Package 18

A Tour Package With EXO

"Tapos? Ano nangyari?"

"Ayun. Hanggang dun na lang yung kwento ko."

"Nge! Parang bitin naman?"

"Ganun talaga, Mel! Panaginip nga eh. Wala ka ng magagawa dun."

"Pero teka, sabi ko bitin diba? Edi ibig sabihin, may pag-asa pa matuloy yun?"

"Malay natin."

Natahimik ang dalawa at natulala na naman si Bridges.

"Sino or Ano ba talaga ang mas matimbang pag namimiss mo. TAO OR MEMORIES?"

"Huy! Nag-iimagine ka na naman jan!"

"H-huh?"

"Sabi ko, nag-iimagine ka na naman!"

"Ewan ko sayo, Melissa! Umalis ka nga muna sa harap ko! Ginugulo mo ko eh!"

"Ayoko nga! Kwento ka pa ng mga inimagine niyo! Natutuwa ako eh, lalo na yung kay Kemer ba yun? Hahaha." pangungulit ni Melissa

"Tss. Sabi ko nga sayo hanggang dun na lang yun diba?"

Nga pala, si Melissa, siya yung nakilala ko nung nangibang bansa ako.

Makulit, Masiyahin, Madaldal, Malandi, Haliparot! Hahahahahaha.

De, seryoso. Buti na nga lang at naging magkaibigan kami nitong babaeng to. Nako, hanggang ngayon hindi ko pa din makakalimutan kung paano ko siya nakilala.

 

Summer kasi noon tapos nasa park lang ako. Patingin-tingin lang sa mga taong namamasyal dun. Tapos, bigla siyang tumabi sakin. Yung itsura pa nga nya nun yung parang si Bora ng Sistar pumorma? Ganun.

"Excuse me, paupo lang ha. Mukha ka namang walang kasama eh."

"Ok lang. Sige."

Dinidila-dilaan niya yung ice cream cone niya noon tapos bigla siyang napatingin sakin.

"Bakit? Gusto mo?"

Umiling lang ako. Sino ba namang matinong tao ang o-OO pag inaya kang makipagshare sa isang ice cream cone na puno na ng laway.

"Alam mo, madalas kang tulala no? Halata sa itsura mo eh." biglang umpisa ni Melissa.

"Syempre, nagbibiro lang ako, girl! Alam ko namang puno na ng kamandag ko tong Ice Cream na to no!  Sino ba namang matinong tao ang o-OO pag inaya kang makipagshare sa isang ice cream cone na puno na ng laway?"

Whoa. Mind Reader.

"Anyways, Melissa. Ano name mo?" and she reached out for a handshake

"Bridges."

"Madalas ka dito?"

"Hindi naman. Kapag may time lang ako napupunta dito tsaka pag gusto ko makapag-isip ng maayos. Ikaw ba?"

"Ako? Pumupunta ako dito kasi laging may libreng ice cream tuwing weekends. Tulad ngayon. Pang-8 ko na nga to eh. Kapal ng mukha ko no? haha."

 

"Huy!!! Nag-iimagine ka na naman!! Bakit nga ba ako nakakilala ng isang taong kagaya mo? Ang weird mo!"

"Sorry na. Diba nga kasi sabi ko sayo umalis ka muna sa harap ko?" -_-"

"Taray mo talaga! Jan ka na nga muna!"

Tumayo si Melissa sa kinauupuan nito at lumabas ng kwarto.

Napailing si Bridges at tumungo sa may bintana.

Umupo siya rito at hinayaan na naman niyang lumutang ang isip nito sa bagay na gumugulo sa kanya.

Again, Sino or Ano ba talaga ang mas matimbang pag namimiss mo. TAO OR MEMORIES.

 

Ang pinakamatimbang, TAO.

