Pagpapakilala sa Sarili

Nabuhay si Eba sa pamamagitan ng paghugot sa tadyang ni Adan. Ako'y isang Eba na nilalatayan ng dugong Ilocano-Zambaleno, kulay-kamyumanggi at nagtataglay ng matamis na ngiti. Kasingkulay ng ngiting ito ang pangalang "Zoe" na siyang gamit ko.

 

Kasabay ng pakikibaka ko sa iba't ibang kamunduhan ay umiral pa rin ang misyon ko sa buhay. Nangangati ang aking kanang kamay at alam ko ang tanging lunas neto ay bolpen at papel, nis kong maging isang mahusay na manunulat balang araw at ito ang larangang dapat kong bigyang pansin.

 

Siyam na buwan skong nasa sinapupunan ng aking ina at sa pagsapit ng ika-22 ng Oktubre, taong 1996 ay una kong nasilayan ang liwanag ng mundo sa payapang probinsya ng mga Manga.

 

Pangalawa ako sa bunga ng pagmamahalan ng isang inhinyero at OFW na aking mga magulang. Lumaki ako sa maaliwalas na bayan ng Zambales.

 

Nakaranas ako ng kaunting karangyaan at mapalad na nakapagtapos ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Ipinagpatuloy ko ang aking pagtuklas sa mundo, pagtuntong ko ng sekondarya. Nakihalubilo sa iba't ibang tao at patuloy na nakipagsapalaran sa mga hamon ng buhay.

 

Labing-apat na taon na akong nakikisalumuha sa mga iba't ibang nilalang ng Diyos at patuloy na nangangarap ang munting Ebang ito na maging isang dakilang manunulat balang araw.

Comments

You must be logged in to comment
ziowih
#1
HAHAHA. First language ehh. =)))
FireXLight
#2
Tol. MAS nosebleed pa 'to sa english! xD
ziowih
#3
Lalim nang pinanghugutan nyan~ Hahaha!