Tagalog FF Trial. :) should I continue this?

 

“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang kong sampu nakatago na kayo.”

Dali-dali akong tumakbo at nagtago. “1.. 2.. 3..” Narinig ko ang aking kalaro na patuloy sa pagbibilang kaya patuloy akong tumakbo at naghanap ng pagtataguan “Ayan, di na siguro nila ko makikita rito.” Sabay higa ko sa may damuhan at ipinikit ko ang aking mga mata. Dala na rin ng pagod ay naidlip akong sandal, at nagising lamang sa tugtog ng piano.

Sinundan ko ang tunog hanggang makarating ako sa isang bahay na gawa sa salamin ang mga ding-ding, doon sa tabi ng ilog. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko, tila hinihila ko ng musikang naririnig ko, palapit ng palapit.. hanggang sa nakita ko na kung saan nagmumula ang musikang napakaganda, napakaganda ngunit malungkot.

http://www.youtube.com/watch?v=vQVeaIHWWck

Nabigla ako ng makita ko kung sino ang tumutugtog. Isa lamang siyang batang tulad ko, batang lalaki na umiiyak. Malabo at di ko maaninaw ang mukha niya pero nakikita kong tumutulo ang luha niya sa bawat pagpindot ng nota, napakaganda ng musikang nililikha niya. Napakaganda ngunit napakalungkot.

Gusto ko siyang lapitan upang damayan, gusto kong maski papano ay maibsan ang kalungkutang nadarama niya. Muli’y dinala ako ng mga paa ko palapit sa kaniya.

“Cassie! Nandito ka lang pala, kanina ka pa naming hinahanap.” Huminto siya sa pagtugtog, siguro ay narinig niya kami. “Ang layo naman ng pinagtaguan mo..” Patuloy na nagsasalita ang kaibigan ko, pero nakapako pa rin ang mga mata ko sa batang tumutugtog. Madami pa ring tanong na naglalaro sa isip ko…

 

BEEP!! BEEEP!! BEEEP!!

“Ugh.. panaginip lang pala.” Sa loob ng nakalipas na 10 taon, napapanaginipan ko pa rin siya.

Comments

You must be logged in to comment
OhMyHanni #1
Thanks @ChoKyuLeen
ChoKyuLeen #2
YES! nakakaintriga in a good way young story eh. :)
OhMyHanni #3
Thanks Soulmate! :)) natuwa pa naman ako, I have a blog comment kako. XD
daaiiixd #4
You should!!