{two}

The Baeklita I love

{chapter two; inay, wag mo akong tanungin}


*Alarm mo ito gaga~ Alarm mo ito gaga~ Gumising ka na gaga~ Gumising ka na gaga*

"Uuugh. Ang ingay, naka nang bwiset eh" Reklamo ko nang nag-alarm ang napaka ingay at napaka walang kwentang alarm clock sa buong mundo. Hindi ko alam sang lupalop nakuha ni Byun Baekhyun ang alarm clock na ito. Bigla na lang niyang pinasa at sinet as an alarm clock ko sa cellphone ko. Ayun tuloy, nung narinig ni Mama at Papa one time, pinalayas ako at pinapunta akong galaxy. Dejoke! Ayun, nagreklamo din dahil sa sobrang ingay na nga, puro mura pa. 

"Ay ! 30 minutes na lang, ano ba yan!" Bigla akong napatayo sa kinakahiga ko nang nakita ko lang namang 30 minutes late na ako sa lakad namin ni Baekhyun! At dahil dun, dali dali akong umarangkada sa banyo at naghubad ng damit ko sabay naligo na rin ako. Nagmake up ng onti, retouch here, retouch there, retouch everywhere. Ang ganda ko talaga! Mas maganda pa talaga ako kay Baekhyun eh.

Pero before that, syempre nag upload muna ako ng #OOTD ko sa Instagram. Ang ganda ganda ko tapos di ako magpipicture? Nako, para san pa ang porma ko kung di ko rin naman ipapakita sa mga tao diba? Imaginin niyo na lang na nakadenim vest ako tapos may dress sa loob. After of mini photoshoot, bumaba na ako para magbreakfast.

"Oh? Saan ka pupunta ineng at pormang porma ka dyan?" Tanong ng nanay ko pagkababang pagkababa ko habang naglalatag ng mga pagkain sa lamesa. 

"Eh nay, alam mo naman si Baekhyun, lagi kaming umaalis" Sagot ko sakanya tapos umupo na rin ako sa upuan. At naglagay ng bacon sa plato ko. Hayy hanggang bahay ba naman andito pa rin ang presence ni Baekhyun? Tinatanong niyo ba kung bakit bacon ang ulam namin eh wala naman kaming pera? Mayaman kami pagdating sa pagkain. Dejoke! Eh aba, ngayon lang yan. Ngayon lang yan kasi nasa fanfic ako para sosyal daw.

"Hay nako naman anak. Halos weekly yan ah. Namumulubi na tayo. Nagstop ka na nga sa pag aaral, lagi ka pang naalis at nagala kasama yang si Baekhyun" Napatingin ako dun sa sinabi niya. May point si nanay. Nakakahiya na kasi minsan na gumala kasama si Baek dahil kadalasan sakanya ang gastos. Tumigil na nga ako sa pag aaral, eh gala pa rin ako ng gala. Wala naman kaming pera. 

"Ewan ko ba 'nay. Ayos lang sakanya na gumala kahit libre niya. Ayoko namang bawasan yung ipon ko, alam niyo naman para sa gamot mo yun 'nay" Si nanay kasi may sakit. Kaya ayun, dahil dun, housewife na lang siya dahil pinatigil na siya ni papa. Sweet eh no? Ayun, yun rin yung reason kung bakit ako natigil sa pag aaral. Yung kapatid kong si Marie, nag aaral sa private. Napaka arte ba naman kasi, ayaw niya sa public. Sosyal daw eh. Kaya ayun, ako na lang pinatigil.

"'Nak, may tanong ako sa iyo" Napatigil ako sa kinakain ko at napatingin ako sakanya.  "Ano yun 'nay?"

Napalapit ang mukha sa akin ni nanay habang ang mga kamay niya ay nasa bewang na para bang manenermon. Ang mukha niya ay puno ng curiousity. "Bakla ba si Baekhyun?" Nung narinig ko yung mga words na yun di ko maiwasang mabilaukan eh tapos yung mukha ko di ko sure kung nandidiri o ano eh.

"Ma, no comment, ma" Sagot ko sakanya na para bang may pinandidirihan tapos ewan ko ba, di ko din maexplain! 

"Tss. Bading ata yun eh. Ang lambot kasi niya eh tapos sobra pa makaporma!" Sabi ni nanay tapos sabay talikod sa akin para kumuha pa ng kanin. Paano kasi, parang Mang Inasal lang dito samin, 10 minutes lang, extra rice again! Again and again!

"Bahala siya 'nay" Tumayo na ako sa kinauupuan ko para ilagay ang mga plato ko sa lababo tapos nagtoothbrush na din ako. 

"Alis na me, ma" Sabi ko sakanya sabay kiss sa cheeks. Tapos inabot niya ang P75 sa akin. Okei ba? 75pHp lang talaga kaya niyang ibigay sa akin eh. Pero okay lang, libre naman ni Baek.


{ Author's Corner }

Hi guys! So kung naboringan kayo sa chapter one, aba, mas lalo naman dito. De joke lang powszx. Medyo short ba? Para sa akin kasi ang haba na niya eh ;_; Kaya cinut ko hanggang dito. This chapter is supposed to be the day na kasama na niya si Baekhyun pero sa next chapter na lang yun kasi mahaba na eh. 

If you have any suggestions, criticism, or reklamo o kahit ano pa man yan, just leave a comment below and I'll try to reply you as soon as I read your comment. Ciao! Talk to you next chapter!


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sehoonlovee #1
i'll start reading now, i can't wait to read it~~~