Ikalawang Kabanata: Casa Blanca

Casa de Maomao

IKALAWANG KABANATA: CASA BLANCA

 

Hellooooo!!! Akala niyo si Ate Yoona 'to 'no? Nagkakamali kayo!!!! It's me, Krystal. The one and only baby Jung at kahit 70 years old na ako, ako parin ang baby ng pamilyang ito.

 

Haaay. Ang bilis ng panahon 'no? Parang kahapon lang binato ako ni Ate Jessica ng takip ng kaldero sa mukha. Akalain niyo bang dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari yun? Ang dami nang nagbago. As in.

 

Una sa lahat, ang ganda ko na lalo. Mas maganda ako kay Ate. y din. Mas y kay Ate. Matalino. Mas matalino kay Ate. Haha. Eto seryoso na. College na ako!!! Whooooooh!!! Nagdodorm ako sa Casa de Lachata kasama sila Mommy Vic, Ate Luna, Sis Sulli, at Papi Amber. Kaso bakasyon kasi namin ngayon kaya nandito ako samin sa Bacolod.

 

Pangalawa, hindi na ako binabato ng Ate ko ng kahit na ano. Tinatawag niya akong pangit at naglalaban parin kami ng wrestling minsan, pero hindi niya hinahayaang hindi ko ma-feel na love niya ako. Oh, dibaaaaaaa. Akala niyo masungit siya. Hindi kaya. Palagi niya ako tinutulungan sa mga homework ko tsaka binibigyan niya ako ng advice kapag may problema ako. Lagi siyang nandyan para makinig sa mga walang kwentang istorya ko na tungkol sa mga lamok sa Casa de Lachata. Pinagluluto niya din ako ng sinangag. Proud na proud siya sa recycled na kanin niya. Pero para sa akin, siya ang best sister in the wooooooorld.

 

Speaking of my dearest Ate, nakakalungkot man sabihin sa inyo pero hindi na siya ngayon nakatira sa Casa de Maomao.

 

Isang araw, bigla nalang siyang umuwi sa bahay kahit may pasok pa siya. Dala-dala niya yung mga gamit niya. Buong araw siyang umiiyak at nagkulong sa kwarto niya nung araw na yun. Ayaw niya sabihin sa akin lahat pero ayon sa pagkakadinig ko sa usapan nila ni Mama, pinaalis siya dun. Hindi ko sinasadya yun ah, narinig ko lang talaga bigla. Promise. Hehe. Ayun na nga, sabi sakin ni Ate hindi na daw mahalaga kung umalis siya o pinaalis. Pero nakita ng dalawang beautiful eyes ko na nalungkot siya at nasaktan. Ang tagal niya kayang tumira sa Casa de Maomao. Simula high school dun na siya nakatira, malayo kasi school niya dito sa bahay eh.

 

Sobrang nakakalungkot kasi hindi ko alam ang gagawin ko tuwing naabutan ko siyang umiiyak sa kwarto niya. Minsan niyayakap ko nalang siya. Haaaay, gusto kong protektahan si Ate. #AteJessicaProtectionSquad hahahah baka mag-trend? Pero seryoso, I will protect my Ate. Magsusuot ako ng placard na may nakalagay na 'Wag niyong sasaktan Ate ko' at ang mahuling lumabag ay gagamiting bola ng kanyon ng North Korea. Nagkakaintindihan ba tayo? #AteJessicaProtectionSquad Ayan na malapit na magtrend.

 

"Krystal, tikman mo nga 'to," oops tawag ako ni Ate. Ano kaya yung ipapatikim niya sakin? Lason? Anong flavor? Choco na gatas o gatas na choco???

 

"Ahh," I trust my Ate so I made tikim the food. Wow, it's masarap ah.

 

"Ano, masarap ba?"

 

"Yup!" sigaw ko haha napapa-english ako sa luto ng ate ko.

 

Huminga siya nang maluwag sabay ngiti nang todo at sinabing, "Krys, ito ang bago kong bulalo recipe. At tatawagin ko ang recipe na ito na Baliwag Bulalo."

 

Ahhhhh, oo nga pala. Alam niyo na ba? May sariling business na ang Ate ko!!! At tinatawag itong Bulalo&Eklaboo. Nagtitinda siya ng bulalo. Ang sarap niya magluto ng bulalo!!! Tsaka mahilig siya magluto ng bulalo!!! Kaya nagtitinda na siya ng bulalo!!! Favorite ko sa lahat ay yung Baguio Bulalo!!! Kasi may strawberries hihihi.

 

Masasabi ko naman na successful ang bulalo business ni Ate Jessica. Lagi kasing sold out, kahit saang branches. O diba, may branches na! Lahat yata ng tao, gusto ang bulalo ng Ate ko. Ang daming kumakanta ng theme song na "Bumilang ka ng tatlo~~~ Isa, dalawa, tatlo... BULALO!!!" hahaha nakakatuwa, ako nagcompose niyan!!

 

Pero alam niyo ba, may napapansin ako eh. May isang customer dito sa main branch ng Bulalo&Eklaboo na palaging nakatambay dito at palaging bumibili. Describe ko ba? Uhm, malapad noo niya tapos nakakasilaw. Favorite niya yata yung Batangas Bulalo, yun kasi lagi niyang inoorder eh. Minsan nga bulk order pa. Edi wow. Kaya ayan, siya ang reigning bulalord dito. Kapag ikaw kasi ang may pinakamaraming order sa buong buwan, ikaw ang Bulalord of the Month. Apat na buwan na siyang bulalord. Pero guys, walang forever!!! May pag-asa pa kayo mga koya para maging bulalord.

 

Teka, ano nga bang pangalan nitong si Kuya Bulalord? Hmmm.... wait lang ah. Iniisip ko pa. Ano nga ba yun? Nagpakilala siya dati kay Ate eh. Uhhhhmmm... Ti… Tikoy? Tikoy nga ba? Ay ewan. As if I care.

 

O ayan! Ang daming customers! Work muna ako ah! Summer job ako ngayon sa Bulalo&Eklaboo hahah para may magawa naman ako habang bakasyon. Gotta go!

 

___

 

Uhh.. hi? Hehe. Yup yup yup it’s me James Yap. Joke. Ako 'to, si Jessica. Ang maganda at y na si Jessica. Sana naaalala niyo pa ako. Hehe. Eh kasi, ang tagal ko nang wala sa Casa de Maomao. Ilang months na ba? Hmmm... Ten months? Tama, ten months. Grabe, ten months na din pala ang nakalipas. Ten months na nung huli akong tumuntong sa pinakamamahal kong Casa de Maomao. At ayun, ten months na din simula nung huli ko silang makita. Sila... yung ano, uhmmm.... friends ko. Best friends? Sisters? Basta ganun. Oo sila, yung mga kasama ko sa Casa de Maomao. Haaaaaay. Akala ko okay na. Pero may konting sakit at lungkot parin. Kamusta na kaya sila? Anong ginagawa nila ngayon?

 

Nakakapagbasa kaya nang maayos si Seohyun? Ang ingay kasi nung iba minsan kapag naghaharutan.

 

Nakakakain kaya nang mabuti si Yoona? Nauubos time niya sa pag-e-exercise at pagpapractice para sa theater activities, sana hindi niya nakakalimutan ang pagkain.

 

Si Sooyoung, sigurado akong palaging nakakakain yun. Sana lang hindi siya matulog nang busog, baka mabangugot.

 

Haaay. Si Yuri.... Sana, hindi na siya humiga sa kayumangging carpet.

 

Tapos si Hyoyeon.... Bff Hyoyeon. Sana hindi na siya palaging magclubbing. Kasi sino na ang magluluto ng hangover soup niya? Dapat pala iniwan ko kay Taeyeon ang recipe.

 

Si Panyang, haaaay. Palagi niya parin kaya nakakalimutan sa Payatas ang first aid kit niya? Sana may nagpapaalala parin sa kaniya palagi.

 

Tapos si Sunny, actually feel ko siya ngayong summer. Joke lang. Ibang Sunny yun. Medyo emotional siyang tao, sana okay lang siya ngayon.

 

At si Taeyeon. Kahit naiinis ako kapag nagluluto siya ng Adobong Cucumber, naappreciate ko rin naman yung effort niya sa pagluluto para sa amin. Sana tinutulungan siya ng iba na gumawa ng mga gawaing bahay.

 

Sobrang miss ko na sila. Ako kaya, namimiss nila? Hindi ko na kasi sila nakausap simula nung.... nung pinaalis nila ako. Pinaalis? Umalis? Both? None of the above? Hindi na mahalaga yun. Pero ang naaalala ko, gusto nila akong paalisin. Kasi may narinig ako, sabi nila ayaw na nila sakin. Ayaw na nila ang mga luto ko sa Casa de Maomao. Kaya ayun, umalis ako at nagsumikap. Nagtayo ako ng sarili kong Casa. Ang Casa Blanca. At sa Casa Blanca matatagpuan ang main branch ng bulalo business ko na Bulalo&Eklaboo. Hehe. Fortunately, successful ang business ko!!! /flips hair/ /rips jeans/ /grabs Hermes bag/

 

Actually, hindi bulalo ang specialty ko kundi corned beef. Palagi akong nagluluto ng corned beef dati sa Casa de Maomao. Tapos kunwari hindi nila nagustuhan. Hmp. At nung huli akong nagluto nun, naaalala ko pa. Nung araw din na yun ko narinig ang usapan na dumurog sa puso ko at nakapagpabago sa buhay ko.

 

_

 

--Samantala sa Casa de Maomao--

 

Hindi ako patpat. Hindi sinabi eh!!! Ako ito, si Sooyoung. Ang next Miss Korea. I'm not joking!! Anyway, dahil summer ngayon, eto naglilinis ako ng kwarto. Anong konek? Haha basta naglilinis ako ng kwarto. Baka sabihin na naman nila ang dumi dumi ko eh.

 

Grabe, ang dami ko palang kalat. Lol. Puro papel. Oh, ano 'to? 'Sicah, Ang Munting Prinsesa' OMG. Ito yung script na inimbento ko dati hahaha. Ang tagal kasi dumating nung script namin dati para sa stage play. Eh excited na ako magpractice kasi ang role ko daw, si Miss Choi Minchin. Kaya ayun, nagimbento muna ako habang wala pang script. Hahaha hashtag memories!! Naalala ko nung prinactice ko yung script na to kasama si Yuri the darkvader.

 

--Flashback--

 

"Anybody home??? Hello??? Friends??? Romans??? Countrymen???" sigaw ko sa sala ng Casa de Maomao. Naghahanap ako ngayon ng biktima mwahaha. Joke. Sino kaya pwede tumulong sakin makapagpractice ng script na ito?

