Chapter 2

Gumamela ( The Maid)
Please Subscribe to read the full chapter

aglit siyang napatda nang matanaw niya si Kim Himchan. Nakatayo ito sa lilim ng isang punong-mangga. Pawisan ito. Halata sa mukha nito na inip na inip na ito.

"Magandang araw po," magalang na bati niya rito.

"Natutuwa po ako at nakabalik na kayo mula sa Maynila. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Gusto n'yo po ba ng kape?" Habang sinasabi iyon ay pinagmamasdan niya ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap niya ito. Ang akala niya ay hindi na uli sa magkikita pa. Binatilyo pa ito nang huling makita niya. Paalis ito noon papunta sa Maynila para doon mag-aral.

May crush na siya rito mula nang unang araw na makita niya ito sa plaza. Pero siyempre ay hanggang tingin lamang siya nito. Hindi naman siya makalapit dito. Napapaligiran ito ng magaganda at mayayamang babae ng San Isidro. Wala yatang hindi nagkaka-crush dito.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang paalis na ito. "Himchan~shi!" natatarantang tawag niya rito.

Huminto ito at hinarap siya. "Kanina pa ako nandito," salubong ang mga kilay na sabi nito."

"Sinabi nga po ng kapatid ko." Sinulyapan niya si Zelo. Sinenyasan niya ito na pumasok na sa eskuwelahan. Pumasok ito sa loob ng bahay at nang lumabas ay may bitbit nang schoolbag.

"Bye Noona. Bye Himchan hyung," paalam ni Bebong, saka umalis na.

"Aaah.. baka gusto n'yo po ng tumuloy muna sa loob," sabi niya kay Himchan nang mapagsolo sila.

"Ano'ng gagawin ko riyan?" Halatang iritado pa rito.

"B-baka gusto n'yo po munang magkape."

"Hindi ako nagkakape."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Bookworm01
#1
Hello po! Nakita ko po yung title ng fanfic niyo at inisip ko na baka Tagalog o Taglish ito. I feel this would be an exciting fanfic to read. Thanks! I'll wait patiently. :-)

P.S.
Sorry medyo nag-switch na ako ng languages. Medyo hindi ko pa kaya ang tuloy-tuloy na Tagalog kahit hindi pa ako umaalis ng Pilipinas since bata pa ako... Hehe... (^_^)v