Chapter 29

Gray

Patuloy pa ring hindi pinapansin ang oras, determinado siyang matapos ang pag babasa kahit na ilang oras pa siyang abutin dito. Mag uumaga man o hindi, tatapusin niya 'to.

Ikalabing anim na naka saad,

'Nadulas si Suho kay Kai na Jongin pangalan niya, ayan naka tanggap tuloy ng hampas sakin. "Akala 'ko ba di mo ipapaalam, ha?" Ngumiti lang sakin si Suho at nag peace, kingina talaga nito eh. "Nadulas na eh. Hehe." Sabay peace sign niya sa kabila niya namang kamay. Naramdaman 'ko namang napa tingin saakin si Kai, "Alam mo hyung?" Malamang alam 'ko, matagal na kita kilala eh, pakyu ka eh. "Oo, nasabi ni Suho eh." Naramdaman 'kong nagulat si Suho sa sinabi 'ko. Alam nga ni Suho diba na galing ako sa school dati ni Kai kaya kilala 'ko siya, eh iba sinabi 'ko kay Kai. Tumango na lang si Kai tapos hinampas 'ko ulit si Suho sa noo naman niya ngayon. "Sakyan mo na lang." Bulong 'ko sakaniya. Nag tanong siya kung bakit di 'ko pinaalam, buti at gwapo ako, mabilis utak 'ko, sinabi 'ko na lang na pag naalala ni Kai ang school niya dati, mas mapapabilis ang pag proseso ng mga nakaraan niya, mahihirapan si Kai. Inintindi naman ni Suho dahil magaling daw na lider siya.

Wala nanaman si Luhan hyung at wala rin si Kris hyung na bibihira 'ko lang tawaging hyung pati si Suho di 'ko tinatawag na hyung, pogi ako eh. Tinanong 'ko naman si Jessica kung nasaan yung jowa niyang tulok, sinundan daw si Luhan. Ang bakla nanaman ng dalawang 'yon, leche. Itong si Baekhyun may dala nanamang babae tapos si Jessica sinipa binti niya, nagagalit at may babae nanaman, "Ano ba?!" "Tangina mo, ang landi mo." Inirapan na lang ni Baekhyun si Jessica tapos nilandi ulit yung dala niyang babae. Hindi naman maganda, mukhang espasol eh. Kaya kasi nagagalit 'tong si Jessica dahil siguro crush ni Krystal si Baekhyun eh ayaw ni Baekhyun kay Krystal kasi nga hindi niya sineseryoso mga babae, ayaw niyang lokohin si Krystal. Mabait pa rin naman 'yang bading na 'yan.

Itong si Yoona naman, close na close na kami, as in, na tipong pinapaalam na niya saakin crush niya. Biruin niyo 'yon crush niya si Kyungsoo, hahahahah, kaiyak. Mukhang mas matangkad pa nga ata siya kay Kyungsoo, hahahahaha. Pinalo-palo 'ko pa yung likod niya para damang-dama niya tawa 'ko sa sinabi niya saakin. Naka nguso na nga eh, hahahaha, laptrip pa rin kasi ako hanggang ngayon. Pero di 'ko naman sinabi yung tungkol kay Hyoyeon, ako lang may alam 'non.'

Ikalabing pitong naka saad,

'Crush raw ni Jongin si Yoona! Hahahahahahahahahaha. Dami 'ko tawa, mga 69. Ayos nga eh, wala na akong kaagaw kay Hyoyeon sa pag dating niya dito sa school na 'to. Matatapos na isang buong taon, excited na 'ko, lilipat na raw si Hyoyeon dito, next year, hihihihi. Tagal 'ko na rin pa lang hindi nakikita si Hyoyeon, pupuntahan 'ko siya ngayon.

Nandito na 'ko sa labas ng gate, naka upo lang ako dito sa upuan ni manong guard, nakilala niya nga ako galing eh, hahahaha. Dapat pala matagal 'ko na 'tong ginawa hindi yung naka dungaw pa 'ko sa kotse 'ko, ang layo sakin ni Hyoyeon na kahit para bang ang lapit niya. Nalulungkot nanaman ako, hahaha. Naka patong siko 'ko sa lamesa ni manong guard at mag kahawak kamay 'ko para mapatong 'ko baba 'ko 'don. Madaming tumititig sakin, puro bulungan pa eh naririnig 'ko naman, iba na talaga pag pogi. Nakita 'ko sila Seulgi, hala kasama nila si Hyoyeon, putangina. Ang ganda ng malapitan hoy! Naiiyak si Seulgi, hindi 'ko alam kung bakit malamang. Tapos niyakap nila isa-isa si Hyoyeon, ngumiti si Hyoyeon. Totoo niyang ngiti 'yan. Nakita 'ko ulit. Tapos pinunasan niya yung mga luha nila isa-isa, buti kinaya niya at lima 'yong mga 'yon.

Ano kaya mangyayari? Hala ka? Aalis ba ang isa sakanila at bakit nag iiyakan? Nauna si Hyoyeon sakanila at nag lakad na, dumaan siya sa gawi 'ko parang may luha na rin mga mata niya. Umiiyak nanaman siya?'

Humingi ng tawad si Hyoyeon sakanilang lima at nag paalam na isa-isa. Hindi man siya sinabihan ni Yoona, nararamdaman na rin niyang ieenroll siya sa ibang school 'non, laging parinig ng parinig eh.

Umiyak lang naman ang lima at humingi rin ng tawad, hindi raw nila naintindihan ang kalagayan ni Hyoyeon, ganon. Sinabihan na rin ni Hyoyeon na baka hindi na muna sila mag kita sa ngayon at sa susunod na lang, galit na galit kasi ang mga magulang ni Hyoyeon sakaniya noong mga panahon na iyon.

Ikalabing walong naka saad,

'Nawalan na 'ko ng panahon para puntahan si Hyoyeon, lagi na akong gabi nakakauwi, puro requirements pinapapasa ng mga teacher purkit matatapos na pasukan eh. Tapos mag kakagrupo syempre kami ng Exo, Jessica at Yoona, yung mga mag kakaklase lang, kaya ayun kung kani-kaninong bahay kami tumatambay para matapos 'yang presentation na 'yan. Nalulungkot na rin daw si Yoona at hindi na niya nakakausap si Hyoyeon, pakiramdam niya nag kukulang na raw siya sa pagiging bestfriend niya, naiiyak pa nga ang gaga. Lumapit sakin itong gaga na 'to, "Yixing, pumayag na si Hyoyeon, ako na mag eenroll sakaniya, isasabay 'ko, pero hindi siya makakasama sa enrollment mismo. Busy siya." Bulong sakin ni Yoona, syempre nag pantig mga tenga 'ko, aba'y good news iyon. Ngumiti na lang ako sakaniya tapos, "Oh? Edi good news sa'yo 'yon?" Syempre sakin rin, hahaha. "Oo naman."

Ineentertain naman ni Yoona si Kai dahil nga diba crush ni Kai. Madalas rin silang mag usap ng silang dalawa lang, pero siniguro ni Yoona saakin na Kyungsoo pa rin siya kahit anong mangyari. Wala naman akong pake kung sino maging syota ng mga ugok na 'to, binalaan 'ko rin si Yoona kay Kai pero hindi naman daw mangyayari 'yon. Edi wow.

Alam mo ba, habang pauwi nag iisip ako ng paraan para maging close kay Hyoyeon. Tapos may nakita akong bading sa kanto, naisip 'kong mag panggap na bading na lang kaya ako? Baka gumaan ang pakiramdam ni Hyoyeon saakin pag ganon ginawa 'ko? Hahaha. Desperado na ba ako? Malamang. 2 years 'ko ng hinihintay si Hyoyeon. Nag hihintay ako ng pag kakataong maging kaibigan si Hyoyeon, papalagpasin 'ko pa ba?'

Una sa lahat, hindi pumayag si Hyoyeon. Nag pumilit lang talaga si Yoona, hahaha. Pangalawa, may nabubuong konklusiyon sa isipan ni Hyoyeon sa tuwing nababanggit ni Yoona si Kai, mukhang hindi kasi pursigido si Kai sakaniya.

Nakaka takot mang malaman, pero sana hindi totoo, baka magalit ng tuluyan si Hyoyeon sakanilang dalawa.

Ikalabing siyam na naka saad,

'Sinabi 'ko na kay Yoona na bading ako, nagulat siya syempre, tinanong ako kung paano, kung sino crush 'ko pero wala akong sinagot na maayos. Sabi 'ko lang, naramdaman 'ko lang na bading ako, napopogian ako sa mga lalaki, ganon. Tinanggap niya naman ako, pero siya lang may alam, walang may alam na iba kahit si Suho pa 'yan o ano. Tinanong niya rin ako kung pwede ba sabihin kay Hyoyeon pag dating niya kasi syempre ipapakilala niya ang Exo pati si Jessica kay Hyoyeon, kailangan ng background diba. Umoo ako, nasa plano 'ko 'yon, ang ipaalam kay Hyoyeon na bading ako.'

Oo nga, ano? Tamang-tama. Lahat ng plano ni Yixing umpisa pa lang ay natupad na, ang galing lang.

Buong akala ni Hyoyeon, bading siya. Kasi iyon yung sinabi niya, kailangang maniwala ni Hyoyeon. Kaya siguro ng sabihin niya noon ang hula niya kung bakit naging bading si Yixing, eh nanahimik si Yixing, kasi siguro, tamang-tama.

Ikadalawampung naka saad,

'Parteh, wala na kaming pasok hahahaha. Nag kayayaan kami na pumunta sa bahay ni Yoona at mag party 'don pero inuna 'ko munang puntahan si Hyoyeon sa school. Parehas rin ang farewell eh. Nandito ulit ako sa upuan ni manong guard, napapadalas na nga raw ako dito eh tatlong beses niya pa nga lang ako nakitang nandito eh, niloloko rin ako nito ni kuya eh. Nakita 'ko na siya, ang bilis mag lakad, hay. Sinundan 'ko na, ngayon may dala siyang kotse eh, agad akong sumakay sa kotse 'ko tapos sinundan ulit, nakarating naman kami ngayon sa mall. Ano naman gagawin niya dito?

Sinundan 'ko pa rin as usual, ngayon nandito siya sa parang bilihan ng make up. Hindi 'ko rin alam na nag memake up siya, sa totoo lang kasi ni hindi 'ko siya nakitang may make up sa mukha. Pumasok ako tapos kunwari tumingin-tingin ako ng make up, may lumapit nga na saleslady saakin, ano raw hanap 'ko, tinanong pa 'ko kung para raw ba sa girlfriend 'ko, aba nilalandi mo 'ko ha. Edi umoo ako para lubayan ako, ayon nilubayan nga ako. Tinititigan 'ko lang si Hyoyeon, hindi man ako maalam sa make up pero puro pulbo binili niya eh.'

Dito lahat nag simula kay Yixing ang pag sunod sakaniya maski sa mall, nag tataka siya lagi kung bakit may pulbo o ano. Ano naman kasing gagawin niya sa halos isang dosenang pulbo na 'yon?

Ikadalawampu't isang naka saad,

'Naenroll na raw ni Yoona si Hyoyeon, malapit na rin pasukan namin, sinabi na rin ni Yoona sa iba na may idadagdag daw siya sa barkada dahil lilipat daw bestfriend niya, yung mga malalandi naman nag "Wooh!", tinanong pa kung maganda. Akin lang si Hyoyeon, punyeta kayo. Isa pa, sabi ni Yoona hindi naman daw talaga pumayag si Hyoyeon na mag paenroll, sadyang inenroll agad ni Yoona ayon, wala ng nagawa. Ang galing ni Yoona, diba? Hindi 'ko na rin alam sa totoo lang kung ano na nangyari sakanila ni Kai. Mukha ngang hindi pursigido si Kai eh. Pero pinababayaan 'ko, pinaninindigan naman ni Yoona si Kyungsoo eh.'

Nag simula na si Yixing na mag hanap ng impormasyon tungkol sa pagiging bading, eh lalaki siya eh, ano ba namang alam niya sa kilos ng isang babae?

Nakaka ilang hikab na rin si Hyoyeon sa pag babasa niya. Bibihira na lang siya makahanap ng 'Jongin' sa mga binabasa niya, kaya't lumuluwag ang pakiramdam niya.

Pero ngayong mag uumpisa na ang storya naman ng pagiging mag kaibigan nila ni Yixing, panigurado, lalaylay nanaman ang balikat niya nito.

Ikadalawampu't dalawang naka saad,

'Una, hindi na ako nakakapag sulat sa'yo kasi alis kami ng alis mag babarkada. Pangalawa, pasukan na at isang linggo na hindi pa rin pumapasok si Hyoyeon. Nag lagay ng pwesto si Yoona sa tabi niya para kay Hyoyeon, kaklase namin, sinadya ni Yoona para raw hindi mahirapan si Hyoyeon mag adjust. Tinanong 'ko rin kung kelan ba papasok at ang tagal ng wala, matagal na 'yon, ni hindi 'ko na nga rin nakikita kasi nga busy ako tapos wala pa siya dito sa school. Mga isang linggo na rin akong papogi ng papogi tuwing umaga, para handa. Itong si Yoona sabi ba naman sakin, "Pumopogi ka ah, pinag hahandaan mo ba si Hyo?" Binatukan 'ko na lang para kunwari hindi totoo, kahit totoo naman talaga hahaha. "Bakla ka ba talaga? Sayang mukha Yixing." Tinanong niya rin saakin 'yan, nag dududa na siya. Umoo ako syempre, malayo-layo na rin yung nalakbay 'ko.

Ito pa pala, baka hindi ako makapag sulat na sa'yo ha, busy masyado ngayon dahil last year na namin sa high school. Kung mag susulat ako sa'yo, siguro 'yon na yung mga panahong hindi 'ko na kayang hanggang tingin na lang ako. Panigurado, mga maiikli na lang din makukwento 'ko sa'yo. Minsan nga nag tataka rin ako kung bakit ba gumagamit ako ng diary eh, ang bakla diba? Iba talaga kasi siguro pag nanggaling ka muna sa pagiging mahilig sa libro. Libro at ikaw lang karamay 'ko palagi noon, pero ngayon may Exo at dalawang babae, na dadagdagan ni Hyoyeon, akong kasa-kasama. Hindi kita kakalimutan, promise. >:-)'

Ikadalawampu't tatlong naka saad,

'Pumasok na si Hyoyeon, 'wag mo na tanungin reaksiyon 'ko kasi kung may mas sasaya pa sa sobrang saya, ako na 'yon. Sobrang saya 'ko talaga ng makita 'ko siya, kahit na kasama niya si Sehun pumasok. Pero kahit na nauna na si Sehun, thank you pa rin sakaniya at nakatabi 'ko si Hyoyeon. Kinausap 'ko siya at nag pakilala bilang bakla, ang ganda niya promise. Lalo na ngayon at blonde na siya? Mas gumanda siya, may nawawala pa ring parte sa mga mata niya, nawawala doon yung emosyon na dati 'kong nakikita pero naniniwala akong maibabalik 'ko iyon. Ngumiti siya saakin. Ngayon kilala na niya ako, hindi na ako mababaliwala sa pag papangiti 'ko sakaniya.'

Ikadalawampu't apat na naka saad,

'Bestfriend na raw kami hihihi, marami ka ng nakakaligtaan, marami na akong hindi nakukwento pero ito masasabi 'ko sa'yo, nag open na rin siya kahit papaano saakin. :> Kikiligin ba 'ko? Eh 'wag na, kinikilig na ako eh. Tapos alam mo ba, noong sabi niya na saakin lang siya nangungulit, kinikilig na talaga ako ng sobra, napa shet pa nga ako 'non eh. Ewan 'ko lang talaga kung anong naging reaksyon ni Hyoyeon ng narinig niya saakin 'yon, ang bading kasi talaga ng pag kasabi 'ko 'non

Tapos sabi niya parang hindi raw ako bading, bakit daw hindi ako naiinlove sa mga kaibigan 'ko? Eh mas bading pa nga yung mga 'yon kesa saakin, hahahaha. Tapos pinipilit niyang hulaan kung bakit naging bading ako, ang galing niya talaga. Nalaman niyang nasasaktan ako kaya nag pakabading ako, ang hindi niya lang alam, siya yung babaeng tinutukoy niyang 'yon.'

Napa ngiti ng malungkot si Hyoyein gamit ang mapupungay na niyang mata, nanginginig niyang labi na may sugat sugat na sa kaka kagat niya.

Nananalangin rin siyang sana matapos na 'tong pag babasa niya, pakiramdam niya'y babagsak na siya.

Ikadalawampu't lima na naka saad,

'Nag seselos ako, hahaha. Puro na lang kasi siya Jongin at Sehun, lagi na lang 'yang dalawang 'yan. Sa tuwing papasok nga siya, na bibihira na lang mangyari, laging nauuna si Sehun sa paningin niya. Noong nalaman namin na ginahasa siya at kung anu-ano pang ginawa sakaniya alam mo bang muntikan 'ko na sugurin tatay niya? Sa totoo lang, handa na nga akong patayin 'yong gagong 'yon. Pero tumigil ako, kasi ang sabi ni Yoona saakin, 'wag 'ko raw pakelaman. Wala na akong nagawa.

Alam lang ni Yoona na bestfriend turing 'ko kay Hyoyeon, wala ng iba. Kasi nga diba sabi 'ko, sikreto lang 'tong nararamdaman 'kong 'to. Ayoko lang na may makaalam, baka kasi maawa ako lalo sa sarili 'ko lalo na't, mukhang bestfriend lang ako. Hahaha. Ay shet, natuluan kita ng luha 'ko, sorry. Di 'ko pala nasabing umiiyak ako, ano? Sorry.

Sinusundan 'ko nga nga kanina si Hyoyeon eh, papaakyat yata sa rooftop? Malamang hahaha, iyon lang naman ang daan sa rooftop ng building namin. Panigurado nandon si Sehun, tambayan ni Sehun 'yon eh. Makikinig lang ako, baka sakaling magising na ako at makalimutang nag papakatanga nga pala ako.'

Ng maisip sundan ni Yixing si Hyoyeon eh nag dadalawang isip pa siya. Natatakot kasi siya sa maririnig niya, pero kahit na takot ipinag patuloy niya, si Hyoyeon daw kasi iyon.

Bestfriend rin siya eh, bestfriend lang siya. Dapat ipriority niya ang pagiging bestfriend niya kay Hyoyeon kesa sa pagmamahal niya dito.

Napapapikit na si Hyoyeon sa antok, tumutlo na rin ang ilang luha dahil sa pag hikab niya kanina pa, dahil na rin sa nararamdaman niyang awa. Sumasakit na rin ang ulo niya dahil sa wala siyang tulog at hindi na siya nagigising sa sampal na sinasaad na nababasa niya.

Ikadalawampu't anim na naka saad,

'Baka last na 'to. :) Alam mo kung bakit? Sumuko na ako eh. Ng marinig 'ko pa lang ang usapan nila ni Sehun, parang may tumutusok na sa dibdib 'ko na hindi 'ko maintindihan, ang sakit eh. Na parang nag sasabing, 'huwag ka ng umextra sa love story nila', ganon yung pakiramdam. Ilang araw ng absent siya at nung malaman 'kong papasok na siya, hindi ako pumasok. Kung gusto 'ko talagang umusad na, tutulungan 'ko sarili 'ko.

At alam mo rin ba, napag desisyunan 'ko na. Ibibigay kita kay Hyoyeon, wala lang regalo lang, para cute. :) Joke, para lang naman saktan 'ko sarili 'ko. Kasi nandito lahat naka saad ang mga nararamdaman 'ko para sakaniya, lahat ng ginawa 'kong sakripisyo para sakaniya. At pag binigay 'ko 'to sakaniya, parang binigay 'ko na rin yung pinanghahawakan 'kong feelings sakaniya. Mag gigive up na akong mahalin siya, kasi mukhang hindi naman ako ang mamahalin niya.

Kahit na ang ibig sabihin pa ng pag bigay ko sa'yo sakaniya eh malaman niya ang tunay 'kong nararamdaman, wala na akong pake. Tutal, sabi 'ko nga eh, tunay. Totoo 'to lahat, hanggang sa marealize niya siguro na baka ako talaga ang forever niya at pag nangyari 'yon, baka hindi na siya mahal 'ko. Ay shet, ang sad 'non hahahaha. Mahal kitang notebook ka, 'wag ka mag alala, you're in a good hands, Hyoyeon 'yan. Sana i-treasure ka niya sa paraang tinetreasure kita.

Pasabi na rin sakaniya, mahal na mahal 'ko siya kahit na bestfriend lang ako sa paningin niya.'

Isinusulat ni Yixing ito sa kotse niya bago niya ibigay kay Hyoyeon ang kuwaderno. Isinulat niya lang ang gusto niyang sabihin kasi nga huli na 'yon, matitiyak niyang huli ng pagkakataong iyon para maipaalam kay Hyoyeon na hindi siya bading, na mag tatatlong taon na siyang hinihintay at minamahal ni Yixing.

Habang nag susulat si Yixing ay nasasaktan siya, kasi nilunon niya na ang mga salitang 'bestfriend' lang siya. Wala eh, hanggang diyan na lang talaga siya.

Ayaw na niya, tama na.

Ipilit man ni Hyoyeon na ilabas sa bibig niya ang mga salitang makakapag balik ng nararamdaman ni Yixing, hindi niya kaya, eh hindi kasi totoo eh.

At nasasaktan siya dahil 'don, sinayang niya lang si Yixing habang sobrang abala niyang habulin si Jongin.

At matapos niyang mabasa ang huling naka lagay, ngumiti ulit siya, pumikit ang mga mata niya para lumabas na ang nga luhang naiambak, bumagsak na ang ulo niya at hindi na niya alam ang nangyari.

Kadiliman.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.