Chapter 1.

Path to Love (girlxgirl)
Please Subscribe to read the full chapter

Aviana's P.O.V

 


Nagising ako sa malalakas na katok sa labas ng pinto ng kwarto ko, na halos kulang na lang ay magkandabutas-butas na ang pinto ko dahil sa lakas ng pagkakakatok.

 

 

 

 

Sino bang peste ang nambubulabog ng mahimbing kong tulog? Binuksan ko ang pinto ng padabog, ikaw ba naman ang gisingin, tapos puyat pa!

 

 

 

 

"Ano ba?! Ang aga mong mambwisit!" iritang sabi ko. "Paanong hindi? May shoot ka pa, uy! Kaya bilisan mo na 10 AM na kaya, tanghali na!"  sabi ng pinsan kong kasing taray ko din. Automatic namang napataas ang kilay ko.

 

 

 

 

"10 AM? Tanghali na yun sa'yo? Pwes maaga pa yun para sa akin. Kaya lumayas ka na sa harapan ko!"  Isasarado ko na sana ang pinto, pero naramdaman kong pinigilan niya 'to.

 

 

 

"Ano ka ba naman Aviana? Magagalit sa atin si tito kapag hindi ka agad kumilos!"  rinig kong banta niya. Sinasabi ko na eh, laging panakot niya sa akin si Dad.

 

 

 

We owned a company agency for modelling here in Phil. Bata pa lang ako nakahiligan ko nang magmodel, kaya ngayon na nasa wasto na akong edad pinasok ko na ang modelling world. My dad said namana ko daw ang kakayahan kong ito sa mom ko.

 

 

 

 

But my mom leave us when I was only a 8 year old girl at tandang-tanda ko pa yun. Tinangay rin niya ang mahadera kong kapatid na babae. 1 year lang ang gap namin, bata pa lang kami alam kong mainit na ang dugo namin sa isa't isa.

 

 

 

Nagtataka nga ako kung bakit iniwan nila kami? Mabait at responsableng ama ang tatay ko,pero nagbago ang lahat ng iniwan kami ng magaling kong ina.

 

 

I'm not rude to my mom,simula nun ay naging maiinitin na ang ulo ni dad at aaminin kong may sama ako ng loob sa nanay ko.

 

 

I'm living with my cousin, Quinn Villafuerte her dad and my dad are siblings. Parents niya kasi nasa ibang bansa, nag-aaral kasi siya dito sa Pilipinas. Siya na rin ang tumatayo kong manager.

 

 

 

"Natulala ka na dyan! Bilisan mo na nga!" nabalik ako sa realidad ng magsalita si Quinn. Napairap na lang ako, umalis naman siya at bumalik ako ng kwarto para maghanda.

 

**

 

 

On the way na kaming dalawa sa malaking kompanya ng dad ko,which is doon lahat naging sikat ang mga models ngayon presently. Tahimik lang sa loob ng sasakyan habang nagdarive si manong driver, at isa pa nakakabadtrip lang dahil kulang pa ako sa tulog.

 

 

 

"Ayusin mo nga yang mukha mo!"  sita sa akin ni Quinn. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'to?!

 

 

"Anong meron sa mukha ko?" Masyado bang maganda? Pwes, dagdagan mo yang sa'yo!" mataray kong sagot. Mataray na kung mataray,. "Tse! Sinasabi ko lang naman na huwag kang magsimangot dyan!" she answered.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet