kakasawa na, promise!

Hindi dahil may boyfriend ka, mangongopya ka na sakin lagi dahil di ka nakapagaral dahil kausap mo boyfriend mo. Ako kasi nagaaral gabigabi, gumagawa pa ng gawaing bahay, kinakausap ko pa ung magulang ko sa ibang bansa na nagtatrabaho, gagawa pa ng maraming bagay bago matulog pero nagagawa ko pang mag-aral kahit di ako magpuyat. Sige na, maganda ka, pero hindi excuse yon para maging tanga ka.

Tatanga-tanga ka na nga, ang bagal bagal mo pa sa lahat ng bagay. Di mo ba alam na yung isinasagot ko na kinokopya mo, pinaghirapan ko yun? Nakakasawa na kasi na kokopya kopya ka tapos ako walang mapala sayo. Ang manhid mo eh. Ano ba gusto mo? mangongopya ka lng hanggat makagraduate ka, paano pagnagtrabaho ka na, magsisisi ka na di ka nag aral ng mabuti kasi magiging ignorante ka na, napakababa pa ng makukuha mong posisyon. Hindi totoo yung sinasabi nyo na matatalino ako. Ito lihim ko kaya ang grade ko hindi bumababa ng C+ sabihin ko sayo; MAG-ARAL KA MUNA BAGO MO ATUPAGIN YANG BOYFRIEND MO! Nakakapikon na yung ako ung nagpapasa sayo eh, na yung inaral ko yun din isasagot mo. Kung balansehin mo kaya ung oras mo sa pagitan ng pag-aaral at pagmamahal. Sana ang pinili mo pati na boyfriend yung hindi tulad mo na lagi ring pasang awa lang, lagi ka na ngang ganun, eh kung ganun din sya, ano na kayo? Couple na tanga lang ang peg mo teh? 

Promise! Nakakaasar at nakakapikon. Sorry ha, nainsulto ka, pero kasi nakakasawa na eh. Sobrang nakakasama na ng loob, kahit simpleng pasalamat lang naman ung hinihingi kong kapalit di nyo pa maibigay. Mahirap ba magpasalamat?

Tapos nagrereklamo pa kayo na pagod na kayo, na mangongopya nalng kayo dahil pagod na isip at katawan nyo sa pag-aaral at pag byahe araw araw, eh paano pa ko, mas pagod ako dahil ako yung nagluluto dito sa bahay, ako yung naglalaba, naglilinis, ako lang ang inaasahan sa bahay, kung tutuusin, mas pagod pa ko, anf on top of that lagi pa akong nagkakasakit, lagi akong may gamot sa katawan, inuubos ng gamot yung lakas ko araw araw, nagkakasakit ako, tapos ako lng ang aasahan nyo para pumasa kayo, mangongopya kayo, wake up naman! PAGOD NA PAGOD NA RIN AKO! Hindi nyo pa ba nararamdaman na tinatakpan ko na yung papel kong pilit nyong sinisilip para sa sagot? Gusto ko kahit minsan makakopya rin ako para tumaas din yung grade ko, hindi yung lagi lang kayo yung nakikinabang.

Trust me, I don't even know if you are my friends, or are you just using me to pass the semester? I know you won't read this, but I hope you will. You are my blockmate and you know who you are.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet