Look At Me

I Fell In Love With A Beautiful Stranger

 

 

Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas nang magbakasyon siya sa Namiseom. Halos wala na siyang matandaan kong ano ang ginawa niya doon. Hindi niya alam kung bakit doon siya nagbakasyon. Malabo na malabo na sa kanya ang lahat, maliban sa babae na nakita niya doon. Sa totoo lang ay na love at first sight talaga siya sa babaeng nakasuot ng red dress. Hindi niya alam pangalan nito o kung saan ito nakatira. Hindi niya rin alam kung single pa ba ito o may boyfriend na.  Kung may asawa naba ito at anak. Naiinis siya dahil hindi na niya ito muling nakita. Napaka-saklap ng tadahana diba? Pero isang taon rin nakaraan tsaka nakalimutan na niya ito. Ngunit hindi niya parin tinapon ang larawan ng magandang estranghera.

 

"Bro!" pangugulat ni Kim Taeyeon ang bestfriend niya.

 

"Sh*t! Ano ba Kim Taeyeon?" pasigaw nitong wika.

 

"Wow ang sungit ha? Anyways. Gusto lang sana kitang imbitahin." nakangiti nitong wika habang inaabot ang isang kulay pink na sobre.

 

"Ano toh?" tanong ni Sooyoung habang binubuksan ang sobre. "!"

 

"Bro, ikakasal na kami ni Pany!" pag anonsyo ni Taeyeon.

 

"Wow bro! Congrats!" niyakap ni Sooyoung ang kanyang kaibigan.

 

"Grabe bro, sinong magaakalang ikaw mauuna sa ating tatlo?" natatawang wika ni Sooyoung.

 

"Hindi rin magtatagal si Yuri na susunod."

 

"Hah! Oo nga eh! Maiiwan nalang ako magisa!"

 

Naglakad si Sooyoung papunta sa desk niya tsaka tinago ang litratong kani-kaninay hawak niya. Ngunit bago pa man niya ito mailagay sa drawer niya ay kinuha ito ni Taeyeon mula sa mga kamay niya. Agad naman ito tiningnan ni Taeyeon, wala ng magawa si Sooyoung. Gusto niya sana itong bawiin ngunit baka mapunit lang ito.

 

"Bro, sino toh?" panunudyong tanong ni Taeyeon.

 

"Hindi ko alam" simple niyang sagot.

 

"May nililigawan ka pala? Sino ba siya? Maganda ha!"

 

"Bro, hindi ko nga kilala yan. Maniwala ka."

 

"Sus! Bakit hindi ka nalang umamin? Kung mahal mo yan, ligawan mo na ka agad. Baka maunahan ka pa ng iba diyan." tumawa si Taeyeon habang naglalakad palabas ng office ni Sooyoung.

 

"Hindi ko nga sabi kilala yan. Hindi ko alam pangalan niya."

 

 

* * *

 

 

"Victoria Song, nasaan ka na ba?"

 

"Malapit na ako, i'll be there in 20minutes."  sagot ng babaeng nasa kabilang linya.

 

"Ok, tumawag ka pag dating mo."

 

Hindi na niya hinintay makasagot ang babae, agad na niya itong binaba. Naiinis siya habang iniinom ang kanyang Cappuccino tsaka nagsimula ulit magtype sa kanyang Laptop. Maya-maya ay nagsimulang umulan agad siyang napatingin sa Glass Window, tinitingnan niya kung gaano ito ka lakas. Maya-maya ay napadaan ang tingin niya sa babaeng nakikisilong sa labas ng Coffee Shop ng kaibigan niya. Ilang segundo niya itong tinitigan hanggang sa tumingin din ang babaeng naka-sweater at beanie sa kanya. Tinitigang din siya ng babae tila pinagaaralan ang itsura niya. Natulala si Sooyoung nang mapansin niya kung gaano ito kaganda. Para bang tumigil sa pag ikot ang mundo ng mga oras na yun. Napa-ungol siya nang unti-unting nag dilim ang kanyang pangingin at hindi na niya nakita ang babae. Pilit niyang tinatanggal ang kamay na humaharang sa kanyang mga mata. Nadismaya siya ng wala na ang babaeng nasa labas.

 

"Sh*t" bulong niya.

 

"I'm sorry Sir!" yumuko si Victoria sa harap ni Sooyoung.