 

Ayun, si Jessica!!! Ay, papuntang kusina. May dalang kutsilyo. Dangerous. Baka mapagkamalan akong sigarilyas hiwain pa ako. Haaaay. Nasan na yung iba?

 

"Guys??? Gays???!" sigaw ko ulit. Hala, di na sila naawa sa vocal chords ko.

 

Ayun!! Si Yuri lumabas ng kwarto niya. Haha. Hart hart.

 

"Yuri!!! Yuricorn!!! Yuriyuriyuri!!!" sigaw ko habang papalapit ako sa kanya.

 

"Bakit Soo?" tanong niya.

 

Bakla ka ba? Gusto ko sana itanong. Gusto niyo din malaman diba? Kaso baka hindi ako tulungan eh!! Tsaka may naririnig akong chika na, omg, may boyfie daw itong si Yuri. Athlete daw!!! Hindi ko alam kung sino. Baka si Sharapova hahaha charot.

 

"Pwede mo ba akong tulungan magpractice para sa stage play namin?" tanong ko.

 

"Ah, sige ba." Wow, ang bait. Bigyan ng gluta!

 

"Eto yung script. Basahin mo lang yung lines ni Yurivinia, tapos ako si Miss Choi Minchin. Okay?" inabot ko sa kanya yung script na ginawa ko.

 

"Sicah, ang munting prinsesa. Wat da hel iz diz, Soo?" tanong niya pagkatapos basahin ang title.

 

"Bakit, ayaw mo? Sige, baguhin natin. Yuri, ang babaeng putik. Yun, gusto mo?"

 

"Hoy!! Wala akong sinabing ayaw ko nun ah. Bakit ka ba may ganitong script?"

 

"Basta, ang dami mong tanong."

 

"Hala, dalawa pa nga lang."

 

"Ah basta. Game, ikaw una." sabi ko.

 

"MissChoiMinchinnaaamoymopobaangnaaamoyko," ay, anong acting yun?? No breathing?? Pwe.

 

"Oo Yurivinia, naaamoy ko ang tagumpay. Lagi kong naamoy ang tagumpay. Anong problema?" sabi ko habang umaacting na pang-oscars. Trophy nalang ang kulang.

 

"Hindi po iyon. May naaamoy ako. Corned beef!! Amoy corned beef!!"

 

"Ha?" sabi ko habang inaamoy ang paligid, "Oo nga! Amoy corned beef. Sinamahan pa ng patatas. Saan ba nanggagaling ang kahindik-hindik na amoy na iyon? Nasisira ang nostrils ko!! Pwe!!!"

 

"Ako din! Walang magandang naidudulot ang corned beef! Nakakasira ng pagkatao! Nakakawala ng dignidad! Alam ko kung sino ang may gawa nun. Si Sicah!! Siya ang may gawa ng corned beef! Dapat paalisin dito si Sicah na may gawa ng corned beef!!" Infairness dito kay Yuri, sanay din pala siya mag-acting.

 

"Tama yan! Sige, hanapin mo si Sicah at palayasin! Ngayon din! Magmadali ka!"

 

O dibaaaaaa, ang ganda ng script ko. Pwede bang ito nalang gamitin namin para sa stage play?

 

--End of flashback--

 

_

 

Hello, mic test. One, two, three, asawa ni Sunny. Araw, gabi, walang--oh! Kayo pala yan. Uhm... hi? Hehe. It's me. Taeyeon. Hehe. Yes, I'm fine. Taengkyu. Hehe.

 

Kagaya ni Sooyoung, naglilinis ako ngayon ng kwarto ko. Minsan lang to, dahil kadalasan, buong Casa de Maomao ang nililinis ko. Haggard, diba? Kainez veneracion. Pero magaling ako maglinis. Sa sobrang galing ko, pati si Jessica napagkamalan kong kalat omg?? :( It's been, like, ten months?? Sa pagkakaalam ko, ako ang huli niyang nakausap dito sa Casa de Maomao. At ako din yata ang dahilan. Haaaay.

 

--Flashback--

 

Grrrr.

 

O diba, pati tiyan ko may POV. Hahaha. Gutom na kasi ako eh. OTW to kusina, may naaamoy kasi akong corned beef eh.

 

At hindi lang yan, may naririnig din ako. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto kung saan ko naririnig ang ingay. Pinto ni Jessica. Anong ginagawa nito? Siguro naglilinis ng kwarto niya. Ang sipag naman. Very good siya ah.

 

Tutuloy na sana ako sa kusina nang marinig ko siyang magsalita.

 

"Hindi na kailangan ipagsigawan, dahil aalis talaga ako. Hmp. Kala mo kung sino. Di naman sila sanay magluto. At tsaka anong problema sa corned beef ko? Kung makapagsalita, parang ang gagaling magluto. Tsaka dati, kung makalamon sila sa corned beef ko. Ang kakapal ng mukha! Fine, aalis ako. Kung ito ang gusto nila. Hmp!!!!"

 

Omg..... B2, naiisip mo ba ang naiisip ko? Syempre hindi. Kasi hindi naman ako si B1, at wala namang B2. Pero, omg.... Jessica? Aalis? Pero ano kaya pinagsasabi niya? Tsaka sino ang tinutukoy niya?? O baka nagpapractice din siya para sa stage play nila? May stage play ba sa HRM??

 

Okay, kakausapin ko nalang siya. Papasok na ako sa kwarto niya. One. Two. Three.

 

Eto na, nandito na ako sa kwarto niya.

 

"Jessica, anong ginagawa mo?" tanong ko. Hindi niya yata ako napansin. Tuloy lang siya sa pag-impake.

 

"Bakit ka uuwi? May pasok pa bukas ah." sabi ko.

 

"Taeyeon, una sa lahat, wala akong pasok bukas. Hanggang ngayon ba hindi mo parin kabisado sched ko? Pero wag kang mag-alala. Hindi na kailangan. Pangalawa, pagod na pagod na ko. Kaya aalis na ako!" sigaw niya.

 

Haaaa? Hindi ko maintindihan.

 

"I QUIT THIS HOUSE!!!" sigaw niya ulit.

 

"Do me...... a favor. Umalis ka na rin sa buhay ko!!!" sagot ko haha. Naririnig ko kasi yun sa commercial. Okay ba? Lol.

 

Hindi ko namalayan, nakalabas na pala si Jessica ng kwarto niya at papalapit na sa pinto ng Casa de Maomao. Sinundan ko siya.

 

"Jessica, wait!" pilit ko siyang hinabol. Pero huli na ang lahat. Nakalabas na siya ng Casa. Ang bilis niyang lumakad. Hindi, tumatakbo siya. Tapos, may taxi na kaagad sa labas. Naiiyak ako. Naggrab-a-taxi siya.

 

--End of flashback--

 

_

 

Hi!! Welcome to Casa de Maomao!!! Kung saan may bahay ang puso niyo!!! At may keso ang puto ko!!! Ako 'to, si Yoona, with a capital Y and a blonde hair.

 

Naglalaro ako ngayon ng tamagochi. Hihi. Sobrang fun hihihi.

 

*beep*

 

Gulat ba kayo? Hehe. Beeper ko yun! Sino kaya ang nagcontact sa akin? Pero bago ko malaman, kailangan kong gamitin ang telepono na nasa sala. Tara, samahan niyo ako.

 

Salamat sa pagsama sa akin lol. Nandito na ako sa sala.

 

Ohhhh, si Ate Jessica pala yun. Nag-iwan siya ng voice message.

 

"Yoona, kailan ka ba bibili ng cellphone? Hello? Hanggang ngayon beeper era ka parin. Move on move on din. Tsaka nga pala, good news!! May bago akong bulalo recipe. Sabi ni Krystal, masarap daw. Hehe. Sana matikman mo din ang bulalo ko huhu. Gusto mo padalhan kita?"

 

Huhuhuhuhuhu. Hindi pwede Ate Jessica :( Akala yata nila lumayas ka dito kasi ayaw mo na sa kanila. Hindi naman diba? :( At hindi alam ng mga kasama natin sa Casa na kinakausap parin kita hanggang ngayon :( Hindi nila ako pinagdududahan porket beeper ang gamit ko.

 

Nagpadala ako ng reply kay Ate Jessica.

 

"Dear Ate Jessica, buti naman maganda ang kalagayan mo at ng bulalo business mo. Gusto ko din makatikim, pero hindi ka pwede magpadala ng bulalo dito eh. Sorry :( Promise, dadalaw ako sayo. Tsaka Ate, di pa ko ready gumamit ng cellphone. Hehe. Sige na, magtatamagochi na ulit ako. Bye! Miss you! Nagmamahal, Yoona."

 

Send. Yey.

 

_

 

"Hai, kami ang pabebe gurls generation. At wala kayong pake kung pabebe kame dito sa Casa de Maomao. At wala kayong karapatan dahil nakikitira lang kayo."

 

"Tama, kaya wag kayong mangingialam kasi kahit sino man kayo, walang makakapagpaalis samin dito!"

 

"Panyang, Yuri, tama na yan."

 

"Walang makakapigil samin manahimik ka!"

 

 "Tigilan niyo na yan, Panyang."

 

"Manahimik kayo dahil wala kayong karapatan makialam sa amin. Tandaan niyo yan!"

 

"Dahil Casa namin to, manahimik kayo!"

 

"Kung gusto niyo ring magpabebe, humanap kayo ng sarili niyong Casa!"

 

"Yuri, tama na yan..."

 

"Wala kayong pake!"

 

"Anong walang pake ha?! Anong manahimik?! Kayo ang manahimik!! Sinabing tama na eh.  T*ngina niyo ang aga aga ang iingay niyo. Kaltukan ko kayong dalawa eh. Ano, ha?!! Sinong walang pake?!!! Sinong walang karapatan??!!! Sapak gusto niyo??!!! Kung gusto niyong gumanyan dun kayo sa Payatas!!!Dun kayo tumira!! Alis nga kayo sa harap ko!! Isa pang pabebe pag-uuntugin ko na kayo."

 

Ayan, umalis na sila. O'rayt!!! Rock en roll to da wooooorld!!! Hahaha. Ang aga aga nanggugulo. Pabebe? Walang pabebe kay bH0sZ hy0yE0N!!!! Hahaha o'rayt!!! Rock en roll to da woooorld.

 

Pero haaay, kung nandito lang si bff jess edi sana sabay naming pupuksain ang pabebe gurls generation. Kami lang naman ang tinatawag na Pabebe Busters. Kaso wala na siya dito eh. Ayaw niya na yata dito sa Casa de Maomao... Ayaw niya na sakin huhu dahil ba may kulay balat ng cucumber (GREEN) na ang buhok ko? Miss u bff... See u nalang sa hell kasi masyado tayong hot para sa heaven hahaha.