 

“Yung TAO. kasi di ba yung memories anjan na yan, babalikan mo na lang tapos matutuwa ka, yung tao pag namiss mo maiisip mo mas makakagawa kayo ng mas maraming memories kung anjan pa siya lalo pag masaya siya kasama at nag ja-jive kayo. Kasi, if wala na siya, wala na tapos na ang memories, lagi mo maiisip kung andito pa si ano di sana magkasama kami kumain (memories) di sana pupunta kami sa ganitong lugar (memories) so mas matimbang, na tao ang namimiss ko. yung memories,naaalala mo lang tapos natutuwa ka pero sa dulo yung tao pa rin ang hinihiling mo na sana kasama mo pa.” —S

 

Tama nga. TAO.

 

Sila nga ang namimiss ko at hindi naman talaga ang dati kong ginagawa nung baliw pa ako sa sariling mundo na nagbuklod saming magkakaibigan.

 

Kasi sila, pwede kami ulit makagawa ng bagong memories na mas makakalamang sa saya na naramdaman ko nung nasa sariling mundo pa namin ako.

 

Makakagawa kami ng memories na pwedeng makatulong sakin na makalimutan ko someday yung sakit na nararamdaman ko sa dating sariling mundo na ginawa namin.

 

Yung memories ko naman kasi dun, hindi ko na pwede mabago kasi nangyari na sa nakaraan yun. kumbaga, intangible na yun and cannot be changed.

 

Hanggang dun na lang, kung saan ko sinimulang itigil.

 

 

Bumukas muli ang pinto at tinignan ni Bridges kung sino ang pumasok rito

 

"Hay nako naman. Diba sabi k--"

 

"O ayan!" sabay may inabot si Melissa sa kanya

 

"Ano to?"

 

"Ticket malamang. To be specific, plane ticket."

 

"Oo nga, I mean, para saan naman?"

 

"Bumalik ka na sa kanila." sabi ni Melissa

 

"Sinong kanila?"

 

"Edi yung mga taong kinuwento mo sakin. Yung nasa imaginations mo." taas-kilay ni Melissa

 

"….."

 

"......"

 

"......"

 

"....."

 

Nanlaki ang mga mata ni Melissa at tinakpan ang bibig nito

 

"Wait! Don't tell me, IMAGINATION LANG TALAGA lahat yun?! Hindi din totoo si Kemer? Si Cris? Si Leah? Si--"

 

"Totoo sila. Yung EXO lang ang hindi totoo dun…."

 

"Wow~ Akala ko PURE IMAGINATION lang talaga lahat lahat eh. Ang mahal ng ticket na yan no! So, you better thank me!"

 

"Abaaa~ kailangan ko talagang mag-thank you e kusa mo namang binili para sa akin to! At wala din akong kaalam-alam na bibilhan mo ako nito!"

 

"Bruha ka! Tinutulungan lang kita no! Ngayon, ayusin mo na yung mga kalailanganin mo dahil next week na yang nakalagay na travel date mo!"

 

"Wait Mel.. Gustuhin ko mang bumalik sa kanila, hindi ko alam saan at paano ako mag-uumpisa.."

 

"Edi mag-umpisa ka kay Joona Mae."

 

Tinignan lang siya ni Bridges at hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

 

Kinuha ni Melissa ang phone nito at tila may hinahanap

 

"O yan teh.. Sa kanya ka magsimula. At para malinawan ka na ng tuluyan, nagpatulong ako para makahanap ako ng kahit isang contacts man lang na kaibigan mo. Reliable yang source ko so don't worry. Kung gusto mo, tignan mo pa yang picture nung sinasabi niyang Joona Mae."

 

Tinignan nga ni Bridges at talagang si Joona Mae nga iyon.

 

"Confirmed? O sige, iiwan na talaga kita para makapag-ayos ka na."

 

Sinoli ni Bridges ang phone ni Melissa at napakunot ng noo, "Malayo pa naman yun tsaka pwede pa magbago isip ko."

 

"Knowing you for a while, hindi masasayang tong plane ticket na to dahil one, mahal to. Two, makokonsensiya kang wag gamitin to kasi mahal nga. Three, kailangan mo na talagang harapin yung dapat mong harapin. Last, madalas ka ng tulala at natatakot na ako sayo."

 

"Ewan ko sayo!"

 

"Bridges, kahit hindi mo sabihin sakin, yung kilos mo yung mismo ng sumisigaw sakin ng gusto mo talagang gawin! Hala, wag na pabebe!"

 

"Mel…"

 

"Iiwan na talaga kita. May pupuntahan pa ako. Jan ka na nga!" Iniwan ni Melissa ang plane ticket sa working desk ni Bridges at tuluyan ng umalis.

 

Tumayo si Bridges mula sa pagkakaupo sa gilid ng bintana at tinignan uli ang plane ticket

 

Biglang may nahulog na kapirasong papel at tinignan niya kung ano to.

 

 

Should I? Really?

 

NASASAKTAN pa rin ako ng SOBRA SOBRA.

 

Pero para sa pangakong binitiwan ko sa mga kaibigan ko, kahit ito na lang na panghuling pangako ko ang matutupad ko sa kanila.

 

Titiisin ko basta matupad ko lang to.

 

Sabi nga sakin ng friend ko, “Hindi [siya] worth it kung may doubt ka.”

 

At alam ko na kung ano ang pipiliin ko. Itutuloy ko, kasi worth it sila sakin para hindi na ako magkaroon pa ng doubt sa gagawin ko.

 

Susubukan ko.

 

So ngayon, ang kailangan ko na lang gawin eh maisakatuparan ko na yung binuo naming pangarap nung magkakasama pa kami.

 

Pero paano ko nga naman sila matitipon?

 

Almost 5 years na din ang nakakalipas at wala na din akong balita ni isa sa kanila dahil pumunta muna ako ng ibang bansa para mapaunlad ang sarili ko.

 

Nagawa ko lang namang magtago sa kanila at parang pinalabas kong hindi na ako nag-eexist sa mundo kasi ayokong may maging sagabal sa gagawin kong paghahanap ng sarili ko.

 

Alam ko kasing hindi ko mapipigilan ang sarili kong makaisip ng anything about sa kanila.

 

Masasaktan nga lang ako.

 

Sana hindi pa talaga sila tuluyang nalayo sakin.

 

Kinuha ko yung dati naming picture nung nagpa-gathering ako. Hindi man kumukupas yung kulay nito, sana ganun din yung mga memories na nangyari behind this picture.

 

Naalala ko dati, dito ko unang naranasan yung hampas ni Zhaira dahil sobra siyang natuwa sa mga hirit ni Kemer.

 

 

Yung halos madaig ko na mga drug addict dahil sa kakapuyat maging updated lang sa mga teasers na nirerelease ng Sment.

 

Yung akala mo mamamatay ka na dahil hindi ka makahinga pag nakikita mo yung bias mo na ang pogi pogi sa album or teasers?

 

Yung sobrang nababaliw ka na sa kakahanap ng mga HD videos at mga subbed videos ng mga guestings at shows nila?

 

Yung tuwang-tuwa ka sa mga katangahan or ka-abnormalan nila?

 

Yung sinasabi mo sa sarili mo na hindi ka mag-boboypren dahil sxzh1la lhU4nG sxZhaP4t nHU4!

 

Yung ang ingay ingay sa group at hindi matigil-tigil ang pagtunog ng notifs mo dahil nga maingay eh! Comment ng comment at post ng post ng kung anu-anong feels?

 

Yung FOREVER? Wala na.

 

Nasaan na kaya tong mga to?

 

Mahahanap ko pa kaya sila?

 

Mangyayari pa kaya yung mga dati naming mga ala-ala?

 

 

 

~~~~~~~

"You said it was for my own good and you turned away coldly like a lie. Why did you? Why did you? You’re gone away. Come Back Home, can you come back home? Don’t leave me at the end of this cold earth and come to me. Come back home, can you come back home? Put all the pain in the past. I still wait for you like this. Now you gotta do what you gotta do"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet