamahal, nililimos ko pa. Hindi ako sweet na tao, hindi ako malambing. Aaminin ko maarte ako, maldita, masungit... Mali yun pala tingin nila sakin. Minsan gusto kong baguhin yun kase hindi ako yun. Pero siguro na sanay na sila pati narin ako na GANON AKO pero alam ko sa sarili ko NA HINDI KO GUSTONG MAGING GANON. HINDI AKO MASAYA DUN. HINDI AKO YUN.

 

Sabi din nila sakin na pagbinanggit yung pangalan ko hindi pwedeng mawala ang description na "maarte". Ayoko nun pero siguro pati ako nasanay na. Na maarte ako kahit ayaw ko, na maldita ako pero nakagawian ko na. Mahirap baguhin ang nakasanayan pero pag gusto may paraan. Pero ang hirap pala. Mas mahirap pang hanapin yung sarili mo kesa sa pag-mo-move on. Mas mahirap hanapin yung sarili mo. Kase minsan ang kalaban mo yung nakasanay mo at hindi mo na kayang baguhin. 

 

Don't Lose yourself. But I'm Lost.

I cant find happiness cause i dont know who i am.

 

 

Hindi ko alam kung paano ako sasaya kung pati sarili ko hindi ko kilala. Ang hirap... Kase mag-isa lang ako. Kaya hindi ko makita yung mga taong nandyan para dahil pati sarili ko hindi ko na kilala. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet