Chapter 3

Gray

"Hi."

 

Nag kunwari akong okay.

 

Kunwari ay okay lang akong makita siya. Syempre, dahil wala naman siyang naaalala. Nag ka amnesia siya.

 

Tinitigan ko lang siya at ngumiti naman siya saakin. Kahit na sobra pa rin ang galit ko sakaniya, iyan yung ngiting nag papaalis ng galit ko. Noon.

 

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harapan, ayokong mahalata ni Yoona na ganito ako umasta kay Jongin, o mas kilala nila bilang Kai. Buti na lang at dito ako pinaupo ni Sehun, kesa naman tiisin kong makita yang Jongi- Kai na yan.

 

Nag papasalamat ako ngayon kay Sehun, pero syempre sa utak 'ko lang sinasabi.

 

Bumalik naman ang lahat sa normal, nag simula ng mag ingay ang mga tao dito. Pati yung guro sa harapan na kanina pa tumutulo laway sa kakatitig kay Sehun, nag sasaway na rin. Pero dahil nga sa suot niya na labas cleavage, binabastos din siya.

 

Minsan talaga mas magandang mag obserba na lang.

 

"Hyoyeon ssi?"

 

Napatingin naman ako sa kanan ko. Bentang-benta talaga ako ngayon. Samantalang dati, hindi naman ako napapansin. Tsk.

 

Tiningnan ko kung kanino galing yung kalmadong boses na iyon. Halatang hindi siya koreano dahil sa accent niya. Lalaki ito na mapungay rin ang mata pero hindi tulad ng pag ka pungay na meron si Sehun. Kung titingnan mo rin naman yung panga niya, hindi rin ganon katalas tulad ng kay Sehun.

 

At dahil gwapo naman yung lalaki, may dimples pa, plus points, sigurado akong kasama ito sa barkada ni Sehun. Kasama siya doon sa dose na iyon.

 

"Ah, yes. Hello."

 

Ngumiti naman ako sakaniya, mukhang magiging payapa ang buhay ko sakaniya kesa kay Sehun.

 

"Lay. Chinese ako, Zhang Yixing."

 

Ngumiti naman siya at nakita ko yung dimples niya. Cute naman.

 

Kaso siya raw si Lay, yung sinasabing bakla ni Yoona. Sayang itsura. Pero okay lang, may makakapag pagawa ring lalaki diyan. Hindi lang talaga ako.

 

"Nasabi nga ni Yoona saakin kanina."

 

Pinipili ko ng maayos yung mga salita ko dahil baka mamaya masabi kong sinabi ni Yoona na bading siya, nakakahiya kaya yun.

 

"Close naman kayo ni Sehun pati ni Yoona, pwede rin bang maging close tayo?"

 

Mawawala ang pagiging seryoso kong tao pag si Lay ang makakausap ko. Nakakalimutan kong ayaw ko sa mga lalaki, wait, di siya lalaki, half lang. Power of dimples nga naman.

 

Kami close ni Sehun? No?

 

"Sige okay lang."

 

Ngiti ko naman ulit sakaniya.

 

Buti pa 'tong si Lay, ang friendly.

 

"Hyoyeon, ngayon ka na nga lang pumasok, makikipag daldalan ka pa?! Sagutin mo 'tong tanong sa board!"

 

Nagulat naman ako ng marinig kong sinigawan ako nung guro sa harapan. Sa bahay, puro sigaw, pati ba naman dito?

 

At dahil kasalanan ko naman, tumayo ako at tiningnan yung 'nakasulat sa board'. Hindi man halata dun sa teacher na labas cleavage, nakakagulat man dahil may cleavage talaga siya, sabagay mura lang naman ang push up bra, Mathematics ang tinuturo niya. Hindi bagay sakaniya. Kelan pa kinailangan ng s sa pag aaral ng Math?

 

May mga narinig naman akong nag yes sa gilid ko. Siguro namimili siya ng tatawagin, pero saakin nga napunta yung tanong.

 

Binasa ko naman ang nakalagay doon.

 

"A student chose a number, multiplied it by 2, then subtracted 138 from the result and got 102. What was the number he chose?"

 

Binasa ko naman ito ng mahina, yung tipong ako lang ang makakarinig.

 

Senior high school na ako, ganito pa rin yung mga tanong?

 

"Wala akong sinabing basahin mo ng malakas."

 

Nagulat naman ako sa sinabi nung guro. Kakasabi ko lang, na binasa ko iyon ng ako lang ang makakarinig.

 

At dahil mabait akong studyante nanahimik na lang ako sa sinabi niya. Hahayaan ko na lang siya kung ayaw niya saakin.

 

"120 po."

 

Umupo na ako diretso, ganon naman dapat diba?

 

May mga iba namang nag palakpakan, may ibang humihiyaw. Merong ding pinapatay na ako sa titig. Binaliwala ko na lang yung mga 'yon at tumingin lang sa board, hindi ako makikinig, titingin lang. Mabuti akong studyante sa harap ng teacher, pero pag hindi, hindi. Hindi lang naman ako yung ganito, maski si Yoona ganito.

 

Lilingon sana ako kay Yoona pero naalala 'kong nandun nga pala si Jongi- Kai. Tama, Kai.

 

Gaya nga ng reklamo ko kanina pa, inaantok ako. Kaya't iniayos ko yung pagka lapag ng braso ko sa lamesa sa harapan 'ko dahil matutulog ako. Gagawin kong unan ang braso 'ko. Sayang usapan namin ni Lay, tsk.

 

Pero bago ko pa mailapag ang ulo 'ko, naistorbo na ako nung guro ulit sa harapan namin. Siya nanaman?

 

"Bawal matulog, bago ka pa nga lang, binabaliwala mo na yung rules?"

 

Lumapit naman siya saakin ng naniningkit yung mga mata.

 

Bakit ba ako na lang lagi?

 

"Bawal pong matulog?"

 

Tiningnan ko naman yung lalaki sa kaliwa ko na ang sarap-sarap ng tulog. Bawal ko bang maranasan rin 'yon?

 

"Ano pong ginagawa ni Sehun?"

 

Tiningnan niya naman si Sehun at nakita kong namula nanaman siya. Inirolyo ko na lang ang mata ko sa nakita ko. Hinawakan niya naman ang ulo ni Sehun at humarap saakin.

 

"Nag aaral kasi si Sehunie kaya't hinahayaan kong matulog pag klase ko."

 

Tinitigan ko pa rin yung kamay nung guro na nasa ulo ni Sehun. Hinihimas-himas nito yung buhok na blonde ni Sehun.

 

Napa ismid naman ako sa nakikita ko. 

 

Humarap naman ako doon sa guro.

 

"Nag aaral rin naman po ako."

 

Depensa ko sa sarili 'ko.

 

Napa ngiti naman siya sa sinabi ko.

 

"Ikaw nag aaral? Hindi ka nga pumasok nung nakaraang linggo, sasabihin mong nag aaral ka?"

 

Wala naman siyang alam kung anong nangyari nung nakaraang linggo. Makapang husga 'to.

 

Sinabi niya ito ng may ibang tono, yung para bang minamaliit ka. Sanay naman na akong maliitin pero pati ba naman pag takbo ng utak ko, tatanungin niya?

 

Mabait ako sa harap ng teacher, tama. Pero nag iinit na ang ulo ko.

 

"Kung hindi siya nag aaral edi sana hindi niya nasagot tanong mo, diba?"

 

Bago pa man ako makapag salita, may nauna na saakin.

 

Tinabig naman ni Sehun yung kamay nung guro sa ulo niya at iniangat niya yung ulo niya. Ganon pa rin ang mukha niya, blanko.

 

Nakita ko namang nag iba ang mukha nung guro at tumingin kay Sehun, mukhang nag papaawa? Hindi siguro nag papaawa, nag papacute.

 

"Sehunie, teacher mo ako."

 

Nilagay naman ni Sehun yung kamay niya sa ilalim ng baba niya at ipinatong ang braso niya sa lamesa.

 

Lahat ng tao dito sa room na ito ay tahimik. Malamang, nakatingin sa eksena ngayon, kanina pa rin talaga ako pinapahiya nitong guro na ito eh.

 

"Ma'am, studyante niyo ako. Hindi niyo ako pwedeng landiin."

 

Diretso ang tingin ni Sehun doon sa guro sa harapan niya.

 

Namula naman yung guro at tumalikod na kay Sehun. Bumalik ito sa upuan at lamesa niya.

 

"Nice one, Sehun!"

 

Narinig kong sigaw nung Chanyeol ba 'yon?

 

Lagi sigurong nilalandi, landi iyon para saakin, si Sehun nung teacher na ito kaya't natawa yung Chanyeol sa ginawa ni Sehun.

 

"Boom!"

 

Sigawan naman nung ibang mga estudyanteng lalaki. Yung mga babae naman, nag sipag tawanan lang. Habang ako, walang reaksyon. Ano ba dapat 'kong maging reaksyon? Masaya ba mag pahiya ng tao?

 

"Hindi niya sinasadyan yun Hyoyeon. Ganyan talaga yan, lalo na't pinapahiya yung kaibigan niya."

 

May bumulong naman sa kanan ko.

 

At dahil kay Sehun nga ako naka tingin, liningon ko naman yung bumulong sa kanan 'ko. Si Lay.

 

Anong kaibigan? Wala namang pinahiya yung teacher na kaibigan ni Sehun ah?

 

Tiningnan ko naman si Lay ng para bang nag tataka ako sa sinabi niya.

 

"Hindi nga pala kaibigan, girlfriend niya."

 

Ngumiti nanaman si Lay saakin at nakita ko nanaman yung malalim niyang dimples. Dimples talaga yung the best.

 

"Sinong girlfriend?

 

Napansin ko namang nanlaki yung mata ni Lay. May ilalaki pa pala yung mapungay niyang mata.

 

"Dalawa ba girlfriend ni Sehun? Sabihin mo saakin ng masuntok ko yan."

 

Akala ko ba bading 'to? Mukhang lalaki eh! Makikipag suntukan pa oh!

 

"Dalawa?"

 

Wala pa rin akong alam sa sinasabi nito ni Lay.

 

Pero bago pa makapag salita si Lay nag salita na yung teacher.

 

"Goodbye class! Hmph."

 

Tumayo naman siya at nag mamadaling lumabas ng classroom hila-hila palabas yung bag niya, hila yung tawag doon para saakin.

 

Tiningnan ko naman orasan ko, may halos kalahating oras pa naman siya saamin. Pero bahala siya, choice niya yan.

 

"Bye ma'am!"

 

Hindi na tumayo yung mga kaklase ko at lahat naman sila pumunta na sa kung kanino nga ba nila gustong pumunta. Yung iba nakipag daldalan na. Lumingon naman ako kay Yoona, kausap niya ngayon si Kai. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Lay. Kailangan kong balaan si Yoona, mamaya siya ang maging susunod.

 

"So ibig sabihin, hindi lang kayo dalawa? Tatlo? Apat? Puta, lima?"

 

Bakla man 'tong kausap ko pero nung nag mura, ang hot. Bakit ba kasi naging bakla 'to?

 

"Akala ko ba matalino ka? Ikaw yung tinutukoy ni hyung."

 

May naramdaman akong nan tuktok ng ulo ko sa itaas, hindi ko na kailangan tanungin kung sino dahil siya lang naman ang nasa likod 'ko. At boses niya yung narinig 'ko.

 

"Hindi mo naman ako girlfriend, bakit ako? Teka, ayos tuktok ah?"

 

Binaliwala niya lang yung huli kong sinabi.

 

"Yun nga eh, hindi pa kita girlfriend."

 

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Pa? Hmm.

 

"Pa?"

 

Nakaharap naman siya ngayon saaming dalawa ni Lay.

 

Teka, hyung ang tawag ni Sehun kay Lay, mas matanda saakin si Lay? Oppa? No.

 

"Gusto mo ba?"

 

What?

 

"Hindi talaga eh."

 

Tinitigan niya lang ako. Parehas lang ang binigay kong mukha sakaniya, blanko. Mahirap mag basa ng kung anong nararamdaman ng isang tao sa isang blankong mukha.

 

"Teka nga, andito pa ako, wag niyo naman akong baliwalain."

 

Inalog naman ni Lay yung upuan ko.

 

Una namang umiwas ng tingin si Sehun at ibinaling ang tingin niya kay Lay.

 

"Mag usap na kayo hyung, nakaka badtrip kausap 'to."

 

Napa rolyo naman ang mata ko sa sinabi niya.

 

"Grabe Sehun, ang dami mong sinasabi bilang lalaking nabaliw sa kakatanong ng panga-"

 

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko, nilapit ni Sehun yung upuan niya saakin at tinakpan ang bibig ko. Mahirap man tanggapin, ang bango.

 

"Shut up."

 

Bulong niya naman saakin bago bitiwan ang bunganga ko.

 

"Idiot."

 

*

 

"Diba? Sabi na sa'yo mabait si Lay eh!"

 

Nag uusap kami ni Yoona tungkol dun sa pag kakausap ko kay Lay kanina. Sinabi ko na ring bakit parang hindi naman siya bakla, ang sabi niya, bakla raw pero hindi lantad. Sakanya lang daw talaga inilantad.

 

Sinigurado naman naming dalawa na walang tao dito.

 

"Sino yung katabi mo kanina?"

 

Ang tinuturingan ko, si Kai. Kailangang mailayo ko si Yoona doon sa lalaking iyon.

 

"Si Taeyeon? Hmph. Leader ng SNSD 'yon. Parang Exo, pero babae sila."

 

Naiirita niya namang sagot saakin.

 

Parang Exo? Edi ibig sabihin, sikat?

 

"Sila yung sinasabi mong galit sa'yo?"

 

Tumango-tango naman ng mabilis saakin si Yoona.

 

Dito pa rin kami nakatambay sa puno na kanina naming pinag tambayan.

 

"Kasi nga, close ako sa Exo. Tapos sila, crush nila yung Exo, kaya ayun."

 

Crush nila yung Exo? Yung Taeyeon kanina, gusto si Sehun? O lahat ng Exo? Pero kung lahat ng Exo, bakit si Sehun kang yung halos tuluan niya ng laway kanina?

 

At teka, hindi ko pa kilala yung gusto nito ni Yoona.

 

"Yoong. Sabi mo ipapakilala mo yung crush mo?"

 

Lumingon naman agad saakin si Yoona ng marinig niyang tinawag ko siya, pero nung tinanong ko na yung gusto kong itanong napangiti naman agad siya at makikita mong namumula na.

 

"Hindi mo kasi ako tinabihan Hyo, hindi ko tuloy naturo. Pero okay lang, si Sehun naman katabi mo."

 

Nag thumbs-up naman siya saakin.

 

"Pero Hyo, baka isipin mo si Kai, hindi si Kai. Hindi rin si Luhan. Yung kaninang katabi ni Kai na nang gising sakaniya. Hindi rin yung matangkad na lalaki na nag pasimuno ng 'girlfriend ni Sehun'."

 

Kai? Dapat lang talaga na hindi na si Kai. Lolokohin lang siya nun.

 

"Yung Chanyeol?"

 

"Hindi 'yon!"

 

"Tahimik lang yung crush ko na iyon."

 

Wala naman akong napansin na tahimik kanina. I mean, hindi ko naman tiningnan lahat. Ang nakita ko lang talaga doon, yung isang babaeng parang si Sehun kung tumingin.

 

"Sino ba kasi?"

 

Gusto ko na rin kasi makilala agad, para naman diba malaman ko kung bagay ba sila ni Yoona. Sabi ko nga diba, minsan lang mag kagusto 'tong si Yoona kaya kailangan kong makasiguro sa nagugustuhan niya.

 

"Turo ko sa'yo mamaya."

 

Sana lang ay maturo niya talaga. Mamaya, makalimutan niya nanaman.

 

"Punta tayo canteen Hyo! Kailangan kong kumain, nagugutom ako."

 

Tumayo naman siya at hinila na ako, lagi naman kasing nagugutom ito. Hindi lang talaga tumataba.

 

Nag lalakad naman na kami palabas dito sa garden na ito at meron na ring mga babaeng nag bubulungan sa gilid namin. Nginitian lang naman iyon ni Yoona, mukhang sanay na nga siya.

 

"Pero Hyo, di mo ba talaga trip si Sehun? Bagay kasi talaga kayo eh."

 

Hanggang ngayon ay pinipilit niya pa rin saakin 'to.

 

"Ayoko nga sa lalaki, Yoong."

 

Simpleng pag papaliwanag 'ko. Alam na alam niya namang ayoko sa lalaki kaya't iniwan niya ako kasama si Sehun kanina.

 

"Bakit ba kasi?"

 

Pero hindi niya alam ang dahilan.

 

"Yoona."

 

Bumuntong hininga naman siya sa sinabi 'ko. Pang ilang beses niya na ring sinubukan na tanungin ako tungkol sa dahilan kung bakit nga ba ayaw 'ko sa lalaki, pero hindi ko pa naman kasi kayang sabihin sakaniya ngayon. Lalo na't nandito yung may dahilan.

 

"Hyo, alam ko naman yung dahilan sa pamilya mo. Ang tinatanong ko ay hindi na tungkol doon. May iba pang dahilan diba?"

 

Pamilya 'ko? Pamilya pa pala matatawag mo dun?

 

"Yoong, hindi mo pa kailangang malaman."

 

Ipapaalam ko naman kay Yoona, hindi ko lang talaga kaya ngayon. Alam ko namang naintindihan, naiintindihan niya ako.

 

"Ipapaalam mo ba saakin?"

 

Lumiko kami ng isa pang liko at nakita 'kong malapit na kami sa canteen. Punong-puno ito ng tao, syempre, break time naman kasi. At hanggang ngayon ay may mga babaeng bumubulong sa gilid namin. Ito pala yung sinasabi ni Yoona. Ganito pala yung pakiramdam.

 

"Yoona, kailan ko ba hindi pinaalam sa'yo pag sinasabihan kita ng ganyan?"

 

Huminto naman siya sandali at tiningnan ako.

 

"Hyo, ganyan din sabi mo dati, hanggang ngayon di ko pa rin alam dahilan kung bakit ayaw mo sa lalaki."

 

Pero matapos niyang mag salita ay hinila niya ulit ako.

 

"Ayaw ko sa mga lalaki, pero nakikisama ako. Hindi ako makakatagal ng ganon katagal kasama si Lay tsaka si Sehun kung talagang ayaw 'ko."

 

"Hindi mo naman kasi kailangang matakot."

 

Hindi naman kasi ako sa lalaki takot. Nadala lang ako, sobrang nadala na ako.

 

"Yoona."

 

"Hindi lahat ng lalaki, ganon."

 

Alam ko naman kung sino yung pinapahiwatig niya. Si Sehun nanaman ito panigurado.

 

"Hindi lahat, oo. Pero malay mo, kasama sila doon sa kalahating ganon."

 

"Negative thinker mo."

 

"Naniniguro ako."

 

Inakbayan naman ako ni Yoona ngayong nakapasok na kami sa loob ng canteen. Napansin ko namang huminga siya ng malalim at dinama ang amoy ng pag kain dito.

 

"Poprotektahan naman kita."

 

Natawa naman ako dun. Ako nga dapat ang pumrotekta sakaniya.

 

"Kaya ko naman sarili ko. Pero salamat na rin."

 

Tumigil naman kami sa isang lamesa na bakante, buti at may bakante pa kasi gaya nga ng sabi ko, puno itong canteen na ito ng mga taong gutom.

 

Umupo naman na ako doon at maski si Yoona umupo na rin.

 

"Hmph. Purkit gangster ka dati."

 

Gangster ang tawag niya doon?

 

"Anong gangster?"

 

"Sabi mo gangster ka."

 

Sumapak-sapak naman si Yoona sa hangin.

 

Napa face palm na lang ako sa ginagawa niya. Matalino si Yoona, pero hindi ko ineexpect na ganito siya ka baliw.

 

"Hindi gangster 'yon."

 

"Mukha ka kayang gangster sa suot mo."

 

Maayos naman suot ko nung araw na iyon!

 

"Iniinsulto mo nanaman ba ako?"

 

Nakita ko namang nag panic siya sa sinabi 'ko at agad-agad na iniwagayway ang kamay niya sa mukha 'ko.

 

"Hindi Hyo! Ayan ka nanaman eh, sabi ko sa'yo tigilan mo na 'yang ganyang pag iisip. Hindi ka pangit, Hyo. Para ka ng ewan kakasab-"

 

Pagagalitan niya nanaman ako.

 

Papakainin ko na lang, hindi pa naman ako gutom.

 

"Ratrat ka nanaman eh. Kumain ka na."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.