 

"Hay, ano ba ginagawa mo dito?" may bahid ng pagka-irita ang wika ni Sooyoung.

 

"Diba pinapunta mo ako dito? Para gawin ang presentation niyo po." sarkastikong sagot ni Victoria.

 

Kumunot noo ni Sooyoung nang hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ngunit maya-maya ay naalala niya ang ibig-sabihin nito.

 

"Bakit late ka?" naiinis na wika ni Sooyoung.

 

"As you can see umuulan po sa labas."

 

"Whatever! Gawin mo na yan!"

 

Hinarap ni Sooyoung ang laptop sa babaeng nasa harap niya. Tsaka tumingin uli siya sa labas, kung saan nakatayo ang babaeng maganda.

 

"Seo? Ok ka lang?"

 

"Unnie!" sigaw ng kakabatang babae.

 

"Seo, pasensya na. Umuulan kasi kaya ako natagalan. Wag kang magaalala andito na si Unnie."

 

"Unnie! Si oppa kasi!" kinagat ni Seohyun ang kanyang ibabang labi habang pinagaaralan reaksyon ni Yoona.

 

"Bakit??" nagaalalang tanong ni Yoona.

 

"M...Magpro-propose na daw siya kay Jessica!"

 

"Mmmm, ganun ba?" may bahid ng lamig ang tono nito.

 

"Yoona unnie, ikaw ang gusto ko para kay oppa!"

 

"Seo...."

 

"Unnie! Gusto mo naman si oppa diba? Wala akong tiwala sa Jessica na yun!" malungkot na wika ng kababatang babae.

 

"Seo, hindi. Wag ganyan. Kung saan masaya kuya mo, dapat supportahan mo siya" mahinahong wika ni Yoona.

 

"Ah basta! Ayuko ko sa Jung Sooyeon na yun!"

 

"Mag order ka na nga lang, libre ko." pilit siyang ngumiti sa kaibigan niya.

 

"Unnie, inom tayo?" ngumiti si Seohyun.

 

"Alam mo naman siguro na hindi ako umiinom."

 

"Sige na unnie! Ngayon lang. Pareho naman tayong brokenhearted eh!"

 

"Sino bang may sabing brokenhearted ako?" ngumisi si Yoona.

 

"Deny ka pa. Kaya nga hindi naging kayo ni oppa dahil puro ka deny."

 

"Kung sinabi mo sana sa kanya na gusto mo siya baka ikaw ang girlfriend niya ngayon."

 

"Seo please." pag awat ni Yoona sa nakababatang babae.

 

"Uminom nalang kasi tayo unnie,"

 

"Oo na, spoiled ka talaga sa akin noh?" nakangiting wika ni Yoona.

 

 

* * *

 

 

Gabi na nang makauwi si Sooyoung, pagod na pagod na siya at nais na niyang umuwi sa bahay. Gustong-gusto na niyang magpahinga, ngunit naisipan niya munang tawagan ang kanyang ina bago makauwi ng bahay. Laking gulat niya nang salubongin siya ng ina nang mga tanong kung may girlfriend na ba siya.

 

"Hay nako anak, kailan mo ba talaga balak magpakasal? Kapag wala na ako? Kahit kailan wala ka pang pinapakilalang Girlfriend sa amin ng daddy mo." seryosong wika ng babaeng nasa kabilang linya. Natawa nalang si Sooyoung habang pinapakinggang ang kanyang pinakamamahal na ina sa buong mundo.

 

"Mum, wala talaga akong balak magpakasal eh, ang kasal na yan para lang sa mga taong takot mapag-isa sa buhay."

 

"Anak, maghahanap ka rin ng makakasama sa buhay balang araw."  bumuntong hinga si Mrs. Choi habang pinagsasabihan ang kanyang anak.

 

"Andyan naman bestfriends ko, ikaw, si dad, at si ate. Hindi ko na kailangan niyan Mum."

 

"Hay nako baby Choi, wag kang magsalita ng patapos."  panunudyong wika ng kanyang ina.

 

"Haha! Sige na mama, magda-drive muna ako."

 

"Uuwi ka na ba? Mag ingat ka palagi, wag nakatingin kung saan-saan."

 

"Ok po mum. I love you, bye!" nakangiting wika ni Sooyoung habang nilalabas ang susi niya mula sa kanyang bulsa.

 

"Mag ingat ka sa pagda-drive, I love you too baby."

 

"Sige mama, bye!" ngumiti si Sooyoung ngunit maya-maya ay naglaho ang kanyang ngiti nang makita niya ang dalawang binata, pinupinturahan ng Air Spray ang kanyang kotse! Kinuyom niya ang kanyang tsaka lumapit siya sa dalawang binata para panuorin ang ginagawa ng dalawang ito. Hinawakan ni Sooyoung ang batok ng dalawang binata ng napakahigpit.

 

"Anong ginagawa niyo sa kotse ko?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Y...Y..Yoon...Suk! T..Tak..Takbo!!!" sigaw ng lalaking nakasuot ng beanie. Bago makatakbo ang lalaking nakasuot ng Slim Jacket Coat ay nahuli kaagad ito ni Sooyoung tsaka hinablot ang kwelyo ng jacket nito. Hahabolin pa niya sana yung binatang nakabeanie ngunit nakalayo na ito.

 

"Yah! Chang Ho!" sigaw ng binatang mas nakakabata.

 

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa Kotse ko? Sa prisinto bagsak mo bata!" kinagat ni Sooyoung ang kanyang ibabang labi sa sobrang galit. Binuksan niya ang kanyang kotse tsaka tinulak ito papasok ng kanyang kotse. Sinubukan pa nitong suntokin si Sooyoung mabuti nalang at nakailag siya kaya hindi siya gano natamaan.

 

 

* * *

 

 

Nakarating nalang ang kanyang lawyer ngunit ang tinatawag na Guardian ng binata ay hindi parin dumadating. Gusto na siyang umuwi para tawagan ang kanyang Car Insurance para ipaayos ito. Ngunit ito parin sila nasa Prisinto parin at naghihintay sa taong hindi nila alam kong dadating.

 

"Wala pa ba ate mo?" nang mainip si Sooyoung ay sinuntok niya ang desk ng Officer. Habang tinitingnan ng masama ang binatang bumaboy sa kanyang kotse.

 

"Para lang sa kotse nagkakaganyan ka na po?" ngumisi ang binata.

 

"Anong sabi mo?" hinablot ni Sooyoung ang kwelyo ng jacket nito agad naman itong pinigilan ng Lawyer niyang si Kim Taeyeon.

 

"Wala ka bang Girlfriend? Kaya ganyan ka nalang magalit? Wala ka bang kasama sa buhay?"

 

"Taeyeon! Pigilan mo ako, sasapakin ko na ito!" pilit itong kumawala sa pagkakayakap ni Taeyeon ngunit ayaw siya nitong bitawan.

 

"Officer, pakitawagan mo nalang kaming sa labas kong andiyan na ang ate ni Yoon Suk. Palalamigin ko lang ulo nitong kliyente ko." pilit ngumiti si Taeyeon kay Officer Hoang tsaka kinaladkad palabas si Sooyoung.

 

"Ano ba?!" naiiritang wika ni Sooyoung.

 

"Patingin ng kotse mo." kalmadong wika nito habang natayo sila sa tahimik na Carpark. Naglakad si Sooyoung papalayo kay Taeyeon kaya sinundan niya ka agad ito. Natigilan si Taeyeon nang makita niya ang puting kotse ni Sooyoung na punong-puno ng vandalism. May malaking Loser sa Windshield ng kotse nito, may mga pagmumurang nakasulat sa gilid ng kotse niya, may mga doodle pa ito. Dahilan para matawa si Taeyeon sa itsura ng kotse nito.

 

"Wag mo ngang pagtawanan si Veronica!" bulyaw ni Sooyoung kay Taeyeon. Si Veronica, ang pangalan ng kotse ni Choi Sooyoung.

 

"Tara bumalik na nga tayo, baka dumating na ang ate nun." suhesyon ni Taeyeon.

 

Tumango si Sooyoung tsaka malungkot niyang tinitigan ang kanyang kotse. Tinapik ni Taeyeon ang likod niya tsaka naglakad sila muli papasok ng Police Station, nagbabakasakaling na roon na ang kanilang hinihintay. Ngunit nanigas si Taeyeon sa kanyang tinatayuan niya habang nakatitig sa pamilyar na babaeng papasok sa Police Station.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet