PAYNAL

Mga Sulat sa Locker
Please Subscribe to read the full chapter

Marahang naglalakad si Sungmin sa hallways ng school ng umagang iyon. Pa’no ba naman kasi, namumugto ang kanyang mga mata, kaya kanyang iniyuyuko ang kanyang ulo sa tuwing may nakakasalubong syang estudyante.

Si Siwon. Si Siwon ang dahilan ng paghihinagpis nyang ito. Tama nga si Heechul, yung baklaing kapatid ng isa nyang bespren, na dapat pinakulam na nya dati pa yung mokong na yun. Hmp, di na sya uli babalik sa coffee shop na malapit sa pangatlong kanto.

Dun nya nakilala si Siwon. At dun din sila nag break.

Hindi rin naging madali ang relasyon nilang dalawa. Eh kasi naman tutol na tutol mga magulang niya kay Siwon, mas pinili daw kasing maging barista na lang kesa maghanap ng iskolarsyip para makapagpatuloy sa kolehiyo.

Palibhasa kasi mayaman pamilya nina Sungmin na kala mo yung magulang nya eh tinatae lang pera.

 

“Hoy tukmol!”

At eto na ang mga ulupong ng mga mabubuting kaibigan.

Pabagsak nyang nilapag ang bag nyang mamahalin sa ibabaw ng desk at agad na hinablot ito ni Hyukjae na mas tinatawag nila sa pangalang onyok.  “Ano baon mo?”

“ ‘Nak naman ng tupa oh, hyuk, kelan ka ba magbabaon? May ari kayo ng grocery store ano ba naman yung hahablot ka ng pagkain dun?”

“Hayaan mo na yan si onyok, kamusta na si kabayo, ano nalason mo na ba?” Hay salamat andyan na ang butihing ate ni Sungmin, si Ryewook.

“Wala na huling iyak ko na yung ginawa ko kagabi, punyeta sya, kala nya siguro sobrang gwapo nya at di ko sya ibebreak nung nakita kong may kahalikan syang babae. Ulol nya! Nagpaliwanag pa ang bruho, wala lang daw yun, di daw yun seryoso, natukso lang daw sya. Eh kung lasunin ko kaya sya tas sabihin ko wala lang din yun at di ako seryoso? At natukso lang din ako? Ha, aber?”

Napatigil ang lahat sa ingay ng bunganga ni Sungmin. Kahit si Donghae na kasalukuyang nagbabalat ng patatas sa classroom (baon daw nya) eh pansamantalang tumigil na pinakinggan si Sungmin.

“Naman Sungmin naman, laway mo tumalsik pa oh. Uso kasi mag-pause, pwede huminga please. “ Sambit ni Ryeowook habang pinupunasan ang laway na tumilansik sa braso nya.

“Eh yun naman pala eh ‘di kalimutan na yang mokong na yan tara kuha na tayo ng books sa locker.

“ ‘kaw na lang wookie, kinuha na ni Hyuk yung libro ko.” Sabi ni Sungmin habang palihim nyang pinagmamasdan si donghae na nagbabalat ng patatas sa sulok. “Sya kasi taga kuha ng mga gamit ko kapalit ng paglamon nya sa mga baon ko, nako yang ungas na yan.”

“Oh sya una na ko.”

Akma ng aalis si Ryeowook nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Hyukjae na hirap na hirap nang kargahin lahat ng libro nilang dalawa ni Sungmin. At itatanong sana ni Ryeowook kung anong nangyayari ng biglang nagsalita si onyok.

“Bes, may samting sa locker mo.”

Napatigil si Sungmin sa pag-aayos ng gamit nya. Matagal na syang di nagpupuntang locker dahil si onyok naman ang kumukuha ng gamit nya. Nang makita nya ang pagmumukha ni onyok na pawisan, may dalang libro at mukhang namumutla, kinabahan sya bigla.

“Ano? May namahay na bang gagamba dun hyuk? Please ayoko ng mga ganyan pakuha mo na lang sa janitor.”

Agad hinila ni Hyukjae ang kamay ni Sungmin papuntang lockers at wala ng nagawa si Sungmin kundi sumunod.

“ Iba namahay bes, iba! Pagbukas ko may pagkain!”

Punyeta yan.

 

 

Ang alam lang ni Sungmin ay siya lang ang hinila ni Hyukjae pero hindi nya alam ngayon kung bakit may tatlo pang taong nakapaligid sa kanya, mistulang abala sa pagsilip din sa locker nya at ni wala man lang pake kung naiinvade na ang privacy nya.

“Donghae anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nagbabalat ka ng patatas?” Inis na sabi ni Ryeowook habang sinisiko nya si Donghae dahil nakikisingit itong sumilip sa locker ni Sungmin.

“Nagtakbuhan kayo bigla eh, tumakbo na rin ako. Teka ano bang sinisilip nyo sa locker ni Sungmin?”

Magsasalita na sana si Sungmin nang may biglang nagsisigaw sa tabi nya.

“Onyok, akin na nga ‘yan nang matapos na puro kayo satsat ako magbabasa tsaka ba’t ikaw kumakain nyang cream o ano ba.”

At sa isang iglap napunta na ang sulat mula sa locker sa kamay ni Heechul bago pa man mabasa ito ni Sungmin. At sa kanyang napagmasdan mula sa mga reaksyon ng demonyo, alam nyang hindi magiging madali ang mga susunod na araw para sa kanya.

Umalis na si Ryeowook, Donghae at Heechul, tangan tangan ang unang sulat sa locker ni Sungmin mula sa kanyang locker.

 

O3O

Simula na naman ng bagong araw para kay Sungmin.

Bagong araw, bagong sulat.

Nafi-feel kasi niyang di sya titigilan ng hampaslupang nagbibigay sa kanya ng sulat sa locker eh.

“hyuk, kuhain mo na libro naten.”

Agad naming tumayo si onyok pero tiningnan muna niya ang bag ni Sungmin na may pagkain at pagkatapos, pangitingiti itong luminga at pasayaw-sayaw pa papuntang locker. Ngunit wala pang limang minuto ng nagtatakbo ito pabalik sa upuan ni Sungmin.

“Oy pandak!”

Tangina ayan na naman.

“Wag mokong isnabin puta sino ba yang admirer mo, kingina may menudo sa loob ng locker mo! Di ko pa nabubuksan naamoy ko na.”

“Menudo?”

“Oo alam nya sigurong di ka kumakain, di ba sabi nya sa huling sulat nya? Potek akin na lang yung menudo, sayo na yung sulat.”

Pagbukas nga ni Sungmin ng locker nya meron ngang menudo at ang matinde may hap rice pa.

Unti-unting tumataas kilay ni Sungmin, hindi nya alam kung anong gustong mangyari netong taong to.

“bes, ano sabi nung sulat?” Tinakpan ni Sungmin ang ilong nya, pano amoy menudo na agad si onyok.

 

Hi bh3, akala ko noon, dagat lang ang lumalalim. Pati din pala feelings ko sa ‘yo lumalalim.

Love you, bh3.

 

“Nako jusmeyo, pag minamalas ka nga naman, jejemon pa manliligaw sayo.”

Sabay tayo ni onyok, bitbit ang mga libro nila ni Sungmin pati na ang menudo at hap rice.

 

 

Sa susunod na natanggap ni Sungmin ang sumunod na sulat ay siya na mismo ang nagbukas ng locker, at sa likod nya ay sina Heechul, Ryeowook at onyok. Si Donghae ay kasalukuyang nagbabalat ng patatas sa classroom.

“Ba’t mo ba kami sinama dito Sungmin?”

Tanong ni Ryeowook habang pilit nyang kinakabit ang dangling earrings nya. Minamata naman sya ni Heechul tila bagang naiinggit sa hikaw ni Ryeowook.

“Alam nyo namang nakakatanggap ako ng sulat di ba?” Sinususian na ni Sungmin ang locker nya at bumungad na naman ang bagong sulat katabi neto ay isang calamansi juice at crinkles.

Agad namang naexcite si onyok at hinablot ang pagkain habang si Heechul ay hinablot na ang sulat mula sa kamay ni Sungmin. Sa kalagitnaan ng pagbubukas ni Heechul ay may nalaglag na tatlo pang sulat.

 

Hi bh3, magiging busy ako sa mga susunod na araw kaya iiwan ko sayo number ko para naman kahit di ako makaiwan ng sulat eh makakausap kita.

 

Nang matapos na ni Heechul ang pagbasa ay humagalpak ng tawa ito, “Punyeta dis, ang lakas ng loob ng jejemon mong admirer. Jusko. Oh teka may isa pang sulat, ay eto number nya, Ryeo save mo nga kaw magtext di naman itetext netong si tukmol pakipot kasi yan eh.”

Wala ng nagawa si Sungmin kundi manahimik na lang eh bakit ba kasi nya sinama pa yung dalawa akala naman nya eh tutulungan sya neto.

“Oh may reply na.”

“Ano??” Napabalikwas si Sungmin sa kinatatayuan nya para bang tinapunan sya ng mainit na tubig. Kelan pa tinext ni Ryeowook yung mokong, ay pota, at kelan pa na kay Ryeowook ang celpon nya?

“Ba’t nasa sayo yan?”

Pero di na magawang mahintay ni Sungmin ang sagot ni Ryeowook dahil ang kaibigan nya ay biglang napakapit kay Heechul, nanlalaki ang mga mata at tila bang nahirapang huminga.

“Jusko mahabagin.”

Natakot agad si Sungmin, parang ayaw na nyang makita yung reply.

Pero kinuha ito ni onyok at pinakita sa kanya.

 

Eow ph03s, gAndAng m0rning. Si sUngm1n b4h toh?

 

Habang dah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
joyer137
#1
Chapter 1: Kinikilig ako ???? sana all...
SuJuLOVE143
#2
Chapter 1: Shet nekekeleg eke. Lqngya tong silq Hyukjae mga buraot kasi eh. Yung president pabebe pa nung una eh kaines xDD
crpdm15
#3
Chapter 1: Punyeta!! Kinilig aki ng sobra. Taena mo Kyu! Kaya ikaw bias ko e. Haha #KyuMin
kimwookie
#4
Chapter 1: haahaha.. binasa ko ulit..ahahahaha kiliggggggggggggg !!! haha mgpapaalam po sna ako..gamitn ko po ung ibang pick up lines mo...pleaseeeee..kamsahamnida!!!
kimwookie
#5
Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh tangnameeeeessssss otor!!!! Bakit ganyan c Kyuhyun!!!! Ang sweeeeeeeetttttt tangna!! Hahaha kilig!! My ganto keang lalaki sa panahon ngyn????
chunrren10 #6
Chapter 1: Nabitin po ako moreeeee!
kilig eh!
kristyl24
#7
Chapter 2: Kamote kung ano p yung tagalogfic eh yun p yung naka2tawa laughtrip at kilig to the bones at the sametime
elpeuyongwonhi
#8
Chapter 1: Punyeta binasa ko to sa silid aklatan. Gusto kong sumigaw syet ang landi HAHAHAHAHA
teddybearry
#9
Chapter 2: labyu polin. hahahahaahaha. payteng otor! :*
EXOholic-itine #10
Chapter 1: Ang mga walang kwentang stoya at kadalasang mga nakakatawang basahin.. Malandi lang talaga si sungmin at may pagka weirdo at sweet naman so kyuhyun bagay nga.. Sana ginawa mo nalang tong chaptered story ang ganda..