Chapter One

The Rule Breakers: Blake Parker

Naglakad-lakad si Blake sa hallway ng school. Tanghali na siyang pumasok dahil inumaga na rin siya ng uwi dahil sa gig nila kagabi. Wala sana siyang balak pumasok pero tiyak niya na sesermunan na naman siya ng mama niya kapag nalaman nitong hindi na naman siya pumasok. Hindi niya alam kung bakit pinipilit pa rin siya nitong pumasok sa kolehiyo. Maka graduate man siya o hindi ay may landas na patutunguhan na ang buhay niya; ang mamahala sa kumpanya ng kanyang lolo. Obvious naman na hindi iyon ang gusto niyang gawin.

            “Blake! Kakanta ba kayo mamaya sa Club Zero?” tanong sa kanya ng isang first year.

Kakamot-kamot sa ulo si Blake. Alam niya kasing nagpapapansin lang sa kanya ang babae. Alam naman kasi ng lahat na palaging doon ang gig nila tuwing sabado. “Uhm—oo. Nuod kayo, ah!” sabay ngiti rito. Kahit hindi naman nito sabihin na kinikilig ito ay bakas naman sa mukha nito dahil sa namumulang pisngi nito.

Pumasok siya sa madalas na pinagtatambayan ng barkada. Iyon ang lugar kung saan sila madalas na nagpapa-practis. Isa iyong lumang activity area sa loob ng school. Sapat ang espasyo para magkasya silang lima at kanilang mga kagamitan sa pagtugtog.

            “Blake! Wala na naman si Aiden sa gig mamaya,” bungad kaagad ni Reigan, ang drummer ng banda “Okay lang ba?”

            “Okay lang.” sagot niya. Hindi na siya nagtanong dahil alam na alam niya ang dahilan kung bakit ito abala.

            “Mukhang tuloy na tuloy na ang pagsikat ni Aiden. Baka isang araw iwan na niya ang banda.” Singit naman ni Seed, ang rhythm guitarist ng banda. Hindi niya masisi si Aiden kung bakit palagi siyang wala sa mga gig. May career na kasi ito sa showbiz bilang isang artista at modelo. Hindi naman talaga iyon ang nais nitong gawin. Nang minsan kasing nag gig sila sa isang bar sa Maynila ay may nakakita ritong isang talent manager at kinuha ito bilang artista. Hindi naman nito natanggihan dahil maganda ang offer ng agency rito at isa pa sa tingin ni Blake bilang leader ng banda ay makakatulong iyon para makilala rin kahit papaano ang Stereo Kicks.

            “Hindi naman siguro. Mas mahal niya ang banda, diba? Kilala niyo naman si Aiden. Music ang first love nun” tatawa-tawa naman na sabi ni Kello, ang lead guitarist ng banda. “Yari siya sa akin kapag iniwan niya tayo”

 Biglang bumukas ang pintuan at humahangos na dumating si Aiden, ang bass guitarist at visual ng banda.   “Guys! Sorry! Photoshoot, eh. Game na?” tanong nito. Habang inaayos ni Aiden ang bass guitar nito ay napatigil itong sandali dahil napapansin niyang hindi pa kumikilos ang lahat.

            “…problema niyo?” tanong nito

            “Wala naman. Napanood kasi namin yung interview mo kahapon at sinabi mong focus ka muna sa career mo bilang artista, diba?” agad na tanong ni Seed.

            “Ah—yun ba?”

Lumapit naman si Kello “Naisip kasi namin na mas maganda kung lie low ka muna sa banda—kasi ang hirap ng schedule mo bilang artista at hindi ba nagfi-film ka pa ng movie at drama at the same time? Nakakapagod ‘yun para sa’yo kung idadagdag mo pa ang pagsama-sama sa gig natin.”

            “Hindi ka naman namin tinatanggal, eh. Imposible ‘yun at hindi mangyayari ‘yun. Mag-focus ka muna sa nangyayari sayo ngayon. Minsan lang dumating sa buhay mo ang ganitong klase ng opportunity kaya sunggaban mo na ng todo. Kapag hindi ka na busy, balik ka sa banda.” Nakangiting paliwanag naman ni Reigan.

            “Iniisip din namin ang health mo.” Dagdag pa ni Seed. Tahimik lang si Blake na nakikinig sa mga kaibigan. Kapatid niya si Aiden. Kuya pa nga, eh. Pero sa mga ganitong sitwasyon ay hindi niya kayang sabihin rito ng diretso ang desisyon ng banda.

            “Akala ko naman kung anong drama ‘to!” natatawang sabi ni Aiden “Salamat sa concerns niyo. Pramis niyo, ah! May babalikan pa ako!” Inakbayan ni Seed si Aiden.

            “Ikaw ang bumalik.” Sagot ni Seed. “Mamaya antay kami ng antay. Hindi ka naman pala babalik!” Isa-isa silang nagbigayan ng high-five sa isat-isa. Kabilang na siya. At tulad ng nakagawian, nag-jamming sila buong maghapon. Pagkatapos nun ay dumiretso sila sa bahay at doon ipinagpatuloy ang farewell party ni Aiden. Habang nagkakasayahan sa balkonahe ay nilapitan niya si Aiden na noon ay nakadungaw sa balkonahe at nakatingin sa malayo.

            “Okay lang ba sa’yo?”

            “Ang alin?” kunot-noong tanong nito.

            “Kunyari pang hindi alam—“ sabi niya sabay inom ng beer.

Tinawanan lang siya ng kapatid “Sa totoo lang—hindi.” Napatigil siya at napatingin sa kapatid “Alam mo kung gaano ko kamahal ang banda. Alam mo kung ano ang naidudulot ng pagtugtog sa buhay ko.” Sabi nito na nakatingin pa rin sa malayo.

            “Eh, bakit pumayag ka? Eh—di sana nagsalita ka kanina?”

            “Iyon ang desisyon eh. Inaalala niyo lang naman ang kalagayan ko at ang makakabuti para sa banda. Hindi na rin naman pwede na sumama ako palagi sainyo. Iba na ang buhay ko sainyo ngayon. Marami nang mata ang nakatingin sa akin. May gawin man akong mali at hindi tama malaki ang mawawala sa akin bilang aktor kaya naiintindihan ko kayo.”

            “Babalik ka naman diba?”

Tinapik nito ang balikat niya “Babalik ako. Pero sa ngayon humanap muna kayo ng bass guitarist na pansamantalang papalit sa akin. Ayoko nung hindi ko kamukha, ah” maangas na sabi nito na tinawanan niya lang,

            “…babalik ako. Alam ko naman na kaya niyo kahit wala ako.”

Nahiwagahan siya sa sinabi ng kapatid. Oo. Close sila pero ngayon lang at ito nagsalita nang ganoon kaseryoso sa kanya.

            “Kung gusto mo magpapa-audition pa ako.”

Maya-maya’y  nakarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan sa tapat ng gate. Nagkatinginan sila ni Aiden.

            “Akala ko ba next week pa ang uwe nila?” takang tanong ni Aiden

            “Hindi ko alam. Takte! Baka nandito silang lahat ngayon!” aligagang sabi niya. “Guys! Times up! I think you guys need to get out of here as soon as possible!” turo niya sa mga kaibigan. Nagtayuan ang lahat at pinaghahakot nilang lahat ng kalat nila gaya ng mga bote ng alak at mga pulutan pati na rin ang mga kaha ng yosi. Dali-dali silang pumunta sa likod ng bahay at nag-over the bakod.Sa twing takas sila ay doon ang exit nila. Tatlong Aiden lang naman ang taas ng pader na inakyat nila. Sanay na sila dahil highschool pa lang ay gawain na nila iyon.

Nang makatakas ang tatlo ay bumalik sa salas sina Aiden at Blake. Tiniyak nila na walang mahuhuling ebidensya ang mama nila.

            “Boys, what are you doing here?” tanong ng mama nila at saka parehong silang tinignan mula ulo hanggang paa.

            “Eating?” pa cute na sabi ni Aiden.

            “Yes, ma! Want to join?” palusot niya saka matamis na dinampian ng halik sa pisngi ang ina.

            “I think you’re doing something here—“ napaupo sa sofa ang mama nila “Huwag naman sanang kalokohan ito, boys…”

            “We’re just having fun. Akala kasi namin next week pa ang uwi niyo kaya nag-jamming kami at napainom na rin ng kaunti” Paliwanag ni Aiden. Hindi talaga magawang magsinungaling ng kuya niya. “Atsaka ma, kami-kami lang namang magkakaibigan ang magkakasama, eh.”

            “No girls involved?” kwestiyon nito

            “No girls involved even we want too.” Singit niya.

            “Okay—gusto ko lang makasigurado na hindi ito makakasira sa pangalan mo, Aiden.”

            “Ofcourse, ma.”

            “Nga pala, maaga akong umuwi ngayon dahil mamaya rin ay darating ang lolo niyo. Dito muna siya mag-iistay sa atin pansamantala habang nagpapagaling siya. Mas mabuti daw na may makasama siya na titingin sa kondisyon niya.”

            “What!?” gulat na sabi niya. Everyone is welcome in their home. Hindi ang lolo nila. Nuknukan ito ng kasungitan at kastriktuhan at isa din ito sa pader na ginigiba nila sa pamilya. Hindi niya ito makasundo at wala siyang balak na mapalapit rito. Una sa lahat, isa siya sa mga tutol sa pagbabanda at pag-aartista nilang magkapatid.

            “…dead. This will going to be a hard time for us.” Sabi niya sa kapatid.

 Ilang sandali pa’t dumating na rin ang lolo nila. Lahat sila ay nasa dining area para kumain na minsan lang nilang gawin.

            “Aiden—“tawag ni lolo. Halatang kinakabahan din ang kapatid. “I’ve watched your latest interview. Are you willing to marry that Kisses Martinez someday? Is it true?” Si Kisses Martinez ang number one it girl sa showbiz ngayon at ka-love team ni Aiden.

            “She’s nice, lo. I mean—“ utal-utal na sagot nito. Palaging ganoon ang senaryo sa bahay nila sa twing nandiyan ang lolo nila. Daig pa nila ang nasa military dahil sa sobrang pagka terror nito. Bata pa lang sila ay ganoon na ito. Hindi ngumingiti. Hindi tumatawa. Para itong palaging galit. Alam niyang workaholic ito pero nararamdaman niya palagi na malaki ang problema nito sa buhay kahit ang dami-dami na nitong kayamanan. Ni mga anak nga nito ay hanggang ngayon ay takot pa rin rito.

            “Kamusta na pala ang pagbili sa Hearth Strawberry Blooms?” tanong nito sa papa niya

            “Hindi pa rin namin nakakausap ang may-ari dad. But—I’ll make sure na this week ay makuha na namin ang farm.” Sagot naman ng papa niya. Nakita nilang lahat ang pagkuyom ng kamay ng lolo niya. Ibig sabihin ay galit na naman ito kaya nagsitahimikan na muna ang lahat.

            “Ang tagal ko ng pinapa-asikaso ‘yan sayo! Paano kapag naunahan tayo ng iba dahil d’yan sa kabagalan mong kumilos!” singhal nito.

            “Gagawan ko po ng paraan, dad”

            “Dapat lang. Within this week dapat atin na ang Hearth Strawberry Blooms na ‘yan!”

Natapos ang dinner na may bigat sa kalooban. Minsan tuloy naiisip ni Blake na sana kunin na ng Diyos ang lolo niya para wala nang tinik na nakaharang sa mga lalamunan nila lalo na sa kanyang ama. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa twing makikita ang papa niya na nasesermunan sa harap niya. Pakiramdam niya ay siya rin ang nasesermunan.

Paakyat na siya sa papunta sa kwarto niya nang marinig niya ang boses ng mama niya sa loob ng office ng lolo niya.

            “Hindi pa rin ba tapos ang sermon?” sabi niya sa sarili. Hindi na sana niya pakikinggan ang pag-uusap ng mga ito nang marinig niya ang pangalan niya.

            “Anong balak niyong gawin kay Blake? Kukunsintihin niyong mag-asawa ang pagpapariwara ng batang iyon!? Anong mapapala niya sa pagtugtog sa kung saan? Anong matatanggap niya pagkatapos nun? Barya-barya!?”

            “Dad—hindi sa ganon. Bata pa naman siya kaya ineenjoy niya pa ang mga kaya niyang gawin habang bata pa siya. Sooner or later alam na rin niya ang nais niyang gawin for future. Dad, give him some time.”

Wala siyang narinig na sagot mula sa kanyang lolo. Para bang gusto niyang sugurin sa loob ang lolo niya para ipagtanggol ang sarili pero hindi naman niya magawa dahil second family lang siya, wala siyang magagawa. Oo. Pangalawang asawa na ng kanyang mama ang papa niya. Kapatid niya lang si Aiden sa ina. Bata pa lang daw si Aiden nang mamatay sa aksidente ang tunay nitong ama. Nakilala ng mama niya ang papa niya sa isang bar kung saan ito tumutugtog noon. Nanggaling din kasi sa mahirap na pamilya ang ama niya kaya isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ganoon na lang kahigpit ang lolo niya rito. Ang alam pa nga niya ay tutol pa ito sa pagpapakasal ng mama at papa niya pero wala itong nagawa kundi tanggapin na lang dahil nag-iisang anak nito ang mama niya.

Hindi siya makatulog kaya minabuti niyang tumambay sa porch nang makita roon ang mama at papa niya na nag-uusap “Kailangan ko na talagang makuha ang farm na iyon.” Mahinang sambit ng papa niya

            “…alam ko na hindi ganoon kadali pero gagawin ko ang lahat para makuha iyon. Gagawin ko iyon para kay Blake.” Sunod na sabi ng papa niya habang hawak-hawak ang kamay ng mama niya. Nagtataka rin siya kung bakit nadawit na naman ang pangalan niya sa pag-uusap nila. Bakit para sa kanya? Ano namang pakialam niya sa farm na iyon?

            “Kapag hindi ko nakuha ang farm na iyon, ang lolo na mismo niya ang kokontrol sa buhay niya. Ayokong mangyari ‘yun kay Blake. Iba ang gusto niyang gawin sa buhay niya at hindi ang humawak ng kumpanya. Bilang ama, gusto kong gawin niya ang nakakapagpasaya sa kanya.” Sa sinabing iyon ng kanyang ama ay halos manginig siya sa sobrang takot. Anong ibig sabihin nun? Bakit ang lolo niya ang kokontrol sa buhay niya? Bakit? Maraming tanong ang biglang nagpaikot-ikot sa isip niya. Hindi niya maunawaan ang mga binitawang salita ng kanyang ama.

            “Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari ‘yun. Gagawa tayo ng paraan.” Nakita niyang nagyakap ang mga magulang niya.

Kaagad siyang bumalik sa kwarto niya at binuksan ang laptop. Itiniype sa search box ang “Hearth Strawberry Blooms”

Mabilis naman niyang nakita ang hinahanap. “Hearth Strawberry Blooms in Baguio?” Kinuha niya ang cellphone sa katabing lamesa at agad na tinawagan si Seed. Isa lang ang nasa isip niya; kung hindi magagawa ng mga magulang niya, susubukan niyang gawin. Siya mismo ang gagawa ng paraan para mabili ang taniman na iyon. Hindi niya alam kung papaano per kailangan niyang gumawa ng paraan. Hinding-hindi siya papayag na may kokontrol sa buhay niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet