WTF

Kaburoquean 101

Putanginang 'yan. Napupuno na ng mga walang kwenta fanfics yung taengsic. Natatabunan na yung mga magaganda talaga. Yung kahit mali-mali yung grammar at paggamit nung ibang words makikita mo yung 2000+ subs. Hindi naman lahat pero... nakakaurat lang talaga. Tanginang yan. Sinubukan ko magbasa ng iba, matry lang. Titignan din kung ano ba meron dun. Pero amputs. Napakatypical love story lang naman. Yung pinakafamous sa school magkakagusto sa nerd. Yung gangster nafall sa "simpleng babae". Yung boss biglang napamahal sa secretary o sa trabahador niya. Yung doctor nagkagusto sa nurse. Yung idol nagkagusto sa isang asian girl or sa trainee. Puta. Mas naniniwala pa ako sa Sleeping Beauty eh. Oo fiction nga mga to. Pero sinobra naman nila eh. Nakakatangina lang kasi. Wala ba yung semi-realistic scenes? Puro na lang, it's not you. It's me. O kaya yung mga nerd na magcoconfess. I-I l-love you. Tapos yung kingka or queenka mapapangiti tapos maghahalikan ang 2 hinayupak tapos they live happily ever after. Buroque! Hindi naman nangyayari yun or mangyayari. Kung gagawa na lang ng story, yung may kwenta naman. Yung mapapaisip talaga yung mga readers kung ano mangyayari next hindi yung naunahan pa ng mga readers yung author sa ending. Ah basta. Nakakaasar lang. Nakakatamad na tuloy magbasa ng ff. Masyadong punong puno ng fantasies at happily ever after. 

Comments

You must be logged in to comment
mungmungah
#1
love this rant hahaha