 

Anywaaaaaaaay, musta na kayo friends? Summer na!! Don't let the heat stop you from clubbing!!! Slogan yan nung isa sa mga favorite kong nightclubs hahaha ayos ba?

 

At dahil summer ngayon, bibigyan ko kayo ng fashion tips.

 

Tip number one. Kusutin nang mabuti ang buhok habang naliligo.

 

Tip number two. Suklayin nang mabuti ang buhok pagkatapos maligo.

 

Tip number three. Kumuha ng dahon ng bayabas at ipahid sa buhok para magkaroon ng green na highlights.

 

Tip number four. Pumutol ng isang baging at itali palibot sa ulo. Mas matibay kung baging ni Tarzan ang gagamitin.

 

Tip number five. Pumitas ng isang pirasong dahon ng paborito mong halaman at itusok ito sa buhok.

 

Ayan! Tapos na ang iyong summer look. Hahaha hashtag HYOSTYLE.

 

Oops pano ba yan, nandito na si Bff Min. Clubbing mode haha see you nalang next time para sa mga bagong fashion tips mula sa the one and only yours truly.... bH0sZ hy0yE0N!!! #HYOSTYLE

 

_

 

Yo! This is DJ Sunny!! Hulaan niyo kung nasaan ako ngayon. Hmmmmm, bumibili ako ng.......

 

lemon soju

 

and tequilla

 

and mojito

 

woot woot!! Birthday ni Panyang bukas!!! Gift ko yun sa kanya hihihi pero ako rin ang iinom bwahahaha. Bibili nalang ako ng pink na paper bag para dun ko ilalagay yung gift ko. So bale ang regalo ko lang talaga sa kanya ay yung paper bag. Ang talino ko diba? Well, si Sunny 'to eh. Small but terrible bwahaha.

 

Dati, kami ni Jessica ang magkasamang bumibili ng mga pang regalo. Kunwari napipilitan lang siya samahan ako pero enjoy na enjoy naman siya mag free taste kung saan-saan.

 

Pero ngayon, mag-isa ako. Hindi sapat ang pula kong buhok para maitago ang kaunting lungkot sa dibdib ko. Haaaay.

 

Wag niyong itatanong sakin kung nasaan si Jessica ngayon, dahil hindi ko din alam. Baka nasa Bacolod? Dun siya nakatira eh. Ang talino ko talaga.

 

Ayan, tapos na akong mamili. Tara, uwi na tayo na Casa de Maomao. Invited kayo sa birthday party ni Panyang.

 

_

 

"Happy birthday to youuuuuuu, happy birthday to youuuuuuu, happy birthdaaaaay haaaaaaappy birthdaaaaaay to youuuuuuuu!!"

 

"Wooooh!!!! Merry Christmas mga beh!!!!!"

 

"Happy birthday Patini!!!!!"

 

"Happy birthday Sunny!!!!!"

 

"Tange!! Di si Sunny may birthday ngayon!!! Si Jessica!!!!"

 

"Yeaaahhh HBD sa bff ko woooh!!! Rock en roll to da wooooooorld"

 

"Oh, Panyang," tawag sakin ng mahilo-hilo na si Sunny, "eto na gift ko sayo hihi happy birthday."

 

Hey girls (and boys), do you know what time it is? Oo birthday ko ngayon, pero kung sinu-sino binabati nila at kung anu-anong okasyon ang sinisigaw nila. Ganito talaga tuwing may party dito sa Casa de Maomao. Party kung party!!!! As in we can't stop stop stop the P-A-R-T-Y!!!! Walang makakapigil samin!!!!

 

Nagtataka kayo kung bakit sober ako, noh??! Secret. Di ko sasabihin kung bakit.

 

Joke. Pag di ko sinabi tapos na agad POV ko. Ang ikli-ikli ng POV ko sa unang kabanata, kaya hindi ako papayag na pigilan nila ako ngayon. Dahil walang makakapigil saken!! Manahimik kayong lahat dahil wala kayong karapatan na pigilan ako sa POV ko dahil buhay ko to wala kayong pake!!!! Kung gusto niyong magka-POV sabihin niyo sa author ng istoryang 'to!!!!

 

So ayun na nga, tuwing may birthday kasi dito, ganito. May free unlimited alcoholic drinks, wrecking ball at chandelier kung saan pwedeng magswing. Promo 'to ni Youngmin Kim, ang kasalukuyang landord ng SM Building kung saan matatagpuan ang Casa de Maomao. Inavail namin yung promo para Y0Lo sWaAaaaaG.

 

Yun nga lang, sabi sa promo bawal daw uminom ang birthday celebrant. Kahit leader ako ng pabebe gurls generation, di daw ako pwede uminom. Kaya eto, naglalaway ako huhu. Bubuksan ko nalang mga regalo nila sakin para di na ko mainggit.

 

Isa.. dalawa.. tatlo.. apat... lima...... anim...... pito............ Hala kulang yung regalo ko!! Nasan na yung pang-walo??? ;(

 

;(

 

;(

 

;(

 

Oo nga pala..... walo na nga lang pala kami dito. Kaya syempre pito nalang yung matatanggap kong regalo!!! Kasi nga walo nalang kami!!! Duuuuhhhhh, Panyang!!! Duuuhhhh!!!

 

Kalungkot naman, wala na dito si Jessi. Kaya pala iba ang pakiramdam ko ngayon. Wala akong nareceive na letter ;c Palagi siya nagbibigay ng letter samin ;c Tapos, secret lang natin to, pero sakin palagi yung pinakamahaba ;c Makata yun di lang halata ;c

 

Kaso umalis na siya dito sa Casa de Maomao. At wala akong pake kung ayaw niya na samin!!!!!

 

_

 

Bumuka ang mga ulap. Ang araw ay sumikat. Ang mga ibon ay humuhuni. Isang panibagong araw na naman sa Casa de Maomao.

 

Copy paste nalang mula sa unang kabanata haha tutal umaga ulit ang POV ko. Tama kayo, ako ito, si Yuri. Miyembro ng pabebe gurls generation. Kaya manahimik kayo dahil nandito ako ngayon sa sala habang hinihintay ang inorder ko na soup para sa hangover namin.

 

Nakaupo ako ngayon sa carpet. Wag kayong mag-alala dahil dilaw ang carpet na ito. Ito yung carpet na regalo samin ng Mama ni Jessica. Haaay. Nalulungkot ako kapag umuupo ako sa carpet na ito eh, kasi naaalala ko si Jessica.

 

Kaso anong magagawa ko?? Pinagbabawalan nila akong maupo sa sofa. Bago na ang sofa namin sa Casa de Maomao. At kayumanggi ang kulay ng bagong sofa. Kaya bawal daw ako maupo dun. Delikado daw. Hmpppp.

 

DING DONG.

 

Kainis naman yung doorbell inaagawan pa ako ng POV. Dumating na yata yung inorder ko yehey.

 

Pero hindi delivery ang bumungad sa akin sa pagbukas ko ng pinto kundi......

 

......... ang pakete gurls ng Casa de Booyah.

 

"Booyah!!!!!! Hi, kami ang pakete gurls. At wala kayong pake kung marami kaming pakete ng shabu sa Casa namin. At wala kayong karapatan dahil nakikisinghot lang kayo."

 

"Tama, kaya wag kayong mangingialam kasi kahit sino man kayo, walang makakapigil samin sa pagsinghot!"

 

May dumadating. Si Irene! Kasama nila yun sa Casa de Booyah. "Joy, Yeri, tama na yan," sabi ni Irene habang hinahatak ang pakete gurls palayo sa pinto ng Casa de Maomao. Pinapanuod ko lang sila.

 

"Walang makakapigil samin!!!" sabi ng pakete gurls habang sinusubukan nilang kumawala kay Irene.

 

"Pasensya na sa dalawang 'to, Ate Yuri. Nasobrahan kasi sa singhot. Sige po, iuuwi ko na sila sa Casa de Booyah. Sorry po sa abala," sabi ng mahiyaing si Irene.

 

"Wala yun. Sige na, pagpahingahin mo na sila."

 

At ayun, umalis na sila. Wew. Buti nalang napigilan ang pakete gurls.

 

DING DONG.

 

Inaagawan na naman ako ng POV ng doorbell. Hmpppp. Sana ito na yung inorder ko!!!!

 

Binuksan ko ang pinto aaaaat ito na nga! Yehey.Kaso.... omg??? Tama ba ang nakikita ko? O baka dahil lang to sa hangover??? Nahihilo lang siguro ako. Kinusot ko ang mga mata ko at sinampal ang mga pisngi ko dahil hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi pwedeng mangyari na si Jessica.... isang delivery girl na ngayon??!!

 

"Ate Yuri, anong nangyayari sayo?" narinig kong tanong sakin ni Seohyun. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa likod ko.

 

Tinuro ko kanya yung nasa pinto at halatang-halata na nagulat din siya dahil nanlaki ang mga mata niya pati na rin ang nostrils niya. Halata rin na bagong gising lang siya kasi amoy bad breath. Bakit palaging ako ang unang nakakausap niya tuwing kakagising niya lang?

 

"Ate Jessica???!!!!" tanong ni Seohyun. Napalakas siguro ang boses niya dahil biglang lumabas si Yoona sa kwarto niya at tumakbo papunta sa amin sa pintuan.

 

"Ha? Hindi po Jessica ang pangalan ko.... Shinbi po. Eto oh," sagot ni delivery girl habang pinapakita ang nameplate niya. Wew. Akala ko si Jessica siya. Kamuka kasi eh!! Maya-maya ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko kaya binayaran ko na yung delivery girl at inihanda na ang soup bago pa magising ang iba pa naming kasama dito sa Casa de Maomao.

 

Ang inorder ko ay bulalo. Bacolod flavor. Best-seller daw kasi ito ayon sa mga naririnig kong tsismis. Ang daming nag-uusap tungkol sa bulalo na 'to, kaya nag-try ako mag-order. Tsaka sabi nila mabisa daw na pangtanggal ng hangover 'tong Bacolod Bulalo.

 

Ginising ko na sila para makakain kami nang sabay-sabay. Because the family that eats bulalo together, gets rid of hangover together!!

 

_

 

Kanina talagaaaaa, as an excited mother, ano talaga, 6:45 palang nagising na akoooooo!!! Walang alarm, walang anything, tumayo talaga ko!!

 

Eh kasi naman, maghahangout kami ngayon ng baby puppy ko na si Bimby at kasama namin si Ate Yoona. Sobrang excited na ako kasi sabi ni Ate Yoona, pupuntahan daw namin si Ate Jessica!!! Omg. Sobrang miss ko na si Ate Jessica... Pero sabi ni Ate Yoona secret lang daw muna namin ito. Kaya my mouth is zipped. Ako pa po ba? Seohyun 'to eh. Ang pambansang role model.

 

Nagulat ako nung nakita ko yung delivery girl kahapon kasi kamukang kamuka niya si Ate Jessica. Akala ko bumalik na siya dito sa Casa de Maomao. Pero hindi pala si Ate Jessica yun. Namiss ko tuloy siya huhu.

 

At mas lalo akong nagulat nung inaya ako ni Ate Yoona kahapon. Sabi niya pupuntahan daw namin si Ate Jessica siguro kasi napansin niya na nalungkot ako kahapon nung may nakita kaming look-a-like ni Ate Jessica.

 

 Hindi ako makapaniwala na dadating ang araw na ito. Sa wakas, magkikita na ulit kami ni Ate Jessica. Isusurprise namin siya kaya papunta kami ngayon nina Ate Yoona at Bimby sa mall. Bibilhan namin si Ate Jessica ng goggles kasi diba summer ngayon? Hihi.

 

"Bimby, come here na," tawag ko kay Bimby na busy sa pagkagat ng buto. Dali-dali naman siyang tumakbo papunta sakin hehe good boy itong si Bimby. Kaya palagi ko siyang sinasama mag-zumba eh.

 

Nakapili na kami ni Ate Yoona ng goggles na ireregalo namin kay Ate Jessica kaya eto, OTW na kami sa Bacolod!!!

 

Ooops, wait. Hindi ito ang daan papuntang Bacolod. Diba dun nakatira si Ate Jessica? Diba?? Sagot kayo pls. Comment your answers hehe.

 

Hindi kaya, kikidnapin ako ni Ate Yoona? Omg. Ibebenta niya na ba ang dugo ko sa palengke? Huhu alam kong masarap ang dugo ko kasi lagi akong pinapapak ng lamok, pero wag naman sana akong ipachop-chop ni Ate Yoona huhu madami pa akong pangarap. Gusto ko pang makitang lumaki si Bimby.

 

At dahil nagugulumihanan na ako, tatanungin ko na si Ate Yoona kung saan talaga kami pupunta. Tama, dapat magtanong ako.

 

"Arf arf!" hindi ako yan. Si Bimby yan.

 

"Ate Yoona, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

 

"Kay Ate Jessica. Nakalimutan mo na ba?" sagot niya sakin nang nakangiti.

 

"Eh diba sa Bacolod siya nakatira. Bakit dito tayo dumaan? Dapat doon tayo sa tuwid na daan."

 

Natawa siya ng slight sabay sabing, "Eh kasi Seohyun, nandito siya ngayon. Hindi sa lahat ng oras nasa tuwid na daan ang hinahanap natin. Minsan kahit liku-liko, at least ito ang tama." wow, parang red horse lang.

 

"Lumipat na sila ng bahay??"

 

"Hindi, nandito kasi ang main branch ng business niya :)"  omg, what business??

 

"Jusko, anong bisnes??" tinagalog ko lang yung nasa isip ko hahaha.

 

"Bulalo business, Seohyun," sagot niya sabay hinto sa paglalakad, "At nandito na tayo :)"

 

Huminto din ako sa paglalakad at tumingala para makita nang maigi kung ano ang nasa harap ko.

 

"Bulalo..... and Eklaboo?"

 

"Oo, ito ang business ni Ate Jessica. Tara sa loob?" sabi ni Ate Yoona.

 

Pumasok kami sa loob at laking gulat ko nang makita kung sino ang bumungad sa amin sa pinto.

 

"Welcome to Casa Blanca!! Kung saan lahat ng tao at pati mga aso, bulalo ang paborito!! Pasok po kayo omg Ate Yoona????? Ate Seohyun????? Kayo po ba yan????"

 

"Oo Krystal, kami nga 'to," sagot ni Ate Yoona. Wow, ang laki na ni Krystal. Uhugin pa siya nung huli ko siyang makita.

 

"Hello Krystal," bati ko, "Bimby, say hi to Krystal."

 

"Arf arf!"

 

"Very gooooood," ang galing galing talaga ni baby Bimby.

 

"Wow Ate Seohyun, aso niyo po yan?" tanong sakin ni Krystal.

 

"Hindi, dinosaur 'to. At Barney ang pangalan niya,"

 

"Arf arf!"

 

"Oo Krystal, puppy yan ni Seohyun. At Bimby ang pangalan. Hehe. Pagpasensyahan mo na si Seohyun, Krystal. Masyado lang siyang nagulat na makita ka ngayon," paliwanag ni Ate Yoona.

 

"Ah, ganun po ba. Sige po, upo na po kayo sa table number 18. Tatawagin ko lang si Ate," sabi ni Krystal bago siya dali-daling tumakbo papunta sa kaloob-looban ng loob ng restaurant.

 

Waaaaah. This is it. Handa na ba ako? Waaaaah for the first time in forever, makikita ko na rin si Ate Jessicaaaaaaa.

 

.......

 

..........

 

............

 

Dalawang oras na ang nakalilipas. Nakaubos na kami ng anim na order ng bulalo. Na-fish tail braid ko na ang balahibo ni Bimby. Tumutulo na ang laway ni Ate Yoona sa lamesa dahil nakatulog na siya sa paghihintay. Pero hanggang ngayon, wala pa rin si Ate Jessica. At hindi pa rin bumabalik si Krystal.

 

Ay joke. Ayan na si Krystal, at hindi ko mabasa ang nasa isip niya kaya hinintay ko siyang makalapit at makapagsalita. Ginising ko na din si Ate Yoona at inabutan ng tissue.

 

"Ate Seohyun, Ate Yoona, pasensya na po ang tagal niyong naghintay. Pero wala po pala si Ate dito eh. Sorry :( Nagkaroon po siya ng emergency meeting sa Baguio branch at inabot po ng dalawang oras bago ko siya macontact at maitanong kung nasaan siya huhuhu. Sorry po talaga. Minsan po sobrang hectic ng sched ni Ate talaga. Daig niya pa po si Amor Powers. Bibigyan ko nalang po kayo ng isang dosenang order ng specialty namin bilang kapalit sa paghihintay niyo," paliwanag sa amin ni Krystal.

 

Wow...... fantastic baby. Sobrang successful siguro nitong business ni Ate Jessica. Ganito ba ang batas ng isang api?? Pero nakakaproud naman, dahil ang layo ng narating niya. Balang araw, magagawa ko din 'to lahat nang mag-isa!!

 

Pero bago ang lahat, pupunasan ko muna itong laway sa pisngi at leeg ko. Ooooops baka kung ano na ang iniisip niyo. Iba 'to hahaha. Si baby Bimby kasi eh, dilaan daw ba ako. Ang harot ni baby Bimby kooooo.

 

"Ah, ganun ba. Okay lang yun, Krystal. Naiintindihan naman namin. Diba, Seohyun???" sabi ni Ate Yoona.

 

Tumango ako habang pinupunasan ng tissue ang laway sa pisngi ko. Heheheheh.

 

"Sige, mauna na kami. Pakibigay nalang ito kay Ate Jessica." yung goggles hehehehe <3 malay niyo po, baka sa Boracay na ang next meeting ni Ate Jessica.

 

Umuwi na kami ni Ate Yoona. Halatang malungkot siya. Ako din naman. Pati na rin si Bimby. Kaso ganun po talaga, diba? Hindi lang sa amin umiikot ang mundo. Kaya magpepray nalang po ako na sana sa susunod makita na namin si Ate Jessica.

 

_

 

Palagi samin sinasabi ni Mama na kung ano ang sinimulan namin, dapat tapusin din namin. Kaya ayun, si Ate tinatapos ang meeting niya sa Baguio. At ako naman, eto, tatapusin ko na ang kabanatang ito na sinimulan ko.

 

Tuwang-tuwa ako nung makita ko sina Ate Yoona at Ate Seohyun at tsaka si.... sino nga ba yun? Barney? Ah basta. Natuwa ako. Kasi, dinalaw nila si Ate. Kaso nga lang, wala si Ate eh. Wrong timing sila. Dapat pala binigyan ko din sila ng orasan hihihi.

 

Hindi ko alam kung kailan sila susunod na pupunta para makita si Ate, pero naniniwala ako na darating din ang araw na 'yon. At balang araw, umaasa din ako na walo na silang dadalaw at may dalang mga ngiti at pang-unawa sa kanilang mga puso. Nagmamahal, Nathaniel.

 

Hahaha joke lang. Ako parin ito, si Krystal :D Ang nag-iisang Krystal na hindi bola. XD

 

Hindi ko alam ang buong istorya sa likod ng mga nangyari kina Ate sa Casa de Maomao, kaya hindi po ako manghuhusga ng kahit na sino.

 

Kung meron man akong gagawin, yun ay intindihin at palaging samahan si Ate, maging masaya para sa mga magagandang nangyayari sa kanya, at tulungan siyang malampasan ang mga pangyayaring hindi kagandahan.

 

At tulad ng nangyari ngayon, magiging masaya ako at buong pusong tatanggapin ang mga taong dati ay naging pinakamalapit sa puso ni Ate. Dadating din ang araw na magkakasama ulit silang siyam!! Hindi man sa Casa de Maomao, walang makakapigil sa kanila!!!

 

Amen??? AMEN!!!!!! Woooooh!!! Tiwala lang!!!

 

This is baby Jung from Casa Blanca, signing off ^_^

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
nakotan
#1
Chapter 2: YURI ANG BABAENG PUTIK HAHAHA
Blanchyyyy #2
Chapter 1: Tangina di ko kinakaya to shet ahahahhaah YULSIC pa din talaga hahahaha
thisismarinelle
#3
Chapter 1: Putang ina! Ano tong nabasa ko? Wahahahhahahaha
tinajaque
#4
Chapter 2: Omg lakas ng tawa ko sa pabebe gurls generation!!!
94JeTi
#5
Chapter 1: First time may nabasa akong pure tagalog FF

medyo kaloka lang at parang gutom yung author nung sinulat nya to hahaha Y(^_^)Y

Pero laugh trip to kahit ang Random. Yung mama ko nakatingin na sakin. Okay Out.
kyojun
#6
Chapter 1: Tangina hahahahaha "Jay.Co!! Yes naman, sosyal kami eh hahaha swag" hahahaha
meelirpy #7
Chapter 1: "Seunggilas!!! Woooh!!! Puso!!!!!"

hindi ko kinaya toh.. hahahahahahahaha xD nice.
aigootaeyeonie #8
Chapter 1: Hahahaha! Ang astig. Hahahaha!! XD
teukie_is_mine13
#9
Chapter 1: ano yung nabasa ko :)))))))
tinajaque
#10
Hahaha langya katuwa naman to :)