Chapter Two

The Rule Breakers: Blake Parker

“Ano na naman ang pumasok sa utak mo at pumayag ka na tanggapin ang offer sa Baguio?” asar na tanong ni Seed. Minsan  na silang inimbitahan na tumutugtog sa Baguio pero hindi nila sinang-ayunan dahil una sa lahat maliit ang tf. Pero dahil sa isang misyon na kailangan niyang gawin iyon para hindi makontrol ng lolo niya ang buhay niya. Sounds funny para sa ilan pero para kay Blake isa iyong seryosong usapan. Walang nakakaalam sa takbo ng utak ng lolo niya sa mga bagay-bagay.

            “Sayang, eh.” Iyon lang ang nasabi niya. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na may binabalak talaga siyang gawin dahil alam niyang mahigpit na tututol si Seed sa mga plano niya.

Papunta sila ngayon sa Baguio. Pinilit talaga niya ang mga ka-banda na sumang-ayon. Maliban kay Aiden ay napa-oo niya ang lahat.

            “Ano ka ba naman, Seed? Ayaw mo nun? Makakapamasyal pa tayo sa Baguio!” excited na sabi ni Kello at saka mabilis na iniakyat sa compartment ang mga bagahe nila.

            “Seed, kamusta na pala yung paghahanap mo sa Bassist natin?” tanong ni Reigan habang nagmamaneho.

            “Huwag na kayong umasa mga tol! Marami nga ang nag-aapply sa posisyon ni Aiden bilang bass guitarist natin,”may kinuha si Seed na mga papel sa bag nito “Guess what!? Puro babae!” atsaka ibinigay kay Kello ang mga papel na iyon.

            “Eh, baka naman kasi hindi mo nilagay na lalaki ang kailangan natin. Hindi mo naman ata inilagay d’yan, eh.” Natatawang sagot naman ni Reigan.

            “Geh! Iibahin  ko na lang ‘to. Dapat kayo ang gumagawa nito, eh!” asar na sabi ni Seed. Maliwanag na nang makarating sila sa bayan. Ang daming tao at puro minatamis at souvenir ang nagkalat sa palengke. Maya-maya pa’y may kumatok na babae sa bintana ng kotse nila. Kaagad naman na binuksan ni Reigan ang salamin ng kotse. Pagkabukas ng bintana ay isang ngiti mula sa isang magandang babae ang bumungad sa kanila.

“Minatamis, sir?” sabi nito.

“Uyy, strawberries! Bili tayo!” yaya ni Seed sabay halungkat sa basket ng babae. “Magkano ‘to?”tanong nito at inisa-isa ang mga laman ng basket nito.

“Ito 50pesos.” Turo nito sa strawberry candy “ Ito naman100” turo naman nito sa strawberry jam “At ito naman 20 pesos per pack.” Turo nito sa strawberries.

“…pwede ring tawad sa mga cute na katulad niyo.” Kinikilig na sabi ng babae.

Automatik na napangiti sila sa sinabi nito. “Aba! Puma-fangirl ka, ah.Makabili nga.”natatawang sabi naman ni Kello sabay abot ng bayad sa babae.

            “Ikaw, Blake? Di ka bibili? Pasalubungan mo si Aiden.” Tawag sa kanya ni Seed. Binuksan niya ang bintana at tumingn sa mga panindang hawak ng babae.

            “Wala na kayong isa neto? Isa pang pack ng strawberries para lima.” Sabi niya

            “Kuya pogi, wait lang ah. Kukuha lang ako sa loob.”dali-daling pumasok ang babae sa loob ng kubo “Pakidalhan naman ako ng mga strawberries. Kulang, eh!” rinig niyang sabi nito. Maya-maya pa’y nakabalik na rin ang babae na may dala-dalang isa pang basket.

            “…eto na po. Maraming salamat sa pagbili.” Masayang sabi nito. Awtomatikong silang napangiti. Hindi niya alam kung anong goodvibes ang dala nito sa kanila.

 Madilim na at mukhang naliligaw pa sila. Hanggang ngayon kas ay hindi pa sila nakarating sa apartelle na tutuluyan nila. Tatlong oras na lang at magsisimula na ang event. Marami pa silang aasikasuhin gaya ng pag-aayos at pagtotono ng mga instrumento nila. Kahit sanay na sanay sila sa impromptu ay hindi pa rin sila pakasisigurado kung magiging okay ba ang performance nila.

            “Uyy, ano na?” yamot na tanong ni Reigan “Nag-aaksaya na lang ba tayo ng gas?” Itinigil nito ang minamanehong sasakyan saka nagsibabaan ang lahat.

            “Deadbatt pa ako.”hirit pa ni Seed. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga reklamo ng mga kasama niya. Talagang maliligaw sila dahil hindi naman planado ang pagpunta nila roon. Hindi nga alam ng manager at agency nila na nasa Baguio sila ngayon. For sure sa mga oras na ‘to ay pinaghahanap na ang mga ito. Hindi naman kasi ang event ang ipinunta ni Blake. Isa lang naman ang pakay niya…

Ang makapasok sa Hearth Strawberry Blooms at alamin ang lahat-lahat tungkol sa taniman na iyon.

            “Blake?”tawag ni Kello “Saan ba talaga yung event? Anong oras na kasi, eh.”

            “Ah—eh.” Putol-putol na sagot niya “Sa tingin ko malapit na’yun.” Tuliro kasi ang isip niya kagabi kaya hindi niya masyadong natandaan ang sinabi nung nakausap niyang babae kagabi tungkol sa event.Oo lang siya ng oo pero wala siyang naintindihan sa napag-usapan nila.

Biglang napukaw ang atensyon niya sa isang banner na nakasabit sa gilid. Binasa niya sa isip ang nakasulat roon “StereoKicks Live at 9 pm. January 15, 2015. See you.” Sa nakitang maliit na banner sa gilid ay alam na alam na niya kaagad na maliit na event lang ang pupuntahan nila. Ni hindi pinag-aksayahan ng panahon ang paggawa ng banner.

            “Low quality…” sabi niya pa isip. Pero ang nakapagpangiti pa sa kanya ng husto ay nang makita ang ‘Hearth Strawberry Blooms,This way…” Laking tuwa niya na magkalapit lang ang event na pupuntahan nila maging ang taniman na hinahanap niya.

            “Guys! Dito tayo!” sigaw niya sa mga kaibigan na nagyoyosi break sa likod ng sasakyan “Sakay na! Pasukin natin, to! Dito na to!” Agad namang sumunod ang mga kaibigan niya sa kanya.

                        “Ano na namang pauso ‘to, Blake?” tanong ni Seed “Mamaya lalo pa tayong maligaw!”      

Makaraan ang ilang minute ay natanaw na nila kaagad ang apartelle na tutuluyan nila pansamantala. Ang pangalan lang naman ng apartelle ang isa sa mga natatandaan niya. Blooms Apartelle

            “O! Ayan na pala ‘yung apartelle, eh.” Sabi niya sa mga kaibigan “Diyan tayo mag-iistay.” Turo niya sa isang 3storey apartelle. Itinigil ni Reigan ang sasakyan at saka binuksan ang bintana.

            “Yung totoo pre? Balak mo bang pasukin ‘tong haunted house na’to?” natatawang sabi ni Seed “Event ang pinunta natin dito, hindi ghost hunting!”

            “Sigurado ka dito? Ito ba ang usapan niyo nung event organizer?” naiiritang sabi ni Kello “Gusto ko pang umuwi ng buhay noh!?”

 Hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga tanong nila ngayon. Basta ang alam lang niya ay kailangang hindi magtagumpay ang lolo niya sa pagkontrol sa buhay niya. Isa-isa na silang bumama nang salubungin sila ng isang kalbong lalaki na sa tingin nila’y may-ari ng apartelle.

            “Bakit ngayon lang kayo? Maya-maya lang ay magsisimula na ang mini concert niyo. Kanina pa namin kayo inaantay.” Natatarantang sabi nito.

Sabay-sabay na napakunot ang noo nila “Mini concert?” banggit ng magkakaibigan maliban kay Blake.

            “Oo. Mini concert ang usapan, eh. Ba’t hindi niyo alam?” tanong uli ng matanda “Bueno, mamaya niyo na pag-usapan ang bagay na ‘yan. Kami ng bahala sa mga gamit niyo at dumiretso na kayo sa site dahil magsisimula na ang event.” Dali-daling kumilos ang matanda maging ang mga tauhan nito.

            “Usapan niyo mini concert?!” gulat na sabi ni Reigan.

            “Anu-ano bang mga pinag-usapan niyo nung event organizer?”yamot na sabi ni Kello “Bakit hindi mo sinabi na mini concert? No—bakit ka pumayag sa mini concert where in the first place, hindi pwede!”

            “Mini concert agad?Eh, hindi pa tayo fully debuted, diba? Paano kapag nalaman ng mga tao o ng agency naten na gumawa na tayo ng ganito!? Trainee pa lang tayo! Baka sa kalokohang’to eh mabulilyaso ang promotion naten!” sabat ba ni Seed.

Nanlamig ang katawan ni Blake. Hindi niya akalain na ganito ang kalalabasan ng mga nagawa niya. Masyado kasi siyang nadala sa emosyon niya kahapon kaya hindi niya naintindihan ang naging pag-uusap  nila ng organizer.

            “Sorry—“

            “Hindi na tayo pwedeng umatras! Mas lalong nakakahiya kung paaasahin natin yung mga tao. Bahala na! Huwag na lang sana makarating sa agency ang tungkol sa bagay na ito.” Tampong sabi ni Reigan. Wala siyang sinisisi kundi ang lolo niya. Kasalanan daw ng lolo niya ang lahat kung bakit umabot sila sa ganoong sitwasyon.

Hindi sila nagkikibuan nang dumating sa event area. Medyo maraming tao ang nag-aantay sa kanila kaya mas lalo lang siyang naiinis. Lumapit siya sa malapit na kaibigan na si Kello.

            “Pre—sorry. Hindi ko alam na ganito pala, eh.”

            “Tapusin na lang natin ‘to ng mabilis para matapos na.” walang expresyong sagot ni Kello

Ready na ang lahat para sa opening nang makita ang isang batang lalaki na naroon sa tabi ng gitara niya. Nakita niyang ginalaw ng bata ang gitara kaya agad siyang lumapit roon pero huli na nang makita niyang naputol ang strings nag pinakamamahal niyang gitara.

            “!”hinablot niya ang gitara sa bata “Anong ginawa mo!?” galit na sabi niya. Dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa backstage.

            “Hindi ko po sinasadya—sorry po.”daing nito

            “Kapag kasi hindi sayo, wag mong pakialamanan! Hindi mo ba alam na napaka importante nito sa akin, ah!” sigaw niya dahilan para matakot ang bata at mag-iiyak. “Paano na ‘to ngayon!? Anong gagawin ko dito!?”

            “Blake—pag pasensyahan mo na. Bata, eh.” Awat ni Reigan.

            “No! This is more important than anything! Masira na lahat, huwag lang ‘to! Alam mo ‘yan!” inis pa rin na sabi niya.

            “Madali lang namang palitan ‘yan ng strings, eh. Hayaan mo na.”sabi pa ni Seed.

            “Ayoko nang mag perform!”sabi niya na ikinagulat ng lahat. “Bulls!”

            “How can you be so insensitive?” napatingin siya sa babaeng lumapit sa kanila “Simpleng bagay lang naman ang nangyari eh, pinapalaki mo. Nagsorry na sayo yung bata at sinabi pa ng kaibigan mo na madaling palitan ang strings na nasira pero galit ka pa rin. At sa galit mong ‘yan dinadamay mo yung iba na hindi naman kasali!”

Napataas ang kilay niya narinig. First time in his entire life na may magsalita sa kanya ng ganoon at babae pa.

            “Ang dali-dali mong sabihin ‘yan kasi hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin ang bagay ‘to! Wala kang alam, miss kaya pwede ba huwag mo kong pagsalitaan ng ganyan!” nasipa niya ang katabing upuan “This ing mini concert is off!” mabilis siyang umexit sa lugar na iyon

            “Blake!” tawag sa kanya ni Kello pero hindi niya iyon pinansin.

Kaagad na nilapitan ni Reigan ang babae “Miss,sorry—“

            “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nangulit na imbitahan kayo dito—“hindi na natapos ng babae ang sasabihin dahil nagsalita na kaagad si Reigan.

            “Ailee? Ikaw ba ‘yan?” kunot-noong tanong ni Reigan sa babae

            “Oo, Igan. Ako ‘to. Akala ko hindi mo na ako makikilala. Kahit kanina sa bayan hindi mo man lang ako nakilala.” Sabi nito.Saka naalala ni Reigan ang babaeng nagbenta sa kanila ng strawberry sa bayan kanina. Hindi nito akalain na makikita pa ang isang malapit na kaibigan sa pagkabata.

            “Ang akala ko nasa Amerika ka na.” sabi nito.

            “Hindi ko maiiwan ang lugar na ito, Igan.” Napasimangot ito bigla “Bago tayo magkamustahan, malaki pa ang kasalanan niyo sa amin lalo na ‘yung kaibigan niyo! Ang akala ko pa naman napaka bait ng Blake na iyon pero nuknukan ito ng kayabangan!”

            “Don’t worry. Ako nang bahala sa lahat.” Napangiti si Reigan.

            “Magpeperform pa ba kayo? Hindi kayo pwedeng umatras. Hindi lang kasi ito basta-bastang mini concert. Isa itong benefit concert para sa mga batang Ifugao dito sa Baguio. Ang perang nalikom namin sa mga ticket ay ilalaan namin sa pagpapatayo ng isang maliit na eskwelahan at may feeding program rin.”

            “Diba sinabi ko, akong bahala. Kami ng mga kaibigan ko ang bahala.”

 

NASA labas lang si Blake at nagyoyosi. Nahimasmasan na rin siya sa nangyari.Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ng dahil lang sa gitara. Someone from his past gave that guitar. Ang taong iyon ang nagdahilan para mapasok niya ang mundo ng musika. Iba ang naging dating niyon sa buhay niya. Nang mahawakan at matutunang gumamit niyon ay ibang saya ang naging dala nun sa buhay  niya. Para bang iyon ang nagbigay liwanag sa madilim na mundo ng pagkabata niya. Kaya mahalagang-mahalaga iyon sa buhay niya.

Isang batang babae ang napadaan sa harap niya at nakita ang naka print sa damit nito “Bata! Saan ‘yang lugar sa tshirt mo!?”

Napatingin ang bata sa suot niyang damit “Ito po? Dito po. Dito po ang lugar na ito. Bakit po?”

            “Pwede mo ba akong dalhin sa Hearth Strawberry Blooms ngayon?” tanong niya

            “Bakit po kayo pupunta, kuya?”

            “Kasi kakausapin ko ‘yung may-ari.” Hinihiling niya na sana huwag na ‘tong magtanong kung bakit.

            “Eh, bakit kailangan niyo pang pumunta doon kung pwede namang dito nalang kayo mag-usap?”

            “Huh? Anong ibig mong sabihin?”

            “Yung may-ari na gusto niyong kausapin ay nandito ngayon.”

            “Talaga? Saan?Pwede bang dalhin mo ko sa kanya?”

            “Bakit ko naman gagawin yun!? Eh, inaway mo siya kanina!” sabay irap nito “Pati ang crush kong si Igiboy ay inaway mo rin! Bleh! Diyan ka na nga!” tumakbo ang bata papalayo sa kanya.

Naiwang nakanganga si Blake. Hindi niya akalaing ang babaeng nakasagutan niya kanina ay ang babaeng kailangan niyang makausap at kailangan niyang paamuhin sa mga kamay niya.

            “I’m doomed.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet