Ferris Wheel

Please Subscribe to read further chapters

Description

 

Life is like a ferris wheel. Sometimes you're up, sometimes you're down. In the end, you just have to learn how to enjoy the ride.” - Rubyanne

♥♥♥

Foreword

"Bumangon ka na! Chloe! Bangon na!"
 
Kahit kailan talaga panira ng tulog 'to si Kyungsoo eh. Alam naman niyang puyat ako kagabi sa mga projects ko at ngayon lang ako bumabawi ng tulog ipagkakait pa. Uwaah!
 
"5 minutes pa!"
 
"Babangon ka o babangon ka?!"
 
At hinampas-hampas pa ako ng unan. Sarap sapakin nitong si Kyungsoo eh. Kung hindi ko lang 'to bestfriend eh. Makabangon na nga!
 
"Opo! Babangon na po!"
 
Agad naman akong pumunta sa bathroom habang kinukusot-kusot pa ang aking mata. Inaantok pa kasi talaga ako. Halos 2am na kaya ako natulog dahil sa mga projects ko sa school. Tapos 6am ginising na ako agad ng atat kong bestfriend. 4 hours lang tuloy tulog ko. Pinapatunayan namin ng eyebags ko na may forever!
 
"Maghilamos at mag toothbrush ka na diyan! Ready na ang breakfast!"
 
Nag half bath na nga ako at nagpunta na sa dining table namin. Ang daming hinanda ni Kyungsoo. Busog na naman ang mga bulate ko sa tiyan nito. evil laugh
 
"Kain na tayo!"
 
Sinungaban ko naman agad ang chicken at walang awang kinagat ito. Favorite ko kasi ang chicken. Halos mabulunan na ako sa kasibaan. Good thing, inabutan agad ako ni Kyungsoo ng tubig.
 
"Dahan-dahan naman sa pagkain. Hindi naman aalis yan." natatawang sabi ni Kyungsoo.
 
"Sa gutom ako eh!" at kinagat ko ulit ang kawawang chicken.
 
"Kaya ka tumataba eh."
 
"Nagsalita ang hindi mataba!" sabay tumawa na lang kaming dalawa.
 
Simula mga bata pa lang kami magkasama na kami ni Kyungsoo. Sabay na kami halos lumaki. Magkasama ang Mommy ko at ang parents niya sa ibang bansa. Partners sila sa negosyo. Mayroon kaming sarili naming hotel sa ibang bansa. Kaya kami na lang dalawa ni Kyungsoo ang natira dito sa Korea. Mahirap daw kasi mag-aral sa ibang bansa. Ang gusto nila dito kami magtapos ng pag-aaral. Isang taon na lang naman gagraduate na din kami ni Kyungsoo. Yehey!
 
"Bilisan mo namang kumilos! Baka mahuli tayo sa klase!"
 
Parang armalite na naman ang bunganga ni Kyungsoo eh.
 
"Opo! Ito na! Bibilisan na!"
 
Hinila naman ako agad ng magaling kong bestfriend pagkababa ko at dumerecho na nga kami ng school.
 
***
 
Uwian na din! Agad kong tinext si Kyungsoo at sinabing nakalabas na ako ng room namin at tinanong kung saan ko siya hihintayin. Lagi kasi kaming sabay umuwi since iisang bahay lang naman ang inuuwian namin.
 
To: Bestfriend Kyungsoo
Kyungsoo. Uwian na namin. Saan kita hihintayin? :)
 
Umupo muna ako sa mga bench sa school namin. Ilang minuto lang nagreply na din siya.
 
From: Bestfriend Kyungsoo
Chloe. Hindi muna ako sasabay sayo ngayon. May group project kasi kami. Mag-ingat ka pauwi ah. :)
 
Dumerecho na ako sa may gate ng school namin ng may madaanan akong isang lalaki at babae na nag-uusap. Lumapit ako and to my shock. It's Kyungsoo! Bakit yung babae lang ang kasama niya? Edi ba nga group project? Baka naman nahuli lang sila. Ah! Ewan. Hindi ko na lang siya tinawag kasi mukhang importante ang pinag-uusapan nila.
 
***
 
Pagdating ko sa bahay agad akong nag half bath at nagluto na ng dinner namin. Kimchi Spaghetti ang naisipan kong lutuin. Paborito kasi namin 'to ni Kyungsoo. Siya pa nga ang nagturo sakin kung paano 'to lutuin. 6pm pa lang ng dumating ako sa bahay. Usually, 7pm kami kumakain ni Kyungsoo ng dinner.
 
Siguro naman before 7pm nasa bahay na siya diba? sabi ko sa isip ko.
 
Nagprepare na ako ng ingredients at nag simula ng magluto.
 
Time check: 6:45pm
 
Bakit kaya hindi pa din dumadating si Kyungsoo? Siguro sobrang busy sila sa project nila.
 
Tinext ko siya at agad naman siyang nagreply na baka gabihin sila. Sayang naman hindi ko makakasabay ngayon kumain si Kyungsoo. Nakakapanibago tuloy.
 
Kumain na ako at dumerecho na sa kwarto ko. Nag-iwan na lang ako ng note dun sa may dining table na initin na lang niya ang niluto kong kimchi spaghetti sa ref.
 
***
 
kring
 
Pinatay ko na ang alarm clock ko at kinusot ang mata. Himala ata? Hindi ako ginising ngayon ni Kyungsoo? Baka tulog pa siguro.
 
Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at dumerecho sa room niya. Kumatok ako pero walang sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto at bumukas naman siya. Pagkakita ko wala si Kyungsoo sa kama niya.
 
Bumaba ako at nakita ko ang isang note sa may table namin sa living room.
 
Hindi muna ako sasabay ngayong umaga. Pupunta ako sa bahay nung ka-group ko hindi pa kasi namin natapos kahapon. Ingat pagpasok, Chloe.
- KS
 
***
 
"Chloe! Nakita ko yung bestfriend mo kanina may kasamang girl." sabi ng bestfriend mong si Hazel.
 
"Groupmate niya siguro. Busy kasi siya lately sa group project nila."
 
"I don't know. I smell something fishy girl."
 
"Fishy? Alam mo ikaw lang yun. Maligo ka kasi!" nang-aasar na sabi ni Stephanie kay Hazel.
 
Natawa na lang ako sa dalawa.
 
Naglalakad kami ng dalawa kong lokaret na bestfriend ng may narinig kaming nagbubulungan sa may likod ng puno.
 
Dahil sa dakila kaming chismosa ay sinilip namin kung sino ang nag-uusap. Nagulat ako ng makita ko si Kyungsoo at yung girl na nakita kong kausap niya before.
 
"Told you. I smell something fishy sa dalawang yan." proud na sabi ni Hazel.
 
"Relax. They're just groupmates. No big deal."
 
"Whatever you say." nang-aasar na sabi nitong si Hazel.
 
Binatukan naman siya ni Tiffany. Ang sadista talaga nitong si Tiffany. Kahit na bangayan kami ng bangayan at sapakan ng sapakan. I'm still lucky to have bestfriends like them.
 
***
 
Days pass. Hindi na kami masyado nakakapag-usap ni Kyungsoo. Nagkikita lang kami pag umuuwi siya pero dederecho din agad siya sa kwarto niya. Sa pagpasok naman hindi kami sabay. Hindi ko nga alam kung totoo pa yung excuses niya eh. Hindi na lang ako nagtatanong kasi may tiwala naman ako sa kanya. Lagi ko din sila nakikita nung girl. Magkausap sila lagi. I admit it may nararamdaman akong kakaiba sa puso ko pag nakikita ko silang magkasama. Jealousy siguro? But as a bestfriend lang of course. Or more than that? I don't know.
 
Saturday ngayon at wala kaming pasok ni Kyungsoo. Sana lagi na lang weekends para magkasama kaming dalawa.
 
"Goodmorning!" masayang bati niya sakin.
 
"Goodmorning din!" at binack-hug ko siya habang nagluluto siya.
 
Normal na lang samin 'to since mag bestfriend naman kami.
 
"Gutom ka na noh?" nagulat naman ako ng bigla siyang lumingon sakin. Nakapatong pa naman ang mukha ko sa shoulder niya at nakatingin sa kanya. Muntik na kaming mag kiss. Buti na lang at nakabitaw agad ako sa yakap ko sa kanya.
 
"O-oo! Gutom na ako! Feed me!" nagkunwari naman akong batang nagtatuntrums sa gutom pag-iiba ng atmosphere.
 
"Here you go!" nilapag niya ang egg and bacon na nasa plate sa harap ko. Para siyang smiley na naka-smile. Ang cute!
 
"Kumain ka ng mabuti. Aalis tayo mamaya."
 
Para namang nag ning-ning ang mata ko sa narinig ko. Ang tagal na kasi naming hindi nakakaalis ni Kyungsoo. Busy kasi sa school.
 
"Saan tayo pupunta mamaya, Kyungsoo?"
 
"Sa Amusement Park."
 
Napalunok naman ako. Hindi kasi ako mahilig sa mga amusement park dahil sa nangyari before.
 
"I know you don't like going to that place. But please give it a try for me please?"
 
Napa-oo na lang ako kasi ayoko naman i-let down si Kyungsoo at once in a blue moon lang magyaya 'to kaya go with the flow na lang.
 
***
 
Nasakyan na namin halos lahat ng rides except sa isa. Ang ferris wheel. I really hate that ride to the point na pag nakikita ko 'to napapaiyak na lang ako.
 
Nagulat ako ng dalin ako ni Kyungsoo sa may ferris wheel. Agad nanlambot ang tuhod ko at ilang sandali lang bumuhos na ang luha ko.
 
"Trust me, okay?" then he held my hand. At sumakay na nga kami ng ferris wheel.
 
Flashback
 
"Daddy! Daddy! Let's ride that big circle!"
 
"What big circle, baby?"
 
Tinuro ko naman 'to kay Daddy.
 
"That ride, Daddy!"
 
"Are you sure, baby? You won't get scared riding that?"
 
"Yes, Daddy. As long as im with you. I'm a strong girl." at pinat ni Daddy ang ulo ko.
 
Sumakay na kami ng ride ni Daddy. Nasa pinakatuktok kami. Ang ganda ng view dito. Kitang-kita mo ang lahat.
 
"You like the view, baby?"
 
"Yes, Daddy. It's so beautiful! Woah!"
 
Ang dami kong nakitang stars. I tried reaching it. Hindi ko alam na malapit na pala ako mahulog dahil nandun ako sa may mini door ng ride. Nagpanic naman si Daddy at hinila ako pero natamaan niya ang lock ng mini door kaya bumukas ito at nahulog kami ni Daddy. Yakap-yakap niya ako habang naglalanding kami pababa. Pagdilat ko. Nakita ko ang Daddy ko na dumudugo yung ulo niya.
 
I cried for help at agad naman silang naglapitan.
 
Hinawakan ni Daddy ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.
 
"Take care, My Little Angel."
 
***
 
"Are you okay, Chloe?" hawak-hawak pa din ni Kyungsoo ang kamay ko.
 
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sumandal ako sa balikat ni Kyungsoo at umiyak ng umiyak.
 
I'm really lucky to have him as my bestfriend. Simula nung nawala si Daddy lagi siyang nandiyan para pasayahin ako. He's been there for me ever since and i cannot afford to lose him. Lalo ngayon na narealize ko na may feelings na pala ako para sa kanya.
 
Nagulat ako ng biglang tumigil sa pag-ikot yung ferris wheel. Nagpanic naman agad ako dahil nasa pinakataas kami. At nakita ko ang ibang ride na walang taong nakasakay. Bakit kaming dalawa lang ang nakasakay dito?
 
"I know how much you hate this ride dahil sa nangyari sa Daddy mo. Pero gusto kong palitan ang pain at hatred diyan sa puso mo ng love at happiness." seryosong sabi niya sakin ng nakatingin sa mga mata ko.
 
Hindi ko alam ang irereact ko kaya hinintay ko na lang ang mga susunod niyang sasabihin.
 
"Alam ko na pag nakikita mo ang ride na 'to may anong kumikirot diyan sa puso mo pero sana sa gagawin kong 'to matanggal na yang sakit na nararamdaman mo. Dahil pag nasasaktan ka. Nasasaktan din ako."
 
Naluluha ka sa mga sinasabi niya. Mas lalo naman niyang hinigpitan ang hawak sa kamay mo.
 
"Tingin ka dun sa may mga puno."
 
Tumingin ka naman and to your shock. Nakita mo ang isang malaking picture niyo ng Daddy mo. Para siyang isang malaking tarpaulin. Hindi mo na napigilan napaluha ka na talaga.
 
"The next thing you will see will represent how i feel for you, Chloe."
 
Agad ka tumingin ulit at nakita mo ang tatlong salita na nakapagpabilis ng tibok ng puso mo. 'I love you'
 
"I love you Chloe."
 
Tinitigan mo muna siya at nagpatuloy ka pa din sa pag-iyak. Hanggang ngayon kasi hindi magsink-in sa utak mo lahat ng nangyayari.
 
"Kailan pa?" yun na lang ang nasabi mo.
 
"Simula mga bata pa tayo. Nung nawala ang Daddy mo. Parang mayroong nag urge sakin na protektahan ka. Hanggang sa paglaki natin nagpatuloy lang yung naramramdaman ko sayo hanggang sa tuluyang mahalin na kita."
 
Hindi mo alam kung iiyak ka ba or kikiligin sa sobrang touch sa sinasabi niya.
 
"Eh bakit lagi mong kasama yung babae na yun?"
 
"Sino si Samantha? Sa kanya kasi ako nagpatulong para magawa ko 'to sayo. Tito niya kasi ang may-ari nitong amusement park." nakangiti niyang sabi sayo.
 
"Bakit ka nakangiti?"
 
"Nagseselos ka kasi eh." mas lalo pang lumawak ang ngiti niya.
 
"Hindi noh! Selos ka diyan!"
 
"Hindi daw!" agad ka niyang niyakap. Niyakap mo na din siya.
 
"I love you Chloe. Mahal na mahal kita Bestfriend."
 
"I love you too Kyungsoo. Mahal na mahal din kita Bestfriend."
 
Then we sealed our love with a kiss.
 
End
 
***
 
Author's note:
 
Sorry for the typos and grammatical errors. Hope you have fun reading! :)
 
You can also check out my other one shot stories and my Wattpad acc.
http://www.wattpad.com/user/perfectlyours
 
Vote. Comment. Subscribe. Lovelots ♥
 
littlekyungshoe

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet