Casa de Maomao

Casa de Maomao

Minsan talaga, ang hirap i-predict ng mga tao sa paligid mo. Hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kanila. Yung tipong kahapon magkabiruan pa kayo, pero ngayon... bakit ganito?

Hindi ko mapigilang humikbi habang inaayos ko ang mga gamit ko sa kwarto. Inaayos ko rin ang bag ko dahil gusto ko munang magpakalayo at umuwi samin sa Bacolod. Madilim na pero walang makakapigil sakin sa pagluwas. Uuwi muna ko. Hindi ko na kaya. Ano ba yan... nararamdaman ko na ang gutom. Pero ayaw kong kainin ang adobong may cucumber na specialty ni Taeyeon para sa gabing 'to. Ayaw ko. Ayaw.

Ay teka, ako nga pala si Jessica. Eighteen years old. y, maganda, matangkad. Wag na kayong kumontra. Hindi ko talaga mawari ang ugali ni Taeyeon. Minsan, isang linggo kaming nag-ulam ng sinangag na kimchi. Minsan naman, sorbetes lang sapat na daw. Gulong-gulo na ang isip at kalamnan ko kaya aalis muna ko ng dorm. Tutal, long weekend naman. Kaarawan kasi ng Kalihim Herenal ng UN na si Kimun Ban sa darating na Lunes.

Unti-unti akong nagtungo sa pinto ng dorm. Hindi na ko nag-atubili pang magpaalam sa walo ko pang kasamahan. Maiintindihan na nila ko. Hinawakan ko na ang door knob at tsaka opisyal na lumabas at nagbuntong hininga, "Paalam Casa de Maomao. Magkita nalang tayo sa Martes."

"Paalam," sagot naman ng pinto. Taengina napatakbo ako.

_

"DING DONG," sabi ng doorbell. Isang dalaginding ang dali-daling lumabas upang pagbuksan ako ng gate. Kapatid ko yun, si Krystal. Mas cute daw siya sakin pero payag ba ako? Syempre hindi.

"Ate Jessica? Ikaw ba yan?" tanong niya habang binubuksan ang gate.

"Ako nga. Bilisan mo naman."

"Bakit ka nandito? Akala ko bukas ka pa uuwi? Bukas ka na lang umuwi," suhestiyon ni Krystal na parang may nais iparating.

"Hello? Siraulo ka ba, nandito na ko papaalisin mo pa ko?" minsan may katok din tong kapatid ko eh.

"Haaay, bahala ka nga. O ayan, pasok." sabi ni Krystal nang mabuksan nya na nang todo ang gate.

"O anak, nandito ka na pala! Napaaga ata ang uwi mo?" mahigpit na yakap ang pagsalubong sakin ni Mama.

"Eh kasi naman Ma, ayoko ng ulam na niluto ni Taeyeon ngayon. Kaya umuwi na ko. Tsaka namimiss ko na rin ang luto niyo," matamis na sagot ko kay Mama. Sweet ko diba.

"Nako, ikaw talaga. Grabe naman pala. Sige nak, kumain ka na. Matutulog na ko ha? Pagod kasi sa trabaho. Goodnight," sabay halik ni Mama sa noo ko. Buti naghilamos ako bago umalis kaya hindi oily. Hihi.

"Okay Ma, goodnight." sagot ko tsaka ako dali-daling nagtungo sa kusina. Sobrang namimiss ko na ang lutong bahay. Ang hirap kasi sa pagdodorm, malayo ka na nga sa pamilya mo, puro fastfood pa ang pagkain. Kung di naman fastfood, lutong dorm na swertihan lang ang timpla. Kaya ngayon, masayang masaya talaga ko. Sa wakas, masisiyahan na rin ang tiyan ko. Malugod na malugod kong binuksan ang kaldero na buti nalang ay mainit-init pa.

"Wow, mainit pa ang ulam. Sarap nito," bulong ko pero mas nakakaiyak pa sa MMK ang nakita ko. Sinigang na may cucumber.

"Sabi ko sayo eh," hirit ng pangit na kapatid ko kaya nag-landing sa mukha niya ang takip ng kaldero.

_

Bumuka ang mga ulap. Ang araw ay sumikat. Ang mga ibon ay humuhuni. Isang panibagong araw na naman sa Casa de Maomao.

Sabado at walang pasok pero maaga akong nagising. Ako 'to, si Yuri. Baka hindi niyo ko makilala dahil bakas sa mga namumulang mata ko ang pangungulila habang nakaupo ako sa kasuluk-sulukan ng aming sala. Tahimik lang ako. Nakatulala. Nanghihina. Hindi nagsasalita. Makikita sa aking mga kamay ang isang pirasong mangga. Berdeng mangga. Hilaw na mangga. Hinahaplos ko ang mangga habang nakatingin sa kawalan.

Maya-maya ay dumadating si Sooyoung. Palapit nang palapit si Sooyoung.

"Ayun! Na sa'yo lang pala. Kanina ko pa yan hinahanap eh," sambit ni Sooyoung sabay kuha sa mangga na hawak ko.

Dahil nanghihina, wala akong nagawa kaya agad na nakuha ni Sooyoung ang mangga at dinala ito sa kusina. Pero nais ko na bawiin ito. Lalaban ako. Sa akin ang manggang iyon. Hindi ako papayag na kunin ng iba ang mangga ko. Labis labis na ang pangungulila ko sa mangga.

Sinubukan kong kumilos. Sinubukan kong tumayo sa aking mga paa ngunit ang lakas ko ay napawi kasabay ng mangga na nawalay sa aking piling. Kaya nang walang anu-ano'y natumba ako at napahiga sa kayumangging carpet ng aming sala. Hinang-hina na ang aking katawan.

Masayang masaya si Sooyoung habang nginunguya ang berdeng hilaw na mangga nang biglang bumukas ang pinto ng Casa de Maomao. Isang matangkad, payat, pero malaanghel na binibini ang pumasok sabay sabing, "Nandito na ko mga ate!!" Sino kaya yun? Ah, si Yoona pala.

"O Yoona, san ka ba galing?" tanong ni Sooyoung bago niya isawsaw sa bagoong ang hiniwang piraso ng mangga.

"Ah nagjogging lang ako sa labas. Wow mangga!! Penge!!" nanlalaki ang mga mata ni Yoona.

"Kumuha ka ng iyo! Sakin 'to eh." reklamo naman ni Sooyoung. Ang takaw niya, kinakain niya ang mangga ko. Huhuhu.

"Hmp, damot mo naman. Magbibihis na nga muna ako." dali-daling naglakad si Yoona papunta sa kanyang kwarto.

Ngunit napatigil siya sa may carpet.

"Ah!" sigaw ko. Nakalampas na siya dito sa carpet pero ayan, bumabalik siya.

"Ah!" muli akong napasigaw.

Tapak. "Ah!"

Tapak tapak. "Ah! Ah!"

Tapak tapak tapak. "Ah! Ah! Ah!"

Ta- "Ano ba Yoona......." tinapakan ako nang tinapakan ni Yoona habang nakahiga ako sa kayumangging carpet.

Gulat na gulat si Yoona. "ATE YURI??? IKAW PALA YAN!!! NAKO SORRY!!"

Lumuhod si Yoona at nakita ang dugo na lumalabas mula sa palasingsingan ko. Yun kasi ang tinapak-tapakan niya. Aray ko po. Huhuhu.

Dumadaloy palabas ang dugo na parang pula ng itlog. Agad namang humingi si Yoona ng tulong.

"Ate Panyang! Ate Panyang!!" tawag niya kay Panyang na kaisa-isang nursing student dito sa Casa de Maomao.

"Anong meron?" tanong ni Panyang na lumalabas mula sa kaniyang kwarto.

"Si Ate Yuri.... May dugo..... Hala....." nagpapanic na si Yoona. Ayaw kasing tumigil sa pagdaloy ng dugo ko. Lalong nakakapanghina.

"Sugat lang yan beh. Amin na, gagamutin ko," bumalik si Panyang sa kaniyang kwarto na parang may kukuhanin nang biglang, "AY SHET!! NAIWAN KO SA PAYATAS YUNG FIRST AID KIT KO!!!!"

"ANO??!?!?!!!?!? NAIWAN MO SA PAYATAS ANG FIRST AID KIT MO???!?!???!?" sigaw naman ni Yoona.

"OO!!!!!!!!!!!! NAIWAN KO SA PAYATAS ANG FIRST AID KIT KO!!!!"

"HALA!!!!!! PANO NA SI ATE YURI??!!!??!! LAGOT AKO!!!!!!!!"

"KALMA KA LANG YOONA!!!!!!!!! KALMA LANG!!!!!!!!!!!! PERO PROMISE, NAIWAN KO TALAGA SA PAYATAS ANG FIRST AID KIT KO!!!!!!!!"

"BAKIT MO INIWAN SA PAYATAS ANG FIRST AID KIT MO???!?!?!?!????!!!"

"HINDI KO INIWAN!!!!!!!!!! NA!!!! I!!!! WAN!!!!!!!!!!!"

"BAKIT MO NAIWAN??!?!??!!?!" KASI NAMAN EH!!!!!!!!"

"BAKIT KA NAGAGALIT??!!?! SINADYA KO BANG IWAN SA PAYATAS ANG FIRST AID KIT KO??!!!???"

"MAY SINABI BA KO???!!?? IKAW NGA YUNG GALIT DIYAN EH!!!!!!!"

"HINDI AKO GALIT!!!!!!!!"

"EH BAKIT KA SUMISIGAW???!!??!!!??"

"HINDI AKO SUMISIGAW!!!!!!!!!!!"

"SUMISIGAW KA!!!!!!!!"

"HINDI!!!!!!!!!"

"OO!!!!!!!!"

"HINDI NGA EH!!!!!!!!"

"OO KAYA!!!!!!!!"

"EWAN KO SAYO!!!!!! BAHALA KA DYAN!!!!!!" tumalikod si Panyang.

"MAS LALONG EWAN KO SAYO!!!!!!!! MAKAALIS NA NGA DITO!!!!!!!!!!" tinalikuran din siya ni Yoona.

"Haaaa...... ..... .. .. .." napakahinang sabi ko para maalala naman nila na nandito parin ako at sugatan.

"YURI!!!!!!!!!" sigaw ng dalawa.

"Ate Yoona, Ate Panyang, anong problema? Bakit ang ingay niyo?" tanong ng pinakabata sa aming lahat na si Seohyun habang humihikab. Kakagising niya lang siguro. Ang baho ng hininga eh. Amoy ko dito habang nakahiga ako.

"Eto kasing si Yoona. Tinapakan si Yuri." sumbong ni Panyang.

"Sinasadya ko ba?!" sambit ni Yoona.

"Ate Yoona Ate Panyang wag kayong mag-away......." sabi ng mangiyak-ngiyak na si Seohyun.

"Okay so anong gagawin natin? Wala nga akong first aid kit." tanong ni Panyang.

"Cardiopulmonary resuscitation????" suhestiyon ni Seohyun. Ulol lang? Nawawalan na ko ng dugo, tapos CPR??

Sabay siyang inirapan nina Yoona at Panyang.

"Sabi ko nga dalin nalang natin sa ospital. Tawagin ko lang si Ate Taeyeon." mahinahong sabi ni Seohyun.

Dali-daling nagtugo si Seohyun sa silid ni Taeyeon. Sa pagkakaalam ko, nakikinig yun ng musika habang nginunguya ang ininit na adobong may cucumber na niluto niya kagabi. Ganun naman siya palagi.

"Ate Taeyeon."

"..."

"Ate Taeyeon......."

"..."

"A. TE. TAAAAAEEEEEEEEE YEON!!!!!!!" sigaw ni Seohyun pagkatapos tanggalin ang earphones na nakasaksak sa walkman ni Taeyeon.

"Bakit Seohyun? Ano na naman problema mo?" tanong ni Taeyeon.

"Si Ate Yuri po, dalin natin sa ospital!" sagot naman ni Seohyun.

"Ha??? Bakit??? Anong nangyari???" napatayo si Taeyeon sa kinauupuan. Siya ang nagsisilbing leader namin dito sa Casa. Tutal, siya naman ang pinakamatanda.

"Eh kasi-" hindi na natapos ni Seohyun ang sasabihin dahil nagmamadaling lumabas ng kwarto si Taeyeon pagkatapos kunin ang susi ng sasakyan.

"Nasan si Yuri? Tara dalin na natin siya sa ospital!" sigaw ni Taeyeon habang papalapit siya kina Yoona.

"Teka sandali!" sigaw naman ni Panyang.

"Bakit? Akala ko ba kailangan na siyang dalhin sa ospital?? Tara na!!" sabi ni Taeyeon habang papalapit kina Panyang.

"ARAY!!!!!" sigaw ko. Natapakan naman ako ni Taeyeon. Ano ba yan, bulag ba sila??? Bakt di nila ko napapansin dito sa carpet???

"YURI?????? NAKO SORRY!!!!!!" paumanhin ni Taeyeon, "Kayo naman kasi, hindi niyo sakin sinabi!"

"Hello? Ayaw mo kaya papigil." sagot naman ni Panyang na nakapamewang.

Nagmamadali nila akong dinala sa ospital upang magamot ang mga sugat ko.

-KINABUKASAN-

"GOOOOOOOOD MORNING SUNSHINE!!!!!!!" sigaw ko!!! Sabi nila mukha daw akong dwende. But no!!! Dalaga na ako no!!! Sunny ang pangalan ko. Ako ang pinakacute dito sa Casa de Maomao. Maliit nga pero y naman. Parehas kami ni Jessica hahaha lam nyo na....

Agad akong nagtungo sa silid ng aking mga kasamahan upang gisingin sila, Araw ng Linggo kaya kailangan naming gumising nang maaga para makapagsimba.

"Toktok," katok ko sa pinto ni Hyoyeon.

Toktok. Toktok. Toktok.

"Enebeeeeeeeee," reklamo ni Hyoyeon habang binuksan ang pinto.

"Linggo ngayon, ano ba! Simba simba din pag may time! Lalo ka na," pang-aasar ko sa laki sa layaw (jeproks) na si Hyoyeon.

"Ekskyusemwah madmwasel?? May problema ka ba sakin ha?!" tanong ni Hyoyeon. Yabang nito, palibhasa may subject na French.

"Oo!! Kelan mo ba ko ifofollow back sa instagram? Senpai ka ba ha?!" grabe 'tong si Hyoyeon. Hanggang ngayon di parin ako finofollow back sa instagram. I thought we're friends???? Ayan napapa-english tuloy ako.

"Bakit ba? Ayaw kita ifollow eh." sabay irap niya. Talaga nga naman.

"Bahala ka, ihahack ko instagram mo." mwahahaha kala niya ha.

"Hah! As if naman alam mo yung password," natatawang sabi ni Hyoyeon.

"T-A-R-A-N-T-A-D-O~~~" pakanta kong binigkas ang mga letra. Nakita ko dati yung password niya nung ginawa niya yung instagram niya mwahahaha ang tanga kasi hindi tinakpan.

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon. "HOY!! PANO MO MALAMAN????"

Susunggaban na sana ako ni Hyoyeon ngunit subalit datapwat dali-dali akong nakatakbo papasok sa kwarto ni Sooyoung. Mwahahahahaha.

Samantala...

"Akoooooooo'y isang sirenaaaaaaaaa~ Kahit anong sabihin nila bandera ko'y di tutumbaaaa~" sabay naming kinanta ni Yuri.

Haaaaay. Buti nalang nadala namin siya sa ospital kahapon. Nakaligtas siya sa impeksyon. Wew. Nagpakilala na ba ako? Ako si Taeyeon. Ang leader dito sa Casa de Maomao. Parang selda diba, may leader hahaha. Sabi nila ako nalang daw leader kasi ako daw pinakamatanda. Pero baby face kaya ako. Mas matanda ang itsura ni Jessica. Hahaha secret lang natin to wag niyo akong isumbong sa kanya. Nakakatawa talaga siyang asarin. Hehehe. Pero lab ko naman silang lahat. Parang mga kapatid ko na sila eh.

Kumakanta at nagrarap kami ni Yuri ngayon. Favorite namin tong gawin eh. "Pag sinabi kong Bak, sabihin nyo La! BAK!!"

"LA!!" sigaw ko.

"BAK!!!"

"LA!!!"

"BA-"

"BABAKBAKIN KO MGA MUKHA NIYO!! ANG AGA-AGA ANG INGAY NIYO," sigaw ni Sooyoung. Sus. Gutom lang yun.

"Walang pagkain dito. Nandun sa kusina. Kumain ka na." sabi ko sa kanya para umalis na siya at makakakanta na ulit kami ni Yuri.

Effective haha, takbo siya papunta sa kusina.

"Drum na may tubig, ang sinisisi-"

"NILOLOKO MO BA KO?? WALA NAMANG PAGKAIN DUN EH. KAHIT SA REF WALA NA." sambit ni Sooyoung na galit na galit.

"Ha??? Wala na?? Nagluto ako kanina ng meatloaf ah." sabi ko. Sino kaya ang umubos?? Baka si Jessica?? Hahaha joke. Umuwi nga pala siya nung Biyernes haha nayamot siguro sa adobong may cucumber ko. Sarap kaya nun. XD

"Si Hyoyeon ang umubos, nakita ko kanina." sabi ni Yuri. Ay nako si Hyoyeon talaga... siguro hindi yun kumain kagabi. Puro kasi party ang inaatupag.

Tinawag ko silang lahat at tinipon sa sala. Sinigurado kong mauupo si Yuri sa sofa at hindi sa carpet. Mahirap na.

"Dahil wala na tayong pagkain, mag go-grocery tayo," sabi ko sa kanila.

"YEHEY!!!" sabay na sumigaw si Sooyoung at Yoona, aka PG1 at PG2 ng Casa de Maomao.

"Sino ang mga sasama??" tanong ko.

"Ako!!" sabi ni PG1 at PG2. As usual sila ang nangunguna sa ganitong mga topic.

"Ako din." sabi ni Panyang.

"Sama na din ko," sabi ni Hyoyeon.

"Okay. Sunny, Seohyun, Yuri, kayo ang maiiwan. Behave lang ha. Seohyun, bantayan mo mga ate mo." paalala ko.

"Okay Ate Taeyeon!"

_

E0w xENyUh mH4dL@n6 fiiF0L !! sTepH@NiiEh iir xD oNd@Weii nUaH cKAm1h xszAh sZUpfEr m4RcKeT !! harHars x-))) k@xAmAh q0h ciiLa-

SHOCKS!!!!! PANYANG MANAHIMIK KA NGA!!!!!!!

Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Sana hindi sumakit ang ulo niyo. Haaay. Ako nga pala si Sooyoung. Forever young. Hihi. Maraming nagsasabi sakin na maganda daw ako. Well hindi ko na ipagkakaila dahil kitang-kita naman. Kahit saang anggulo, kumikinang ang ganda ko.

Kung itatanong niyo ang beauty secret ko eh wag na kayong mag-abala, dahil wala akong sikreto. Paggising ko ganito na talaga ako kaganda. Effortless kumbaga.

Sa aming siyam, ako ang pinakamaganda at pinakamatangkad. O diba, beauty queen ang peg. Korona nalang talaga at flowers ang kulang. Walang binatbat sakin yang mga yan, lalo na si dwende. Ay joke, Sunny pala. Hohoho. Kahit malaki yu--

TALAGA NGA NAMAN. SABI KO NA NGA BA YAN LANG ANG IPAGSASABI MO. AKO NA NGA LANG ANG MAGSASALITA.

Ehem ehem...

Hi!!! Ako si Yoona! Nice to meet you!!!!

Ugh... ano pa ba? Hehe. Wala na kong masabi. Hehehe. Sige na nga, ikaw nalang Ate Hyoyeon!!!

Nice. What im doing? Lol. Im so exciting to go shopping!!! Lol. Eto na, nandito na kami sa supermarket. Bibili kami foods haha dadalin namin sa condo hahaha.

"Okay, start tayo sa veggies. Ano gusto niyo?" tanong ni leader.

"Ampalaya!!!" sabi ko haha bitter ako eh. Dapat nasa club kami ngayon ni bestfriend Min. Kaso di kami natuloy tsk.

"Okay, kuha tayo ng amapalaya." aba pumayag naman si taengtaeng. Hahaha walis taengtaeng.

"Cukhunber!!!!!!" sigaw nitong si Panyang. Cukhunber daw?? Cucumber kaya, hahaha baliw ba yun.

"Anong cukhunber?? CUCUMBER!!!!" sabi naman ni Sooyoung. Basta pagkain, alam na alam nun.

"Cukhunber yun. Ayaw niyo ba ng cukhunber?" tanong ni Panyang.

"Ayaw ni Ate Jessica nun eh." paalala naman ni Yoona.

"Oo nga, ayaw ni bff jess ko ng cucumber. Tara bilhin natin," sabi ko hahahaha pang-asar lang XD

"Sige," lol isa pa tong si Taengtaeng. Hilig asarin ang bff ko.

"Tara mga Ate, dun na tayo." turo ni Yoona dun sa may kabilang section.

"Ayan gusto ko yan!!! Bacon," ngiting-ngiting sabi ni Taengtaeng. Nagiging favorite niya na ata ang bacon ah??

"Sige beykhun!! Masarap yan!!" sabi naman ni Panyang. Beykhun??? Ano yun??? Hahahahaha ano bang lenggwahe nito??

"Bacon beykhun whatever. Tara dun tayo!! Gusto ko ng kyunghopia!!" sabay takbo ni Sooyoung dun sa mga tinapay.

"Kyunghopia?? Meron ba nun??" narinig kong tanong ni Yoona habang papalapit ako sa kanila.

"Oo naman. Favorite ko kaya yun." sagot naman ni tangkad.

"Okay."

Pagkatapos mamili, nandito na kami ngayon sa Jay.Co!! Yes naman, sosyal kami eh hahaha swag.

Ang haba ng pila dito sa Jay.Co haaaay tusukin ko mga mata nila eh. Kaso ayoko sa police station pangit mga tao dun.

Aaaaaat eto na nga, after 1000 yrs nakabili na kami sa Jay.Co. Naglalakad na kami sa mall papunta sa parking lot nang biglang, "WOW!!!! SEUNGGILAS!!!!" sigaw ni Yoona nang makita niya ang poster ng Seunggilas.

"Uy dali!!! Picturan niyo ko dito!!" sabi niya sabay pose dun sa poster. Pinicturan naman siya ni Panyang the Photographer.

"Yoona bakit ka nagpapicture dun?" tanong ni Sooyoung.

"Grabe, favorite basketball team ko yun eh. Seunggilas!!! Woooh!!! Puso!!!!!" sigaw ni Yoona habang naglalakad.

"Ewan ko sayo," sabi naman ni Sooyoung.

_

Sa wakas!!! It's me Seohyun at ako na ang mag-p-POV. Hihihi pero haaaaaay, ang tagal naman ng mga ate ko maggrocery... Baka nanuod na sila ng movie? Ang daya, di kami sinama. Hmp. Kaltukan ko sila isa-isa eh.

OOPSSSS JOOOOOOKEEEE. Nako Lord di ko po sinasadyang masabi yun patawarin niyo po ako. Huhuhu. Bored lang talaga ako. Haaaaaaaay ano kaya binili nila?? Sitaw?? Bataw?? Patani??? Wow saraaaap. Excited na ak--

*DING DONG*

Errr sila na kaya yun?? Bubuksan ko na ang pinto.

"Ako na ako na ako na!"

Pero ayun naunahan ako ni Ate Sunny... Ang bilis talaga niya tumakbo.

"We're hooooommmmeeee!!!!" sigaw ni Ate Panyang.

Hihi. Kahit kailan talaga, ang lakas ng boses niya.

"Haaaay kapagod," sabi ni Ate Sooyoung sabay higa sa sofa.

"Napagod ka kakakain?" tanong ni Ate Yuri.

Ayan, mag-aasaran na naman sila.

"Bakit, inggit ka noh? Wala kasing pagkain dito. Lol," ganti naman ni Ate Sooyoung.

Nako, kailangan nang pigilan 'to.

"Mga Ate..... .. stop na po. Ano po ba mga binili niyo?" tanong ko para maiba na ang topic.

"Ah, eto--"

Ipapakita na ni Ate Taeyeon ang mga pinamili nila nang biglang may sumigaw mula sa pintuan.

"I'm home!!!!!!!!!" si Ate Jessica?? Akala ko bukas pa siya luluwas dito??

"JESHIKA!!!!!!" sigaw ni Ate Yuri. Wow naman. Ang cute talaga nilang mag-bestfriend. Ayan oh, ni-hug pa ni Ate Yuri si Ate Jessica. Hihi. Cute ng mga ate ko, noh?

"Oy bff," bati naman ni Ate Hyoyeon kay Ate Jessica tapos nag-fist bump sila. Yun ba yung tawag dun? Oo yun ata. Medyo di ko naintindihan nung sinabi sakin ni Ate Hyoyeon eh.

"Ano yang dala mo??" tanong ni Ate Sunny kay Ate Jessica.

"Ah eto," sabay kuha ni Ate Jessica sa malaking tela na nakarolyo, "carpet 'to. Pinadala sakin nila Mama. Sabi nila palitan na daw natin yung carpet natin. Baka daw madumi na eh."

"TAMANG-TAMA!!!!!!" sigaw ni Ate Taeyeon.

"Bakit naman??" tanong ni Ate Yoona.

"Uhmmmm..." sabi ni Ate Taeyeon sabay tingin kay Ate Yuri.

"AAAAHHHHHHHHH OKAY," sabay tawa nang malakas sina Ate Yoona, Ate Panyang, at Ate Taeyeon. Tapos si Ate Yuri naman, naka-pout.

Anong meron??????? Di ako makarelate. Ang sad naman...

Anyway, dahil naka-move on na sila sa kakatawa at nakalatag na ang bago naming carpet (kulay yellow na siya wooooow ang ganda), may naisip ako!!

"Mga Ate!!!!!! Movie marathon tayo!!!!!!!" tuwang-tuwang sabi ko.

"Sure!!!!!!" sabi ni Ate Jessica. Ang lakas ko talaga sa sa kanya. Hihi kahit minsan awkward kami... ayaw ko kasi ng laro niya eh.. titigan?? Ang boring naman maglaro ng titigan.... pero love ko parin naman si Ate Jessica. Love niya din ako eh. :D

"Sige goooo!!" sabi naman ni Ate Sunny. Syempre hindi pahuhuli yun. Ang cool kaya ng Ate Sunny ko. :D

"Ako na ang magluluto ng popcorn!" sigaw naman ni Ate Taeyeon. O diba? May chef kami dito hehe. Alagang-alaga kami kay Ate Taeyeon. :D

"Juice gusto niyo?" tanong naman ni Ate Panyang. Yan ang Ate Panyang ko. Ang bait bait. Kahit minsan akala ko nagagalit siya kasi ang lakas kasi ng boses niya eh. Pero love niya daw ako. Kaya love ko din siya. :D

"Sagot na namin ang paglantak sa foods hahahaha," sabi naman ni Ate Hyoyeon habang tinuturo sina Ate Sooyoung, Ate Yoona, at Ate Yuri. Hehehe ang cute cute nila. Nakahilata na sila sa sofa. Kahit minsan lang sila kumilos eh love na love parin namin sila. Sagot nila lagi ang jokes hahaha ewan feeling ko jokes yung sinasabi nila kasi tumatawa yung mha ate ko eh kaso di ko magets minsan eh.... Pag tinatanong ko naman kay Ate Taeyeon kung ano ibig sabihin ng joke na yun ayaw niya sabihin... Aigoo.

Pero ang bottomline, eto kami ngayon. Siyam na mga babaeng sama-sama sa iisang bubong. Masaya, nagdadamayan, at hindi nag-aatubiling magtulungan. Lahat ng problema, nalulutas basta't sama-sama. Nag-aasaran man pero kinabukasan, kapatid parin ang turingan.

Dito. Dito sa Casa de Maomao, nabuo ang aming samahan. Ang apat na pader ng tahanang ito ang saksi sa lahat. Lahat. Lahat-lahat. Katatawanan, iyakan, sampalan, bugbugan, titigan, at marami pang iba. Dito kami nagsimulang mangarap habang nag-aaral sa kolehiyo. Dito din namin ito tatapusin pero ang pagkakaibigan, hinding-hindi bibitawan.

Ang drama ko na po ba? Hehehe. O pano, bye na po! Manonood na kami ng movie. Hihihi. :D

The end!!!!!!! Love, Seohyun!!!!!!!!!! :D:D:D

.

.

.

h3p h3p h3p !! m4nUnu0d nU4H kH@mii n@n6 m0viiE !! y1kEsz !! eGgz0iTeeD !! haRH@Rz .. An6 t1tLe nG m0v--

Panyang, bumalik ka na dun sa upuan mo. The end na nga daw sabi ni Seohyun diba? Ipaubaya mo na sa akin itong Epilogue.

p3R0--

Wala nang pero pero. Upo.

Hehe. Medyo pasaway si Panyang, ano? Pero kahit ganyan yan, maiintindihan niyo rin siya. Kaya patuloy ko siyang binibigyan ng sapat na kalinga.

Ganun din naman ang natitirang walo. Minsan makulit, minsan pasaway, pero sa bandang huli, masunurin at magaling ang mga iyan. Kaya hindi ako nagsisisi na pinatira ko sila sa Casa habang nag-aaral sila sa kolehiyo.

Napamahal na sa akin ang siyam na mga dalagita. Para ko na rin silang anak. Pero ngayon, *ubo* *ubo* tumatanda na ako, kaya--

"Tito Sooman, inom na po kayo ng gamot." tinatawag na pala ako ni Youngmin. Pano ba yan, magkita nalang tayo sa susunod. Paalam!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
nakotan
#1
Chapter 2: YURI ANG BABAENG PUTIK HAHAHA
Blanchyyyy #2
Chapter 1: Tangina di ko kinakaya to shet ahahahhaah YULSIC pa din talaga hahahaha
thisismarinelle
#3
Chapter 1: Putang ina! Ano tong nabasa ko? Wahahahhahahaha
tinajaque
#4
Chapter 2: Omg lakas ng tawa ko sa pabebe gurls generation!!!
94JeTi
#5
Chapter 1: First time may nabasa akong pure tagalog FF

medyo kaloka lang at parang gutom yung author nung sinulat nya to hahaha Y(^_^)Y

Pero laugh trip to kahit ang Random. Yung mama ko nakatingin na sakin. Okay Out.
kyojun
#6
Chapter 1: Tangina hahahahaha "Jay.Co!! Yes naman, sosyal kami eh hahaha swag" hahahaha
meelirpy #7
Chapter 1: "Seunggilas!!! Woooh!!! Puso!!!!!"

hindi ko kinaya toh.. hahahahahahahaha xD nice.
aigootaeyeonie #8
Chapter 1: Hahahaha! Ang astig. Hahahaha!! XD
teukie_is_mine13
#9
Chapter 1: ano yung nabasa ko :)))))))
tinajaque
#10
Hahaha langya katuwa naman to :)