Chapter 28

Gray

Madaling araw na at naka tulala lang siya sa kisame ng kwarto niya. Dapat bukas ay may date sila ni Baekhyun pero ang sabi ni Baekhyun pupunta na lang siya sa bahay niya at 'don sila mag dedate. Dapat rin ay natutulog na siya ngayon pero hindi siya maka tulog gaya ng hindi niya alam kung babasahin na ba niya ang mga sumusunod na naka tala sa kuwadernong iyon o hindi pa kasi parang hindi niya pa kaya, ewan niya ba.

Kung kahapon nga, napa alala lang sakaniya ang mga pinag gagagawa ni Jongin sakaniya bago sila mag hiwalay, nasasaktan na siya, paano pa kung mabasa na niya mismo 'don ang lahat?

Hindi ba't napaka makasarili niyang basahin ang mga iyon kahit na alam niyang sa bawat oras na lumilipas, nasasaktan si Yixing?

Ang pag hihiwalay nila, ang pag iiiyak niya sa parke, ang pag papalit niya ng anyo at katauhan.

Paano kung mabasa niya 'don ang mga pag babago at simulang sisihin nanaman si Jongin sa lahat? Kung kelan nag kakaroon na ng progreso ang puso niya, tsaka niya ngayon papagurin? Baka mamaya ay may mabasa siyang hindi niya dapat mabasa, baka mabago ang paniniwala niya.

Kung kelan, nakakalimutan na niya si Jongin, tsaka pa papaalalahanin?

Paano kung sa pag babasa 'non, mag kadahilan ulit para mahalin niya si Jongin o Kai na ngayon? Paano kung bumalik ang lahat? Maski ang nararamdaman niya para kay Jongin?

Paano na si Sehun? Si Lay? Si Baekhyun?

Hindi niya alam, gulong-gulo na ang isipan niya ngayon, simula ng makilala niya si Kai, Lay at Sehun nag kakaganito siya. Tutal, 'yang tatlo lang naman ang dahilan kung bakit tumitibok ng malakas lagi ang puso niya.

Ang problema 'don, tatlo sila.

Hindi siya maka pili pa sa isa.

Eh kung wala na lang kaya siyang piliin? Lahat sasaktan niya, kahit na ang ibig pang sabihin 'non, ilayo niya ang sarili niya sa pakiramdam ng noon. Yung pakiramdam na may nag mamahal, na importante, yung pakiramdam na natatanggap.

Yung pakiramdam na tanging 'yang tatlo lang ang may kayang gawin.

Kahit na anong pigil niya sa sarili niya, kusa namang gumalaw ang mga galamay niya at kinuha ang kuwadernong iyon na nasa lamesa sa may tabi niya. Nag dadalawang isip kung bubuklatin o hindi para maumpisahan na ang ilang naka saad 'don o kaya'y matulog na lang.

Pero kahit na pumipikit-pikit na ang mata niya, naging simpleng dahilan na ang biglaang pag buklat ng kuwaderno dulot ng hangin galing sa labas.

At saktong-sakto, kung saan siya tumigil kanina, 'don din siya dinala ng hangin.

Ikaanim na naka saad,

'Ayon na, sinusundan 'ko pa rin siya at baka kasi biglang madepress sa kagagawan ni Jongin na 'yan, para kasing tanga, mukhang mas inuna pa mga kaibigan niya. Pag tapos kaya nung nangyaring 'yon, nakita 'ko si Hyoyeon na umiiyak 'don sa may parke malapit sakanila. Gusto 'ko na sanang lapitan, ang problema lang, puro siya "Jongin" kahit na nauurat na 'ko kakapakinig ng punyetang pangalan na 'yan. May isang beses na may binoses rin siyang ibang pangalan, Boa ata iyon eh? Ng tingnan niya kasi ang cell phone niya, may hinanap ata siya tapos sabi niya bigla "Boa unnie, bakit ka pa kasi umalis?" Eh baka 'yan yung sinasabi 'kong bumungad sakaniya dati sa bahay nila. Umalis daw, baka nasa ibang bansa? Hindi kaya? Sana naman hindi namatay, kawawa naman si Hyoyeon 'non.'

Ng mga panahong iyan, umalis na si Boa papunta sa Amerika upang mag asawa. Nakilala niya ang asawa niya sa mga anak ng business partners ng ama niya at simula ng siya na ang umupo bilang presidente ng kompanya ng mga Kim, yumaman sila. Umuwi lang siya saglit noon sa Pilipinas para lang maipaalam sa pamilya na siya'y ikakasal na at imbes na sa Pilipinas ganapin, sa Amerika na lang dahil ayaw ng tatay nila na dito pa sa Pilipinas.

Bakit?

Mas mahabang panahong mawawala si Boa, mas mahabang panahong pag papasaya sakaniya ni Hyoyeon.

Ikapitong naka saad,

'May nakapag sabi saakin na nag hiwalay na raw ang Dancing Queen at King, joke wala talagang nag sabi, sadyang chismoso lang ako. Edi ayun hinanap 'ko muna silang dalawa para makompirma 'ko, aba mahirap na at baka hindi naman totoo, edi umasa nanaman ako. Hinanap 'ko muna sa canteen kasi sabi nila 'don daw nangyari ang hiwalayan, pinahiya pa raw ata ni Jongin si Hyoyeon? Hindi 'ko alam sa totoo lang, pero kung ginawa niya man 'yon, punyeta, mag kamatayan sana kami. Pinasok 'ko na yung canteen, nilingon-lingon 'ko mga sulok baka rin sakaling makita 'ko sila Seulgi o kaya sila Taemin ng malaman 'ko na kung nasaan yung dalawa. Kaso ang problema, wala akong nakita sa mga hinahanap 'ko. Di na ako naka tiis kinalabit 'ko na 'tong isang babae at tinanong kung nasaan si Hyoyeon, aba'y pakelam 'ko sa nognog na 'yon. Ang sagot ba naman sakin ng punyetang babaeng 'yon, "Tumakbo sa rooftop, natauhan yata sa mga sinabi ni oppa. Ang landi kasi eh." Tangina? So totoo nga na nag hiwalay? Tapos tangina pa nito, ginaganyan pa si Hyoyeon mga pakyu.

Ng mag hiwalay sila ni Jongin, ako ang unang lumapit sakaniya. Sinungitan niya pa nga ako 'non kasi umiiyak siya eh, ayaw niyang may maka kita sakaniyang umiiyak, pero okay lang, ang tagal 'ko na ring hinihintay ang pagkakataong ito. Hindi niya kasi ako kilala, sino ba namang makakakilala sa isang tulad 'kong lalaki na naka suot ng salamin, naka braces, diba? Pero alam mo ba, ng nilapitan 'ko siya, ang ganda-ganda niya. First time 'yon! Kung pwede nga lang, sana kinuhaan 'ko na rin siya ng picture pero wag, baka mabastos. Pinangiti 'ko siya 'non, pinatahan. Mabait siya, ewan 'ko ba kung bakit winalanghiya ni Jongin si Hyoyeon. Ang swerte na nga niya eh. Ang masakit lang 'don, hindi niya man lang tinanong pangalan 'ko. Nakakalungkot.'

Muli niya nanamang nabasa ang kauna-unahang naka saad dito na ipinabasa sakaniya ni Yixing. Tama, ipinahiya nga siya, ang daming sinabing masasakit na salita sakaniya na hindi niya matanggap-tanggap noon. Tinawag siyang pangit, tinawag siyang nag pipiling, tinawag siyang mahilig umasa, madaling maniwala, nag papagamit, tinawag siyang malandi.

Ang katangi-tanging lalaking minahal niya ng sobra, tinawag lang siyang malandi. Buong akala niya, daan si Jongin para malagpasan ang takot niya sa mga lalaki dahil sa kagagawan ng ama niya, pero nag kamali siya.

Si Jongin ay isa rin sa salarin kung bakit nagiging ganito siya kalamig tumuring sa mga lalaki.

Naalala niya rin, wala nga palang alam si Jongin na ginagahasa siya. Kaya siguro napaka daling sabihin ng mga salitang iyon mula sa bibig niya. Si Jongin ang naging lakas niya noon na sumira ng mga pangarap niya.

Ikawalong naka saad,

'Gusto 'ko sana ulit lapitan siya tulad ng kahapong ginawa 'ko, pero hindi 'ko kaya eh. Umiiyak ulit siya, ayoko namang biglang lapitan siya na parang close kami eh saglit nga lang kaming nag usap ng mga panahong iyon. Parang simpleng hi-hello nga lang. De mali, pinatahan 'ko nga pala siya, ang galing 'ko talaga. Nag offer pa 'kong ihatid siya 'non, ganon talaga pag crush mo, dapat dumamoves ka na. Umayaw eh, hindi raw pwede kasi biyernes ngayon at maagang umuuwi magulang niya. Baka strict? Di kaya? Pero dahil gwapo ako, sinundan 'ko pauwi mamaya mapahamak, ma aba, di ako papayag. Matapos niyang pumasok sa loob, umalis rin ako agad baka mamaya lumabas siya edi nakita niya 'ko sabihin pa niya stalker ako kahit medyo totoo naman.

Mabalik tayo, umiiyak nga kasi siya diba at pakiramdam 'ko dahil ulit kay Jongin 'to, alam 'ko namang mahal na mahal niya eh. Hindi 'ko rin naman siguro makikita yung mga sakit sa mga mata niya kung hindi totoo nararamdaman niya kay Jongin, diba? Tsaka unang araw pa lang ng pagkaka hiwalay nila, iiyak talaga 'yan. Gumamit pa 'ko ng telescope para makita 'ko ng maayos, hindi 'ko makita kahit na naka salamin eh masyado yata akong malayo.

Nakita 'ko na mukha niya, napansin 'ko lang na parang may mga galos siya sa mukha. Parang may mga pasa, maski nga braso niya tsaka binti niya puro pasa. May nakita rin akong sugat sa gilid ng tuhod niya. Mukhang malalim eh, may buo-buong dugo pa yata, hindi nalinasan? Hala? Ano kaya nangyari? Tiningnan 'ko ulit mukha niya, may parang binubulong siya tapos hinahawakan niya buhok niya.

Pero sa totoo lang, isa lang napansin 'ko eh. Parang naging malamig na siya. Parang nanigas na puso niya? Tapos ngayon makikita 'kong puro na siya mga sugat. Salamat kay Jongin ha, tangina mo po.'

Unang araw ng maranasan niyang muli ang sakit na nararanasan niya sa ama niya pag pamula ng nawala ang ate niya. Sakto, biyernes 'non kinagabihan, sulit na sulit ang panahon. Kinabukasan 'non ay lumabas siya at napag isip-isip na mag pahangin. Ng maranas siya ulit ang sakit na iyon, naging sariwa nanaman ang lahat.

Isinabay pa ang sakit na ipinadanas ni Jongin sakaniya.

Ikasiyam na naka saad,

'Dalawang araw na ng huli 'ko siyang nakita, hindi pa siya pumapasok eh. Ewan 'ko ba, baka masyadong nadepress? Pinuntahan 'ko bahay niya para tingnan ulit, syempre, baka lumabas siya diba, masaya 'yon, makikita 'ko siya. Hindi nga ako nag kakamali, lumabas siya, pero alam niyo, nag pagupit na siya ng buhok, wala na rin bangs niya, extension siguro? Tapos blonde na siya. Tapos parang iba yung aura niya, hindi na yung dating masiyahin, ngayon parang ang lungkot niya. Ilang beses 'ko na yata pina uulit-ulit 'yan?

Maski mga titig niya, wala ng emosyon, nakaka awa naman. May mga pasa pa rin siya sa mukha niya pati braso niya, di 'ko makita kung pati sa binti kasi naka pantalon eh, hindi naman sa nililibugan 'ko ha, nag aalala lang ako. May nilabas siyang parang susi yata tapos may tumunog, naks may kotse, rk talaga.'

Nang araw na iyan ay papunta siya kela Yoona sa pag kakaalala niya, nag kukwento lang tungkol sa mga bago niyang kaibigan sa school na pinapasukan niya.

Ikasampung naka saad,

'Alam mo ba, nakakainis, punyeta. Sabi ng tatay 'ko ililipat niya raw ako 'don sa isang school at mukhang maganda raw doon. Aba'y mas maganda nga sa pinapasukan 'ko na eh! Maganda 'don! Nandon si Hyoyeon eh, hehehehehehehe. De pero seryoso, nakaka inis kasi naman, matatapos na pasukan namin! Ililipat pa 'ko? How nice. Pero ayon, wala nga 'kong nagawa, inilipat ako. Biruin mo 'yon, dalawang buwan na lang eh, inilipat pa 'ko naiinis ako ha. Tapos di 'ko na maiistalk si Hyoyeon, buset.

Tuwing uwian tsaka pag sabado, linggo 'ko na lang siya makikita, jusko.'

Ikalabing isang nakasaad,

'Seryoso ako sa sinabi 'ko, tuwing uwian pinupuntahan 'ko yung isang school na 'yon para makita si Hyoyeon. Kasama niya minsan mga kaibigan niya, pero nagiging mailap na rin siya yata? Ewan 'ko kung ano ang tunay na nangyari, siguro, tinanggal na niya mga koneksiyon niya 'don? Hahahaha. Tamo, dahil lahat 'yan sa nognog na 'yon, kingina 'non. Ni hindi 'ko na rin siya nakikitang ngumiti, nalulungkot ako ha. Pero hindi 'ko naman masukuan. Masyado 'ko na kasing sineryoso kahit na may jowa na. Masyado akong nag padala sa nararamdaman 'ko, ayan, patuloy pa rin ako sa pag sunod sakaniya.'

Napa lunok ng laway si Hyoyeon, naka dapa siya sa kama niya at tutok na tutok sa hawak niyang mga papel. Pero ng mabasa niya ang huling talata, hindi niya alam kujg bakit pero nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya habang pinoproseso ng utak niya ang mga pang yayari.

Mayroon pa palang taong may pake sa nararamdaman niya. Nakakatuwa.

Ikalabing dalawang naka saad,

'Ilang linggo na kita hindi nasulatan, no? Busy na ako eh, may mga naging kaibigan na rin ako dito sa bago 'kong school, tinatawag silang Exo. Mababait silang lahat, mahirap man sabihin pero mga gwapo ang mga loko, mga nasa onse na kami kasama ako, ang dami diba? Hinati kami sa grupo, grupo na 'yan, Exo-K at Exo-M. Yung m, puro gwapo, kita mo, nandito ako eh, yung k, wala butaw 'yan. Joke. Si Baekhyun ang unang nakipag kaibigan sakin, aba'y malay 'ko nga rin kung bakit nakipag kaibigan saakin 'yon nung una pero mukha naman kasi siyang masigla pwede na rin. Syempre, mailap pa ako sakanila nung una, eh bago lang eh pero ngayong mag tatapos na ang pasukan namin para sa taong ito, masasabi 'kong close na talaga kami.

Balita 'ko, last na rin ng araw ng pasukan 'to nila Hyoyeon eh. Tapos sabi-sabi pa sakin nito nila Junmyeon na may bago raw kaming myembro na hindi pumapasok pero kakilala niya raw 'to. Kai daw ang pangalan eh. Ewan 'ko ba, may sakit daw kasi kaya di pumapasok. Ni isang beses di 'ko pa 'yon nakikita sa totoo lang. May ipinakilala rin sakin dito si Chanyeol na babae, Yoona raw pangalan tapos itong si Yifan may jowang mataray, Jessica pangalan, Sooyeon daw pag korean eh ayaw daw ng korean name niya, oh edi wow. Naging close na rin kami ni Yifan, tapos ang sabi ni Yoona sakin may bestfriend daw siya sa dati 'kong school eh ako naman si urirat, ayon napag alaman 'kong si Hyoyeon. Ang balita 'ko rin, papalipatin niya dito si Hyoyeon, nice sakin diba, hihihi.

Pinuntahan 'ko na school nila Hyoyeon, sa kasamaang palad, hindi 'ko siya nakita, ang nakita 'ko lang yung mga kaibigan niya na sila Yeri. Mga malulungkot ang mukha 'non eh, nilapitan 'ko sila, tinanong kung nasaan si Hyoyeon, aba'y confident na ako ngayon, mas pumogi ako eh. Ang sagot nila saakin, "Hindi namin alam." Ang ganda ng sagot sa totoo lang. Tapos ng marinig nila pangalan ni Hyoyeon parang nadismaya sila. Alam mo 'yon, alam 'ko ng may nangyari ngang hindi kanais-nais sakanilang mag kakaibigan. Mga trentang minutos pa ako nag antay, sanay naman ako. Wala pa rin siya, naisip 'kong siguro naka uwi na kaya hindi na 'ko nag abala at umuwi na sa bahay 'ko. Minsan nga sinusundan ako ni Junmyeon dito, syempre tinanong 'ko kung anong ginagawa, sagot sakin, "Mukhang nag huhunting ka ng chicks, marami ba dito? Ako rin." Oh edi minsan kasa-kasama 'ko siya sa pag aantay, pero wala siyang alam tungkol kay Hyoyeon. Sikretong malufet nga iyon diba.

Kung yung itsura 'ko naman, pinagupitan ako nila Sehun at Yifan, imemake over daw ako ng mga gago, sa pogi 'kong 'to make over? Pinatanggal salamin 'ko tapos tinusok mata 'ko ng contact lens leche, araw-araw 'yon pero nag pa laser na lang ako, mas maayos kesa sa mga daliri nung dalawang babang 'yon. Yung braces 'ko pinatanggal nila at pina ayos na lang nila ng diretso ang mga ngipin 'ko at ang masaya 'don, sila gumastos. >:-)'

Kaya lang naman nadismaya niya ang mga kaibigan niya noon dahil sinabihan niyang layuan na siya. Ayaw na niya sakanila, napag tanto kasi ni Hyoyeon na sino pa ba ang makikipag kaibigan pa sakaniya sa lagay na 'yan? Nag tatago na si Hyoyeon, iniiwasan na niyang lumabas pa yung dating Hyoyeon na kilala nila dahil paninindigan niya lahat ng sinabi ni Jongin sakaniya.

At dahil doon, nag bago na siya. Iyon na mismo ang dahilan. 

Ng dahil sa iilang salitang isinigaw ni Jongin sa pagmumukha niya, mas pinili na niya ang matigas na Hyoyeon. Masaya naman maging ganito, ang daming gustong makilala ang tunay na siya, halos lahat ng atensiyon nila napupunta sakaniya, sobrang saya nga naman.

Ikalabing tatlong naka saad,

'Ayon na nga, ang pogi 'ko kaya nag design ako ng sasakyan, non-sense diba? Mula sa love story napunta tayo sa sasakyan, pero hindi non-sense 'to, hahahaha. Nalaman 'ko kasi na yung ate ni Hyoyeon na si Kim Boa na ngayon sabi ng tatay 'ko na Kwon na raw eh nag papadesign ng kotse at ibibigay sa kapatid niya. Ang alam 'ko si Hyoyeon lang naman kapatid niya kaya heto ako, naka tulala sa papel, birthday na yata ni Hyoyeon? Teka nga matanong kay papa.

Hala, birthday na raw niya sa 22. Oh my God, kailangan 'ko 'tong gandahan. Syempre, pogi points na rin sa ate niya hahahaha. Baka nag tataka ka kung bakit saamin nag papagawa ng design, negosyo kasi namin sasakyan, minsan ako nag dedesign minsan si papa, may designer rin kami na kamag anak namin pero ayun nadedo na kasi sagasaan yung bus na sinasakyan niya noon kaya ang nangyari kami na lang ni papa. Tapos si ate Boa pala, lol feel na feel 'ko no, suki ni papa. One step closer kay Hyoyeon.'

Tama, may ibinigay na kotse sakaniya si Boa unnie niya. Ng umuwi si Boa ng panahong iyon, wala siyang alam na wala na sila ni Jongin maliban na lang noong nakita ni Boa si Hyoyeon na iba na ang kulay ng buhok. Tinanong niya si Hyoyeon pero walang matinong sinagot si Hyoyeon sa mga tanong na iyon.

Hindi na inungkat pa ni Boa lalo na kung hindi naman gusto pag usapan, pero kahit na ganon, naging tenga niya si Yoona sa mga nangyayari sa kapatid niya. Si Yoona ang nag sabi lahat ng nalalaman niya kay Boa at si Boa rin ang nag sabing alamin pa lalo ni Yoona.

Nag sasabi ng dahilan kung bakit kaibigan ni Yoona si Kai at hindi niya 'to syota.

Ikalabing apat na naka saad,

'Nakita 'ko asawa ni ate Boa, ang pogi naman, pero mas pogi ako pero dahil kapatid ni Hyoyeon 'yan okay lang. Pumunta na sila sa main branch namin para makita niya yung design, eh kasama niya asawa niya eh, ayun nakita 'ko. Nag eexpect nga akong sana makita 'ko si Hyoyeon pero surprise raw pala 'to. Grabe effort ng ate niya para sakaniya. Mag sixteen na siguro siya? Sweet 16, hihihi.

Pag uwi nila, pinalayas na ako ng tatay 'ko dahil okay na raw 'yon, ipapagawa na raw. Gulat nga ako eh, mamadaliin ni papa? Ayun pala may model na, pintura na lang na may designs na pinapalagay ni ate Boa saakin. Dumiretso ako sa bahay ni Hyoyeon, dito na lang ako sa puno, ilang buwan 'ko na ring kasama 'tong puno na 'to, we're so close na. Lumabas si Hyoyeon, naka tali buhok niya tapos tumutubo na rin yung dark brown niyang buhok, naka shorts siya tsaka t-shirt, naka tsinelas lang ng bigla siyang luambas, hala? San naman 'to pupunta at ganyan itsura niya? Himala rin at ngayon ay wala siyang pasa, tapos parang maaliwalas mukha niya, kaso nakikita 'ko pa rin yung lungkot niya.

Sinundan 'ko ulit siya hanggang sa naka rating ako dito sa parke na sinasabi 'ko sa'yo na lagi niyang pinupuntahan. Naka upo lang siya, naka tulala nga lang sa langit eh. Wala siyang dalang kahit na ano, parang ni hindi 'ko pa nga nakita siyang nag cell phone ni isang beses sa totoo lang. Sa kakatulala niya, parang may napapansin na akong luha sa mga mata niya, tumutulo na 'yon. Nasasaktan ako, sumakit dibdib 'ko eh, ganito kasi talaga siguro ang dating niya saakin? Siguro nga, ano? Saglit muna akong huminga tapos napa lingon ako sa kaliwa banda, may nakita akong puti na silver ang buhok. Siningkit 'ko mata 'ko, malinaw na mata 'ko pero parang nanlalabo, nilapitan 'ko ng onti.

Alam mo kung sino nakita 'ko? Si Jongin, nag pakulay ang gago ng buhok, sinundan 'ko tinititigan niya, putangina nito, ang kapal ng mukha titigan ng ganyan si Hyoyeon. Tumayo na 'ko, aba'y lalapitan 'ko, isang suntok lang, bahala siya kahit na mabasag mukha 'ko pakyu 'to. Lumapit na ako tapos naka angas na mukha 'ko kasi pogi ako, kaso may narinig akong boses sa gilid 'ko. "Lay!" Gulat akong napa tingin sa sumigaw, iyan na kasi ang bago 'kong palayaw kay Suho, mukha raw laging may hangin utak 'ko, kaya Lay, korny nga eh, punyeta 'to. "Sakto, pupuntahan ka sana namin ni Kai at nung tatlong ugok 'don sa swing, eh nag pakita ka na samin, ayos." Tapos tinuro pa ni Suho sa pag mumukha 'ko yung tatlong bata sa swing. Maski si Kris hyung nandiyan?! Nako! Teka, Kai daw. Nasaan si Kai?

Tinanong 'ko kung naasan si Kai, ang tinuro niya saakin si Jongin. Amputa? "May amnesia kasi siya kaya nag papahinga siya sa bahay nila nung nakaraan, matagal na rin kaming close nito ni Kai. Jongin totoo niyang pangalan pero shh na lang na alam mo ha. Wala siyang alam na siya si Jongin eh." Bulong sakin ni Suho. Amputa talaga. Haba na pala ng pinag sasasabi 'ko ngayong araw hahahaha.'

Amnesia nanaman? Puro na lang 'yan ang dahilan, nakakasawa na. Tapos malalaman pa ni Hyoyeon na pag tapos ng ilang buwan, tinititigan siya ni Jongin sa malayuan? Maniniwala na si Hyoyeon na wala siyang amnesia, lahat ng 'to pag papanggap lang. At pag nalaman niyang totoo nga, malalaglag na kalooban niya.

Hinding hindi na niya maiintindihan ang sarili niya pag hindi niya pa nagawang kalimutan si Jongin nito.

Ikalabing limang naka saad,

'Sawakas nasasanay na ako sa mga pauso ni Suho na nickname namin. Exo raw kasi kami, pag sumikat kami kailangan may stage name daw, ang arte diba? Nasasanay na rin akong lagi na naming kasama si Jong- Kai pala, punyeta. Minsan natatawag 'ko siyang Jongin, eh paano 'ko makakalimutan pangalan niyan? Tss. Pero pinag tataka 'ko lang, bakit ganon titig niya noon kay Hyoyeon? Eh diba nga may amnesia siya? May amnesia ba talaga? O kunwari lang? Tss ewan. Kumakain kami ngayon sa bahay ni Luhan hyung at nag pahanda siya dahil gusto niya lang, nag sasayang lang siya ng pera. Kingina nito eh, purkit mayaman. At, 22 na nga pala ngayon, birthday na niya. Mamayang gabi, babatiin 'ko na lang siya sa isipan 'ko, hanggang dito lang ako eh.

Nag papakwento sila kay Kai kung ano ba nangyari at nag kaamnesia siya, noong araw raw kasi na nakipag hiwalay siya sa syota niya noon, ang sabi lang daw sakaniya ng kapatid niyang si Taemin- teka nga! Kapatid niya si Taemin?! Hala?! Weh?! Jusko?!

Ayon raw, madaling araw na raw 'non iyak siya ng iyak 'non tapos si Taemin daw pinapatahan siya pero wala raw nagawa si Taemin ng gusto niyang puntahan yung bahay nung ex niya, ayun hindi niya raw napansin at may nakabangga raw siyang mga gangster tapos napuruhan daw yung ulo niya 'non kaya nawalan siya ng ala-ala. Mukha namang kapani-paniwala, pero mahirap ng maniwala.

Marami ring nag taka kung sino si Taemin at ang akala nila nag iisa lang daw si Kai na anak. Maski nga ako nag taka eh. Kim Jongin tapos Lee Taemin? Apelyido pa lang oh! Kinwento niya rin na yung nanay niya raw at tatay ni Taemin naging mag asawa, parehas na hiwalay raw kasi ang magulang. Okay? Hindi 'ko alam na ganon pala ang nangyari.'

Napa ngiti si Hyoyeon sa mga nababasa niya habang namumuo nanaman ang mga luha niya. Ganyan din ang sabi ni Jongin sakaniya eh, kapatid raw turing niya kay Taemin. Ang problema, turing lang ang lagi niyang sinasabi, ni wala ngang sinabi si Jongin sakaniya na nag hiwalay magulang niya. At maniniwala pa ba siya? Kung yung pag mamahal nga ni Jongin na lagi niyang binabanggit, hindi naman pala totoo.

Pero yug maliliit na tuldok na namumuo sa isipan niya nag dudugton-dugtong, parang ang nga rebelasyong nababasa niya ay mga linya na bumubuo ng isang imahe sa isipan niya.

Humupa na galit niya, naiintindihan na niya kung bakit nag karoon ng amnesia, kung bakit hindi sila pwedeng mag kita pag biyernes, kung bakit ba parang mas importante pa si Taemin kesa sakaniya. Naiintindihan na niya.

Pero hindi pa rin siya maniniwala.

Patuloy pa rin ang pag babasa niya at hindi na niya napansin ang pag lipas ng oras sa gabi niya. Mag aalas-dos na ng umaga, tulog na ang mga kasama niya sa bahay, tanging siya na lang ang gising.

Kasabay ng pag babasa siya ay ang mag tetrentang minutos nang pag kumbinsi ni Kai kay Yoona na payagang umamin na siya.

"Yoona, please, mawawala na siya sakin." Desperado ng boses ni Kai sa kabilang linya, gamit niya rin ang laptop niya at nag rereasearch ng kung anu-ano sa mga blogs kung ano ba ang mararamdaman ng ganito pag ganyan at bise bersa.

Umirap na si Yoona at pinapakyu na si Kai sa isipan niya, "Matagal na siyang wala sa'yo Kim Jongin, 'wag mo 'kong subukan." May bahid ang boses ng pag kamalupit na parang tinatakot niya talaga si Kai.

Nakinig kasi siya noon kay Kai, nag explain si Kai sakaniya, ang problema hindi niya alam ang panig ni Hyoyeon. May alam siya tungkol kay Kai pero kakaonti kay Hyoyeon, nahihiya man siyang sabihin pero iyon kasi talaga eh.

"Alam mo naman ang dahilan diba?"

Wala na tuluyan ng nag init ang ulo ni Yoona.

"Jongin, stop hurting my bestfriend. You were hers, were. Past tense. Matapos mo siyang hiwalayan? Gusto mong balik-balikan? God, stop pretending."  Dapat sa dulo may mura eh, hindi na lang niya sinama.

Pero kahit na alam ni Kai na totoo ang mga sinasabi ni Yoona sakaniya, may paniniwala pa rin siyang makukuha niya si Hyoyeon pabalik. Gago man siya, pero ang gagong 'to hanggang ngayon na kay Hyoyeon pa rin ang tama sa puso.

"Yoona, hiniwalayan 'ko siya kasi iyon ang tamang desisyon." Sabay binalikan ni Kai ang mga nakaraan niya kung bakit sila nag hiwalay, kung bakit ba mas pinili niya ang mga kutcha ng kaibigan niya.

Lahat may rason.

"Oo, tamang desisyon, pero alam mong hindi mo na kayang pag hilumin yung sugat na natamo niya galing sa'yo. Jongin, let Hyoyeon move on from you."

Sa huling sinabi ni Yoona, nag pantig ang tenga ni Kai at nag liwanag ang madilim niyang mukha. Kung hindi pa tuluyang nag momove-on sakaniya si Hyoyeon, gagawin niya ang lahat maibalik lang si Hyoyeon sakaniya.

"That was more than enough reason to tell her the truth!"

"No, don't-" Pinutol ni Kai ang sasabihin ni Yoona.

"Hindi 'ko mahahayaang mag move-on siya saakin. Kailangan niyang malaman na wala talaga akong amnesia. Kailangan 'ko siya, Yoona, please."

" you, gawin mo na gusto mo. Do not expect me to save your mess, Kim Jongin." Nakapag desisyon na si Yoona, hahayaan niyang si Kai na ang gumawa ng lahat.

Hindi na sila mag papanggap na crush nga siya ni Kai at hinahayaan niya lang. Tutal, may Kyungsoo na siya, wala ng maniniwala sakanila.

"Your fake amnesia was a big deal."

Mali ang mga tanong nila, kesyo may naalala na ba o wala pa. Matagal na siyang may alaala, nag kukunwari lang siyang nawala.

"I know." Lunok laway na saad ni Kai.

Alam niya, pero may rason siya. Hindi niya alam kung magiging ayos ba ang rason niya o hindi peronapaka laking bagay sakaniya ng rasong iyon at ipapaintindi niya iyon kay Hyoyeon.

Bahala na.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.